"Of course, Vice. Naalala kita." diretsahang wika ni Clark. Hindi nito pinansin ang pang iinsulto ng pangalawang alkalde."Dapat ay nagpahinga ka na muna nang tuluyan hanggang sa gumaling ka. Ano na lang ang magiging epekto nito sa lungsod natin kung hindi mo naman naaalala ang lahat? Kaya nga andito ako para maging acting mayor habang wala ka, di ba""Salamat sa pag-aasikaso mo, Vice, habang wala ako. Pero bumalik na ako ngayon. Ako na ulit ang mayor sa lungsod." Mahinahon lang ang pagsagot ni Clark dito. Matatalim ang tingin na pinukol ni Vice kay Clark. Halatang napikon ito dahil hindi apektado si Clark sa pang iinis nito. "At paano mo gagawin 'yan kung wala ka pang naaalala?""Andito naman ang sekretarya kong si Hazel at si Fe..." sambit ni Clark saka muling hinawakan ang kamay niya."Oh, look who's here? The other woman of the mayor!" Wika nito saka ngumisi sa kanya. "Iha, alam mo naman siguro na kasal si Mayor sa anak ni Gov. Santiago, 'di ba? Hindi pa sila tuluyang hiwalay ka
“Dapat kasi nagpa-presscon ka, Mayor! ... saka isiwalat mo doon ang tunay na nangyari... na nagpakasal kayo ni Cindy dahil blinackmail ka ni Gov. Santiago! Hindi alam ng karamihan ang totoong nangyari... ang alam nila ay masama kang asawa at may kabit ka kaya naghanap ng bagong nobyo si Cindy at nabuntis sa iba! 'Yan ang kumakalat na balita. Masama ang tingin ng mga tao kay Ma'am Fe dahil ang akala ng lahat ay siya ang sumira sa relasyon niyo ni Ma'am Cindy!” sumbong ni Hazel.Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ang tingin ng mga tao sa kanila noong dumating sila. Wala siyang ideya... at nasasaktan siya."Hayaan mo na, Hazel. Bilang paggalang na lang sa yumaong Governor Santiago ay hayaan ko na ang paniniwala nila. Hayaan mo sila sa gusto nilang isipin. Marami pang ibang mas importanteng gagawin kesa patulan ang maling chismis na 'yan."“Pero Mayor, malapit na ang eleksyon at masisira ka sa survey! Alam mo naman ang mga tao, mapagpaniwala sa mga chismis! Sa lahat n
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa pang muffins itong dala.“Ma’am Fe… okay ka lang?” tanong ni Hazel nang mapansing natulala siya habang hawak ang mainit na tasa ng kape.Naputol ang pag-iisip niya. Pinilit niyang ngumiti. “Oo naman. Mainit lang siguro ang kape.” biro niya sabay halakhak, pero halata pa rin ang lungkot sa likod ng kanyang mga mata.Hindi na nagsalita pa si Hazel. Tahimik silang uminom ng kape habang pinagmamasdan ang paligid. Maya-maya ay may dumaan na mga empleyado sa table nila at hindi napigilang sulyapan sila. May ilang nagbulungan.“Siya ba ang bagong girlfriend ni Mayor Clark?""Oo. Akala ko nga ay wala na sila dahil ‘di ko na nakikita si Ma’am Fe na pumupunta dito simula nang magpakasal si Mayor at M
Napangiti siya sa sinabi ni Hazel.“Oh siya, see ulit, Bukas. Sasamahan ko ulit si mayor dito.”“Yehey! Salamat, Ma'am Fe. Ang bait mo talaga!”Pagkatapos nilang mag-usap ni Hazel ay nagmamadali na siyang sumunod kay Clark. Kung kailan kasi aalis ay saka naman siya kinausap ni Hazel.Lakad-takbo siya para habulin ito. Nauna na itong pumasok ng elevator. Hinawakan nito ang open button para hintayin siyang makapasok.Hingal siya nang sa wakas ay makapasok na. Ang bilis kasing maglakad ni Clark.Wala silang pansinan sa loob ng elevator. Silang dalawa lang ang sa loob noon. Nakapamulsa lang ito. Kung kaninang pagpunta nila doon, ay magkahawak sila ng kamay, ngayon ay pakiramdam niyang parang iniiwasan na nitong mapalapit sa kanya.Baka ayaw nang machismis silang dalawa? tanong niya sa isip.Iwinaksi niya ang mga naiisip na nagpapasakit lang ng kanyang damdamin. Baka siya lang itong nag-o-overthink at hindi naman pala iyon ang nasa isip ni Clark.Pagdating ng kotse ay naghihintay na sa kan
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya and he cupped her face. Pinunasan nito ang matang namamasa saka dinampian ng halik ang labi niya. Napauungol siya nang nilaliman nito ang kanilang paghahalikan. Dahan-dahan siya nitong hiniga sa kama at pumatong sa ibabaw niya.Napapikit siya nang isa-isa nitong kinalas ang botones ng blouse niya saka kinalas ang hook ng bra at nakalaya ang dalawa niyang sus*.Napaliyad siya nang ipasok ni Clark ang ut*ng niya sa bibig nito."Ahhhh..." mahinang ungol niya. Ang isang kamay nito ay dahan-dahang pababa sa kanyang palda, hinihimas nito ang kanyang legs nang pababa at pataas. Pakiramdam niya ay tumayo ang lahat ng balahibo niya sa kiliting dinudulot ni Clark sa kanya.Palipat-lipat ang bibig nito sa kanyang dalawang bundok... wala itong pinalampas.Maya-maya ay naramdaman niyang papasok na ang kamay nito sa kanyang palda at sa pagitan ng kanyang mga hita.Itinigil nito ang paglamon sa kanyang dalawang bundok at tinitigan siya nito habang nilalaro ang k
"Good morning, mga anak!" Masayang bati ni Tita Felicia nang makita silang magkahawak-kamay na bumababa."Di mo ba sasamahan si Clark sa opisina, iha?" nagtatakang tanong nito nang makitang nakapambahay pa rin siya."Dito na lang si Fe, Mom… Ayoko siyang ma-stress sa work. Medyo magulo sa opisina at ayaw ko siyang maging malungkot doon.""Huh? Ano ba ang nangyayari?""Ahm… wala po, Tita..." nahihiyang sagot niya. Di niya din kasi alam kung paano i-e-explain sa mga magulang nito ang sitwasyon."Kumain ka na, Clark, at maka-alis ka na agad." utos nito sa anak pero halatang naguguluhan pa din. Inalalayan siya nito'ng umupo saka umupo na din sa tabi niya."Ahm, anak… aalis muna kami ng mommy mo. May pupuntahan lang kaming bakasyon. Magiging okay naman kayo siguro ni Fe dito. She can take care of you." paalam nito sa kanila"Saan kayo pupunta, Tita?" nangtatakang tanong nyaNagkatinginan muna ang dalawang matanda bago sumagot sa kanya."May bibisitahin lang kami, iha. Mamaya na natin pag-u
Pagkatapos nilang mag-breakfast ay nag-prepare na ang mga ito upang umalis. Naguluhan na naman siya. Agad-agad pala ang pag-alis ng mga ito. Ang akala niya ay plano pa lang ang mga 'yon. Iba din talaga kapag mayaman... Kung ano ang maiisip ay gagawin kaagad!Sa driver na lang nag pahatid ng mga ito at hindi na siya pinasama. Doon na lang daw siya sa bahay at baka biglang dumating si Clark.Nang makaalis na ang mga ito, ang mga katulong na lang ang kasama niya sa bahay. Umakyat muna siya para magpahinga. Sa totoo lang ay nabobored siya. Wala siyang kausap.Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya... Si Clark ang tumatawag.“Hello?” Hindi niya mapigilang kiligin habang sinasagot ang nobyo sa kabilang linya.“Hello Fe. Kamusta ka na d'yan?”“Kakaalis mo lang, ah!...”“Namiss kasi kita.”Muli na naman siyang kinilig.“Umalis na sina tita at tito papuntang Iloilo. Magbabakasyon daw sila doon sa amin.”“Ganun ba? Mag-isa ka na lang d'yan kung ganun?”“Oo.”“Gusto mo, umuwi na ako?”“Huh. Hin
Nagulat siya sa malakas na sigaw na narinig niya.... It's Clark!Matalim ang tingin sa kanya habang nasa tubig siya.“Clark, andito ka na pala! Sorry, nauna na akong mag-swimming sa'yo. Ang tagal mo kasi... na-traffic ka ba?” natarantang wika niya habang umaahon sa pool. Dali-dali siyang pumunta dito habang ito ay naghihintay lang sa kanyang paglapit at may mapanuring tingin.“Bakit mo suot 'yan???” muling pasigaw na tanong nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang kinakagalit nito.“Eto ba?” wika niya saka tinuro ang swimsuit na suot niya. Iyon lang naman ang tanging saplot sa katawan niya.“Saan mo nakuha 'yan? Bakit mo sinuot?”“I-it’s mine... akin 'to noong nasa Scotland tayo, remember?” nauutal na wika niya. Hindi ba naalala ni Clark?“Hindi 'yan sa'yo! Sa asawa ko 'yan! Hubarin mo 'yan!” muling sigaw nito.Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis na pagmamay-ari daw ng asawa nito ang swimsuit, samantalang siya ang may-ari nun!Nakita nyang napangiwi ito at hinawakan ang ulo na t
"Hahaha... Sorry, I can't help it."Parang mahihirapan talaga siya kay Rosabel. Kung ibang babae lang ito, ay baka naglumpasay na sa kilig kapag binanatan niya ng kanyang mga pambobola. Pero iba si Rosabel. Supalpal siya palagi dito.Pero sa kabila ng lahat ay sobrang saya niya na nagkakausap na sila ni Rosie ng gano'n. Komportable na ito sa kanya, pakiramdam niya ay close na sila. Nakatulong siguro ang ambiance at malamig na hangin sa Baguio kaya sila naging at ease sa isa't isa.Pinagpatuloy pa niya ang pagsagwan. Nang nilibot niya ang mata sa paligid, ay napansin niyang sila na lang pala ang naroroon. Ang mga kaibigan ni Rosie ay andoon na sa waiting area at naghihintay sa kanila. Napasarap ang pagkukuwentuhan nila ni Rosie."Tara na sa kanila..." aya nito. Tumango siya at nagsagwan pabalik sa pampang."Bati na ba tayo? Hindi ka na galit sa akin?""Galit? Hindi naman ako galit ah.""'Di ba galit ka kahapon dahil hindi ko tinupad ang pangako kong ilibre kita ng milktea?""Ahahaha...
Dumukwang din siya at pabulong na sinabi... "What if I don't want to? I like holding your hands. So firm and strong... but soft." Sumimangot ito... and also... muling sabi niya... "I want to kiss your pouting lips." Doon na nagulat si Rosie at tinulak siya. "Wag mo nga akong biruin ng ganyan, Sir Gray! Puro ka kalokohan!" "Ahahaha... joke lang, Rosie." biglang bawi niya. Medyo komportable na si Rosie sa kanya kaya ayaw niyang muling lumayo ito dahil sa mga pahaging nya. Pinagbigyan nito ang gusto niyang sumakay sila sa swan na bangka. Partner silang dalawa. Siya ang nagsasagwan. Ang ibang mga kaibigan nito ay nasa kabila ding bangka. "Di ko alam ganito pala kasaya dito sa Baguio. Kaya pala ayaw mong umalis dito? Now I understand." nakangiting wika nya "Hindi lang naman ang lugar ang ayaw kong iwan. Pati ang mga kaibigan ko.... Mamimiss ko sila." "Don't worry... Kung mamimiss mo sila, sasamahan kitang bisitahin sila dito. Mag-road trip tayo." "Talaga, Sir Gray?" Lumiwan
Isa-isang sumakay ang mga kaibigan ni Rosie. Mabuti na lang at malaking sasakyan ang dala niya. "Rosie, dito ka sa front seat. Samahan mo ako dito." utos niya sa dalaga. "Ay, Rosie? "Rosie" ang tawag mo sa kanya, Sir Gray?" tudyo ng bakla na ipinakilala ni Jonie kanina na si Gwen. " Ayaw niyang tinatawag siya ng ibang pangalan. Ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng gano'n." "Hahaha... talaga ba? Kung gano'n, 'yun na ang itatawag ko sa'yo palagi." natatawang sabi nya. Nakita niyang sumimangot si Rosabel, parang gusto na tuloy niyang halikan ang labi nitong palaging nakasimangot... Ang cute kasi. "Saan niyo gustong pumunta?" tanong nya sa mga kaibigan nito. "Tambay tayo sa Burnham Park, Sir. Madaming mga streetfoods doon... sarap tumambay." "Huy bakla, tumahimik ka. Nakakahiya ka na!" saway ni Rosie sa kaibigan. "It's okay, babe..." wika niya. Sinadya niya iyong tawagin si Rosie ng "babe" para muli silang tuksohin. Nag-eenjoy siya habang nakikitang namumula ito sa pagkahiya. "
"Bitawan mo siya, Rey!" sabi ng boyfriend ni Rosie. "Bakit? Kaya mo na ba ako? Huh, Ralph?" Sinuntok ng lalaki ang tinatawag nitong Ralph na nobyo ni Rosie at napahiga ito sa sahig. "Ano ka ba, Rey! Bakit ka nagugulo dito?" sigaw ni Rosie "Ikaw eh... Ayaw mo akong kausapin. Sino ba ang pinagmamalaki mo? Itong bakla mong kaibigan?" "Tama na, umalis ka na!" sigaw ni Rosabel sa lalaki pero hinawakan ito ng dalawang lalaki sa kamay. Hindi na siya nakatiis at lumapit sa mga ito at isa-isang sinuntok ang mga lalaking nanggugulo. Napasigaw naman ang mga kasamahan ni Rosie dahil pinagbubugbog niya ang mga ito. Maya-maya ay dumating na din ang security guard at pinalayas ang mga nanggugulong lalaki. Natutulalang nakatingin si Rosie sa kanya dahil nalaglag ang shades niya at kumalas ang hood sa ulo niya. "Sir Gray? What are you doing here?" nagulat na wika nito. "Ayan kasi ayaw mong magpasama sa akin. Mabuti na lang pala at sinundan kita. Paano kung wala ako dito edi nasaktan ka na n
"Bhie, sure na lilipat ka sa Manila?""Oo.. yun ang gusto ng amo ng nanay. Saka okay na din iyon para makasama ko naman si nanay.""Bisitahin mo ako dito palagi ha.""Syempre naman! Ikaw pa ba?" Kinurot pa ni Rosie sa pisngi ang lalaki na muli niyang ikinaselos. Bakit hindi ginagawa iyon ni Rosie sa kanya? Kapag siya ang kasama nito ay napaka-aloof ng dalaga na halos ayaw magsalita. Ngayon niya lang nakita ang tunay nitong personalidad na napakaingay pala. Para din itong bakla katulad ng mga kasama nito."Order lang kayo ng gusto niyo mga mhie!... My treat"."Wow, galante!""Hindi naman. Medyo malaki lang ang binigay na allowance ni Mam Jonie kaya may panglibre ako sa inyo."Ganoon pala ha. Sabihan kaya niya ang Mommy Jonie niya na bawasan ang allowance ni Rosie para hindi nito malibre ang mga kaibigan?Ayaw niyang aminin pero naiinggit siya sa pakikisama ni Rosie sa mga kaibigan nito. Sana ganoon din si Rosie ka-bubbly at masayahin kapag magkasama sila.Masayang kumakain ang mga ito
Maaga siyang nagising, ngayon ang araw ng pag-uwi ni Rosabel sa Bagiuo. Aabangan niya ang pag-alis nito. Lihim siyang napangiti dahil kanina pa siya sa kotse niya tumatambay. At hindi nga siya nagkamali, nakita niya itong dali-daling lumabas ng mansion at sumakay ito sa taxi.Ayaw kasi siyang isama nito kaya susundan na lang niya.Pagdating sa terminal, bumaba si Rosabel sa taxi at sumakay sa bus patungong Baguio. Hindi naiwasang matawa sa sarili. Para siyang isang NBI agent na sinusundan ang isang suspect. Hindi na niya pinansin ang mga tao sa paligid habang nagmamasid kay Rosabel.Sandali siyang bumaba ng kotse nang hindi pa umaalis ang bus na sinakyan ni Rosabel. Marahil ay naghihintay pa ng ibang pasahero. Pumunta siya sa isang tindahan at bumili ng soft drinks at chichirya. Hindi siya nakapag-prepare ng maayos para sa mission na ito dahil kagabi lang naman niya naisipang sundan si Rosabel.Suot siya ng jacket at malaking shades para maitago ang kanyang identity sakaling makita si
GRAY'S POV:Fuck! sigaw ng isip niya. Pabalik na siya sa kwarto. Kakagaling lang sa kusina at sumabay sa pagkain kay Rosie.Naiinis siya sa sarili... bagamat pinapansin siya nito, alam niyang masama ang loob ng dalaga sa kanya. He is clueless, Hindi siya sanay. Lalo pa siyang nainis ng makita kanina na kasama ito ni Peter.Fuck! Mukhang mauunahan pa siya ng kaibigan niya kay Rosabel. Ang akala niya ang lahat ay makukuha niya. Pero mukhang wala atang interes sa kanya ang dalaga.Lalo pa siyang nalungkot ng tinanggihan nito ang offer niyang samahan ito sa Baguio bukas. He really wants to go with Rosabel. Tila may magneto itong hindi niya malaman kung bakit gusto niyang makita at makasama lagi ang dalaga.Di kaya gusto na niya si Rosabel?Fuck no! This can't be happening!Muli niyang kinuha ang susi ng kotse at lumabas ng kwarto. Aalis siya. Makikipagkita siya sa mga kaibigan niya.Kinuha niya ang cellphone bago pinaandar ang kotse. "Asan kayo?" tanong niya kay Peter. Tinawagan niya ito.
“So... varsity ka pala sa dati mong school? Kaya pala gano'n na lang ang katawan mo. Akala ko naggy-gym ka kaya medyo ma-muscle ka. Dahil pala 'yan sa kakapalo ng bola.” nakangiting wika nito. Hindi niya alam kung bakit siya nito kinakausap. Kanina lang ay suplado ito sa kanya. Baliw ba ito?Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung compliment iyon o insulto. Pinagpatuloy niya lang ang pagkain. Wala siyang pakialam kung amo niya ito. Napapagod na siyang magpakumbaba sa lalaking ito. Dapat na din siguro itong makatikim ng pagka-suplada niya para hindi ito namimihasa sa pakikialam sa buhay niya.“Ahm Rosie... sasamahan kita bukas sa Baguio.”“Wag na kuya. Narinig mo naman ang sabi ko kay Mam Jonie, di ba? Di pa ako makakaalis agad. Saka wala ka naman gagawin doon. Magbo-bored ka lang.”“Gusto kong gumala eh. Pwede mo ba akong i-tour sa Baguio?”“Magbo-bonding kami ng mga kaibigan ko. Wala akong time mag-tour sayo. Aalalahanin pa kita doon.” diretsahang sabi nya.“Ang suplada mo naman.”B
Pagdating nila sa bahay, naunang bumaba si Gray sa kotse at nagpatuloy na sa paglalakad. Ni hindi man lang siya inalalayan.Bakit ka niya aalalayan? Girlfriend ka ba niya? Saka, hindi ka naman kasing ganda ng Bianca na 'yon! Wag ka nang umasa na aalalayan ka pa ni Gray na 'yan. Hindi siya gentleman!Kausap niya ang sarili, pilit kinukumbinsi ang sariling huwag magkagusto sa amo niyang suplado. Gwapo lang ito at mayaman, pero wala nang ibang maganda sa kanya... isa itong walking red flag!Pagpasok niya sa living room, nadatnan niya si Mam Jonie at Gray na nag-uusap. Parang hinihintay talaga siya ng dalawa. Agad na ngumiti si Mam Jonie nang makita siya."Iha, kamusta ang pagbisita mo sa bago mong school? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Mam Jonie, puno ng saya ang boses.Napatingin siya kay Gray. Matalim ang tingin nito sa kanya, parang binabantaan siya na huwag magsumbong."Ah... okay naman po, Mam Jonie. Maganda po ang school... malaki." Napangiwi cya sa sagot niya habang nakayuko, nagmu