Grandpa, are mommy and daddy all right? Are they fighting because of me?" umiiyak na tanong ni prince Rhayan ng mapansin na umalis ang kanyang ina habang umiiyak. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng ama, kaya nahihirapan ngayon ang mommy niya. Hindi niya alam kung bakit nagkahiwalay ang daddy at mommy niya. Gusto lang naman niyang magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya.Halata ang awa sa mukha ni King Rhiannon habang nakayakap sa kanyang apo. "They didn't fight because of you, little prince. They need it so they can talk properly. Just have faith in your father. If he loves your mom, I'm sure he'll do whatever it takes to win her over.”Tila naiintindihan naman ni Rhayan ang ibig sabihin ng lolo niya kaya agad itong tumahan. Nagkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan sa loob ng hotel ngunit agad naman itong naayos ng mga Event Coordinators. Walang media na nangahas na ipalabas ang mga kaganapan na nangyari sa loob ng hotel. Tanging ang of
"Rih, may problema ba?" Umiwas ng tingin si Rihanna ng marinig ang tanong ni Drake sa kanya. Ayaw niyang makita nito ang namumuong luha sa mga mata niya. Katulad niya, Filipino-American na rin si Drake, kaya fluent din ito sa pagsasalita ng filipino."Wala akong problema Drake, talagang gusto ko lang mag celebrate ng birthday ko." Pagdadahilan niya kay Drake."Bakit? Dahil dumating ba siya? Nabalitaan ko ang nangyari sa birthday mo kanina. Ganun ka na ba kadisperada para kalimutan siya? Kailangan mo pang isakripisyo ang sarili mo sa pamamagitan ng pagpapakasal sa hindi mo mahal, para lang kalimutan siya. I thought you had learned to forget him?" Halata ang galit sa boses ni Drake."Hindi ganun kadali 'yun Drake. Akala ko rin, unti-unti ko na siyang nakalimutan, ngunit tangina masakit pa rin. Nasasaktan ako na isipin na ikakasal na siya sa iba." Ngumiti siya at mabilis na pinahid ang luha niya. Saka muli itong nagtanong. "May yosi ka ba d'yan? Pahingi."Lalong nagtagis ang mga bagang n
Walang magawa ang may ari ng nasabing Disco Bar ng makita nilang lumabas di Dustin habang nakasakay sa likod nito si Rihanna na mahimbing pa ring natutulog.Ano ba naman ang panama nila sa isang makapangyarihang tao, tulad ni Dustin Crawford? Hindi kilala ang pangalan nito, ngunit kapag DC Corporation na ang binanggit, marami ka ng maiisip. Alam ng lahat na hindi lang basta makapangyarihan ang may ari ng DC Bank Corp. Isa itong napaka misteryosong tao, na kayang bilhin ang kahit sino. Ngunit ngayon lang nila nalaman na sa kabila pala ng walang kapantay nitong kapangyarihan, mayroon din itong kahinaan—at "yun ang asawa nitong si Rihanna.**Past midnight na ng nakarating si Dustin sa palasyo. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niya si King Rhiannon na nag-aabang sa malaking sala habang nakaupo sa couch. Yumuko lang siya dito tanda ng paggalang bago nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan.Maingat niyang pinahiga si Rihanna sa kama sa loob ng silid nito. Mahimbing pa rin ito sa pagtulog.
Biglang kinabahan si Rihanna. Baka kinakain ng selos na naman ang sistema ni Dustin at kung ano na naman ang gawin sa dalawa. Mabilis siyang bumaba at kinausap ang mga ito."Luv, come on, let's eat." Wika ni Dustin habang pinulupot ang kamay sa baywang ni Rihanna. Pinapahalata talaga niya na pagmamay-ari na niya ito at walang sinuman na pwedeng umagaw sa kanya.Nginitian lang siya ni Rihanna. "Sige na Luv, susunod na lang ako. Kausapin ko lang silang dalawa. Trust me." Sagot ni Rihanna sa malumanay na paraan.Sinunod naman siya ni Dustin, ngunit hindi niya alam na nagtago lang pala ito sa gilid ng malaking vase na may makapal na bulaklak. "What are you doing here Charles?" Unang kinausap ni Rihanna si Charles. Maluha-luha naman itong humarap sa kanya. "Rihanna, I just came by to tell you that dad will be inviting you to his birthday party at the Hamster Hotel later. He is pleased to meet you."Nakaramdam ng awa si Rihanna para kay Charles. Naging mabait na rin ito sa kanya, ngunit h
Knock! Knock!Nakabalik si Rihanna sa sarili, ng marinig ang magkasunod na katok sa pintuan ng kanyang opisina. Nakalutang ang kanyang kaisipan kaya hindi niya namalayan na nakapasok na pala si Drake sa loob."Akala ko ba nagkabalikan na kayo ng asawa mo? Bakit mukhang sa itsura mo ngayon hindi ka pa rin masaya?" Tanong ni Drake sa kanya. Umupo ito sa swivel chair na nasa harapan ng kanyang mesa.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Rihanna, bago sumagot. "Masaya naman ako dahil nagkabalikan kami ni Dustin. Ngunit ipinagtataka ko lang kay Dad, kung bakit ayaw niya kaming magpakasal."Bahagyang nalungkot ang mukha ni Drake ng marinig na ikakasal na si Rihanna. Ngunit hindi na lang niya ito pinahalata."Baka nagulat lang si Tito Rhiannon kaya ganun na lang ang reaksyon niya.""Ipagpalagay na nga nating ganun. Ngunit kakaiba ang reaksyon niya eh. Parang may halong takot sa mukha niya kaya hindi siya pumayag na maikasal ako kay Dustin."Sandaling nag-isip si Drake. "Bakit hindi mo
Luv, sorry na..please.. Hindi na ito mauulit, promise. Pipigilan ko na ang selos ko. Magbabago ako para sa'yo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ang bilis-bilis kong magselos. Kapag may ibang lalaki na lumalapit sayo, pakiramdam ko iiwanan mo na ako." Parang iiyak na wika ni Dustin.Bahagyang natigilan si Rihanna, dahil sa sinabi ni Dustin. Parang nahulog na kasi ito sa obsession. At hindi normal ang ganun. Siguro dahil sobrang mahal siya nito, ngunit hindi healthy ang maging takbo ng relasyon nila kapag manatiling ganito si Dustin. "Kamusta ang pakiramdam mo, sumasakit pa rin ba ang ulo mo?"Nagtaka naman si Dustin sa naging tanong ni Rihanna. "Huh, bakit?""Sagutin mo na lang ang tanong ko." "Minsan kumikirot. Pero hindi na kagaya ng dati. Naubos ko na kasi yung binigay mong gamot. Hindi ko alam kung saan ka bumili n'yon, kaya hindi na ako nakabili ulit. Bakit? Akala mo ba baliw pa rin ako?" Nakangiti nitong tanong sa kanya."Ano naman
"Luv, kailangan ko pa bang gawin ito? Pwede naman na simpleng evening gown lang ang suotin ko. Hindi naman si Charles ang sadya ko doon, kundi ang daddy niya. Ayaw ko nga sanang pumunta eh, kaya lang nakakahiya naman, baka sabihin tinatanggihan ko ang paanyaya niya." Nagmamaktol na wika ni Rihanna, habang nagsusuot ng magarbong evening gown na binili pa ni Dustin mula sa sikat na fashion designer. "Kailangan mo yan Luv. CEO ka ng SmithCom Corp. Isa ka sa tinitingala ng maraming kababaihan. Kailangan hindi ka nagmumukhang kawawa sa paningin ng ibang mga kakumpetensya mo sa negosyo." Hindi na hinayaan pa ni Dustin na hubarin ni Rihanna, ang kanyang suot na evening gown. Ito na ang kusang nagsara ng zipper ng gown niya sa likod. Si Dustin pa talaga ang nag -asist sa kanya upang magbihis. Ayaw kasi nito, na ang bakla ang mag bihis sa kanya pagkatapos siyang malagyan ng make-up. Lalaki pa rin daw kasi ito, at ayaw nitong nakikita ng ibang lalaki ang loob ng kanyang katawan. Kahit kailan
“Why Luv, are you interested in Larson Industries?" Nakangiting tanong ni Dustin sa asawa. "Do you remember me telling you for a long time that I want to buy Larson Industries, and more specifically, the CEO? It wasn't just that I was thinking of you at the time; I actually did it. You promised to kill Larson Industries' CEO once I brought him home, after all. I didn't want to get your hands dirty, so I just let him go." Nang-aakit ang boses ni Rihanna habang sinasabi 'yun kay Dustin. Mas lalo pa niyang dinikit ang katawan niya sa asawa, at nagustuhan naman ni Dustin ang kapilyuhan niya. "Oh? I should call my secretary right now. Larson Industries will be ready for you when you wake up tomorrow. Wait, what will you do with Larson Industries?" Biglang pinahaba ni Rihanna ang nguso niya at sinabi, "I just want to burn it." "Huh?" Sumilay ang ngiti sa labi ni Dustin. Hinalikan niya ang noo ng asawa. Hindi niya alam kung bakit kinikilig siya sa pang-iinis nito kay Zack. "If you really
“Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
“Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba