Share

CHAPTER 1

Author: Ghorlalu
last update Last Updated: 2021-05-08 23:19:16

ZYRILLE'S POV

*GASP*

Agad akong napabangon sa pagkakatulog dahil sa isang panaginip. Isang panaginip na tila totoo kung ito'y susuriin, kakaibang panaginip, ngayon lamang akong nakaroon ng panaginip na ito. Pinagpapawisan din ako at nanlalamig, tila hindi agad ako nakagalaw at hinihingal hingal pa dahil sa labis na pawis. Tumingin muna ako sa aking paligid at nasa kwarto pa rin naman ako, at akala ko'y nasa isang panaginip pa rin ako.

Napapikit na lamang ako at humingang malalim sabay ayos sa aking buhok.

Sa aking panaginip nasa isa akong madilim na lugar isang malaking kwarto na wala masyadong liwanag, may kasama akong isang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa akin. Nakagapos kami, nanghihina, at ang nakakakilabot pa roon, ramdam ko ang panghihina ko kahit na nasa panaginip lamang ako. 

Pumikit muli ako at saka pilit na inalala ang panaginip ko, isa rin sa mga naaalala ko ay, may isang lalaking nakatayo sa harapan namin, may mga sinasabi siya ngunit hindi ko na gaanong matandaan. Ang alam ko lang ay, gusto niya kaming patayin. Mayroon siyang baril, at gigil na gigil na itong tinututok sa amin at nais ipaputok. Pero hindi ko alam ang dahilan, ni hindi ko rin alam kung bakit ako naroon. 

Ano kayang pahiwatig no'n? Lubhang nakakakilabot, at sino naman ang kasama kong lalaki? Hindi ko na rin gaanong matandaan ang mukha niya pati ang mukha ng gustong pumatay sa akin.  

Napailing ako sa sarili ko at humingang malalim. Bakit ko nga ba sinasayang ang oras ko para isang panaginip na hindi ko naman maintindihan kung anong nais iparating. Hinimas himas ko ang ulo ko para ma-relax ito. Magsisimula palang ang araw pero nagpapaka-stress na ako sa hindi importanteng bagay.

Tama na nga ito, kahibangan lang siguro, sa sobrang kape ko lang siguro ito, panay kakaibang bagay na lang ang nasasabi't nakikita o nararamdaman ko simula nang ako'y mag-inom ng kape. Nakakaloka, kung mayroon lang sanang ibang paraan para magising ako at ganahan bukod sa isang nakakatuksong baso ng kape. 

Tumingin ako sa orasan at agad ding napahiga ulit nang malaman kong alas-kuwatro pa lamang ng madaling araw. Ang aga pa para bumangon, at sabado ngayon! Utang na loob, masyado pang maaga para bumangon at nakakatamad pang kumilos ngayon. Napa-stress ko na sa buhay ko at kailangan ko ring magpahinga.

Mabuti wala masyadong gagawin o aralin ngayon.

Gaya ng karamihan, isa lang din naman akong tamad at normal na tao. Hindi rin naman ako alien sa kung gano'n ang inaakala ninyo.

Ako si Zyrille Trixie Louis, isang college student. Isang detective trainee. Para sa isang college student na gaya ko, mahirap ang pinasok kong training, hindi biro ang kailangan mong pagdaanan upang makapasa. Kailangan mo ng parehong utak at lakas. 

Ngunit para sa akin, ito ang dapat kong tahakin. Dahil ang aking ina at ama ay parehong lingkod ng bayan bilang pulis at detective.

Ang nanay ko ay may mataas na posisyon sa pulisya, at ang tatay ko naman ay nagta-trabaho sa isang pribadong organisasyon ng mga detective. 

Isa rin akong detective gaya ng tatay ko, sumasama at nagtatraining ako kasama niya tuwing wala akong pasok. Ang hirap pagsabay-sabayin ang mga tungkulin ko pero kailangan kong magsikap para makamit ito.

Pangarap ko din palang maging isang mahusay na detective, ewan ko rin, ang cool kaya ng maging isang detective! 

Makikipag-laban ka sa mga masasama. Mag-iimbestiga ka ng ibat-ibang mga kaso at iba't-ibang sitwasyon. Magiging spy ka para mabuo at malutas ang isang kaso. Maraming proceso pero laban lang dapat. Pinakauna palang dapat matuto ka ng lumaban dahil hindi mo alam kung anong pwede mong kaharapin sa buhay. Dahil naniniwala rin akong hindi lang lakas ang dapat mong taglayin sa isang sitwasyong kagaya nito dahil ang lakas ay pananggalang mo lamang, at utak naman ang iyong sandata.

Bukod diyan ay marami pang iba, at pinakalayunin mo kapag naglilingkod ka sa bayan ay ang pagsilbihan sila at ipagtanggol, ipaglaban ang hustisyang dapat para sa nararapat. 

Madalas lang akong mag-isa sa bahay namin dahil sa dami ng ginagawa ng mga magulang ko. Kaya natututo na rin akong maging independent sa sarili ko. Mula sa simpleng gawain sa bahay hanggang sa mismong pamumuhay. 

Isa sa pinakamisyon ko ngayon ay medyo hindi common at sobrang hirap kung tutuusin. Lilipat ako sa isang eskwelahan, dahil may iibestigahan akong isang organization, isang malaking organization na matagal ng iniimbestigahan ng aking ama at sabi niya sa akin na panahon na para ako naman ang sumubok na mag-imbestiga.

At syempre kailangan ko ng matinding training dahil 'di biro ang pagdadaanan ko, alam kong marami akong kakaharaping mga pagsubok dito. Imagine isa lamang akong normal na teenager at haharap agad ako upang mag-imbestiga ng isang organisasyon? Nakakakaba. 

May mga nahawakan na rin akong mga kaso noon, may pagnanakaw, may mga gangster na nananakit ng mga tao, at mga ibang mga minor cases lang. Sapat na para sa isang trainee na kagaya ko. Ngunit syempre may kasama akong nakakatanda, bali tutulungan ko lamang sila mag-imbestiga. Tinutulungan ko silang mag-isip.

Dati, gustong gusto kong makipaglaban kaya nagpapaturo ako sa Tito Christian ko kung paano makipaglaban, at dahil nasa tamang edad na rin naman ako, tuturuan na niya akong humawak ng baril. Kaka-excite noh? Nasa tama at legal na edad na rin naman ako para rito.

Mas gusto ko ang makipaglaban kaysa sa mga tamang huli lang sa masasama ganu'n, walang ka thrill thrill, kakainis. Gusto kong matutunan at maranasan ng mag-isa lahat ng tungkulin ng isang detective.

Dati nakita ko si tatay kung pa'no siya makipaglaban noon sa isang malaking gang na bumibihag ng mga babaeng magaganda ang kutis. Isa itong kidnapping crime. Sobrang galing! Bawat hawak niya ng baril, bawat sipa at suntok niya sa mga kaaway, kasama ang iba pang mga pulis at kapwa niya detective. Naubos nila halos ang maraming malalaking tao, napakawalan nila ang maraming babae na binihag nito. 

Dahil isang pulis si nanay at may mataas itong pusisyon sa pulisya, bugbog sarado na nga kila tatay ang mga lalaki, nakulong pa sila. Angas ng pamilya ko ano? Ganu'n talaga, para sa'kin isang biyaya na mapunta sa ganitong klase ng pamilya, nakakapagbigay kami ng hustisya para sa iba. 

Masyado pang maaga para para bumangon, kaya hihiga na lang muli ako at susubuking makatulog. Baka mabawi ko pa ang panaginip ko at mas malaman ko pa ang mga nangyayari, nakaka-curious talaga. 

Related chapters

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 2

    Dominic's POV"Tapos na ang dapat pag-usapan, aalis na'ko, wala namang kwenta ang mga pinag-uusapan niyo, wala ring kakwenta-kwentang 'tong kausap ko," prangkang sabi ko sabay tayo, nagsasayang lamang ako ng oras para rito.Pagkatayo ko bigla agad ako hinarang ng mga malalaking taong kasama ni Leo, si Leo ay isang mataas na taong kinatatakutan ng ibang mga mafia dahil sa yaman at kapangyarihan niya bilang leader. Magaling siyang makipag-salisihan ng pakikipag-usap, kaya marami siyang naloloko.Pero sa lahat ng lolokohin niya, sinisigurado kong hindi ako iyon, mas lamang ako ng talino at galing sa stratehiya kaysa sa kanya, kaya hindi niya ako mauutakan sa kanyang mga salita, mas lalong hindi niya ako mahihigitan sa lakas dahil mas malakas ako kumpara sa kanya.Tingnan ako ng masama si Leo, at sabay biglang hugot niya ng baril mula sa kanyang pantalon at itinutok ito sa akin. My eyes darke

    Last Updated : 2021-05-09
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 3

    Zyrille's POVKakagising ko lang ulit, at una kong ginawa ay buksan ang bintana. Iba talaga ang ihip ng hangin kapag bagong gising, iba ang simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam, ang gaan sa loob.Sabado rin ngayon kaya kailangan kong magpunta sa Training Center ng agency namin para mag-train bilang isang detective. Pero okay na rin 'yan, para may magawa rin ako kahit sabado ngayon at dapat ay nagpapahinga lang ako.Bumangon na rin ako at niligpit ang pinaghigaan ko, nag-toothbrush na rin at pumunta akong kusina nguniy napansin kong walang pagkain, napa-face palm nalang ako at napahingang malalim, lagi nalang akong inuubusan ng makakain, hmph.Mag-o-order na nga lang ako.Ay, 'wag nalang, mamaya nalang ako kakain after training para bongga 'yung gutom ko at makalamon ako ng maraming maraming sobrang dami.Magbibihis na muna ako, and for my beautiful

    Last Updated : 2021-05-09
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 4

    Zyrille's POVSa rami ng nangyari, nag-training lang ako at nagpapawis pagkatapos kumain at umuwi na rin ako pagkatapos. Masyadong nakakapagod ang araw na ito, nagpapawis lang ako, nagsisipa na lang ako ng punching bag at pinanggigigilan iyon sa sobrang inis ko sa nangyari sa akin kanina. Nagpapagod lang ako at umuwi na rin, wala rin ang trainor ko kaya saktong makakapagpahinga ako sa sobrang daming naganap ngayong araw, literal na gusto kong matulog. Nakatulog din naman ako agad dahil may pasok pa ako.- FAST FORWARD -Kakagising ko lang ngayon at nawiwindang ako sa alarm clock ko. Sinet ko ito ng 4am pero tumunog na ng 3:47am, grabe talaga parang nananadya, gusto ko pang matulog eh.Napa-face palm na lang ako at agad na bumangon. Isa itong araw na ito sa mga pinaka pinaghahandaan ko.Mag-aayos na ako para maghanda para sa eskwelahan ko. Mga gamit at mga susuotin ko sa aking bagong eskw

    Last Updated : 2021-05-10
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 5

    Zyrille's POV "Magandang umaga po," bati ko sa aking guro. Ngiting ngiti ako dahil unang klase ko ito, dapat magpa-impress ako, dapat marami akong maging kaibigan dito, pero dapat focus pa rin sa misyon. Wala dapat akong katakutan. Pero agad din iyong napawi nang batiin ko na sana ang mga kaklase ko, pumukaw agad sa mga mata ko ang pinaka-ayaw kong makasalamuha. "Ikaw na naman?" inis kong sabi sabay nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin. "Ikaw na naman?!" inis din niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Pati ba naman dito makikita ko siya? Shems, feeling ko kilala na niya ako ngayon. Baka sabihin pa niya na sinusundan ko siya. Aba, kapal ng mukha niya kung gano'n, tss. Baka maghinala ito agad. "Good morning din Ms?" tanong ng guro namin para mabaling ang atensyon ko sa kanya. Uma

    Last Updated : 2021-09-01
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 6

    Dominic's POV Nakatitig ako sa tatlong malaking bag habang naka-cross arms. "Ito na ba lahat 'yun?" tanong ko sa isang tauhang nasa harapan ko. Gagamitin ko ang mga ito para linlangin ang isang grupong kakausapin namin mamaya. Nagbebenta sila ng illegal na mga gamit at ginagamit iyon upang pagkakitaan at ibenta sa mga inosenteng mga tao. Kinukuha nila ito sa illegal na paraan kaya hindi ito tama. "Yes sir, all cases ay may kanya kanyang mga laman for exchange," tugon ng isang tauhan. Napansin ko ring habang nagsasalita siya ay nakatitig siya sa may lupa dahil nandito kami sa parking area, tumaas ang kilay ko dahil dito. Mukha ba akong lupa? Sino bang kausap ng hunghang na ito. Ganu'n ba ako kagwapo para hindi niya tingnan at baka maski siyang lalaki ay ma-inlove sa akin? Nakakapanghina naman. "Good, make sure na hindi 'yan madadaya 'pag pinadala 'yan doon, a

    Last Updated : 2021-09-06
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 7

    Zyrille's POV Matapos ang mga nangyari kagabi, mabilis ang naging pangyayari at ito na naman ako pra kaharapin ang panibagong araw, buti na lang at maganda ako kundi hay nako talaga. Nandito kami ngayon sa isang laboratory sa school dahil may experiment kami. Practical Exam ito for Chemistry. Although isa itong assesment kung may natutunan ba kami for our review lessons these past few days at i-apply ang mga natutunan namin before kung nare-recall pa ba namin iyon. Sa loob ng Laboratory, may walong table, iyong mga table na ito ay malalaki at mahahabang table, sa tiles ito gawa at hindi basta bastang table. Sa bawat table naman ay may lababo at mga kaunting kagamitan. Mayroon ding mga pamunas. Sobrang organisado ng bawat gamit sa loob ng laboratory, lahat ng equipments ay nakalagay sa isang safe na aparador at lahat kami ay naka laboratory gown o laboratory suit. Lahat kami required magta

    Last Updated : 2021-09-12
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 8

    Zyrille's POVDahil kabisado ko ang lugar na ito, dumaan ako sa isang shortcut na kung saan tatagos ako sa kabilang kanto. Paikot lang na parang lagusan. Kailangan kong malaman kung sino iyong sumusunod kay Dominic. Kailangan ko ring mag-ingat ng todo.Matapos akong mapunta ako sa kabilang kanto, sinigurado kong abot tanaw ko pa rin si Dominic. Sa bawat kilos ko nakatutok pa rin ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko siya maaring pabayaan.Agad kong hinanap kung sino ang nagmamasid sa kanya. Nakatago ako ngayon sa isang malaking poste. Nahihirapan akong magtago at hindi magpahalata dahil kakaunti lang ang mga dumadaan na tao, hindi ako kaagad makapagtago nang hindi nahahalata, kaya kailangan kong maki-blend ng todo sa mga dadaanan ko.Nakita ko ang isang lalaking around 5'8-6'0 ang height, nakatingin siya kay Dominic, tinansya ko lamang ang height niya dahil ang height ko ay 5'6 at medyo mata

    Last Updated : 2021-09-20
  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 9

    Dominic's POVSino ang babaeng iyon? Kakaiba siya sa mga babaeng kilala ko. Hindi siya basta basta kayang talunin ha. Palaban siya at matapang. Parang pamilyar din ang istilo niya kung lumaban ngunit ko alam kung saan at kung kailan ko iyon nakita at naranasan.Takip na takip din ang mukha niya, pero bakit naman? Para matago ang identity niya, gano'n ba iyon? Pero nakakapagtaka naman kung gano'n.Mabango rin siya sa totoo lang, pamilyar nga rin ang amoy niya eh hindi ko lang talaga maalala kung saan ko iyon naranasan. Mamaya pag-iisipan ko kung sino at kung saan ko iyon nakita at naamoy.Hanga rin ako sa babaeng iyon, hindi siya basta bastang babae lamang. Nakakamangha siya, sana'y magkita ulit kami.May nakuha ako sa kanya, hindi ito gaano kahalaga pero tingin kong balang araw makakatulong ito sa akin para malaman kung sino ba siya. Re

    Last Updated : 2021-10-07

Latest chapter

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 22

    Dominic's POVHabang nandito ako at busy, sinusubukan kong i-hack ang tracker para malaman ko kung nasaan ba talaga si Zyrille, then I receive someone's message. Pansin mong gaya sa ibang mga nagtext sa aking mga unknown numbers, iba rin ang isang ito. Hindi ko ba alam kung iba't ibang tao ba talaga ang nagte-text sa akin or still the same person pero iniiba lang ‘yung number just to trick me. Pero may kutob din akong trip lang akong paglaruan ng kung sinong may pakana nito, akala niya o nila siguro na madali lang akong mauto at hindi ako nag-iisip.Zyrille's father got an email yesterday at nalaman din naming pati din pala ang Detective Organization ay pinadalhan din ng message na nawawala si Zyrille.I couldn't believe na aabot sa lahat ang nangyayari ngayon, pero hindi ako nagsisisi. Hindi ko pinagsisisihan na pinili ko si Zyrille, na mahalin ko siya, no matter what happen, I will still love her until death. I will still love her until my last breath. "Do you miss your precious

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 21

    Darius' POVAfter a while, I decided to check Zyrille.Dito na magsisimula ang plano ko.Ang planong matagal ko ng pinaghandaan, matagal ko ng isinantabi para gamitin para sa takdang panahon, at ngayon na ang panahon na iyon.Hindi ko mawaring isipin na hahantong ako sa ganito, isa lang naman akong normal na tao, but anger made me to do this.Pagkatapos kong mag-drive, nandito na ako sa isang abandonadong building, kung nasaan ang isang babae lubos na makakatulong sa akin para mapabagsak si Dominic.Pagkapasok ko sa loob, as usual na sasalubungin ako ng mga tauhan ko.Pagkapunta ko kay Zyrille, nakita ko siyang nanghihina ng sobra at natutulog.Pansin sa mukha niyang sobrang namamaga at halos namumula pa rin.Alam ko na kung sino ang may gawa niyan. Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. She's so damn hopeless. Well, hindi ko rin naman masisisi si Amaryllis, masyadong maraming kasalanan si Zyrille sa kan'ya.At kung balak niyang patayin si Zyrille, then go. Hindi

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 20

    Amaryllis' POVLike I've said, its payback time.Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako ng mga tauhan ni Darius, I make sure na may distances kami between me and the so called 'tauhan' ko. Masyadong precious ang katawan ko at masyadong mataas para dumikit sa mga hampas lupang utusan, para bayaran. Pagkapasok ko, unang hinanap ng mata ko ang pagmumukha ni Zyrille and yeah, I found the bitch who destroyed my life. Natutulog siya at nakagapos, nasa sahig at nanghihina. Deserve mo 'yan. Pinag-gloves ko ang mga tauhan ko para hawakan ang shades at bag ko. Ayokong madumihan ang mga 'yun, dahil mas mahal pa'yon kaysa sa buhay nila.Natutulog ang munting prinsesa kaya gigisingin din natin siya the way she deserves.Nagpakuha ako ng mainit at bagong kulong tubig mula sa mga tauhan ko.And when it's done. Kumuha ako ng isang baso, ng umuusok at mainit na kumukulong tubig.Time to wake the bitch.Lumapit ako sa pagmumukha niya at umupo, pinagmasdan ko muna ang pagmumukha ng taong sumira sa buhay

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 19

    Darius's POVCalling Amaryllis..."Hey sweetie? Did you forget to check your email? Sinend ko ang informations na kailangan mo to hack the mafia's hacker, including the codes you needed," Isang ngisi ang lumapat sa aking mga labi. Once na mapasaakin ang codes na kailangan para ma-hack ang hacker, mahihirapan na sila na makita at ma-locate ang isa't isa. Mas mapapadali ang magpapatumba ko sa dalawang istorbo sa aking buhay. "Yes sweetie, I already did that at 'di na nila kayo ma-tatrack," sagot ko. "So, wanna see the snake here? Natutulog nga lang siya," sunod kong sabi. "Oh sure, gustong gusto ko makita, at panggigilan," seryosong sagot ni Amaryllis. Amaryllis is on her way here to check the if everything is fine. Hindi pa rin niya naaalis sa sarili niya ang pagka-bitter ng dahil sa nangyari sa kanila ni Dominic, making her hate Zyrille even more.Ayaw na niya kay Zyrille una pa lang.Amaryllis is one of the detective trainee's. Si Amaryllis ang laging pinupuri noon dahil sa ga

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 18

    DOMINIC'S POVMatapos ng malayo layo kong pagtakbo sa tumigil muna ako para ayusin ang sarili ko. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil tinakbo lang ang pagpunta sa lugar na ito.Nandito ako ngayon sa isang abandonadong lugar kung saan 'yung sinend na address sa akin ni Luna.May mga bakal na nakaharang sa mismong dalawang malaking pintuan nito. Tila pinaghandaan nilang darating talaga ako kaya hindi nila hahayaang basta na lang akong makapasok dito. Ang talino rin naman pala ng kalaban ko.Pero sana hindi tanga ang tingin niya sa akin dahil gagawin ko ang lahat para warakin ito. Kinuha ko ang baril ko at kutsilyo at agad na pinaputukan ang bawat sulok ng bakal para mabali at mawasak ito. Ginawa ko lahat, kumuha rin ako ng mga bakal dito at pinaghahampas ang kadena.May silencer din naman ang baril ko kaya hindi rinig ang pagputok ng bala. Ngunit alam kong ma

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 17

    Darius' POVA long time ago, there was this boy and his brother, playing together, eating together, laughing together, having fun together.Not until their mother died. Which is soon to be the successor of the Mafia. Then, an organization starts to think that they need someone to take the position of leader. So then, their father decided to choose between the two siblings. The other sibling said, "I nominate my kuya! Because he's strong, he can do that," and the older brother thought that because he's the older one, he's going to be the leader. And as the older brother assumed that he was going to be the successor of the organization, the opposite happened.The younger one won the position. The father said that "I choose the younger one because he's more capable and responsible than the older one."The older brother feels broken and starts to cry every night. He is very envious and jealous of his bro

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 16

    DOMINIC'S POVDahil sa taranta ko, una kong tinawagan si Luna.*Calling Luna*"Oh, ano 'yun?" bungad nito sa akin, halatang bored na bored sa kan'yang buhay."Di ko alam gagawin, someone message me a death threat pero bigla na nilang mini-mention si Zyrille. Sinabi pa nila na 'Ang ganda pala ni Zyrille 'no'. What should I do?" sunod sunod kong sabi sa kan'ya. Natahimik siya ng mga ilang segundo at nagsalita na rin."Una sa lahat, kumalma ka, 'di ka makakapag-isip ng maayos pag nagpaligoy ligoy at nagtataranta ka r'yan, I'll contact Zyrille. Papa-locate ko siya sa hacker," sabi nito."Okay," Iyan na lang ang tangi kong naging sagot.Then I ended the call.F*ck, why her?Agad agad kong hinanap si Zyrille sa contacts ko pero wala akong number niya, maski social media hindi ko

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 15

    Dominic's POVLately hindi ko ma-gets sarili ko.I don't usually believe in LOVE, hindi ako naniniwala sa kahibangan na 'yan una pa lang, after I saw my parents cry for each other dahil lang sa lintik na pag-iibigan nila. Nakita ko kung paano sila nagpakatanga para sa pag-ibig nila halos pati lahat ng tao nadamay para lang sa pagmamahalan nila, pathetic.Not until Zyrille came, and suddenly entered my f*cking life.I don't know. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, hindi ako sigurado, at gusto kong siguraduhin, gusto kong malaman.Gusto kong linawin, dahil ako, sa sarili ko, ayokong may masaktan. Yes, na-fall in-love na'ko sa iba, pero nag-fail eh, that's why im scared to do that again. Kagaguhan lang naman dinudulot ng pagmamahal eh.Kaya ako nagpakamanhid at pinasok ang mafia kahit ayoko naman talagang makielam sa mga business ng magulan

  • LOVE UNTIL DEATH   CHAPTER 14

    Zyrille's POVSa loob ng ilang araw, nag-stay pa ako sa ospital at nagtiis sa mga masusungit na nurse at doktor doon.Maarte na, ang susungit pa, nanggigil ako! Sabi nga-nga, 'pag ngumanganga dapat exaggerated, like duh? Titingnan niyo ba buong ngala ngala ko? Pati ba halaga ko makikita sa gano'n?Ang OA, parang ewan.After ko maka-alis, pumunta muna ako sa Headquarters ng Mafia para kunin ang mga gamit ko, at uuwi muna ako. Grabe, gusto ko na talaga ng literal na pahinga.Palakad na'ko pauwi dahil sa bwisit na mag-cocommute sana ako at ready na akong pumara ng sasakyan ng mapagtanto kong wala pala akong pera na pambayad.Kaya eto, bagong labas ng ospital tapos maglalakad ng pagkahaba-haba, nakakagigil naman.'Di ko masyadong kabisado ang daan pero kaya ko naman magtanong tanong na lang.

DMCA.com Protection Status