wait lang ng konti ang karugtong. medyo mahina ang net ko kasi. thank you.
“Sam, ikaw ba talaga ang nagluto lahat ng iyan?” tanong niya sa kapatid. Tumayo siya at isa-isang tinitigan ang mga ito.“Oo naman ate, bakit hindi ka naniniwala?” Sagot ni Sam at umupo na rin sa harap ng mesa upang makikain. Akmang kukuha na siya ng kutsara ng hinampas ng ate niya ang kamay niya kaya napatingin siya rito.“Huwag mo akong lokohin! Paanong ikaw nagluto ng mga iyan, hindi ka naman marunong magluto! Di ba Daddy?” Binalingan pa ni Feya ang kanyang ama at tinanong ito. Kinumpirma kung si Sam ba talaga ang nagluto.“Ahhh.. Ahhmm..” Hindi alam ni Mr. Stanley ang isasagot, pati si Sam, ngayon lang din narealized na hindi pala siya marunong magluto kaya nahuli siya ng ate niya. Masyado kasi siyang natatakam sa luto ng brother in law niya at gusto na niyang kumain. Hindi pa naman sila nakakain ng Daddy niya dahil nagmamadali na itong puntahan at ate niya.“Sam, aminin mo nga sa akin, sino ang nagbigay sa’yo ng mga pagkain na ito?” nagdududa na tanong ni Freya.Nakamot ni Sam, a
“Welcome home, Freya.” Niyakap ni Rihanna si Freya ganun din si Queen Alice at King Rhiannon. Si Dustin lang ang hindi yumakap baka masapak pa siya ni Drake. Alam niyang siya ang inaabangan nito kung susunod rin siya sa pagyakap kay Freya. Kaya nagbisibisihan na lang siya sa pagkarga ng kambal niya. “Si Nathan?” tanong ni Freya at hinanap ng kanyang mga mata, ang anak. “Nandito po si prince Nathan ma’am,” sagot ni Mylene at lumapit kay Freya upang ibigay ang anak rito. “Mom..Mommy..” pautal-utal na bigkas ni Nathan. Turning two years old na ito. Naluluhang niyakap ng mahigpit ni Freya ang anak at pinaulanan ito ng halik sa mukha. “I missed you, my prince.” hindi mapigilan ni Freya ang muling maiyak habang yakap ang anak niya. Isa rin ito sa tiniis niya ng ilang buwan na hindi makita. “Sorry, baby,” pabulong niyang wika rito. Ilang sandali pa napansin niya si Mylene. “Mylene, paano ka nakabalik rito? Anong nangyari sa’yo?” takang tanong niya. Kinuwento naman ni Mylene ang nangya
KINABUKASAN nagising si Drake sa magkasunod na tunog ng cellphone niya. Dahan dahan ang kanyang paggalaw sa takot na baka magising si Freya. Masyado nilang namiss ang isa’t-isa kagabi at nakailang rounds pa sila sa kama. Hindi na nga niya ma-bilang kung nakailang posisyon na sila sa loob ng kanilang silid. Gusto lang nilang sulitin ang unang gabi na muli silang nagkasama. Kahit anong ingat niya na hindi magising si Freya, wala na siyang magawa dahil nagising na rin ito. Hindi muna niya pinansin ang tawag, dahil nang-aakit na mukha ng asawa niya ang pumipigil sa kanya.. Niyakap muna niya ito at siniil ng mainit na halik sa labi. “Good morning Mii…” nakangiti niyang bati rito. “Goodmorning Dii..” ganting bati rin ni Freya habang nakangiti. Ilang buwan rin siyang gumigising sa kulungan na nangangarap na sana si Drake ang una niyang masisilayan sa paggising niya. At ngayon sobrang saya niya na hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa. Napansin niya ang patuloy na pagtunog ng ce
THREE MONTHS LATER“Cheer-up Freya, anong klaseng pagmumukha ‘yan?” nakakunot ang noo ni Rihanna habang nakatingin kay Freya. Kasalukuyang nakatayo si Freya, habang inaayos ng artist ang gown na suot nito. Tulad niya, hindi rin pumayag ang kuya Drake niya na hindi mabigyan ng isang engrandeng kasal si Freya. Milyon na rin ang presyo ng gown na ito. Hindi magkalayo ang gastos ng kasal nila dahil si Dustin na rin ang gumastos ng kalahati sa kanilang kasal. Nakita niya na nagpahid si Freya ng mga luha nito.“Hindi lang kasi ako makapaniwala na matutuloy ang kasal namin ni Drake. Akala ko talaga hanggang sa kulungan na lang ako.” emosyonal na wika nito.“Oh, huwag ka ng umiyak, masisira ang make up mo niyan. Papangit ka.” biro niya na nginitian naman nito.Sinamahan niya ito, dahil alam niya ang pakiramdam na kinakabahan na parang excited na hindi maipaliwanag kapag kinakasal. Gusto niyang maradaman nito ang suporta ng pamilya Smith, dahil wala na itong ina. Tanging ang ama at kapatid lang
Nakita nyang dumausdos ang likuran ni Sam at sumalampak sa sahig. Lihim lang itong umiyak, ngunit ramdam niya ang sakit. Hanggang sa lumabas ang Doctor at kinumpirma ito. "I'm sorry, ginawa namin ang lahat, ngunit ayaw ng lumaban ng katawan niya."Ahhhhh! Dad!" Impit na sigaw ni Sam at sinuntok ang wall ng silid.Nagising si Freya na walang tao sa loob ng silid niya. Lumabas siya at hinanap kung saang silid dinala ang kanyang ama. Inisa-isa niyang sinilip ang lahat ng madaanan niya hanggang sa makarating siya sa operating room at tama naman ang pagbukas ng pintuan nito. Sa pagsilip niya, naabutan niyang tinakpan ng puting kumot ng nurse ang katawan ng matanda na kamukha ng Daddy niya. “Fuck!” napamura si Drake ng makita si Freya na pumasok sa loob ng operating room. Patakbo siyang tumungo rin doon , ngunit huli na siya dahil nakita na ni Freya ang ama.“No, Daddy!” halos nawawala na ang boses nito habang niyayakap ang ama. Parang madurog ang puso ni Drake na niyakap rin ang asawa.“Mi
RHAYAN SMITH CRAWFORD (23 years old) - THE HIDDEN ZILLIONAIRE“HE RULES THE WORLD SECRETLY”BAGO SIYA MAWALAN NG ALA-ALA.“Grand Master, patawad po. Tatanggapin namin ang ano man na gusto ninyong ihatol sa amin.” Nagtataka na tiningnan ni Dustin ang mga tauhan niya. Lahat ng mga ito ay sabay-sabay na lumuhod sa kanyang harapan. Hindi lang basta lumuhod ang mga ito, kundi lahat sila umiiyak, tila nawalan ng buhay. Inikot niya ang paningin sa paligid, mas lalo siyang naguluhan ng makita ang lahat na mga tauhan niya mula sa iba’t-ibang pillars ng assassin’s creed. Limang taon nang namumumo si Rhayan sa mga ito. Sa pagkakaalam niya ang lahat na mga tauhan niya mula Dragon Knights, Blue Python, Black Dragon at Black Lion ay pinag-isa na ni Rhayan, at tinawag itong RhayaKnights. Nagtaka siya dahil lahat ng RhayaKnights ay nandito ngayon sa harapan niya, tila namatayan ang itsura ng mga ito.Halos mapuno ng mga ito ang laki at lawak ng bakuran niya. Nandito na sila nakatira ngayon sa New Ha
SEAMOUNT VILLAGE Sakay ng kanyang bangka, hinagis niya ang lambat sa dagat. Tuwing gabi, ito na lagi ang ginagawa niya. May sakit ang kanyang Tatay Anton, kailangan marami siyang huli na isda upang may pambili na naman siya ng gamot. Namomroblema pa siya dahil kailangan niya ng malaking halaga upang matuloy ang operasyon nito sa puso. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng matagpuan siya nito. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin siyang maalala. Hindi niya rin maintindihan sa sarili niya, kung bakit sa tuwing pumupunta siya ng dagat, pakiramdam niya, ang laki ng naging parte nito sa buhay niya. Madalas naiimagine niya ang sarili na sakay sa isang Jet Ski, at masayang nakikipaglaro sa mga alon sa dagat. Kahit anong gawin niya, wala pa rin siyang maalala. Tumingala siya sa langit at nakita niya ang dumaan na plane sa kalawakan. Isa pa ito sa pinagtataka niya. Kapag nakakita siya ng eroplano, naghalo ang saya at lungkot na nararamdaman niya. “Ahhh…” impit na sigaw niya ng maramdaman n
Pagdating ng bahay, agad siyang dumiretso sa loob ng silid ng kanyang tatay Anton. Tiningnan niya ang luma at basag na orasan na nakasabit sa dingding. Mabuti at gumana na ito ng pinalitan niya ng battery kanina. Alas tres na ng madaling araw siya nakauwi. Kinapa niya ang lighter sa bulsa at sinindihan ang kandila. Naputulan sila ng kuryente dahil hindi pa sila nakapagbayad. Iyon pa ang aasikasuhin nyang bayaran mamaya. "Tay?" Kinabahan siya ng hindi makita ang ama sa higaan nito. Bitbit ang kandila, hinanap niya ang ama sa loob ng kubo. "Dyesus, Tay Anton!" Sigaw niya ng makita itong nakahandusay sa kusina at wala ng malay habang nakahawak sa dibdib. Mabilis niyang pinatay ang kandila at binuhat ang ama palabas ng kubo. Mabuti na lang at may pera siyang hawak ngayon. Ilang metro pa ang layo ng nilakad niya bago siya nakarating sa labas ng Seamount Village para lang maghanap ng sasakyan. Alas tres pa lang ng umaga at halos tulog pa ang mga kapitbahayan nila sa Seamount. Kalahating