"Talaga.. patikim nga! Tamang-tama at gutom na ako..." Nakangiting wika ng Papa nya. Umupo ito sa dining table.. binigyan naman ito ng pinggan ni Calvin. "Ikaw anak kumain ka na ba?" Tanong ng Papa nya. "Yes Pa... tapos na." Nakatingin lang cya sa dalawang habang kumakain sa dining table. Unang subo ng Papa nya ay napatingin agad ito sa kanya.. bigla cyang kinabahan.... "Masarap ba Sir? nakangitng tanong ni Calvin sa Papa nya. Tumango lang ito. "Masarap nga... familiar ang pagkaluto nito.." wika ng Papa habang nakatingin sa kanya. may ibig itong sabihin. Tahimik na ang Papa nya habang kumakain. Yun ang nakakatakot dito... ang pagiging tahimik nito. Alam kasi nyang may tumatakbo sa isip nito. Pgkatapos ng mga itong kumain ay si Calvin na ang naghugas ng mga pinagkainan nila. Pumasok ang Papa nya sa kwarto at sinara ang pinto... umupo ito sa tabi nya. "Anak umamin ka nga sa akin.. .binisita ka ba ni Jonie dito?" diritsahang tanong nito. "Y-es Pa... andito cya kanina at cya
"I love you too Ken... hindi mo lang alam kung anong ginagawa ko makalimutan ka lang pero hindi ko kaya... ikaw pa din talaga... huhuhu!""Thank you Babe...hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngaun hearing those words from you.. " Naluluha na din sambit nya. "B-babe... can you stay here for the night?" Pagbabakasakali nyang pumayag na ito. "I-i can't!.... baka malaman ni Papa at magalit sya...""Pwede bang wag muna natin silang isipin? Wala na silang magagawa kapag tayo na ang nagdesisyon. Lagi natin pinipigilan ang sarili nating mahalin ang isa't isa dahil iniisip natin kung ano ang sasabihin nila at kung baka magalit sila... pwede bang isipin muna natin ang ang mga sarili natin?""But Ken....""No buts!.... you go here after your work.. dito ka matutulog with me!" Ma-autoridad na wika nya. "Ahm Okay..." nag-aalangan naman sagot ni Jonie. "Good girl... after work diritso ka na dito... I can't wait to see you again my love.""Huh.. eh kakagaling ko lang jan kanina eh!""Iba y
Sumakay na sya sa kotse nya at ng drive pabalik sa condo.. ang dating love nest nila ni Ken. Aaminin nya kanina nung pumasok cya doon ay nanunmbalik ang mga mga alala nya sa condo. Doon sila tumira at tinago ang relasyon nila. Sa lugar na yun lang sila malayang ipinapakita ang tunay na nararamdaman sa isa't isa. Ang Ken na nakikita nya sa opisina ay ibang-iba kung nasa condo na sila. Isa itong napaka sweet na lalaki sa kanya. Doon nya din nalaman na may soft side di pala ito. Na-miss nya ang dating ganun na feeling nila... yung wala silang iniisip kundi ang sarili lang nila. Wala pang trenta minutos ay nasa baba na cya ng condo ni Ken. Dali-dali cyang umakyat... nasa bag pa din nya ang susi nito... hindi pa nya na ibalik kanina.Pagbukas nya ay nagulat si Calvin na naka upo sa sofa... "Mam andito ka po pala ulit... may naiwan ka ba?" tanong nito sa kanya."Ahm wala naman... ang mabuti pa mag day-off ka muna Calvin, ako muna ang bahala sa boss mo." Wika nya saka dumukot ng pera at
Magkayakap lang sila sa kama habang nakahiga... tila kontento na sila sa ganoong sitwasyon. "Kumain ka na ba?" tanong nya kay Ken. "Kanina nung bago ka umalis.... hindi ko alam kung may natira pa sa kare-kare na niluto mo.... inubos ata ni Papa..." nakangisng wika nito. "Kaya nga nahuli nya na pumunta ka dito dahil sa kare-kare mo... alam nya ang timpla mo.""Sorry Babe... nabuking tuloy tayo...." "Hayaan mo na sya... ayoko na din naman itago ang relasyon natin. Mabuti na yung alam na nya ang tungkol sa atin." Napangiti sya... ibang-ibang Ken na ang nasa harap nya ngayon... matured na ito mag-isip, di tulad dati na sarili lang nito ang iniisip."Lulutuan nalang kita ulit... ano gusto mong kainin?" "hmm... ikaw sana ang gusto kong kainin eh..." wika nitong nakangisi.. "Hahah ano ka ba? kaka-kain mo lang sa akin kanina eh!""Bakit ayaw mo na ba?""Gusto! hahaha.." mabilis na sagot nya.Nag-umpisa na si Ken sa paggalaw ng kamay nito. Hinawakan cya nito sa leeg.. napangiti sya dahil
"Oh bakit parang pagod na pagod ka jan?" Tanong ni Fe sa kanya ng pumasok ito sa opisina nya. Naabutan kasi cya nitong nakapikit habang naka-upo sa swivel chair nya. Aaminin nyang pagod nga sya sa araw na yun. Sa condo ni Ken sya natulog at buong magdamag din silang nagtalik. Napaka halimaw ng asawa nya sa kama... hindi hadlang ang kondisyon nito para hindi cya mapaligaya nito sa kama. Napangiti cya... ngayon pa nga lang na limitado ang galaw ni Ken ay solve na cya.. ano pa kaya kung lubusan na itong gumaling? Baka hindi na cya makalakad nun sa dalas ng pagtatalik nila. "Anong ngiti-ngiti mo jan besh? Para ka ng baliw ah!" Napatingin sya sa kaibigan... hanggang ngayon ay wala pa din itong alam tungkol sa kanila ni Ken."Sabihin mo nga sa akin Jonie... may tinatago ka ba sa akin?" "What are you talking about?" Pag maang-maangan nya. "Lately kasi nagiging secretive ka na... may mga lakad ka na hindi mo sinasabi sa akin. Umaalis ka din ng maaga dito kahit wala ka namang appointment,
**************** AVA: Nagda-drive cya pauwi ng Pampanga sa bahay nila, pinatawag cya ng Papa nya. Ayaw sana nyang umuwi dahil alam nya na naman ang sasabihin nito sa kanya. Ipipilit na naman nito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Ken. Paano nya gagawin yun kung badshot na cya kay Ken pati na din sa Papa nitong si Gilbert? Nalaman na ng mga ito ang pakay nila kung bakit nagmamadali ang Papa nya na maikasal sila. Pina imbestigahan sila kaya nalaman ng mga ito na palugi na ang negosyo nila. Napabuntong hininga nalang cya. kasalanan kasi ito ng Jonie na yun! Kung hindi sana ito bumalik ay nasa kanya pa din ang atensyon ni Ken! Pinasok nya na ang kotse sa gate nila. naka-abang na ang security guard sa pagdating niya. Hinanda nya na ang tenga dahil alam nyang papagalitan na naman cya ng Papa nya. Malayo palang ay nakita nya na itong naka-upo sa veranda, kasama nito ang mama nya. Kinakabahan syang pumasok... alam nya kung paano magalit ang Papa nya pero wala na cyang magawa
"Eric pwede bang ipagpabukas na muna ang pag-alis ni Ava? Gabi na at baka madigrasya pa cya sa daan?" pakiusap ng Mama nya. Naawa ito sa kanya pero wala itong magawa. "Hayaan mo cya! Sayang ang oras. Kailangan na nyang gumalaw para para maisakatuparan na ang plano natin!" Napayuko nalang cya habang naglalakad pabalik ng kotse nya. Hindi nya alam kung mahal ba talaga cya ng Papa nya sa mga pinagagawa nito sa kanya. Ano na ngayon ang gagawin nya? Sa kanya na inasa ng Papa nya ang pagbayad sa mga kautangan nila sa pamamagitan ng pag pakasal kay Ken."Bakit kaya hindi nito naisip na tigilan na ang pagsugal para hindi na lalong lumaki utang nito?" Nalulong na kasi ito sa sugal, hindi na nito mapigilan ng pagsugal kahit lubog na sila sa utang. Alam nyang may death threat na din ito sa mga pinagkaka-utangan kaya maintin din ang ulo nito. Pero anong magagawa nya?... hirap din cya... bakit sa kanya inasa ang lahat? Tumulo nalang ang luha nya, parang gusto nya nalang magpakamatay! Pagdati
Ano ang gagawin ko? Papatayin ako ni Papa kapag hindi ko ginawa ang pinag-uutos nya! "Ako ang bahala... tutulungan kita..." wika nito na parang nag-iisip din ng paraan sa problema nya. Tinaasan nya ito ng kilay."At ano naman ang gagawin mo aber?!" Naiinis na tanong nya.. "Milyon-milyon ang pinag-uusapan dito! Eh wala ka nga kahit isang libo!" Ayaw nya man insultuhin ito pero yun ang totoo. Kaya nga ayaw ng Papa nya dito dahil mahirap lang ito...tapos sasabihin pa nito na cya ang bahala? "Wala ka bang tiwala sa akin? Pag sinabi ko ako ang bahala.. ako ang bahala!" wika nito na puno ng kompyansa sa sarili. "Pag ginawa ko yun ay baka matanggap na ako ng Papa mo para sayo kaya relax ka lang jan..." tinapunan pa sya nito ng masamang tingin dahil alam nito na wala cyang bilib dito...Sandali silang natahimik ulit. Ayaw nya makipag-away dito lalo na't ngayon lang sila nagkita ulit. "Saan ang punta mo ngayon?" putol nito sa katahimikan. "Sa Manila.... babalik na ako. Wala naman akong