***************JONIE:AFTER ONE YEAR:Pagkatapos nyang manganak sa London ay bumalik na agad sya sa America para mag trabaho.1 week palang sya sa America ay sumabak na agad sya sa trabaho dahil finally ay ilo-launch na nila ang Miller Steel sa Pilipinas next week! Pabalik-balik ang Papa nya sa Pilipinas dahil sa pag-aasikaso nito. Hindi muna cya nito ginambala habang nasa London cya, ang gusto ng papa nya ay manganak cya ng matiwasay at walang iniisip na ano mang problema tungkol sa kompanya. Ang mama nya at si Bebe ang kasama nya sa London pero sumunod ang Papa nya noong araw ng pag panganak nya para magsupport sa kanya. Tuwang-tuwa ang Papa nya ng makita nito ang apo. Lalaki ang anak nya, kamukha ng ama nitong si Ken. Hindi maipagkakaila na anak ito ni Ken dahil kuhang-kuha nito ang mukha ng ama... ang mga kapal ng kilay, ang tangos ng ilong at ang mga mata nito ay kuhang-kuha kay Ken. Halos wala nga nakuha na physical features sa kanya ang anak nya! So unfair!... sya ang nagdal
***************KEN:Nasa isang sikat na coffee shop sila ni James at Clark. Linggo ang araw na yun kaya wala silang trabaho. Pagkatapos nilang mag gym ay dumiretso na sila ng coffee shop."Balita ko dumating na si Ava bro ah? Tuloy na ba ang kasalan.?" Tanong ni James sa kanya.Napabuntong hininga lang sya.. Dumating na si Ava galing US. 1 year din ang tinagal ng nobya doon pero hindi man lang ito nangamusta sa kanya kahit minsan, kaya sigurado cyang hindi talaga cya nito mahal at may motibo lang ito kung bakit gusto nito magpaksal sa kanya. Simula ng dumating ito ay hindi rin ito nangungulit tungkol sa kasal nila kaya nag papasalamat sya doon. "Hindi pa kami nagkita pero tumawag na sya sakin..." simpleng sagot nya sa kaibigan."So makakatikim ka na naman nito Bro? Ang balita ko hindi ka na nambababae ah! Ganun ka ba ka-loyal kay Ava?... hahaha" Wika naman ni Clark pero alam naman ng mga ito na hindi si Ava ang dahilan kaya wala na cyang ganang mambabae. Tiningnan nya ng masama a
***************JONIE:MILLER STEEL CORPORATION LAUNCHING PARTY:Nasa Okada Hotel na sila nag check--in na magpamilya. Ilang oras na lang ay mag start na ang launching party nila. Kinakabahan sya dahil baka may makakilala sa kanya doon. Hindi naman sa nagtatago cya... iisang tao lang naman ang ayaw yang makita at makita cya.... si Keneth Enriquez!Nasa isang kwarto sya, ang Mama nya at Papa nya ay nasa isang kwarto din. Si Gray ay nasa kay Mama nya, ayaw nito ibigay ang anak nya dahil baka malaman daw ng iba na may anak na sya. Tinatago pa naman nila ang sekretong iyon. Hindi nila ilalabas si Gray sa kwarto mamaya, iiwan lang nila ito sa mga yaya, babalikan nya nalang pagkatapos ng party nila. Kailangan cya doon makipag halubilo sa mga bisita dahil cya ang mamahala ng Miller Steel Corp sa Pilipinas at saka ipakikilala na din cya ng Papa nya mamaya sa buong business world na sya ang ng-iisang anak nito. Hindi pa kasi alam ng iba na may anak na si Gregore Miller... ang alam ng mga ito
"Hey bitch!" Narinig nilang may tumawag sa kanilang bitch na dalawa ni Fe. Malamang ay namukhaan na sila ni Ava. Nagpanting ang tenga nya... hindi nya hahayaang tatawagin cyang bitch!.. nobody!... lalo na at party nya iyon!Hinarap nya ang nagsalita... it was Ava. Nakangising lumapit ito sa kanila, hawak-hawak pa din ito kay Ken. Hindi sya tumitingin kay Ken, ang atensyon nya ay kay Ava na tinawag silang bitch. Si Fe naman ay hinawakan sya sa kamay para pigilan sya."Wag mo ng patulan... baka magkagulo pa dito at magalit ang Papa mo..." Bulong ni Fe. Tila nahimasmasan naman cya. Oo nga naman, matagal na itong pinaghandaan ng Papa nya, hindi nya hahayaan na sirain lang ito ni Ava... hindi cya magpapakababa sa level nito. Akmang tatalikod na ulit cya ng bigla cyang hinatak ni Ava paharap. "What are you doing here bitch?Nagsama pa talaga kayong dalawa?" Nanlilisk ang mata nitong palipat lipat sa kanila ni Fe."Ava stop it!" sigaw ni Ken sa nobya. "Why? These bitches are nobody!" Tuma
"What did you say kumpadre?" Muling tanong ni Gilbert sa kaibigan. "You heard it right... she is my long lost daughter. Mamaya ko pa sana ipakilala ang anak ko pero bakit parang may kumpulan dito and this girl is making a scene?" Tiningnan nito si Ava na puno ng awtoridad. Biglang nanliit si Ava, hindi ito makatingin ng diritso sa Papa nya. "And who are you calling my daughter a whore? Are you invited here?" Tanong ni Gregore kay Ava. Hiyang-hiya si Ava dahil ito naman ang pinagtitinginan ng mga tao. "Ahm Sir Gregore, sya po ang model sa ads natin..." Sagot ni Fe sa tanong ng Papa nya. "I've seen the ads pero hindi ko naman cya nakita doon!" Muling tanong ulit ni Gregore. "Ahm Sir... maliit lang po ang part nya doon sa ads kaya baka hindi mo cya napansin." Nakangising paliwanag ni Fe saka tiningnan si Ava. Muli naman napahiya ang dalaga. Pakiramdam tuloy ni Fe ay nakapag higanti na din sya kay Ava. "Maliit lang pala na part... so bakit ganun nalang cya kung panlait sa anak
"Hi wifey..." Nagulat si Jonie ng makita syang naghihintay sa labas ng CR. Malamang hindi sya inaasahan nito doon. "Who are you?" maang-maangang tanong ni Jonie... ngumiti cya ng nakakaloko. "Ako lang naman ang asawa mo na tinakbuhan mo." "Why? do you think I love to stay?" Pilospong ding sagot nito. Nakikipagtigasan na ito sa kanya. Hindi na ito ang Jonie na submissive sa kanya...napakataas na nito. Lumambot ang mukha nya... "Wifey, please can we talk in private?" "Don't call me that Ken! Matagal na tayong wala kaya wala kang karapatan na tawagin akong ganyan!... Baka may makarinig sayo!" "Hindi pa tayo naghiwalay.. nilayasan mo lang ako kaya hindi ako nakapag paliwanag sayo." "That is because pinili mo si Ava over me! Alangan naman na mag stay ako! You don't deserve my love Ken! I gave you everything pero sinayang mo lang! Now that I've moved-on sana ay mag move-on ka na din." Mahina pero may diin na wika ni Jonie sa kanya. "I'm sorry for the the things I've said... na
"Clark... can you remind Jonie here na kasal kami!" Biglang singit niya sa usapan ng tatlo. Hindi na nya matiis ang pambabalewala nito sa kanya. "Ken!.. why are you being a jerk?" Saway ni Clark. "Kakakita nyo palang... pwede bang ipagpaliban nyo muna yan? Pwede bang magsaya muna tayo ngayon?" saway ni Clark. "No, Mayor its ok..." singit ni Jonie sa sinasabi ni Clark. "Pakisabi na din sa kaibigan mo na ang pinakasalan nyang si Maria Leonora Gomez, no longer exist dahil ako na si Maria Leonora Miller. Pinalitan na ng Papa ko ang apelyedo ko sa America so techically I'm not married to him... and hindi nya na ako hawak sa leeg na katulad ng sinasabi nya na bayad nya ang pagkatao ko... I paid him already before I went to the US. I deposited 10 million pesos to his account. PLease do check!.." wika ni Jonie, hindi cya direktang kinausap nito pero nilalakasan nito ang boses para marinig nya. Hindi cya nakasagot sa sinabi nito. Totoo ba ito? Hindi pa man cya nahuma ay tinalikuran na ulit
**************** JONIE: SHIT! Sigaw nya sa isip nya. Eto na nga ba ang kinakatakot nya... ang muling pagkikita nila ni Ken. For almost a year ay hindi pa din sya lubusang naka move-on dito. Akala nya ay okay na cya, akala nya ay kaya na nya.... hindi pa din pala. Pigil nya ang luha... Pinilit nyang maglakad ng diritso pero pakiramdam nya ay matutumba na cya. Nawawalan na cya ng lakas dahil kanina pa sya hinang-hina sa paulit ulit na pagtatagpo nila ni Ken. Bakit kasi lagi itong nakabuntot sa kanya? Hindi ba nito naramdaman na ayaw na nya ito makita? Di ba nito alam na sa tuwing lalapit ito sa kanya ay lalo cyang nasasaktan? Bakit kasi hindi nalang cya haayan at mag move-on na sila ng matiwasay?Sa pagkakaalam nya ay ang mga kaibigan nitong si James at Clark lang ang nakaka alam ng kasal nila, at ganun din sa kanya... si Fe at Bebe lang ang pinagsabihan nya. Madali lang mag move-on kung wala masyadong nakakaalam ng tunay na relasyon nila. Ano ba kasi ang ibig nitong patunayan? na k