Bumaba na siya ng kotse at bitbit ang maliit na maletang dala niya. Kumaway pa siya sa mga kaibigan bago pinaandar palayo ang sasakyan. Napabuntong-hininga na lang siya.Naiintindihan niya kung walang suporta ang mga kaibigan niya sa kanya. Tama naman ang mga ito at mali siya. Pero paano niya tuturuan ang puso kung si Fe ang tinitibok nito?Umupo siya sa waiting area habang hinihintay ang flight niya. Binook na siya ng assistant niyang si Franco nang tawagan niya ito na uuwi siya ng Pilipinas. Simula nang umalis ang secretary niya na si Grace, hindi na siya kumuha ng babaeng secretary. Pare-parehas lang kasi ang mga babaeng nagiging secretary niya... lagi siyang inaakit.Sa totoo lang, si Bebe, Jonie, at Fe lang ang kaibigan niyang babae. Mahirap na baka mabalita pa siya at ma-issue-han ng pagiging womanizer.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number ni Fe. Hindi na siya makapaghintay, kailangan na niya itong makausap."Damn!" napamura siya nang hindi nagri-ring ang cellphone
"Ahm, kamusta ka? Nakita ko sa social media ang nangyari sa'yo sa airport.... Nasa Pilipinas ka na pala?""Ahm, I'm okay... hindi naman masakit ang suntok ng lalaki." Pagsisinungaling niya. Napatingin si Franco sa kanya at muntik nang matawa, pero tinitingnan niya ito ng masama. "Kakarating ko lang ng Pilipinas. Si Dad kasi nasa ospital.""Huh? What happened to Tito?""Inatake siya sa puso, and he's still unconscious," kwento niya. Sandali silang natahimik, tila nakikiramdaman."K-kamusta ka na diyan sa London? Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka pala...""Ahm... sayang naman kasi ang offer ni Tito Gregore kung hindi ko tatanggapin.""G-ganun ba? Kailan ka uuwi dito sa Pilipinas?""I don't know. Naka-indefinite leave naman ako, might as well sulitin ko na."Nalungkot siya sa sagot ni Fe. "Ahm, Fe... can we talk?""Ahh, I have to go. Tumawag lang talaga ako to check on you. Medyo nag-worry kasi ako nang makita ko sa social media na sinuntok ka. I have to go. Mag-ingat ka, ha... b
Nabaling ang atensyon nila nang may kumatok sa pinto. Tumigas ang bagang niya nang makita kung sino ang pumasok doon... si Bryan Mendoza.Councilor si Bryan sa kanilang distrito at magkaiba sila ng partido. Gusto nitong tumakbo ng Governador at kakalabanin cya."Good morning, Mayor!" Malapad ang ngiti nito na parang nakakaloko habang papalapit sa kanya. Nasa likod nito ang dalawang bodyguard.Halos magkaedaran lang sila ni Bryan, 32 din ito tulad niya. Parehas silang mga anak ng mga politiko kaya maaga silang nasabak sa politika."What are you doing here, Bryan?" walang emosyon na tanong niya."I'm just paying a visit to Tito Amado."Tiningnan niya ito nang masama. Hindi niya ito maakusahan nang harapan na ito ang pinaghihinalaan nila kung bakit inatake sa puso ang ama niya. Wala pa silang sapat na ebidensya kaya hindi sila pwedeng basta-basta na lang magbintang."Nabalitaan ko naospital pala si Tito, that's why I'm here.""Di mo na dapat ginawa 'yun, Bryan. Hindi ka na dapat nag-abal
It's been a week, pero hindi pa rin nagkakamalay ang daddy niya. Pero sabi naman ng doctor na maganda ang response ng katawan nito kaya posible itong magising ano mang oras.Nasa opisina siya sa mga oras na 'yun. Nakatingin lang siya sa kisame at natutulala. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Fe ulit. Hindi na ito tumawag sa kanya. Kung siya naman ang tatawag dito, hindi siya sinasagot. Hindi rin sine-seen ang mga messages niya."Ano kaya kung magpasuntok ulit ako para tawagan niya ulit ako? Damn! I miss her voice! I miss her..." wika niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto niya. Pumasok doon si Franco."Boss, tumawag po ang mommy mo. Nagising na daw si Sir Amado!""What?!" Biglang napabalikwas siya sa kinauupuan. "Bakit hindi siya tumawag sa akin?""Tumatawag daw siya pero hindi mo sinasagot."Napatingin siya sa kanyang cellphone. Marami ngang missed calls ang ina niya. Ganun ba siya katulala na pati ang tunog ng cellphone niya ay hindi niya napansin?Dinampot niya ang b
Magkakasundo pala tayo kung ganun, Mayor? Let’s keep each other’s secret, okay?"Maasahan mo ako diyan, Cindy. By the way, totoo ba ang sinabi ni Bryan na nagkaroon daw kayo ng relasyon dati?""Bryan who?" nagtatakang tanong nito."Bryan Mendoza.""Ah, that jerk! Of course not! Paano ko siya magugustuhan, eh lesbian nga ako! And between you and him? Mas pipiliin pa kita kaysa sa kanya. Ang hangin ng lalaking ‘yun!"Napangisi siya. "Salamat naman kung ganun. Nakatanggap din ako ng papuri mula sayo... kanina mo pa ako iniinsulto, eh!""Ahahah... Sorry. Straightforward lang kasi ako!" Wika nito saka sila nagtawanan. "Ikaw naman, ano ang nagpapigil sa'yo sa kasal na 'to? Sino ang maswerteng babae?""She is Fe, my best friend. Nasa London siya ngayon.""Oh..." wika lang ni Cindy saka muling uminom ng kape."Sorry....""Bakit ka nagso-sorry?""I feel sorry for you."Natahimik cya. "She’s my best friend. Nasanay na ako na lagi siyang nandiyan sa tabi ko, pero ngayon ay wala na siya." malungk
"Hello, Fe, iha... Salamat sa pagtawag mo...." hinihingal na sambit ng daddy nya."Kamusta ka na, Tito Amado?" Naririnig niya ang usapan ng dalawa dahil ni-loud speaker muna ni Rosie ang telepono bago ibigay sa daddy nila, na ipinagpasalamat niya."I’m okay, iha. Eto... buhay pa...""Mabubuhay ka pa nang matagal, Tito. Masamang damo ka, remember?" biro ni Fe sa ama niya na ikinatawa naman nito.Pati siya ay lumambot ang puso sa pag-aalala ni Fe sa ama niya. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang pamilya niya kahit pa may tampuhan silang dalawa."Ang sabi ni Clark ay nasa London ka daw... Ano naman ang ginagawa mo diyan, iha?""Ahm, nagbabakasyon lang, Tito. Para naman malibang nang konti.""Sana naman pag-ikinasal na itong best friend mo ay andito ka..." wika ng daddy niya saka tumingin sa kanya."Shit!" Gusto niyang agawin ang cellphone sa daddy niya at mag-explain kay Fe."Ahm... O-opo naman, Tito... Uuwi po ako diyan bago ang kasal ni Clark." Narinig niyang naging garalgal ang boses n
*********************FE'S POV:Namasa ng luha ang mga mata niya nang ibaba ang telepono. Kakatapos lang nila mag-usap ni Clark. Nasa isang coffee shop siya sa mga oras na 'yun at nakakahiya kung may makakitang lumuluha siya doon mag-isa. Isinuot niya ang malaking shades para walang makapansin sa pagluha niya.Habang nagkakape siya doon at napa-scroll sa social media, nakita niya ang pictures ni Clark at ni Cindy."Siya pala ang fiancée ni Clark..." bulong niya sa sarili habang tinitingnan nang maigi ang magandang mukha ng babae. Bigla siyang na-insecure. Ang ganda niya at very elegant kung tingnan sa picture."Wala na... finish na! Ikakasal na nga si Clark... Hindi na cya maghahabol sa akin...""’Di ba 'yun naman ang gusto mo? Kaya nga umiiwas ka na mag-usap kayo, 'di ba?" supalpal niya sa sarili.Oo nga't 'yun ang gusto niya dahil 'yun ang tama. Ikakasal na ito sa iba, at ayaw niyang siya ang maging dahilan kung hindi matuloy iyon. Sobrang mahal niya si Clark kaya ipapaubaya ito sa
***********************CLARK'S POV:Sa paglipas pa ng mga araw ay sila ni Cindy ang laging laman ng balita. Suhestiyon iyon ni Cindy na lagi silang lumabas para mabango ang pangalan niya sa media. At tama naman ito, siya ang laging angat sa rating at kulelat si Bryan. Paano kasi, wala naman itong ginawang tama kundi magmayabang.Kasalukuyan silang nasa isang fine dining restaurant... date nila sa gabing iyon. Extra sweet sila ni Cindy kahit pakitang-tao lang ito. Alam kasi nilang maraming press ang nakasunod sa mga galaw nila."Damn those press!" bulong niya habang kumakain sila."Hihihi... Relax ka lang kasi. Masyado ka kasing stiff. Let them! Kunyari hindi mo alam na nasa paligid lang sila. Good publicity din 'yan para sa'yo!" nakangiting wika ni Cindy saka siya hinalikan sa labi. Noong una ay nagulat siya pero hinayaan niya."Anong ginagawa mo, Cindy? You don’t have to do that..." pabulong na wika niya rito."Hihihi… It’s okay. Nag-eenjoy naman ako sa palabas natin."Napangiti siy
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba