*****************JONIE POV:Dalawang linggo na sila sa America, nakasunod na din si Fe sa kanila doon. Nakatira sila sa isang napakalaking villa. Beach front ang harap ng bahay nila. Bahay bakasyunan iyon ng Papa nya. Isa lang iyon sa mga napakaraming bahay ng ama nya sa buong America. Doon muna sila dinala para malibang daw sila sa beach. Napuntahan na din nila ang mansion ng Papa nya na puro mga hollywood celebries ang kapitbahay nito. Nalulula sya sa sobrang yaman ng Papa nya. Kung dati ay halos hindi sila makabili ng ulam dahil sa pagtitipid, ngayon naman ay halos lahat ng gusto nyang kainin ay nakakain na nya. Ewan nya pero parang nagiging matakaw sya lately. Binigyan din sya ng Papa nya ang isa sa mga paborito nitong sports car na Mclaren. Hindi nya naman kailangan ang ganoon kagarang sasakyan pero nagpupumilit ang Papa nya dahil cya na daw ang magma-manage ng negsosyo nito na Miller Steel Company.Nasa teresa ng villa silang dalawa ng Papa nya habang nanonood sa mga naliligo
"Buntis ka ba?" Muling tanong ng Mama nya. "Hindi ko alam Ma... pero delay kasi ako ng one month..." Kinakabahan na wika nya... ngayon lang nag sink in sa utak nya na posibleng buntis nga sya. Hindi pa naman siya gumagamit ng pills simula ng nagkaroon sila ng relasyon ni Ken... wala sa isip nya iyon, hindi nya naman akalain na mabubuntis cya. "Biglang naiyak ang Mama nya sa narinig. "Sino ang ama ang pinagbubuntis mo? Ang alam ko ay wala ka namang nobyo?" "Huhuhu... sorry Ma... nagkamali ako... nabigo ko po kayo! Wag mo na pong alamin ang tatay ng pinagbubuntis ko... wala na po kami kaya akin lang itong anak ko." Umiiyak na wika nya. Nilapitan naman siya ni Fe at Bebe at niyakap. "It's okay anak... you don't have to worry.. at least hindi na kita madaliin na magkaroon ng asawa dahil magkakaroon na pala ako ng apo hahaha, may tagapag-mana na ako!..." wika naman ng Papa nya na tuwang-tuwa sa sinapit nya... nagulat sila lahat sa reaksyon nito, ang buong akala pa naman nya ay magag
********** KENNETH POV: Papunta sila sa Pampanga ni Ava sa araw na yun. Last week pa sana sila bibisita sa mga magulang nila pero lagi nalang ito naca-cancel dahil sa busy nya sa trabaho. "I'm so excited to see my parents hon.. and your dad too!... Sa wakas makikilala ko na cya!" tila kinikilig na wika nito. Hindi pa alam ng Papa nya na darating sila ni Ava. Bigla lang kasi ito nag-aya. Nag-prepare daw ang mga magulang nito ng dinner para sa kanila mamaya.Habang nasa byahe sila ay hindi nya mapigilang ikumpara si Jonie kay Ava.... masayahin si Jonie sa byahe, madami itong kwento kaya hindi ito boring kasama samantalang si Ava ay laging nakatutuk sa cellphone nito... hindi nya tuloy maramdaman na may kasama cya. Kung mag-open man cya ng topic ay wala man lang itong ambag sa usapan... parang aayaw nitong makipag usap sa kanya kaya tumahimik nalang din cya. Maya-maya ay nakarating na sila sa Pampanga. Nauna silang pumunta sa bahay ng Papa nya. Pag labas nya ng sasakyan ay nauna na
Nang dumating na ang ibang press ay nagpakitang gilas na si Eric... lumapit ito sa mga press at nagpa intervew. "Good evening Sir Eric San Miguel... totoo po ba na ikakasal na si Ms. Ava sa kanyang boyfriend na si Mr. Kenneth Enriquez, ang CEO ng K.E. Builders?" Tanong ng isang babaeng reporter. "Oh please... wag nating pangunahan si Mr. Enriquez, guys! Nakakahiya naman sa kanila... baka sabihin nilang pinipikot namin sila hahaha!..." wika ni Eric saka tumawa ng nakakaloko. Pikon na pikon na cya... Sila nga itong nagpatawag ng press agad-agad na walang consent sa kanila ng Papa nya! "Ibig ba sabihin nyan kapag nagpakasal na si Ms. Ava at Sir Ken ay magme-merge na ang negosyo nyo?" Muling tanong ng reporter. "Ganun naman talaga ang mangyayari kapag kasal na ang dalawang tao di ba? Right Ken?" Wika nito sabay tingin sa kanya.. tumango lang cya para hindi mapahiya ang Papa ni Ava pero naiirita na cya. "What are we doing here anak? I smell something fishy." Bulong ni Gilbert sa k
*************** JONIE: Masaya silang nagdiwang ng kasal ng Mama Beth at Papa Gregore nya. Sa isang private Island iyon na pagmamay ari ng Papa nya ginanap ang kasall. Ayaw ng Mama nya ng masyadong magarbong kasalan... masyado na daw silang matanda para doon. Mga relative nila sa side ng Papa nya ang mga imbitado sa kasal. Maluwag silang tinanggap ng pamilya Milller. Ang ibang bisita naman ay mga kasosyo sa negosyo. Nang malaman ng iba na sya ang nawawalang anak ko Gregore Miller ay biglang naging interesado ang mga ito sa kanya... nirereto sa kanya ang mga anak na binata ng mga kumpadre ng Papa nya.. Mga disente naman ang mga ito, mga business minded katulad ng Papa nya kaya kahit sino man ang piliin nya doon ay walang problema sa Papa nya. Totoo nga talaga ang sinabi ng Papa nya na madali lang makahanap ng asawa as long as your rich and famous... pero wala cyang gusto kahit kanino sa mga nirereto ng mga ito. Si William Davis ang isa sa mga business partnerr nila na nakip
Pagkatapos ng cruise nila ay sinabak na agad cya ng Papa nya sa trabaho. Mabuti na daw na may alam na cya bago pa lumaki ang tyan nya. Inasikaso na din nito ang pagaplit ng apilyedo nya. Nasa pilipinas ang Papa nya ngayun dahil sa planong nilang pag-expand ng business nila. Aaminin nyang napakabilis ng pagbabago ng buhay nya... parang kelan lang ay lugmok cya sa pag-ibig pero ngayun ay kahit papaano ay nakakalimutan na nya dahil sa pagka-busy sa trabaho. Mabuti nga yun para hindi na nya malala si Ken. Magandang simula yun para sa pag momove-on nya.Nasa opisina cya ngayun, sa isang skyscraper na building sa gitna ng New York. Opisina iyon ng Papa nya na pagmamay-ari din ng pamilya nila. Siya ang acting CEO habang nasa pilipinas pa ito. Nasa pinakamataas na palapag ang opisina nya samanatalang may ginawaga naman na audition ang company nila sa 4th floor. Nagpapa audition sila sa magiging model ng company nila para sa pagbukas ng negosyo nila sa Pilipinas.Nag ring ang cellphone
***************** KENNETH: Nasa opisina sya sa araw na yun, nakaupo lang cya sa swivel chair nya, inis na inis cya. Di nga sya nagkamali... lumabas na sa social media ang mga litrato ng engagement nila ni Ava. Magaling gumawa ng article na binayaran ni Ava para sa pekeng engagement nila... kapani-paniwala na kunyari mahal nila ang isa't isa.Habang tumagatal ay nawawalan na cya ng interest sa dalaga dahil sa mga pinagagawa nito sa kanya. Ilang araw pa lang silang magkasama pero nasira na ito ang buhay nya. Mabuti pa ng wala pa ito dati... noong hindi pa ito dumating sa buhay nya... tahimik pa cya at masaya kasama si Jonie. Umalis na si Ava papuntang US, may auditon ito sa isang napakalaking company na naghahanap ng modelo. Nalala nya tuloy ang binanggit ni Ava na company na pag a-auditionan nito. Familiar sa kanya ang Miller Steel Company... yun ang company na nag-send sa kanya ng 10 million sa acount. Ang akala nya ay nagkamali lang ang bangko nun pero hanggang ngayun ay hindi pa
************* GILBERT: Pagkatapos nilang mag usap ng anak nyang si Ken ay pinatay nya na ang telepono. Excited na cyang dumating ang kaibigan nyang si Gregore... matagal-tagal na din silang hindi nagkita. Mga binata palang sila ay magkakilala na sila, isang amerikano si Gregore. Ayon sa kwento nito ay magbabakasyon lang dapat ito sa Pilipinas pero nagustuhan nito ang mamalagi sa bansa kaya kumuha ito ng konting units sa university na pinag-aaralan nya noong college para may rason ito sa mga magulang na tumagal sa Pilipinas... naging mag classmate sila. Sya ang naging unang kaibigan nito, cya din ang nagturo na managalog dito. Habang nag-aaral sila ay may nakilala itong babae na naging nobya nito. Simple lang ang pamumuhay ng babae, hindi mayaman... kaya disgusto ang pamilya ni Gregore dahil madami pa daw itong plano sa anak nila. Ito ang mag papatakbo ang negosyo nila sa america kaya simula ng nagkahiwalay ito at ang nobya ay hindi na itong muling nakapag asawa hanggang sa nalam