Mabilis ang mga hakbang ni Dustin habang sinusundan ang asawa niya. Naghahanap ito ng taxi na pwedeng sakyan. Kakaiba ang nararamdaman niya ngayon, parang may hindi magandang mangyayari."Your highness, we have locked the target." wika ng assassin mula sa mataas na building. Marami siyang kasamang assassin na nag-aabang sa paglabas ni Rihanna sa Travellers lounge ng Airport. Ang iba sa kanila ay nasa paligid lang nagmamasid, ang lima naman sa kanila ay nakakalat sa itaas ng building, naghahanda sakaling makatakas ang target."Good, shoot her now!" madiin na utos ni Queen Minerva. Hindi alam ng kuya niya na may iba siyang plano. Galit na galit siya kay King Rhiannon dahil sa pagkulong nito sa kanya. At ngayong araw na ito ang nakatakda niyang plano upang ipapatay ang anak nitong si Rihanna. Hindi niya hahayaan na makarating pa ito sa palasyo, upang kausapin si King Frexner. Kasalukuyan siyang nasa loob ng hotel, at naghihintay ng magandang balita. Nakataas ang kanyang kilay habang haw
"I said, let me go! My dad will kill you!" sigaw ni Rhayan. Nagwawala siya at pilit nilalabanan ang mga tauhan ni King Frexner na kasalukuyang binubuhat siya.Nakangisi ang hari ng makita siya nito. Nanggigigil na lumapit ito sa kanya at mapang-uyam na ngumiti. ""You really act like your father. Even on the brink of death, he still wants to fight. Do you know what I did with naughty children?" Bang! Bang! "Ahhhh!"Malakas na mga putok ng baril mula sa labas ng palasyo, ang dahilan ng pagtigil ni King Frexner sa plano sana niyang gawin sa bata. Nagtatagis ang kanyang mga bagang na sinigawan ang kanyang mga tauhan."Fuck! Spread out and bring Rihanna before me, dead or alive!" Galit niyang hinatak si Rhayan mula sa mga kamay ng kanyang tauhan at dinala sa isang silid. Hindi pwedeng makita ni Rihanna ang anak nito. Samantalang lumayo ng kaunti si Dustin mula sa kinukublihan nila ni Rihanna upang kausapin ang mga tauhan niyang assassins mula sa earpiece na suot niya."Men, make sure m
"Hoy Shane, shunga ka, kung ako sa 'yo, magtago ka na. Patay na si King Frexner, kaya alam ko, kayo naman ang balikan ng Black Dragon." paalala ni Celine mula sa kabilang linya.Maputla pa sa papel ang mukha ni Shane ng marinig ang balita ni Celine. Ito ang tinawagan niya kanina upang puntahan si King Frexner. Akala niya, magandang balita na ang hatid nito sa kanya ngunit pakiramdam niya ngayon nananaginip pa rin siya. Malakas ang loob niya upang tulungan si King Frexner dahil alam niyang malawak ang kapangyarihan nito. Ngunit di niya lubos maisip na kaya itong patayin ng Black Dragon. "Sino ba talaga ang may hawak ng Black Dragon? Bakit ganun na lang ito kung tumulong sa pamilya ni Rihanna?" tanong niya sa sarili."Hey! Shane, nandyan ka pa ba? Narinig mo ba ang sinasabi ko? Kailangan nyo nang umalis ni Thomas at Tita Madeline ngayon din."Agad na bumalik si Shane sa kanyang sistema ng marinig ang sinabi ni Celine. "P..pero, si Thomas, mukhang ayaw bitawan ang Crawford Empire." sagot
HININTAY muna ni Dustin na makapagpahinga ng dalawang linggo si Rihanna sa loob ng ospital, bago sila nagdesisyon na umuwi ng pilipinas. Ginamit na rin niya ang dalawang linggo na iyon upang ibalik sa dati ang kanyang sunog na mukha. Naging matagumpay naman ang surgery, mas lalo pa siyang naging guwapo tingnan dahil sa make-over na ginawa sa kanya ng isang sikat na plastic surgeon."Son, pwede ba tayong mag-usap?" naluluha na pakiusap ni Donya Alice kay Dustin. Nalaman na nitong buhay siya, sa katauhan ni Black Mamba.Kasalukuyan silang na sa harap ng pintuan ng kanyang private Jet. Ngayon ang araw ng alis nila, kasama ang kanyang mag-ina. Nakapasok na si Rihanna at Rhayan sa loob ng Jet at siya na lang ang naiwan sa labas, kasama ng tatloβ Rhiannon, Drake at Alice. Wala siyang magawa kundi ang humarap kay Donya Alice at maghintay ng sasabihin nito."Son," tawag muli nito sa kanya, dahilan upang nakaramdam ng iritasyon ang pandinig niya."Sabihin, n'yo na, ang gusto ninyong sabihin."
Ilang oras pa muna sila sa ganoong ayos. Di nagtagal lumapag ang private Jet ni Dustin sa runway na sa loob mismo ng villa nito saktong alas dyes ng gabi. Dahil tulog pa rin si Rhayan, binuhat na lang niya ito at dinala sa sarili nitong silid. Sinigurado muna nilang maayos ang pagkakahiga nito, bago sila dumiritso sa masters bedroom na dati nilang silid. Kasalukuyan silang nagbibihis ng biglang may tumawag sa telepono ni Dustin. "Speak," tipid niyang saad kay ScarletBlade βsiya ang tumatawag."Master, tapos na po ang pinapagawa mo sa amin, patay na po ang pamilya Gonzales. Ano po ba ang gagawin namin sa mga katawan nila?""Bigyan sila ng magandang klase ng libing. Kayo na ang bahala. Kung hindi mahalaga ang sasabihin n'yo, 'wag n'yo akong tawagan, si Stuart na lang ang kausapin n'yo," halata ang iritasyon sa boses niya. "Y..yes master," nauutal na sagot ng tauhan niya. Halata ang takot sa boses nito.Kunot-noo na tinanong siya ni Rihanna. "Sino ang ililibing?" Niyakap siya ni Dust
"Kung ganun, pumunta ka sa Crawford Empire bukas, kailangan mo rin na alamin kung sino ang abogado na nangahas gawing peke ang mga dokumento para lang mapasa-kamay ng Ashton ang kumpanya ko. Alam mo ako kapag nagalit, Bryce.""Okay, okay. Hayaan mong gawin ko ang trabaho ko. Baka mamaya utusan mo na naman ang mga tauhan mo na patayin ang may-ari ng Ashton, lalo lang lumaki ang problema ko." pagpipigil agad nito sa pinaplano niya."Hindi lang yan ang kaya kong gawin Bryce, alam mo 'yan. Si Rihanna, ang bottom line ko, 'wag nilang hintayin na mapuno ang gantangan ko at alam mo na ang mangyayari."Beep. Beep. Beep..Napa-buga ng hangin si Bryce matapos marinig ang pagputol ng ng kabilang linya. Nawala bigla ang antok niya dahil sa panibagong problema na naman na kinakaharap niya. Kung alam lang ng lahat, dahil kay Dustin, kung bakit hindi siya tumatanggap ng client kahit gaano pa kalaki ang offer ng mga ito. Minsan lang sa isang taon siya nagtatrabaho para sa kaibigan, ngunit ang stress n
Kahit masakit ang buong katawan ni Jax, pinilit pa rin niyang tumayo. "Men, throw them out!" naka-kuyom ang kamao ni Dustin na inutusan ang dalawang Black Dragon. Tumalima naman ang mga ito at isa-isang kinaladkad ang dalawa, palabas ng building. Nanlaki ang mga mata ng mga empleyado dahil sa bilis ng pangyayari. "All of you, what are you waiting for? Leave!" galit na sigaw ni Rihanna. Sumisikip ang dibdib niya na nakikitang binababoy ng mga ito ang kumpanya ng asawa niya. Saan ka nakakita ng empleyado na ibang kumpanya ang suot na uniform sa pinapasukan? Tinatapakan nila ang dignidad ng Crawford Empire. Natarantang nagsi-alisan ang lahat na mga empleyado sa takot na baka mangyari din sa kanila ang nangyari sa kanilang Boss. Three minutes later, nasa Ashton Holdings Inc., building na si Jax. Paika-ikang naglakad siya papunta sa opisina ng kanyang ama. Umiinom ito ng wine habang nakatingin sa kabuuan ng siyudad na kinatitirikan ng company building. Naka-glass wall ang kabuuan ng
Mabilis na tinago ni Dustin ang telepono sa kanyang bulsa nang makitang palabas na ng president's office si Rihanna. Kasalukuyan silang nandito ngayon sa R.A. Smith Corporation, ang kumpanya na iniwan ng ina nito. Gaya ng Crawford Empire, dumaan muna sila sa santong sakitan ng mga guwardya, para lang makapasok sa sarili nitong kumpanya. Bagsak ang panga NI Rihanna habang papalapit kay Dustin. "Luv, hindi ko talaga alam kung saan hahanapin ang microchip. Kahit anong hanap ko, wala na talaga doon sa vault na pinaglalagyan ko. Hindi ko alam paano nila nabuksan 'yon," naiiyak na saad nito. Naawang inakbayan siya ni Dustin at pinagdikit ang katawan nila. "Luv, natatandaan mo pa ba kung anong klaseng microchip 'yon? Baka pwede natin magawan ng paraan." suggestion niya sa asawa upang mawala ang lungkot nito. "Hindi na pwedeng gawin ulit 'yon Luv, namatay na kasi ang professor ko na kasama ko sa pagbuo ng microchip na 'yon," malungkot na sagot nito. "Nakausap ko na ang ama ni Jax, nanini
βShit!β Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. βCiela what happened here?β Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.βI will show you, master.β Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. βTangβna! Kayang-kaya naman gawan ng paraan βyan hindi ba?β βYes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.βNagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. βGusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!β βHuwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!β Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.βMum! Please! Sumuko ka na!β Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. βHindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa βkin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!βMagkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
βCiela.ββYoung Master.β Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.βYouβre aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!β Bungad ni Rhayan sa galit na boses.βIβm sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa βyo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.ββBut something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa βkin may iba pa palang pinaplano si Trishia?ββNo, master. Ang sinabi ko saβyo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi saβyo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala saβyo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. βSir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon bastaβt nasa magandang kumpanya sila.ββNonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?β Sir, napanood nβyo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.β"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. β Kuya?ββRianne, nasaan ka?β Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.βNandito sa ospital. Bakit Kuya?β Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
βAhhhh! Thriiiisia!β Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. βDonya Sonia! Donya Sonia!β Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.βPwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!β Tumayo siya at naupo sa sofa.βPatawad Donya Sonia. Pβpero kailangan mong mapanood ito. Siβsi Senyorita ThrisiaβββAno ang sabi mo? Si Thrisia?β napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.βB-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.β Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kayaβt tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.βRhayanβ¦please help meβ¦ββWhat the ffβfvck!β Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. βTake off your hands!β Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
βAnong ginawa mo saβkin..tangina ka! Huh!?β Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.βAkin siya! Ako ang hahatol sa kanya!β Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.βRhayan!β Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. βRhayan, Bibihis ka ba
βWhat!?β Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?β umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.βUmalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay βyun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.ββAt bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!β Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.βDonya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
βCiela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.β βTungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?βSaglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.βI can tell you Madam Master.ββTell me..ββRight away. 5th floor, Room 507, Madam master.β agad ring sagot nito. βThank you.β tipid niyang wika.βYouβre now connected to the next line Madam master.βHindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.βYes?β bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.βI want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.ββWhat?β Gulat nitong sagot. βSino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?β βAko ang anak niya.β Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. βDonβt waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.β Walang pasabi niyang ini-off an