Sa loob ng elevator, yakap-yakap ni Brenda ang brown envelope sa dibdib niya. Nakasuksok siya sa sulok ng elevator sa takot na baka masagi niya ang katawan ng kanyang boss. Nagtataka naman ito na binalingan siya. “What are you doing?” “Po?” tanong niya. “Are you sure you want to become my personal secretary?” Halata ang pagdududa nito sa kanya habang tinitingnan siya. Umayos siya ng tayo. “Yes sir. I’m confident that I can handle my job as your secretary if you will give me a chance.” Tuloy-tuloy niyang sagot. Nakita niya ang pagtaas baba ng adams apple nito na kay sarap tingnan dahil lalaking-lalaki ang dating nito. Napa Kurap siya ng mga mata ng makita na bahagya itong ngumiti ngunit hindi pinakita sa kanya. "I thought you didn't know how to smile, sir." Nasampal niya ang bibig ng napagtanto ang sinabi niya. Nakita niyang muli itong sumeryoso. Pinasok nito ang dalawang kamay sa loob ng bulsa at tuwid na nakatalikod sa kanya. “Why did you say that?” tanong nito habang naghihinta
"Kumusta ang apply mo?" Tanong ni Suzete pagdating niya ng bahay. Kinuha niya si Gab mula sa kandungan nito at hinalikan sa noo."May work na si Mommy. Mabibili ko na ang lahat ng gusto ko para sa 'yo. Plus, matutuloy na rin ang binyag mo next month." Nakangiti niyang wika sa anak."Talaga, besh? Seryoso? Natanggap ka?" Hindi makapaniwala na tanong ng kaibigan niya. Mas mukhang excited pa ito kaysa sa kanya."Uhuh, at bukas na ako magsisimula." Natutuwang sagot niya na binalingan ito."Yaay, I'm happy for you besh. Ano ba ang ginawa mo at napapayag mo ang CEO na i-hired ka?"Nagkibit balikat siya. "Siguro dahil nakikita naman niya na seryoso ako pagdating sa trabaho." "Ay naku, Kailangan natin mag celebrate dahil may trabaho ka na." Bigla nagbago ang reaksyon ng mukha niya ng maalala ang unang trabaho niya bukas."Oh, bakit ganyan ang pagmumukha mo? Kailangan bang maging malungkot pag nag celebrate?" Napangiwi siya sa tanong nito. "May business meeting siya sa CEO ng RB bukas.""A
Matapos nilang umupo sa pinareserve ni Rheniel na table para sa kanila nakaramdam si Brenda ng kakaibang kaba. "Sir, the CEO of RB will be here in two minutes. What would you like to drink?” tanong ng babaeng waiter.“Island Blue, please.” Hinawi ni Luke ang hibla ng buhok ni Brenda na nakatakip sa pisngi nito. Nagulat ito sa ginawa niya. “You seem nervous.” Puno ng pag-alala ang boses niya.“One serving of Jamaica Blue Mountain Coffee, Sir?” Kumpirma ng babaeng waiter sa kanya.“Yes Please..”“How about you Ma’am?” Nakangiting tanong nito kay Brenda.“Super Venti Flat White.” Wala sa isip niyang sagot. Gusto na niyang pumunta ng Cr bago pa dumating si Rheniel. Gusto muna niyang ihanda ang sarili baka halatang kinakabahan siya.“Hey, okay ka lang ba?” kunot noong tanong ni Luke.“Not feeling well, Sir. Slight lang. Pwede bang punta muna ako ng Cr.” Nakangiting sagot niya at pinahiran ng tissue ang pawis sa noo. Hindi talaga siya kumportable kapag na-iisip na makaharap niya si Rhenie
Habang bumabyahe, walang imikan ang dalawa. Pati ang driver naninibago na rin sa nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse. Ngunit hindi na siya nagtangka pang magsalita kahit na gusto na niyang tanungin ang kanyang boss kung saan ba sila dideretso. Kung sa opisina ba or may ibang lakad pa ang mga ito. Sa kalokohan niya, bigla niyang inapakan ang preno dahilan upang muntik ng masubsob si Brenda sa likuran ng pang unahan na upuan. Mabuti na lang mabilis ang mga kamay ni Luke sa pagyakap kay Brenda kaya ang ulo niya ang tumama sa likuran ng upuan sa unahan."What the fuck!" Mura ni Luke habang matalim na nakatingin sa kanyang driver."Sorry boss, ang aso kasi biglang tumawid." Pangangatwiran nito."Ayusin mo ang pag drive!" Singhal ni Luke sa driver."Nasaktan ka ba?" Puno ng pag-alala na tsinek ni Luke ang mukha ni Brenda."Hindi, okay lang ako. Sorry nadaganan yata kita." Hinging paumanhin ni Brenda. Hinawakan niya ang bahagi ng mukha ni Luke na nakasubsob sa upuan.Napapikit naman s
“Teka, Sir mukhang gubat na itong dinadaanan natin.” Reklamo ni Brenda habang hinihimay ang mga kahoy na sagabal sa kanilang dinadaanan. “Pasensya ka na. Matagal na kasi akong hindi nagawi rito kaya, medyo naliligaw na ako.” Pag-amin nito. “Po? Naku Sir. Huwag naman kayong magbiro ng ganyan. May anak pa akong naghihintay sa bahay. Hindi pwedeng hindi ako makauwi mamaya.” Parang iiyak niyang wika. Binalingan siya ni Luke. “Tawagan mo na lang ang nagbabantay sa kanya na hindi ka makakauwi. Alanganin na sa oras. Dumidilim na.” Saka pa lang napansin ni Brenda ang kalangitan. Tiningnan niya ang oras. “Alas tres pa lang naman ah. Bakit ang dilim na?” “Mukhang uulan.” Kakasabi lang ni Luke ng biglang bumuhos ang ulan. “Fuck!” Hinubad nito ang suot na Black Coat at tinakpan ang ulo ni Brenda. “Sir, Paano po kayo?” tanong ni Brenda habang hawak ang coat ng boss niya na ginawa niyang pamayong. “Kukuha lang ako ng dahon ng saging.” Mabilis nitong kinuha ang ang pocket knife na kinuha nito
Mayroong clinic sa loob kaya dito niya ito dineretso. May mga ilang pasyente na rin na nasugatan ang nakahilera sa loob at pawang napuno na lahat ng higaan. Ang iba nasa folding bed nakahiga samantalang ang iba nakahiga na sa sahig na may sapin na banig. Umupo na lang siya sa plastic na upuan at kinandong si Brenda."Hinawi niya ang buhok nito sa pisngi. Napangiwi pa rin ang mukha nito dahil sa sakit."Sir, ako na lang po ang uupo. Hindi mo kailangan na kandungin ako. Nakakahiya." Wika ni Brenda."No, masama na nga ang pakiramdam mo nagmamatigas ka pa. Hindi ka naman mamatay sa kandong ko di ba?"Nakagat ni Brenda ang dila niya ng marinig ang sagot nito. Hindi na siya nagreklamo pa. "Masakit ba ito?""Array sir! ang sakit, huwag mong hawakan!" Napasigaw siya sa sakit dahil sa biglang pag hawak nito. "Sir, handle it with care." Napalingon sila pareho kay Mang Sandro dahil sa sinabi nito. Hindi nila alam kung saan ito nanggaling bakit bigla itong sumulpot sa kanilang likuran."Hanap
Paaaak! Nagulat si Luke ng suntukin siya ni Rheniel. Mabuti na lang agad siyang nakahawak sa wall kaya hindi siya natumba. Pinahiran niya ang labi niyang pumutok. Nalasahan pa niya ang dugo na nagmula rito. “Sinabi ko na sa’yo Brod, pag-aari ko si Brenda, kaya huwag kang—” Paaak! Hindi na rin natapos ni Rheniel ang kanyang gusto sanang sabihin ng umigkas ang kamao ni Luke at tinamaan rin siya sa labi ng mga suntok nito. “Sir Luke! Rheniel! Ano ba! Tama na!” Sigaw ni Brenda. Kahit masakit ang kanyang dalawang paa, pinilit pa rin niyang tumayo. Kung alam lang niya na mangyayari ‘to sana sa folding bed na lang siya at hindi na lumipat pa. Hinawakan niya ang damit ni Luke dahilan upang manatili sa ere ang kamao nito at hindi na magawang gumanti kay Rheniel. Niyakap niya sa Brenda. “Brenda, Please, huwag kang sumama sa kanya.” Umiiyak nitong pagsusumamo. Dahil sa selos, hinatak ni Rheniel si Brenda palayo kay Luke. “Ahhhh…aray..” “Tangina mo, nasasaktan si Brenda!” Galit na sigaw ni
Nagising si Brenda na sa loob na ng isang malaking silid. Dahan-dahan siyang bumangon para lang makita na nakabendahe na rin pala ang kanyang mga paa. Saka pa lang niya naalala ang nangyari sa kanya sa San Sebastian. Pinilit niyang bumaba mula sa kama upang tingnan kung saan siya dinala. Paika-ika siyang pumunta sa pintuan at pinihit ang door knob. Nagtaka siya kung bakit hindi niya ito mabubuksan. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya rito. Inikot niya ang paningin sa buong silid. Nakita niya ang kurtina sa may bintana na nilipad ng hangin patunay na bukas ito. Muli niyang ininda ang sakit ng kanyang mga paa sa tuwing inaapak niya ito sa sahig sa kagustuhan niyang makasilip sa bintana. Hinawi niya ang kurtina. Ganun na lang ang kanyang pagtataka ng napagtanto na sa loob siya ng malaking yate. Natanaw niya ang lawak ng karagatan. Hindi niya alam kung ilang oras o, araw na siyang nandito. Malaki ang mga hakbang niya na bumalik sa pintuan. Wala na siyang pakialam kung masakit a