next chaoter, the end
Nakita nyang dumausdos ang likuran ni Sam at sumalampak sa sahig. Lihim lang itong umiyak, ngunit ramdam niya ang sakit. Hanggang sa lumabas ang Doctor at kinumpirma ito. "I'm sorry, ginawa namin ang lahat, ngunit ayaw ng lumaban ng katawan niya."Ahhhhh! Dad!" Impit na sigaw ni Sam at sinuntok ang wall ng silid.Nagising si Freya na walang tao sa loob ng silid niya. Lumabas siya at hinanap kung saang silid dinala ang kanyang ama. Inisa-isa niyang sinilip ang lahat ng madaanan niya hanggang sa makarating siya sa operating room at tama naman ang pagbukas ng pintuan nito. Sa pagsilip niya, naabutan niyang tinakpan ng puting kumot ng nurse ang katawan ng matanda na kamukha ng Daddy niya. “Fuck!” napamura si Drake ng makita si Freya na pumasok sa loob ng operating room. Patakbo siyang tumungo rin doon , ngunit huli na siya dahil nakita na ni Freya ang ama.“No, Daddy!” halos nawawala na ang boses nito habang niyayakap ang ama. Parang madurog ang puso ni Drake na niyakap rin ang asawa.“Mi
RHAYAN SMITH CRAWFORD (23 years old) - THE HIDDEN ZILLIONAIRE“HE RULES THE WORLD SECRETLY”BAGO SIYA MAWALAN NG ALA-ALA.“Grand Master, patawad po. Tatanggapin namin ang ano man na gusto ninyong ihatol sa amin.” Nagtataka na tiningnan ni Dustin ang mga tauhan niya. Lahat ng mga ito ay sabay-sabay na lumuhod sa kanyang harapan. Hindi lang basta lumuhod ang mga ito, kundi lahat sila umiiyak, tila nawalan ng buhay. Inikot niya ang paningin sa paligid, mas lalo siyang naguluhan ng makita ang lahat na mga tauhan niya mula sa iba’t-ibang pillars ng assassin’s creed. Limang taon nang namumumo si Rhayan sa mga ito. Sa pagkakaalam niya ang lahat na mga tauhan niya mula Dragon Knights, Blue Python, Black Dragon at Black Lion ay pinag-isa na ni Rhayan, at tinawag itong RhayaKnights. Nagtaka siya dahil lahat ng RhayaKnights ay nandito ngayon sa harapan niya, tila namatayan ang itsura ng mga ito.Halos mapuno ng mga ito ang laki at lawak ng bakuran niya. Nandito na sila nakatira ngayon sa New Ha
SEAMOUNT VILLAGE Sakay ng kanyang bangka, hinagis niya ang lambat sa dagat. Tuwing gabi, ito na lagi ang ginagawa niya. May sakit ang kanyang Tatay Anton, kailangan marami siyang huli na isda upang may pambili na naman siya ng gamot. Namomroblema pa siya dahil kailangan niya ng malaking halaga upang matuloy ang operasyon nito sa puso. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng matagpuan siya nito. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin siyang maalala. Hindi niya rin maintindihan sa sarili niya, kung bakit sa tuwing pumupunta siya ng dagat, pakiramdam niya, ang laki ng naging parte nito sa buhay niya. Madalas naiimagine niya ang sarili na sakay sa isang Jet Ski, at masayang nakikipaglaro sa mga alon sa dagat. Kahit anong gawin niya, wala pa rin siyang maalala. Tumingala siya sa langit at nakita niya ang dumaan na plane sa kalawakan. Isa pa ito sa pinagtataka niya. Kapag nakakita siya ng eroplano, naghalo ang saya at lungkot na nararamdaman niya. “Ahhh…” impit na sigaw niya ng maramdaman n
Pagdating ng bahay, agad siyang dumiretso sa loob ng silid ng kanyang tatay Anton. Tiningnan niya ang luma at basag na orasan na nakasabit sa dingding. Mabuti at gumana na ito ng pinalitan niya ng battery kanina. Alas tres na ng madaling araw siya nakauwi. Kinapa niya ang lighter sa bulsa at sinindihan ang kandila. Naputulan sila ng kuryente dahil hindi pa sila nakapagbayad. Iyon pa ang aasikasuhin nyang bayaran mamaya. "Tay?" Kinabahan siya ng hindi makita ang ama sa higaan nito. Bitbit ang kandila, hinanap niya ang ama sa loob ng kubo. "Dyesus, Tay Anton!" Sigaw niya ng makita itong nakahandusay sa kusina at wala ng malay habang nakahawak sa dibdib. Mabilis niyang pinatay ang kandila at binuhat ang ama palabas ng kubo. Mabuti na lang at may pera siyang hawak ngayon. Ilang metro pa ang layo ng nilakad niya bago siya nakarating sa labas ng Seamount Village para lang maghanap ng sasakyan. Alas tres pa lang ng umaga at halos tulog pa ang mga kapitbahayan nila sa Seamount. Kalahating
Habang nasa biyahe, panay ang sulyap niya sa dalaga. Hindi niya alam kung nahalata nito iyon, ngunit hindi talaga niya mapigilan ang sarili na humanga sa kagandahan at kabaitan nito. Sandali pa na nagtama ang kanilang mga mata ng magkahulihan sila ng sulyap sa isa’t-isa. “Fuck! Mababangga tayo!” agad niyang inagaw ang manibela at mabilis na iniwas ang kotse mula sa makakasalubong nilang truck. Dahil sa gulat at kaba agad na inapakan ng dalaga ang break at inihinto ito sa tabi ng kalsada. Ramdam ni Dwayne ang panginginig ng katawan nito, tila natulala habang nakatingin sa malaking punong kahoy sa tabi ng kalsada na muntik ng mabangga nila. “Ma’am, okay lang po kayo?” nag-alalang tanong niya ng makabawi na siya. Binalingan siya nito at tinitigan. Maya-maya’y nagulat siya ng biglang na lang itong yumakap sa kanya. Agad niyang nalanghap ang sweet innocence na pabango nito.“Thank you,” nanginginig pa rin ang katawan nito habang nakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung yayakapin rin ba n
Tinapunan niya lang ng masamang tingin ang mga ito, habang nakahandusay sa tabi ng kalsada. Bagama’t liblib ang lugar na ito na pinagpraktisan nila ni Hera, nagpasalamat na lang siya na walang nakakakita sa ginawa niya. Mabilis siyang bumalik ng kotse. Matagal pa siyang kumatok bago nabuksan ni Hera ang pintuan ng kotse. Pagpasok niya, nakaawang pa rin ang labi nito habang nakatingin sa kanya. Tila ba sinusuyod nito ang kabuuan niya, hindi makapaniwala kung paano gumalaw ng ganun kabilis ang lahat ng parte ng katawan niya. “Why?” tanong niya rito na parang wala lang nangyari. Tsinek nito ang buong katawan niya kung may pasa siya, ngunit wala itong nakita. “Pa–paanong, ikaw ba talaga iyon?” tanong nito sa kanya, bakas ang hindi makapaniwala sa mga mata nito. “Bakit, may iba ka bang nakikita na lumaban sa kanila bukod sa akin?” tanong niya rito habang nakangiti. “Yaaay, ang galing mo, that's my man!” Masaya siya nitong niyakap at siniil ng halik sa pisngi, dahilan upang magulat siy
"Friend, alam ko na kung bakit nagustuhan mong gawing body guard ang mangingisda na 'yan," Nabaling ang atensyon ni Hera sa direksyon kung saan nakatingin ang kaibigan niyang si Daphney. Nakita niya si Dwayne na nakaupo sa malaking tipak na bato, habang nagmamasid lang sa kanila na naliligo sa dagat. Maliwanag ang parte na inuupuan nito kaya malinaw sa kanila kung saan ito nakatingin."Bakit ang bodyguard ko naman ang pinapakialaman mo?" Sita niya sa kaibigan."Naku, kunwari ka pa, ayaw pag-usapan. Kaibigan mo 'ko dhay, matagal na, hindi tayo naging magkaibigan kahapon lang. Kanina pa kita minamasdan panay ang sulyap mo sa kanya!" Agad niyang tinakpan ang bunganga ng kaibigan ng tumaas ang boses nito."Ba't ba kailangan mataas ang boses mo? Ang lapit natin sa isa't-isa, kailangan pa bang sumigaw?" Nairita niyang wika sa kaibigan at kinalas ang kamay sa bunganga nito."Ikaw kasi, kailan ka na natuto na paglihiman ako, huh? Nakikita ko, mula pa kanina, panay ang sulyapan niyo sa isa't-is
“Kahit ikulong mo man ako, Dad, hindi pa rin magbabago ang pasya ko. Mamamatay muna ako, bago mo ako ipakasal kay Hector!” Tumayo si Hera mula sa inupuan na couch. Ngunit hindi niya inaasahan na tatayo rin ang kanyang ama upang sampalin siya.SLAP!Napapikit si Dwayne ng makita ang pagsampal ni Don Fernan, sa babaeng mahal niya. Gustong-gusto na niyang pumagitna sa mga ito, ngunit pinipigilan siya ng mga nagbabantang tingin ni Hera. Nakuyom niya ang kamao. Hindi niya kayang tingnan na makita itong sinasaktan ng ama. Pagkatapos ng mainit na gabi nila ni Hera sa dagat, mas lalo niya itong minahal, at masaya siya na makita kung paano nito pinaglalaban ang kanilang pagmamahal kahit palihim lang. Ngunit ganito pala kahirap kapag langit at lupa ang kanilang pagitan. Wala man lang siyang magagawa upang protektahan ito laban sa ama.“Wala sa’yo ang karapatan upang magpasya! Anak lang kita! Ako pa rin ang masusunod, magpapakasal ka kay Hector!” Napuno ng tensyon ang buong mansyon. Ramdam n
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an