Kamusta kayong lahat? Kung isa ka sa musugid kong tagasubaybay at naghihintay na maipagpatuloy ko ang aking mga akda, gusto kong sabihin na sobrang thankful ako dahil nandyan kayo. Hindi madali para sa akin ang pinagdadaanan ko ngayon, ngunit para sa inyong lahat gusto kong ibahagi ang ilang parte ng kwento ng buhay ko sa free chapter na ito. Para na rin maintindihan nyo kung paano at bakit ako dumating sa punto na ito ng buhay ko na kailangan ko munang iwanan pansamantala ang pagsusulat para sa nag-iisang tao sa buhay ko.
Taong 2010, nang iniwan ako ng ex-boyfriend ko dahil nabuntis niya ang kanyang ex-girlfriend. Noong time na iyon nag-aagaw buhay ako sa ospital dahil inatake ako ng hika at alergy sa puso. To cut that story, lumabas ako ng ospital na tanging best friend ko ang siyang sumalo at sumama sa pain na nararamdaman ko. That best friend of mine is my now so called husband. Naging kami one year after akong niloko ng ex boyfriend ko. Sya ang knight in shinning armour ko kung baga. So, year 2011 nagsimula ang relasyon namin bilang newly born couple. Ang relasyon namin maraming ups and down tulad ng iba at madalas rin nababasa sa mga nobela. Lapitin ng babae ang boyfriend ko kaya madalas on and off ang relasyon namin. Dahil sa dami ba namang babae niya na sinabay sa akin, makakaya ko ba ang ganung relasyon? Kahit laging ako ang pinipili niya at iniiwan niya ang mga iyon para sa akin, napapagod na rin akong umiyak at umintindi. Hanggang sa nagkalayo kami dahil lumuwas ako ng maynila, year 2013. Sinundo niya ako upang umuwi ngunit hindi ako sumama. Lumuhod sya sa parents ko para lang mapauwi ako, ngunit hinintay ko pa ang one year bago umuwi. Mula noon hindi na siya nagcommunicate pa sa akin. Noong umuwi ako nabalitaan ko ikakasal na siya, year 2015 na yun. Nasa abroad yung babae. Hindi pa sila nagkita. Ibig sabihin ang relasyon nila thru calls ang text lang social media, etc. Hindi ko alam na tinawagan siya ng mother ko upang ipaalam na umuwi na ako. Nagulat na lang ako x-mas nang time na yun, pumunta siya sa bahay namin. Aaminin ko mayroong bahagi sa puso ko na hindi ko maipaliwanag ang saya ng makita ko siya. Hinayaan kami ng mother ko na na mag-usap. Nang dalawa na lang kami. walang isa sa amin na nagsalita. Naghihintayan kami pareho at Pinakiramdaman ang isa't-isa. Hanggang sa gumalaw ang kamay niya at nasagi nito ang kamay ko. Pareho kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil na rin siguro sa kakaibang kuryente na naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam pareho rin pla kaming nararamdaman. Narinig ko pa ang paglunok niya bago magsalita. Ang sabi niya, "K..kamusta ka na?" Sabi ko "heto buhay pa." Dahil sa sagot ko ngumiti siya ng napakatamis. Napangiti na rin ako nang time na yun. Muli siyang nagtanong. "Babalik ka pa ba ng maynila?"Hindi muna ako sumagot. Naalala ko kasi na ikakasal na siya. Nang may lakas na ako ng loob na sumagot sabi ko, "Wala pala tayong formal break-up. Nabalitaan ko ikakasal ka na. Ibigay ko ang kalayaan mo...""No," agad niyang pinutol ang pagsasalita ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi man siya tumitingin sa akin ngunit ramdam ko ang paghihirap ng kalooban niya. "Ikaw kasi eh.." sabi niya. "nawalan na kasi ako ng pag-asa na umuwi ka pa. I'm sorry kung mabilis akong mag give up."Hindi agad ako nakapagsalita. Maya'y sabi ko, "Sorry, napagod na rin kasi ako sa relasyon natin. Sa tuwing may babae ka, kapag pinpapili kita, masaya akong ako lagi ang pinipili mong mag stay sa buhay mo. Pero kasi narealized ko hanggang kailan na masaya lang ako kapag pinipili mo? Paano kung dumating sa point na hindi na ako ang pipiliin mo. Baka mas lalong masakit.""Handa akong magbago. Patunayan ko sayo."Nagulat ako sa sagot niya. "Paano ang papakasalan mo?" tanong ko."Sasabihin ko sa kanya hindi na matutuloy ang kasal namin. Any way hindi pa naman kami nagkita dahil sa ibang bansa pa siya. sa f* lang kami nagkakilala." paliwanag niya sa akin.Hindi ko na siya sinagot. Ewan ko ba, pero noong time na yun hinayaan ko na lang ang tadhana ang magdikta para sa amin kung kami talaga magkakabalikan kami. pero kung hindi, tatanggapin ko naman. After naming mag-usap kinagabihan tawag ng tawag ang girl sa kanya. Nag-usap sila at narinig ko nga nakipag break siya sa girl. Syempre narinig ko dahil sa bahay siya natulog. Gusto pa daw niya maka bonding family ko. Doon siya nag xmas sa bahay.So to make it short, naging kami ulit year 2015. Nagdecide kami magpakasal. Ngunit sabi ko, after ko nang makapagtapos sa college. Pumayag naman siya. Tinulungan niya akong makapag-aral dahil 2 years na lang ang tatapusin ko sa course na business management. Huwag nyo nang itanong bakit iyon ang kinuha ko samntalang pagsusulat naman ang passion ko. Nagtrabaho kami pareho sa iisang kumpanya lang at provide ng kumpanya namin ang bahay na aming tinutuluyan. Masaya kami dahil alam naman ng lahat ang relasyon namin with blessing naman ng aming boss. Anyway, April 2018 Graduation ko na sa college. So nagset kami ng wedding date namin May 16, 2018. Medyo hectic ang date na iyon para sa akin dahil dalawang beses ako magmarcha, sa stage at sa gitna ng aisle.Ngunit tulad nga ng madalas na nababasa ninyo sa mga novels o napapanood sa mga drama series, ang relasyon ay hindi perpekto. Umabot kami sa point na hindi na maitutuloy ang kasal namin dahil nalaman ko nagkaroon sil ng relasyon ng officemate namin. At ang masakit Secondary sponsor pa namin siya sa aming kasal. Parang gusto kong magwild ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalo na nalaman ko may nangyayari sa kanila sa tuwing sila ang sabay na inuutusan ng boss namin na mag out of town. Kaya pala ilang buwan ko na naramdaman habang papalapit ang kasal namin parang nanlalamig sya sa akin. Pinatawag ko silang dalawa. In short nagkaharap harap kami. Muli kami nauwi sa "sige this time pumili ka. Hindi natin itutuloy ang kasal." Di ba ang hangal ko? So stupid I am na kung sa mga nobela makikipag break agad ang babaeng bida sa fiancee niyang nanloko. kaibahan nangyari sa akin. siguro nga mahal ko talaga siya that's why i chose to made him decide kung sino sa amin ng babae pipiliin niya. Nagsorry siya sa babae, dahil ako ang pinili niya. Malaki ang pinagbago ng aming relasyon after nangyari iyon. Ang trust nawala na sa akin. Pero dahil sa stupidity ng puso ko, still I chose to marry him. One month after ng graduation ko naka set na lahat para sa aming kasal. May 16, 2018, natuloy ang aming pag-iisang dibdib and guess what? Bridesmaid pa rin namin ang babae. Bakit? Dahil mas gusto kong ipakita sa kanya na ako pa rin ang pinili at laging pipiliin ng asawa ko sa buong buhay niya. Kahit ilaNg babae pa ang makarelasyon niya laging sa akin pa rin sya babalik.Hindi ako nagsisi na pinili kong bigyan siya ng pagkakataon na magbago. Mas pinili kong pakasalan siya at tinanggap lahat ng pagkukulang at pagkakamali niya. Pinatunayan naman niya ang pagmamahal at pagbabago niya sa loob ng ilang taon na pagsasama namin. Hindi siya natutulog kung walang yakap at halik na matatanggap mula sa akin. Sa tuwing umaga, ginigising din niya ako ng mga yakap at halik niya bago siya bumagon at ipagluluto ako. Gush, hindi lang puso ko ang pinataba niya kundi pati katawan ko tumaba na rin dahil sa pag-aalaga niya. Mula sa walang-wala, nagsumikap siya hanggang sa makaipon at pinatayuan ako ng pangarap naming bahay. Hindi man siya tulad ng iba na sobrang laki, pero para sa akin malaki na ang dalawang palapag na concretong bahay para sa aming dalawa. Hindi kami binayayaan ng anak dahil nakunan ako nag kasagsagan ng pandemic. Nagkaroon din ako ng polycystic ovary (PCOS) kaya hirap na akong mabuntis. Sa loob ng limang taon na aming masayang pagsasama bilang mag-asawa. Masasabi kong swerte ko sa kanya. Sa kabila ng lahat ng pain na naranasan ko bilang girlfriend pa lang nya noon, sinuklian nya iyon ng pagiging mabuting asawa niya sa akin. walang oras o araw na hindi nya pinaramdam sa akin ang pagmamahal niya. Hindi ako maluho o materialistic na babae kaya masaya na ako sa tuwing sunday na date namin sa kahit saang senehan, sa restaurant man o hotel, beach o hiking o mall shopping. Masaya ako bastat kasama ko siya. Hanggang sa nagdecide syang bumili ng sarili naming sasakyan dahil iyon na lang daw ang isa sa pangarap namin na hindi pa niya tinupad. Hinayaan niya akong magsulat dahil iyon ang passion at pangarap ko. Sinuportahan niya maging ang lagyan ako ng sarili kong maliit na office sa bahay para hindi ako maistorbo habang nagsusulat.And all of a sudden, Ang buhay reyna na kinagisnan ko ay biglang naglaho nang taong 2023 na diagnosed siya sa sakit na Tongue cancer. Stage 2 pa lang siya noong time na yun. Buo ang tiwala namin sa isa't-isa na malampasan namin iyon. Isang buwan din siya sa ospital at sa ICU. Sobrang saya namin pareho noong makalabas na siya sa ospital. Dahil ako maipagpatuloy ko na pagsusulat samantlang siya makakabalik na rin sa normal niyang buhay. Ngunit sadyang malupit ang tadhana sa aming dalawa dahil nagkaroon ng infection ang operasyon niya sa leeg. bumalik ang tumor niya at kahit labas pasok kami sa ospital pra lang gamutin ang infection nya. Wala pa ring nangyari. To the point na umiiyak ako at lumuhod sa harap ng Diyos, sabi ko ibalik lang ny asawa ko kahit pagsusulat ko iwanan ko. Ngunit dahil may ibang plano si God, anim na buwan lang binigay niya sa asawa ko para makasama ko bago nya ito bawiin sa akin. Masakit, mahirap, lalo na at lahat ng makikita ko sa bahay naipundar nya. Nilagay niya ako sa isang pedestal, inayos nya ang buhay ko at siniguro na hindi ako mahihirapan..Ngunit anhin ko lahat ng iniwan niya kung wala naman siya? It's like living in hell.. araw araw akong nagigising sa katotohanan na wala na siya. Ngayon kailangan kong tanggapin alang alang sa mga taong naghihintay sa akin.Maraming salamat sa inyong paghihintay. Hindi ko maipangako kung tulad pa rin bg dati ang pagsusulat ko gayong may sugat pa rin ang puso ko ngunit susubukan kong makabawi at buuhin ulit ang sarili ko para sa inyo.Sana nandyan pa rin kayong lahat..Maraming salamat.Mamayang gabi po ang update ko sa zillionaire Series. See yah..Nagising si Seidon na tanging unan lamang ang yakap niya. Nang mapansin na wala na ang mahal na asawa sa tabi, agad siyang napabalikwas ng bangon. Lumipad ang paningin niya sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas otso na nang umaga. Kung ganun na late siya ng gising? Binalingan niya ang kulay gold stainless steel imperiale alarm clock na nakapatong sa bedside table. Mas lalong nagdikit ang kanyang dalawang kilay. Sa naalala niya nag set siya ng alarm kagabi matapos nang huling make love nila ni Dharylle. Sinigurado niyang magigising siya ng maaga dahil marami siyang dapat asikasuhin sa kumpanya. Tsinek niya ang alarm clock para lang manigas ang kanyang bagang dahil naka off na ito. “Shit.” Napamura siya ng mahina nang maalala ang usapan nila kagabi ni Dharylle. Posibleng tinotoo nito ang sinabi.“Damn wife.” Sigurado siyang asawa niya ang may kagagawan kung bakit hindi man lang niya narinig ang pag-alarm. Matapos ng kanilang pag-uusap sa labas, he can’t resist himself but to taste
“Vincent.” bungad niya nang sinagot na nito ang tawag. “Vincent..” muling tawag niya nang wala siyang narinig sa kabilang linya. “M…M..Mr. President?” “Yes..” Tipid niyang sagot bilang pag kumpirma. “A..akala ko—” “Does the dead speak?” Naiirita niyang tanong. Alam niyang nagulat ito na kausap siya ngayon. Tila nahimasmasan din ito sa kabilang linya kaya agad itong sunod-sunod sa paglunok ng laway at sumagot. “I’m–I’m sorry boss.” “Vincent, where is my wife?” Agad na tanong niya nang mahimasmasan na ito. “Kasalukuyang nasa president’s office Sir. We have an urgent board meeting regarding your termination as President of Albrecht Corporation.” Nanigas ang mga bagang niya dahil sa narinig. “Who wants to sit in my place?” “You’re father and Aunt.” “Father and Aunt, huh?” mahina siyang tumango. “I see..” “Mr. President, mas mainam na nandito kayo–” “No. My wife knows best.” Agad niyang pinatay ang tawag parang lang makita ang pag ngisi ni Scarlet. “Seidon..” “Stop calling my
“What did you say?” Tila nabingi si Luke sa kanyang narinig at kailangan pa niyang paulitin ang tauhan sa sinabi nito.“Tila magiging monghe na ang babae mo—”“Enough!” Agad niyang sininghalan ang tauhan sa kabilang linya dahilan upang tumigil ito sa pagsasalita. Hindi na niya kayang tanggapin kapag ituloy pa nito ang sasabihin. Siya din naman ang hindi makatiis. “No..Dharyne..gagawa ako ng paraan para alisin ka sa lugar na ‘yan.” sa loob-loob niya. “Sigurado ka bang si Dharyne ang nakita mo?” Pagkumpirma niya sa inutusan.“Siguradong-sigurado ako Boss. Hindi talaga ako nagkamali sa aking narinig nang tawagin siya ng madre sa loob. Talagang pangalan niya ang tinawag. Tiningnan ko pa nga sa picture, siya talaga yun.” “Okay..maraming salamat. Send mo na lang sa akin ang address kung saan mo siya nakita. Tawagan na lang kita kapag kailangan.” Agad niyang pinatay ang tawag at binuhay ang makina ng kotse. Ilang sandali pa nag beep ang phone niya. Matapos basahin ang address ng Monasteryo
Ngumiti si Mother Laura dahil sa parehong reaksyon na nakikita niya sa dalawa ngayon sa harapan niya. “Mukhang magkakilala nga kayo. Gusto ka raw niyang makausap anak. Akin na ‘yang hawak mo.” Akmang kukunin na ng madre ang isang balot ng bracelet sa kanyang kamay nang mabilis niyang inagaw agad ito.“No.” sambit niya. Nakita niyang nagtaka ang madre sa biglang pagtaas ng boses niya. Waring nahimasmasan, agad siyang nakabawi. “Ahmmm… sorry Mother Laura..ako na ho ang mamimigay nito sa mga bata.” Dahilan niya at iniwas ang tingin kay Luke.“Eh..pero may bisita ka anak–”“Okay lang ho Mother Laura. Nakahanda naman po akong maghintay kung kailan siya matatapos.” Inagaw ni Luke ang pagsasalita ng matandang madre. Nakita niyang pasimple siyang inirapan ni Dharyne bilang tanda ng pagka disgusto sa sinabi niya. Ngunit wala siyang pakialam kung magagalit man ito. Ang mahalaga makausap niya ito ngayon at maging malinaw ang nangyari sa pagitan nila.Tiningnan siya ni Mother Laura at ngumiti. “
Dharyne, hindi lang kita gusto but I love you.”Direkta siyang nakatingin sa mga mata ng binata nang muling inulit nito ang sinabi. Mula sa mga mata nito nakikita niya ang determinasyon na hindi ito nagbibiro. Agad niyang binawi ang kanyang tingin bago pa naman siya mawala sa kanyang sarili. “Luke, hindi ito ang tamang panahon upang magbiro ka sa akin ng ganyan.” Agad siyang tumayo upang iwanan ang binata ngunit mas mabilis ang mga kamay nito sa paghila sa kanya kaya natumba siya. Bang!“Ah!” Napasigaw siya sa gulat nang muntik na siyang tamaan ng bala. Mabuti na lang at niyakap siya ni Luke kaya hindi siya natamaan. “Okay ka lang ba?” puno ng pag-alala na tanong nito sa kanya. Taranta nitong tsinek ang katawan niya kung may tama ba siya ng bala. Pareho silang nakahiga sa mga mataas at kapal ng damuhan. ‘Tsaka pa lang niya napansin ang dugo na tumulo mula sa kung saan ng umangat ito ng katawan. Sa pag-akalang mula sa kamay ito ng binata na nabaril kanina agad niya itong tiningnan n
Kuya…let me handle this..” tarantang hinawakan ni Dharyne ang kamay ng Kuya Rhayan niya na may hawak na baril. “Kuya..sige na please..” muli niyang inulit ang sinabi nang makitang parang walang balak ang kuya niya na ibaba ang baril. Patuloy lamang sa masakit na titigan ang dalawa tila ayaw magpatalo sa isa’t-isa. Akmang ibababa na ni Rhayan ang baril nang muling sumigaw si Luke.“Do it now!” “Luke ano ba!?” Galit na binaling ni Dharyne ang tingin kay Luke dahil sa pag sigaw nito. Ngunit sinalubong siya ng mapait na mga tingin ng binata.“Why Dharyne? Are you scared?” Mapait itong ngumiti. “Dharyne alam kong hindi ka manhid dahil naramdaman ko kung paano lumakas ang tibok ng puso mo sa tuwing niyayakap ko. Ngunit ikaw itong pilit sinasara ang puso mo para lang hindi maramdaman ang pagmamahal ko. Sa totoo lang ang hirap mong abutin ngunit sinubukan kong akyatin kahit pa ang pinakamataas na pader sa pagitan nating dalawa. Nagtiyaga akong hanapin ka. Lahat ng iyon ginawa ko para lang
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan upang malaman kung ano ang pina-plano ng Daddy niya. “Ano ngayon ang balak mo sa anak ko?”“Sir, I will marry–”“Dad..” Napatigil si Luke sa pagsasalita nang biglang inagaw ni Dharyne ang gusto sana niyang sabihin. Sinulyapan muna ng dalaga ang binata bago muling binalik ang atensyon sa Daddy niya. “Dad, pwede bang mamaya mo na kausapin si Luke? Baka maubusan na po siya ng dugo.” Katatapos niya lang magsalita nang biglang matumba si Luke habang nakaluhod. Hindi na kinaya ng katawan ang sobrang daming dugo na lumabas mula sa sugat nito.“Luke!” tarantang napasigaw si Dharyne nang makita ito. “Dalhin niyo siya sa clinic ni Dharylle.” kalmado ang boses ni Dustin na inutusan ang mga tauhan ngunit bakas na rin ang pag-alala sa mukha nito.“Sa tingin ko sa ospital na lang natin siya dadalhin Dad. Mukhang matatagalan si Dharylle bago makauwi rito.”Nagtatanong ang mga mata ni Dustin habang nakatingin sa panganay na anak. “May problema ba?”“Si Lendon ang
“Excuse me Sir. Bawal po kayong pumasok sa operating room. Kami na po ang bahala kay Doctora Albrecht.” Pigil ng babaeng Doctor kay Seidon bago pa man ito pumasok sa loob ng operating room.Hilamos ang mukha na napasandal si Seidon sa wall matapos isara ng Doctor ang pintuan ng operating room. Sobra siyang nag-alala para kay Dharylle. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. Masyado siyang nakampante na makakaya ng asawa ang problema niya sa kumpanya. Wala naman talaga ito sa plano niya kagabi. Ngunit inunahan siya ng asawa sa pagpunta sa kumpanya kaya no choice siya kundi sundin ang kagustuhan nito kaysa mag-away pa sila.“What the fuck is going on! Huh?” Halata ang galit at pagtitimpi sa boses ni Rhayan habang nakatiimbagang na nakatingin kay Seidon. Kanina pa niya ito tinatanong ngunit parang wala man lang narinig. Ang nakakainis pa dahil kanina pa ito tulala sa harapan niya. Nakatingin nga sa kanya ngunit parang hindi naman siya nakita
“Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
“Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba