"Hoy Shane, shunga ka, kung ako sa 'yo, magtago ka na. Patay na si King Frexner, kaya alam ko, kayo naman ang balikan ng Black Dragon." paalala ni Celine mula sa kabilang linya.Maputla pa sa papel ang mukha ni Shane ng marinig ang balita ni Celine. Ito ang tinawagan niya kanina upang puntahan si King Frexner. Akala niya, magandang balita na ang hatid nito sa kanya ngunit pakiramdam niya ngayon nananaginip pa rin siya. Malakas ang loob niya upang tulungan si King Frexner dahil alam niyang malawak ang kapangyarihan nito. Ngunit di niya lubos maisip na kaya itong patayin ng Black Dragon. "Sino ba talaga ang may hawak ng Black Dragon? Bakit ganun na lang ito kung tumulong sa pamilya ni Rihanna?" tanong niya sa sarili."Hey! Shane, nandyan ka pa ba? Narinig mo ba ang sinasabi ko? Kailangan nyo nang umalis ni Thomas at Tita Madeline ngayon din."Agad na bumalik si Shane sa kanyang sistema ng marinig ang sinabi ni Celine. "P..pero, si Thomas, mukhang ayaw bitawan ang Crawford Empire." sagot
HININTAY muna ni Dustin na makapagpahinga ng dalawang linggo si Rihanna sa loob ng ospital, bago sila nagdesisyon na umuwi ng pilipinas. Ginamit na rin niya ang dalawang linggo na iyon upang ibalik sa dati ang kanyang sunog na mukha. Naging matagumpay naman ang surgery, mas lalo pa siyang naging guwapo tingnan dahil sa make-over na ginawa sa kanya ng isang sikat na plastic surgeon."Son, pwede ba tayong mag-usap?" naluluha na pakiusap ni Donya Alice kay Dustin. Nalaman na nitong buhay siya, sa katauhan ni Black Mamba.Kasalukuyan silang na sa harap ng pintuan ng kanyang private Jet. Ngayon ang araw ng alis nila, kasama ang kanyang mag-ina. Nakapasok na si Rihanna at Rhayan sa loob ng Jet at siya na lang ang naiwan sa labas, kasama ng tatlo— Rhiannon, Drake at Alice. Wala siyang magawa kundi ang humarap kay Donya Alice at maghintay ng sasabihin nito."Son," tawag muli nito sa kanya, dahilan upang nakaramdam ng iritasyon ang pandinig niya."Sabihin, n'yo na, ang gusto ninyong sabihin."
Ilang oras pa muna sila sa ganoong ayos. Di nagtagal lumapag ang private Jet ni Dustin sa runway na sa loob mismo ng villa nito saktong alas dyes ng gabi. Dahil tulog pa rin si Rhayan, binuhat na lang niya ito at dinala sa sarili nitong silid. Sinigurado muna nilang maayos ang pagkakahiga nito, bago sila dumiritso sa masters bedroom na dati nilang silid. Kasalukuyan silang nagbibihis ng biglang may tumawag sa telepono ni Dustin. "Speak," tipid niyang saad kay ScarletBlade —siya ang tumatawag."Master, tapos na po ang pinapagawa mo sa amin, patay na po ang pamilya Gonzales. Ano po ba ang gagawin namin sa mga katawan nila?""Bigyan sila ng magandang klase ng libing. Kayo na ang bahala. Kung hindi mahalaga ang sasabihin n'yo, 'wag n'yo akong tawagan, si Stuart na lang ang kausapin n'yo," halata ang iritasyon sa boses niya. "Y..yes master," nauutal na sagot ng tauhan niya. Halata ang takot sa boses nito.Kunot-noo na tinanong siya ni Rihanna. "Sino ang ililibing?" Niyakap siya ni Dust
"Kung ganun, pumunta ka sa Crawford Empire bukas, kailangan mo rin na alamin kung sino ang abogado na nangahas gawing peke ang mga dokumento para lang mapasa-kamay ng Ashton ang kumpanya ko. Alam mo ako kapag nagalit, Bryce.""Okay, okay. Hayaan mong gawin ko ang trabaho ko. Baka mamaya utusan mo na naman ang mga tauhan mo na patayin ang may-ari ng Ashton, lalo lang lumaki ang problema ko." pagpipigil agad nito sa pinaplano niya."Hindi lang yan ang kaya kong gawin Bryce, alam mo 'yan. Si Rihanna, ang bottom line ko, 'wag nilang hintayin na mapuno ang gantangan ko at alam mo na ang mangyayari."Beep. Beep. Beep..Napa-buga ng hangin si Bryce matapos marinig ang pagputol ng ng kabilang linya. Nawala bigla ang antok niya dahil sa panibagong problema na naman na kinakaharap niya. Kung alam lang ng lahat, dahil kay Dustin, kung bakit hindi siya tumatanggap ng client kahit gaano pa kalaki ang offer ng mga ito. Minsan lang sa isang taon siya nagtatrabaho para sa kaibigan, ngunit ang stress n
Kahit masakit ang buong katawan ni Jax, pinilit pa rin niyang tumayo. "Men, throw them out!" naka-kuyom ang kamao ni Dustin na inutusan ang dalawang Black Dragon. Tumalima naman ang mga ito at isa-isang kinaladkad ang dalawa, palabas ng building. Nanlaki ang mga mata ng mga empleyado dahil sa bilis ng pangyayari. "All of you, what are you waiting for? Leave!" galit na sigaw ni Rihanna. Sumisikip ang dibdib niya na nakikitang binababoy ng mga ito ang kumpanya ng asawa niya. Saan ka nakakita ng empleyado na ibang kumpanya ang suot na uniform sa pinapasukan? Tinatapakan nila ang dignidad ng Crawford Empire. Natarantang nagsi-alisan ang lahat na mga empleyado sa takot na baka mangyari din sa kanila ang nangyari sa kanilang Boss. Three minutes later, nasa Ashton Holdings Inc., building na si Jax. Paika-ikang naglakad siya papunta sa opisina ng kanyang ama. Umiinom ito ng wine habang nakatingin sa kabuuan ng siyudad na kinatitirikan ng company building. Naka-glass wall ang kabuuan ng
Mabilis na tinago ni Dustin ang telepono sa kanyang bulsa nang makitang palabas na ng president's office si Rihanna. Kasalukuyan silang nandito ngayon sa R.A. Smith Corporation, ang kumpanya na iniwan ng ina nito. Gaya ng Crawford Empire, dumaan muna sila sa santong sakitan ng mga guwardya, para lang makapasok sa sarili nitong kumpanya. Bagsak ang panga NI Rihanna habang papalapit kay Dustin. "Luv, hindi ko talaga alam kung saan hahanapin ang microchip. Kahit anong hanap ko, wala na talaga doon sa vault na pinaglalagyan ko. Hindi ko alam paano nila nabuksan 'yon," naiiyak na saad nito. Naawang inakbayan siya ni Dustin at pinagdikit ang katawan nila. "Luv, natatandaan mo pa ba kung anong klaseng microchip 'yon? Baka pwede natin magawan ng paraan." suggestion niya sa asawa upang mawala ang lungkot nito. "Hindi na pwedeng gawin ulit 'yon Luv, namatay na kasi ang professor ko na kasama ko sa pagbuo ng microchip na 'yon," malungkot na sagot nito. "Nakausap ko na ang ama ni Jax, nanini
Kinakabahan man si Rihanna at Dustin minabuti pa rin nila na dumiretso sa INtech DNA Center upang personal na kunin ang result. Habang nasa biyahe, panay ang baling ni Rihanna sa kanya. Hindi na niya maitago ang kaba, naka-full naman ang aircon ng kotse ngunit ang pawis niya sa noo, maihahambing sa butil ng bigas dahil sa sobrang pagkabalisa niya. "Luv, okay ka lang ba?" di natiis ni Rihanna kaya niya ito tinanong. Saglit siyang sinulyapan ni Dustin, at muling tinuon ang mga mata sa kalsada. "Kanina pa ako kinakabahan Luv, ewan ko ba, natatakot ako sa magiging resulta." Ginagap ni Rihanna ang isang kamay ni Dustin. "Luv, basta tandaan mo ang pangako natin sa isa't-isa,"madamdaming wika ni Rihanna. Kinuha ni Dustin ang kamay ng asawa at dinala sa mga labi niya. Puno ng pagmamahal niya itong hinalikan. "I love you Rihanna, kahit paglayuin man tayo ng tadhana, ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko at wala ng iba." Magkataob pa rin ang kanilanng mga palad ng huminto ang kanilang sasa
Samantalang, habang nasa biyahe, walang imikan ang mag-asawang Dustin at Rihanna. Fully-occupied ang kanilang isipan sa rebelasyon na totoong magkapatid sila.Di nagtagal, huminto ang kanilang sasakyan sa harap ng mansyon."Mommy! Daddy!" excited na sigaw ni Rhayan ng makita silang dalawa na bumaba ng sasakyan. Mabilis itong tumakbo papunta sa kanila.Kahit na nadudurog ang puso ngayon ni Dustin pakiramdam niya nabuhayan siya ng loob ng makita ang kanyang anak. Masigla niya itong sinalubong at kinarga. Hinalikan niya ito sa noo habang papasok sa loob ng mansyon."Mommy," tawag ni Rhayan sa ina. Pilit naman na ngumiti si Rihanna at hinalikan ang anak habang kinakarga ni Dustin. "Mommy, I want to go to school," wika ni Rhayan.Nagkatinginan ang dalawa, naintindihan naman ni Rihanna ang anak. Nababagot na siguro ito sa loob ng mansyon."Okay son, bukas hahanap ng school si mommy na pwede mong pasukan," sagot niya na ikinatuwa naman ng bata.Ramdam ni Dustin, ang pananamlay sa boses ni Ri
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an