"Mommy, sumakit ang ulo ni Dustin, dahil sa hallucinated drugs na hinalo ko sa pagkain niya, at kapag nalaman ng putang babaeng yun ang ginawa ko, sigurado akong mananagot tayo!" Papasok palang si Shane sa loob ng library ng kanyang ina, yun kaagad ang bungad niya. Padabog siyang umupo sa couch, tila hindi maipinta ang kanyang pagmumukha.Saglit na tumigil sa pagtipa sa keyboard ng computer si Senyora Madeline at binalingan, ang anak, "Shane, hindi mo kailangan matakot sa babaeng 'yun, dahil bilang na lang ang araw niya sa mansyon ni Dustin. Natural lang ang nararamdaman na sakit ni Dustin, ginawa ko na rin yan noon sa kanyang ama. Sa pangalawang lagay mo ng hallucinated drugs sa pagkain niya, siguraduhin mong nakokontrol mo na ang isipan niya at tuluyan na niyang kamuhian si Rihanna. At wala kang ibang gagawin, kundi ang i*****k sa utak niya na masamang babae ang asawa niya, at ikaw lang ang nararapat sa kanya.”“Bakit ko pa, gagawin yan, kung kaya naman ng gamot na lasunin ang utak
“Miss, dumating na ba ang presidente?” Hindi na mabilang ng info Clerk kung pang ilang beses na bang nagtanong sa kanya si Mr. Larson, kung dumating na ba ang kanilang presidente. Naiirita man, agad na lang niya itong sinagot, dahil napansin niyang ilang oras na itong nakaabang. “Kakarating lang po nila sir, ng asawa niya na may ari nitong kumpanya. Sa top floor po ulit sila dumaan, dahil…"Hindi na tinapos ng info clerk ang kanyang sinabi dahil agad nang tumakbo si Zack Larson upang pumasok sa loob ng elevator. "Sir, sandali!" Kahit anong tawag niya, hindi ito nakinig sa kanya. “Naku po, baka matanggal na ako sa trabaho nito.” kinakabahan na usal ng info clerk sa sarili. Mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang lahat na hindi pwedeng basta-basta na lang nagpapasok ng outsiders na walang appointment. Ngunit siya, hinayaan niyang dumereto si Mr. Larson sa opisina ng presidente. Paano kung pati asawa nito magagalit? Gulat na naman ang guwardiya ng makitang iniluwa ng elevator ang katawan n
Dalawang oras na ang nakalipas, tahimik lang na minamasdan ni Rihanna si Dustin, habang ang mga mata nito'y nakapikit lang at waring pinipilit ang sarili na kontrolin ang sariling emosyon. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, dahil sa tuwing nagtatanong siya, hindi ito sumasagot. Sa tuwing nagpupumilit siya, mas lalo lamang itong nagagalit. Kaya, minabuti na lang niya na umupo sa isang tabi, at pinigilan ang luha na kanina pa gustong kumawala mula sa sulok ng kanyang mga mata. Kanina pa parang sasabog ang dibdib niya, dahil sa mga nangyayari sa kanila ni Dustin. Hindi niya alam, kung maisakatuparan pa ba ang paghihiganti niya, dahil unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Kasalukuyan silang, nasa tabi ng dagat ngayon, at nakatunghay sa mga hampas ng alon. Ilang sandali pa'y narinig niya itong nagsalita."Bakit ba ikaw ang kasama ko ngayon, at hindi si Shane na minahal ko? Siya ang asawa ko, at hindi ikaw."Nagtataka si Rihanna na sumagot, "Luv, ako a
Nagising si Rihanna ng maramdaman niyang huminto na ang sasakyan sa tapat ng mansion. Muli ay bumaba siya at tinulungan muli, si Dustin upang bumaba ng sasakyan. Di nagtagal nakarating na rin sila sa masters bedroom nito. Maingat niya itong tinulungan na humiga sa kama, na kaninang umaga lang sila pa ang magkasama. "Rihanna, obligasyon mo na rin ang magpabihis at magpaligo kay Dustin. Yan din naman talaga ang trabaho mo di ba?" Habol na wika ni Shane sa kanya, nang makitang paalis na siya. Binalingan niya ito at sinagot, " Oo, yan ang trabaho ko bilang asawa, ngunit ngayon hindi na. Ikaw naman ang tunay niyang asawa di ba? Ikaw ang mahal niya, kaya responsibilidad mo na iparamdam sa kanya na mahal mo rin siya. Unless, hindi mo talaga siya mahal, kaya hindi mo magawang alagaan siya?" Biglang natigilan si Shane dahil sa sagot ni Rihanna sa kanya. Tinapunan muna siya ito ng matalim na tingin bago, tuluyang lumabas ng silid. Naiwan si Shane, sa loob na nagpupuyos sa galit. Wala siyang p
Kinaumagahan, maaga pa na umalis ng mansion si Rihanna upang pumunta sa kanyang opisina. Hindi na niya hinihintay pa na bumaba si Dustin at Shane, baka kung ano na naman ang ipagawa sa kanya ng babaeng yun. Dali-dali siyang pumasok ng sasakyan at nagpahatid sa driver, naisipan muna niyang dumaan sa kanilang bahay, upang kunin ang mga naiwang gamit niya. Simula kasi ng ibenta siya sa Twilight X-Club, ngayon pa lang siya nagkaroon ng pagkakataon upang umuwi. Papasok pa lang siya sa loob ng bahay, nang sinalubong kaagad siya ng mga nagbabagang tingin ni Celine. Dinaanan lamang niya ito, at nagmamadaling umakyat sa kanyang silid. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan ng biglang hinawakan ni Celine ang kamay niya upang pigilan siya sa pag-akyat."Hoy, Rihanna, alam mo ba ang ginawa mo kay Zack!? Pinalayas siya ng daddy niya at hindi lang yun, pinatalsik pa siya, bilang CEO ng kanilang kompanya!"Binalingan niya si Celine at tinaasan ng kilay. "So, ano naman ang pakialam ko sa pagpapat
Samantala, napuno ng halakhak ang loob ng mansyon ni senyora Madeline, matapos nilang panoorin mula sa kanilang cellphone ang hashtag trending sa social media na pagkulong sa bagong CEO ng Crawford Empire. "Tingnan lang natin kung ano pa ang magagawa ni Dustin sa kanyang kompanya ngayong nakakulong na ang asawa niya." "Mommy, paano na ngayon ang Crawford Empire? Di ba sabi mo, hayaan mo munang palaguin ni Rihanna ang kompanya bago natin siya, patalsikin?"Binalingan ni Senyora Madeline ang kanyang anak na prenteng nakaupo sa couch. "Palibhasa kasi kalibugan na lang ang iniisip mo, kaya wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo. Hindi na natin kailangan pang hintayin na palaguin niya ang kompanya. Ibinalita sa akin ng isa sa mga board members ng Crawford Empire na mayroong malaking projects na nasungkit si Rihanna. And guess what? Nakipag collaborate sa kanya ang pinakamalaking kompanya ng D.C. Bank Corp. Kaya madadagdagan ulit ang mga banko natin. Bilyon-bilyon ang magiging kita
Akmang tatawagan na ni Mr. Stuart si Rihana ng biglang nag pop up ang press con na nagaganap sa Crawford Empire. Nang mabukasan niya ito, agad na lumitaw ang mukha ni Rihanna, habang sumasagot sa kaliwaan na tanong ng mga nakabalandrang reporters sa harapan niya. "Master kailangan nyong mapanood ito." Sabay bigay ng kanyang cellphone kay Dustin. Nakuyom ni Dustin ang kamao ng makita ang pasa at sugat sa labi ng asawa niya. Kahit anong galit niya kay Rihanna, hindi niya magawa ang pagbuhatan ito ng kamay, taz ngayon susuntukin lang ng walang hiyang Ex boyfriend nito. Ngunit saglit siyang natigilan ng marinig ang sinagot ni Rihanna sa isang reporter. "Mahal ko si Dustin Crawford, at kahit hindi pa ako ang maging CEO ng kanyang kumpanya, wala namang problema, mas gusto ko pa nga 'yun upang magawa kong alagaan ko siya." "Kung ganun, totoo ang kumakalat na balita na inagaw mo lang siya sa dating asawa niya, na si Shane Gonzales Crawford?" Nginitian ni Rihanna ang reporter na nagtanong s
“Ito nga ang gusto kong mangyari Kim, eh. Gusto kong kahit sandali manlang, makalimutan ko si Dustin. Gusto kong kahit sa alak man lang, masabi ko sa sarili ko na, si Dustin Crawford lang yan, hindi siya karapat-dapat sa aking pagmamahal.” Nagtungga muna siya ng champagne, bago muling nagsalita. “Nagpakasal lang naman kami dahil sa isang kontrata di ba? Anong karapatan ko para magalit sa kanya? Anong karapatan ko, para sabihin sa kanya na totoong mahal ko na siya? Wala akong karapatan, Kim, dahil sa simula pa lang, malinaw na sa akin, kung bakit kami nagpakasal.” Nang makitang wala ng laman ang baso niya, muli niyang kinuha ang bote ng champagne. Sa pagkakataong ito, hindi na siya gumagamit pa ng baso. Muli na naman siyang nagpatuloy sa pagsasalita. “At sa aming dalawa, ako ang talo, dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ang isang lalaki, na kahit kailan hindi magiging akin. Ang hirap, Kim, ang hirap dalhin sa aking dibdib, gusto ko ng bitawan ang pagmamahal ko sa kanya, ngunit ba
“Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
“Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba