"I'm glad that my daughter has a friend like you. She is sad lately, nalulungkot daw cya dahil maiiwan nya ang mga kaibigan nya dito pag-alis namin. So if you are willing to come with us and work for my company I'll be glad to accept you just to make my baby happy... I've heard that you just got fired?" Ang haba ng sinabi ng Papa ni Jonie pero nung nagtagalog na ito ay saka cya napahinga ng matiwasay. Akala nya ay dudugo ang ilong nya sa kakausap kay Sir Gregore."Sir totoo ba ito? Hindi ba ito prank?" Tanong nya kay Sir Gregore. "What prank?" nalilitong wika din ni Gregore. "Pa, hindi pa din makapaniwala si Fe...kanina pa nya ako pinagbibintangang sumali sa sindikato at kumapit sa patalim." Sumbong ni Jonie sa ama. "Hahaha..." Dumagongdong ang malakas na tawa ni Gregore sa loob ng kwarto. Pati ang pagtawa nito ay may authority. Aliw na aliw ang Papa ni Jonie sa kanya. "Dont worry Fe... this is all true. I want to make-up for my queen Beth and my Princess Jonie. Kaya kung ano
****************KENNETH POV:Umalis na si Ava, nasa opisina lang cya nakatunganga. Maya-maya ay naalala nyang puntahan si Fe sa cubicle nito.. magtatanong cya baka alam nito kung saan makikita si Jonie.Tumayo sya at lumabas ng opisina nya. Biglang natahimik ang mga empleyado na nadadaanan nya. Parang ilag ang mga ito sa kanya... ikinibit balikat nya nalang iyon.Pagdating nya sa cubicle ni Fe ay malinis na iyon. "Wheres Fe?" tanong nya sa katabi nitong cubicle na si Cess."Ahm Sir, nag resign na." "Huh? Bakit?" nagtatakang tanong nya.. "Di ba pinag-resign ni Mam Ava kanina?" "Pero sabi ko mag-leave lang cya!" "Eh...tinakot po kasi ni Mam Ava na kung hindi mag resign si Fe ay guguluhin nya din kaya minabuti ni Fe na umalis nalang." Biglang uminit ang ulo nya sa pakikialaam ni Ava.. kung ganito lagi ang babae ay baka maubusan cya ng empleyado."Can you call her? I want to talk to her..." mahinahong utos nya kay Cess. "O-opo sir." Dali-dali naman na kinuha ni Cess ang cellphone
Habang nagda-drive sya papunta ng bar ay naalala nya na naman si Jonie. Ang pangako nya sa sarili na pabalikin ang asawa sa buhay nya ay hindi pa nya nagawa. Hindi pa sila nakapag usap simula ng umalis ito. Mukhang pinagtataguan cya... wala na din ito sa bahay nila. Saan naman kaya posibleng pumunta si Jonie? Sa buong pagsasama nila ay hindi pa nya pala lubusang kilala ito... hindi nya alam ang mga posibleng puntahan nito maliban sa bahay nila. Hindi pa din tumatawag ang kapitbahay nito na pinagbilinan nya na tawagan cya sakaling uuwi si Jonie sa bahay nila... ibig sabihin hindi pa ito nakauwi doon. Totoo kayang may bago na itong boyfriend? Oo nga't nagalit cya pero sa kabilang banda ay nalungkot din cya dahil nawala si Jonie sa kanya at pinagpalit na cya. Aaminin nya masaya sya sa relasyon nila ni Jonie... hindi sila kailanman nag-away. Ginagampanan nito ang pagiging totoong asawa sa kanya... lagi cya nitong inalagaan at pinag luluto... ika nga the way to man's heart is through
*****************JONIE POV:Dalawang linggo na sila sa America, nakasunod na din si Fe sa kanila doon. Nakatira sila sa isang napakalaking villa. Beach front ang harap ng bahay nila. Bahay bakasyunan iyon ng Papa nya. Isa lang iyon sa mga napakaraming bahay ng ama nya sa buong America. Doon muna sila dinala para malibang daw sila sa beach. Napuntahan na din nila ang mansion ng Papa nya na puro mga hollywood celebries ang kapitbahay nito. Nalulula sya sa sobrang yaman ng Papa nya. Kung dati ay halos hindi sila makabili ng ulam dahil sa pagtitipid, ngayon naman ay halos lahat ng gusto nyang kainin ay nakakain na nya. Ewan nya pero parang nagiging matakaw sya lately. Binigyan din sya ng Papa nya ang isa sa mga paborito nitong sports car na Mclaren. Hindi nya naman kailangan ang ganoon kagarang sasakyan pero nagpupumilit ang Papa nya dahil cya na daw ang magma-manage ng negsosyo nito na Miller Steel Company.Nasa teresa ng villa silang dalawa ng Papa nya habang nanonood sa mga naliligo
"Buntis ka ba?" Muling tanong ng Mama nya. "Hindi ko alam Ma... pero delay kasi ako ng one month..." Kinakabahan na wika nya... ngayon lang nag sink in sa utak nya na posibleng buntis nga sya. Hindi pa naman siya gumagamit ng pills simula ng nagkaroon sila ng relasyon ni Ken... wala sa isip nya iyon, hindi nya naman akalain na mabubuntis cya. "Biglang naiyak ang Mama nya sa narinig. "Sino ang ama ang pinagbubuntis mo? Ang alam ko ay wala ka namang nobyo?" "Huhuhu... sorry Ma... nagkamali ako... nabigo ko po kayo! Wag mo na pong alamin ang tatay ng pinagbubuntis ko... wala na po kami kaya akin lang itong anak ko." Umiiyak na wika nya. Nilapitan naman siya ni Fe at Bebe at niyakap. "It's okay anak... you don't have to worry.. at least hindi na kita madaliin na magkaroon ng asawa dahil magkakaroon na pala ako ng apo hahaha, may tagapag-mana na ako!..." wika naman ng Papa nya na tuwang-tuwa sa sinapit nya... nagulat sila lahat sa reaksyon nito, ang buong akala pa naman nya ay magag
********** KENNETH POV: Papunta sila sa Pampanga ni Ava sa araw na yun. Last week pa sana sila bibisita sa mga magulang nila pero lagi nalang ito naca-cancel dahil sa busy nya sa trabaho. "I'm so excited to see my parents hon.. and your dad too!... Sa wakas makikilala ko na cya!" tila kinikilig na wika nito. Hindi pa alam ng Papa nya na darating sila ni Ava. Bigla lang kasi ito nag-aya. Nag-prepare daw ang mga magulang nito ng dinner para sa kanila mamaya.Habang nasa byahe sila ay hindi nya mapigilang ikumpara si Jonie kay Ava.... masayahin si Jonie sa byahe, madami itong kwento kaya hindi ito boring kasama samantalang si Ava ay laging nakatutuk sa cellphone nito... hindi nya tuloy maramdaman na may kasama cya. Kung mag-open man cya ng topic ay wala man lang itong ambag sa usapan... parang aayaw nitong makipag usap sa kanya kaya tumahimik nalang din cya. Maya-maya ay nakarating na sila sa Pampanga. Nauna silang pumunta sa bahay ng Papa nya. Pag labas nya ng sasakyan ay nauna na
Nang dumating na ang ibang press ay nagpakitang gilas na si Eric... lumapit ito sa mga press at nagpa intervew. "Good evening Sir Eric San Miguel... totoo po ba na ikakasal na si Ms. Ava sa kanyang boyfriend na si Mr. Kenneth Enriquez, ang CEO ng K.E. Builders?" Tanong ng isang babaeng reporter. "Oh please... wag nating pangunahan si Mr. Enriquez, guys! Nakakahiya naman sa kanila... baka sabihin nilang pinipikot namin sila hahaha!..." wika ni Eric saka tumawa ng nakakaloko. Pikon na pikon na cya... Sila nga itong nagpatawag ng press agad-agad na walang consent sa kanila ng Papa nya! "Ibig ba sabihin nyan kapag nagpakasal na si Ms. Ava at Sir Ken ay magme-merge na ang negosyo nyo?" Muling tanong ng reporter. "Ganun naman talaga ang mangyayari kapag kasal na ang dalawang tao di ba? Right Ken?" Wika nito sabay tingin sa kanya.. tumango lang cya para hindi mapahiya ang Papa ni Ava pero naiirita na cya. "What are we doing here anak? I smell something fishy." Bulong ni Gilbert sa k
*************** JONIE: Masaya silang nagdiwang ng kasal ng Mama Beth at Papa Gregore nya. Sa isang private Island iyon na pagmamay ari ng Papa nya ginanap ang kasall. Ayaw ng Mama nya ng masyadong magarbong kasalan... masyado na daw silang matanda para doon. Mga relative nila sa side ng Papa nya ang mga imbitado sa kasal. Maluwag silang tinanggap ng pamilya Milller. Ang ibang bisita naman ay mga kasosyo sa negosyo. Nang malaman ng iba na sya ang nawawalang anak ko Gregore Miller ay biglang naging interesado ang mga ito sa kanya... nirereto sa kanya ang mga anak na binata ng mga kumpadre ng Papa nya.. Mga disente naman ang mga ito, mga business minded katulad ng Papa nya kaya kahit sino man ang piliin nya doon ay walang problema sa Papa nya. Totoo nga talaga ang sinabi ng Papa nya na madali lang makahanap ng asawa as long as your rich and famous... pero wala cyang gusto kahit kanino sa mga nirereto ng mga ito. Si William Davis ang isa sa mga business partnerr nila na nakip
Pagkatapos nilang mag-shopping ay doon na din sila kumain sa paboritong restaurant ng mga ito. Doon niya rin nakita si Alastair at Amber dati, pero hindi na niya pinaalala sa mga ito... baka ma-bad trip lang silang lahat."What do you want to eat, iha?""I’ll have steak, Mommy. Nagutom ako kakashopping, hihihi.""I’ll have steak too, Mom." wika naman ni James."John, anong order mo?" tawag-pansin ni Mommy Evelyn kay John na abala sa pagce-cellphone. Kanina pa ito walang kibo."Huh?""Sino ba ‘yang ka-chat mo at kanina ka pa abala diyan?" galit na wika ni Tita Evelyn."Ahm, nothing, Mom...""Baka babae ‘yan, ha? Gayahin mo ang kuya mo na magaling pumili ng babaeng mapapangasawa. Ang gusto ko ay katulad din ni Beverly ang mapapangasawa mo, anak.""Hmp! Eh akin nga ‘yan si Beverly kung hindi lang inagaw ni Kuya sa akin, eh!" biro ni John.Nakita niyang nanlisik ang mga mata ni James habang tumitingin sa kapatid nito. "Ayy sorry, Kuya. Okay lang ‘yun. Hayaan n’yo na kasi ako, Mom. Pag ba
Pagkatapos naman nila sa boutique ng mga bag, ay lumipat naman sila sa bilihan ng mga sapatos. Isang designer shoes din ang pinasukan nila."May pina-reserve ka din ba dito, tita?" nakangiting wika niya."Wala, iha. Parang ginanahan lang akong mag-shopping ngayon."Sila na ngayon ang magkahawak-kamay. Nahahawa na siya sa excitement ni Tita Evelyn habang nagsha-shopping. Ang mga boys ay nakasunod lang sa likod nila."Alam mo bang matagal ko na ding hindi nagawa ito? Ang huling punta ko dito ay noong kasama pa kita. I miss doing this with you, iha."Nagulat siya sa sinabi nito. Matagal na nga iyon. Sa pagkaalala niya ay binilhan din siya nito ng bag noon, pero naiwan niya iyon sa kwarto niya sa palasyo dahil tinakas lang sya nina Kuya Ken at Clark pauwi sa Pilipinas noon.Sa katunayan, ang mga gamit niya ay nandoon pa din sa kwarto na ginagamit niya sa palasyo. Hindi iyon pinagalaw ni James. Umaasa daw itong babalik pa siya, at na-touch naman siya doon."Look at this, iha. Bagay sa'yo '
"Ahm, sige Mom... tatawagan namin mamaya ang pamilya ni Jonie..." sagot naman ni James na nag-alangan din."Great! That's great, anak!" tuwang-tuwang wika ni Tita Evelyn."Iha, isukat mo na itong sapatos mo para sa kasal.""Ah, eh, sige po..."Umupo siya sa tabi nito at hinubad ang sandals niya saka sinuot ang stilettos."Ang ganda! Bagay sa paa mo, iha! Try mo ngang maglakad-lakad kung komportable ka. Dapat ay komportable ka sa araw ng kasal niyo."Tumayo naman siya at sumunod sa utos ng ginang. Pagbibigyan niya ang trip nito. Palakad-lakad siya doon na parang model."Ang ganda! At ang sexy mo, iha. Bagay na bagay sa'yo ang sapatos!" tuwang-tuwang wika ng ginang na pumapalakpak pa. Natawa na lang siya sa reaksyon nito.Nang makalapit na siya kung saan nakatayo si James ay bigla siyang hinawakan nito sa bewang at inilapit sa katawan nito. Muntik pa siyang matumba at ma-out balance dahil hindi niya inaasahan iyon."You're so sexy, my love. Para ka pa ding dalaga. Sinong mag-aakalang ma
"Bago tayo umuwi ng palasyo, pwede ba muna tayong dumaan ng mall, anak? May pina-reserve kasi ako doon na bagong edisyon ng bag. Tumawag na ang taga-mall sa akin at dumating na daw ang order ko," nakangising wika ni Tita Evelyn."Sure, Mom.""Hindi ka ba pagod? O kung gusto mo, mauna na kayo ni Beverly umuwi ng palasyo at kami na lang ang pupunta sa mall. Ipahahatid na lang namin kayo kay Logan.""Wag na, Mom. Sasama kami ni Beverly. Matagal na rin kaming hindi nakapag-date. Gusto kong malibang ang nobya ko. Puro stress na kasi ang inabot niya sa akin," wika ni James saka siya ngitian. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Agad naman siyang kinilig. Naalala pa rin pala siya ng nobyo niya. Hindi na niya pinahalata pero excited na rin siyang dumaan sila sa mall. Simula nang dumating siya sa Scotland ay hindi pa siya nakakapunta sa mall ulit.Magkahawak-kamay sila ni James habang palabas ng ospital. Naghihintay na roon si Logan para sa kanila. Limousine ang dala ni Logan kaya kasya silang
Masaya silang nagkukwentuhan nang may pumasok sa kwarto. Si Doc Angus iyon, kasama ang mga magulang ni James."Anak, gising ka na pala? Tumawag sa amin si John kanina ng madaling araw. Pasensya ka na at ngayon lang kami nakarating, inaasikaso pa namin ang anak mo." wika ng ina nito."Salamat Mom sa pag-aalala sa anak namin ni Bebe.""Kamusta na ang pasyente ko? Mukhang malakas na ulit ah?" si Doc Angus naman ang nagsalita."Yes, Doc Angus. Pwede na ba ulit akong lumabas?" Malaki ang ngisi ni James sa labi."Not so fast, bro. Kailangan mo pang magpahinga ng maayos.""Pero nakapagpahinga na ako... malakas na ulit ako!""Bakit ka ba nagmamadali, eh ako ang nakakaalam dito. Ako ang doctor, 'di ba? And one more thing... alam ko ang rason kung bakit ka nag-collapse kahapon. That is because you and Beverly made love. So simula ngayon, bawal ka munang makipag-sex ng isang buwan... hanggang sa tuluyan nang bumalik ang iyong lakas.""What?! Are you out of your mind, Angus? Hindi puwede 'yun!"N
"Ang mabuti pa John, tawagan mo si Tita Evelyn at sabihin mo ang magandang balita na gising na si James!" utos niya sa kaibigan."Sige..." wika ni John saka kinuha ang cellphone at dinayal ang number ng ina."Ahm... John... nagugutom kasi ako. Pwede mo ba akong bilhan ng pagkain?" utos ni Jamessa kapatid."Okay, Kuya. What do you want?""Gusto ko sana ng mainit na sabaw. Parang natuyuan ang katawan ko na hindi ko alam... gusto kong humigop ng mainit na sabaw.""Ah... natuyuan ka talaga bago ka hinimatay! Nagdalawang round ka ba naman kay Beverly eh!" wika ni John sa kapatid. Napatingin siya ng mariin sa kaibigan. Naiinis siya dahil ginagawa nitong biro ang sex life nila. Hindi siya komportable."What do you mean?" nagtatakang tanong ni James na mukhang magagalit na naman."Ahhh sige, Kuya. Lalabas na ako, bibili muna ako ng pagkain mo." Dali-daling lumabas si John para iwasan na naman ang galit ni James."Ano ang ibig sabihin ni John?" tanong ni James sa kanya. Silang dalawa na lang a
"M-May ginawa akong kalokohan sa Pilipinas at nagalit si James kaya kinidnap niya ako at binahay sa Baguio." Patuloy nya sa pagkwento."Did Kuya really do that to you?" gulat na tanong ni John"Yes, pero okay lang. Kasalanan ko naman. Kung hindi niya ginawa sa akin yun ay malamang brat pa rin ako hanggang ngayon." Nakangiting kwento nya habang nagbabalik-tanaw."Nag-live-in kami sa Baguio at namuhay na parang mag-asawa. Hindi kami nag-uusap tungkol sa feelings namin kaya hindi ko alam na mahal niya ako at mahal ko rin siya. Basta ang alam lang namin ay masaya kami.""Oh damn! Parang pocketbook pala ang kwento ninyong dalawa. Who can beat that?" natatawang sabi ni John."Until one day, narinig kong nag-uusap sila ng mga kaibigan namin at sinabing hindi niya ako mahal. Nasaktan ako at umalis sa bahay sa Baguio. Hindi na ako nagpakita sa kanya. That’s the time I went to London para magtago at mag-aral na rin.""Damn! And that’s when we met, right?" Tumango siya sa sinabi ni John."Pumunt
"Bueno, maiwan ko muna kayo. Babalik na lang ako kapag nagising na ang kaibigan ko." wika ng doktor."Salamat, Doc." narinig niyang sabi ni Tita Evelyn pero hindi na siya nagpaalam. Naiinis siya kay Doc! Kahit pa wala itong ginagawang masama sa kanya, pakiramdam niya kasi ay siya ang sinisisi sa lahat.Nilipat na si James sa isang private room kaya doon na naman silang lahat. Hinihintay nila ang paggising ni James.Umalis sandali si John para bumili ng pagkain nila. Madaling araw na rin iyon at hindi pa sila nakapag-dinner dahil sa nangyari kay James.Nasa isang tabi lang siya nakaupo. Nahihiya siyang lumapit sa kama ni James. Si Tita Evelyn at Tito Oliver naman ay nasa sofa. Naka-idlip na si Tita Evelyn at nakasandal sa balikat ni Tito Oliver.Pinipisil niya ang kanyang mga kamay. Naiinis siya sa sarili... Hindi pa siya napaiyak ng ganoon. Hindi man sabihin ng pamilya ni James... alam niyang tumatakbo sa isip ng mga ito na siya ang dahilan ng pagkaganon ni James.Kahit pa sabihin na
Nagkakagulo ang lahat dahil kay James. Agad namang hinanda ni Logan ang sasakyan para dalhin si James sa ospital. Pinagtulungan nina Tito Oliver at John na isakay ito sa kotse.“Ano na ba ang nangyari, Beverly? Bakit nagkaganyan si James?” Natatarantang tanong ni Tita Evelyn.“Wala po akong ginawa, Tita…” naiiyak na wika niya. Pakiramdam niya ay siya na naman ang pinagbibintangan!....Sino pa nga ba? Siya lang naman ang kasama ni James sa kwarto. Pero hindi nya din alam kung bakit nagkaganun si James. Di kaya nasobrahan ito sa pagod dahil sa pagtatalik nila?Shit, nakakahiya! Ang kulit kasi! Ano na lang ang sasabihin niya sakaling magtanong pa ang iba tungkol dito?Sumama silang lahat papunta ng ospital. Iniwan nila si Tyler sa private nurse nito.Nakayuko lang siya habang naka-upo doon. Sana wala nang magtanong sa kanya kung ano ang nangyari kay James. Hindi niya talaga alam ang isasagot. Alangan namang sabihin niyang nag-sex sila ng dalawang beses tapos ayun na... humina na si James