“Ito nga ang gusto kong mangyari Kim, eh. Gusto kong kahit sandali manlang, makalimutan ko si Dustin. Gusto kong kahit sa alak man lang, masabi ko sa sarili ko na, si Dustin Crawford lang yan, hindi siya karapat-dapat sa aking pagmamahal.” Nagtungga muna siya ng champagne, bago muling nagsalita. “Nagpakasal lang naman kami dahil sa isang kontrata di ba? Anong karapatan ko para magalit sa kanya? Anong karapatan ko, para sabihin sa kanya na totoong mahal ko na siya? Wala akong karapatan, Kim, dahil sa simula pa lang, malinaw na sa akin, kung bakit kami nagpakasal.” Nang makitang wala ng laman ang baso niya, muli niyang kinuha ang bote ng champagne. Sa pagkakataong ito, hindi na siya gumagamit pa ng baso. Muli na naman siyang nagpatuloy sa pagsasalita. “At sa aming dalawa, ako ang talo, dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ang isang lalaki, na kahit kailan hindi magiging akin. Ang hirap, Kim, ang hirap dalhin sa aking dibdib, gusto ko ng bitawan ang pagmamahal ko sa kanya, ngunit ba
Nakakunot ang noo ni Dustin ng makita ang biglang pagbagsak ng mga luha ni Rihanna habang nakatingin sa kanya. "Alam mo Dustin, gustong-gusto kong maniwala na sana nga totoong nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko. Na sana nga, totoong nagmamahalan tayong dalawa at hindi lang dahil kailangan natin ang isa't-isa. Bakit ko ba nakalimutan na simulat-sapul pa lang nilinaw mo na sa akin, kaya mo ako pinakasalan, dahil Mahal mo pa rin si Shane, at gusto mong bumalik siya sa buhay mo? Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na mahulog sayo, gayung wala akong karapatan na mahalin ka dahil isa lamang akong puta sa paningin mo? Bakit pa ba ako umasa sa tamang panahon at pagkakataon na sana lahat ng sana ko maging totoo? Hahaha, nakakatawa lang isipin na binigay ko ang sarili ko para lang makatakas sa madilim na lugar na 'yun, hindi ko inaasahan na 'yun pala ang maging mitsa, kung bakit pa kita minahal ngayon. Wala akong ibang gusto ngayon, kundi ang matapos na itong laro na'to, upang matutunan ko
"Wife, kapag dumating ang araw na 'pinagtabuyan kita, siguraduhin kong hahanapin pa rin kita upang bumalik ka sa akin"Agad siyang na pabalik sa kanyang sistema ng marinig ang sagot nito sa kanya. ''Are you sure, luv? Kaya lang, hindi mo magagawa 'yun, dahil sigurado akong hindi mo ako makikita." Ganting sagot niya."Walang imposible sa akin Rihanna, kahit saan ka mang sulok ng mundo magtago, mahahanap pa rin kita."Tumigil na lang si Rihanna ng pang-aasar kay Dustin dahil wala rin namang patutunguhan ang pinag-uusapan nila. "Okay, sinabi mo eh, wag na nating pagtalunan yan, kailangan ko pang maghanda upang pumunta ng opisina." Pagkasabi, agad na siyang bumangon."Sasamahan kita," Nagtataka na binalingan niya ito, "Ano ang pumasok sa isipan mo, at gusto mo na ngayong sumama sa akin?""Narinig kong mayroon kang board meeting mamaya kasama ang mga bagong investors ng kumpanya. Gusto ko silang makilala." Sagot ni Dustin na bumangon na rin."Okay sige, tamang-tama dahil darating din ang
Samantalang sa loob ng conference room, matalim ang mga tingin ni Senyora Madeline kay Rihanna. Lahat ng mga board ay abala sa pakikipagkwentuhan sa kanilang katabi, tila sinasadyang hindi pansinin ang CEO na andyan na sa harapan nila. "Mommy, sigurado ka bang, nakausap mo na ang lahat ng board tungkol sa plano natin?" Bulong ni Thomas sa ina, dahilan upang balingan siya nito. "Maghintay ka lang Thomas, at manood mamaya, kung paano nila pahiyain si Rihanna sa harapan ng Vice president ng D.C. Bank Corporation." Lihim na nagdiriwang ang kalooban ni Thomas dahil sa sinabi ng kanya Ina. Ngayon pa lang excited na siya sa inihandang palabas nito. Nang makita ni Rihanna na lahat ng board ay may mga kanya-kanyang hawak na folder, bilang kopya ng magiging agenda ng kanilang meeting, hinihintay na lang niya na dumating ang Vice president of Operation ng D.C. Bank Corp. bago simulan ang nasabing meeting. Di nagtagal ay pumasok na rin ito sa loob ng conference room. Hinanap kaagad ng mga ma
"Luv," nae-excite na wika ni Rihanna, nang makita si Dustin, pagpasok niya sa loob ng opisina. Agad niya itong niyakap at siniil ng halik sa labi.Kinapa ni Dustin ang malambot na mukha ng kanyang asawa at nakangiting tinanong. "Wait, bakit parang naramdaman kong masaya ang wife ko?""Guess what, Luv, mas ma-alagaan na kita ng mabuti sa bahay dahil bumaba na ako sa pwesto ko bilang CEO." Tuwang-tuwa si Rihanna na umikot sa likuran ni Dustin at muling yumakap dito. Ramdam ni Dustin ang pagdikit ng mga pisngi nilang dalawa at nagdudulot yun ng kakaibang sensasyon sa buong katawan niya. Nakakarelax, sa pakiramdam niya ang halimuyak na bango ng kanyang asawa dahilan upang napapikit siya ng kanyang mga mata. "Wife, let's go home," niyaya na niya ito, he can't resist his wife's sweetness and it makes him want her more. He wants to kiss and embrace her tight with his arms, and make her feel like she was the only goddess he ever loved. "Wait, love? Has he already fallen in love with his wife?
"Okay ka lang ba?" Agad niyang niyakap si Kim, at hinayaan ang kanyang mga luha sa pagpatak. Bahagya namang, tinapik-tapik ng kaibigan ang kanyang likuran, tanda ng pagdamay nito sa sakit na nararamdaman niya. Nang makita ni Kim kanina, na lumabas ng silid ni Dustin si Rihanna habang umiiyak, mabilis niya ring sinundan ang kaibigan. "Sige lang, iiyak mo lang yan Rhiann, alam ko, walang pagsubok na dumating sa buhay mo na hindi mo na kayang lampasan.""Kim, hindi ko na maintindihan si Dustin, may mga oras na pinaparamdam niya sa akin na mahalaga rin ako sa kanya, may mga oras naman, na galit na galit siya, at ayaw akong makita. Naiinis ako sa sarili ko, dahil habang tumatagal mas lalo ko lang siyang minamahal. I'm fucking in love with him, kahit anong gawin ko hindi ko na kayang pigilan ang puso ko na mahalin siya." Nasa ganoong sistema si Rihanna ng mapansin, ang lunch box na nakabalot sa loob ng maliit na plastic bag. Agad siyang kumalas sa pagyakap kay Kim, at pinahid ang mga luha
Nang buksan ni Mr. Stuart ang lunch box, kunot-noong tiningnan niya si Rihanna. Naintindihan naman ni Rihanna ang ibig sabihin ng mga tingin nito sa kanya, kaya nagsimula na siyang magpaliwanag."Mr. Stuart, bago ko ipaliwanag sayo kung ano ang tungkol sa lunchbox na yan, nais ko munang tanungin ka. Sino ang nagprepare ng lahat ng mga pagkain na niluto ko noon upang ilagay sa lunch box bago ipadala sa opisina?"Sandaling nag-isip si Mr. Stuart. Pilit inaalala ang mga nakalipas na araw. "Sa naalala ko, walang ibang nagbalot ng mga pagkain kundi si Emily lang, ang bagong mayordoma ni Master sa loob ng mansyon. Bakit senyorita, ano bang mayroon sa lunchbox na ito?" Naguguluhang tanong ng matanda.Sinulyapan muna ni Rihanna ang pintuan, nang matantong naka lock 'yun, muling siyang humarap kay Mr. Stuart. "Kanina nanggaling ako sa kaibigan kong Doctor of Alternative Medicine. Pinasuri ko sa kanya ang tungkol sa mga nakakalat na powder na iyan sa gilid ng lunchbox, at nadiskubre niyang, isa
Punyeta ka talaga Shane! Ano na lang ang gagawin natin ngayon!? Puro ka talaga palpak! Hindi ka talaga maaasahan!"Galit na galit si Senyora Madeline ng ikinuwento ni Shane ang nangyari sa kanya sa mansyon ni Dustin."Kasalanan kasi ng babaeng yun eh! Kung hindi sana siya pa epal, na inject ko na sana kay Dustin ang gamot! Mabuti na lang at naparami ang huling lagay ko ng gamot sa pagkain niya. Doon na lang talaga ako umaasa na sana tuluyan ng masira ng gamot na yun ang utak ni Dustin, para naman makaganti ako kahit papaano sa babaeng 'yun! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya, mommy! Bakit hindi na lang natin siya, patayin upang tuluyan na siyang mawala sa landas natin?""Ganyan talaga ang mangyayari sa kanya, maghintay ka lang. Darating bukas ang daddy mo. At siya na ang bahala na magligpit ng putang babaeng yun! Teka, si Dustin nga pala, ano ang kondisyon niya ng umalis ka doon?""Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya kanina, dahil naabutan siya ni Rihanna na nawalan ng malay
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an