"Sumi's POV"Tuesday.Nagising ako sa ingay ng mga bunganga nila. Bumangon ako at nag inat-inat."Magandang umaga, mahal na reyna.""Magandang umaga, mga alipin." Napangiwi sila na ikinatawa ko. "Sino ang nasa banyo?" tanong ko nang marinig ang pag agos ng tubig mula sa banyo."Bharra," maikli, ngunit may halong asar na sagot nila. Nagkibit balikat na lang ako. Matapos ang pagtatalo namin kagabi ay hindi na niya ako tinangka pang lapitan. Iwas na rin siya. Mukhang natakot, buti naman.Sakto namang pumasok si Jellah."Breakfast ready," aniya na ang paningin ay nasa akin.Agad silang nag unahan sa pagbaba. Napailing na lang ako. May balak pa atang makikain sa amin ang mga yun."Hindi ka pa ba bababa?" tanong ni Lera nang nasa bungad na siya ng pinto. Umiling ako."Maliligo muna ako." Tumango siya at tuluyan nang lumabas. Sakto naman ang paglabas ni Bharra mula sa banyo.Dinaanan lang niya ako. Mabuti naman. As if naman gusto ko siyang kausapin! Baka nga nag iisip na nang masama ang baba
"Jellah's POV"Thursday.Ako ang nakatukang maghahanda ng agahan namin ngayon. Kare-kare ang naisipan kong lutuin. Hinanda ko na lahat ng kakailanganin at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagbaba nila.Kung nagtataka kayo, sa hotel kami natutulog pero may isa pa kaming cottage na inokupa. Kasya kaming trenta singko na estudyante pati na si Miss Mia dito. Dito kami nagtitipon-tipon para sa agahan, tanghalian at hapunan.Maya-maya lang ay sinerve ko na sa table naming pito ang kare-kareng niluto ko."Wow! Kahit inaantok pa ako, hindi ko talaga palalampasin tong niluto mo Jellah." Hazel.Napangiti na lang ako. Pinanood ko silang magsandok at talagang inaabangan ko ang bawat reaksyon nila."Hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Cris nang mapansin na hindi ko man lang tinignan ang inihain niya sa akin. Nanatili pa rin kasi sa kanila ang paningin ko. Taka naman silang napatingin."Tutunganga ka na lang ba diyan?" Sumi.Umiling ako saka ngumiti."So, how was it?" Ilang minuto pa bago nila
"Kristoff's POV"Saturday.Maaga akong nagising pero hindi agad bumangon. Tinignan ko ang cellphone ko at napangiti nang makita ang picture namin ni Sumi na ginawa kong wallpaper. Nakahalik ako sa pisngi niya habang siya naman ay sobrang laki ng ngiti."Mahal na mahal mo talaga, ano?" Bigla akong tinapik ni Alex.Ngumiti lang ako.Hindi ko masasabing okay na talaga kami ng pinsan ko pero kahit papaano ay nagpapansinan na din kami.Malaking tulong talaga yung pinagsama kami sa isang kwarto. Malaki-laki ang kwartong ito pero dalawang kwarto pa bago ang kwarto nila Sumi.Wala namang choice dahil ito lang ang kwarto na nagkakasya sa sampung katao.Bukod sa pinsan ko at mga kaibigan ko ay kasama din namin sa kwarto sina Billy, Kelvin, William at ang isa sa kagrupo ni Phyrus na kaklase din namin na nagngangalang Arthur Cuevas. Sa hula ko nga ay mukhang may lihim na pagtingin din ito kay Jellah, hindi lang makaporma dahil kay Cris."Okay na ba kayo?" biglang singit ni William.Nagkatinginan
"Sumi's POV""Hoy! Ano na?""Anong ano na?" Inis kong nilingon si Jellah. Kanina pa yan nangungulit e."Saan ka nga kasi napagod? At bakit sumama ang pakiramdam mo? Bakit kailangan si Kristoff ang umako ng responsibilidad mo? I need a valid explanation." Napaface palm na lang ako dahil sa kakulitan ni Jellah. Kumalma muna ako bago siya hinarap. Linggo ng hapon na ngayon at ang iba ay nasa dalampasigan habang ako ay kanina pa nagpapahinga sa kama dito sa kwarto.Masakit kasi yung ano ko e. Inasar pa ako ni Kristoff pero maya-maya lang ay siya na ang nag offer na maglead ng laro sa halip na ako. Nung lunch time din ay hinatiran niya ako ng luto niya dito. Sa kwarto lang talaga ako nanatili buong araw ng linggo."Umupo ka nga dito." Umupo naman siya sa tabi ko. Huminga muna ako nang malalim. Kahit bestfriend ko siya at kahit botong-boto naman siya kay Kristoff ay hindi ko pa rin pwedeng sabihin na wala na ang pinakaiingatan kong diamante sa loob ng labing walong taon. Siguradong maghih
"Sumi's POV"Monday."Mauuna na ako sa inyo sa cottage ah! Magluluto pa ako." "Sureness," sabay-sabay nilang sagot with kaway pa. Anong ginagawa ng mga to? Mukhang busy ata! Napailing na lang ako saka na lumabas sa kwarto.Konti pa lang ang tao sa cottage nang makarating ako. Agad kong hinanda ang mga gagamitin saka sinimulan ang pagluto. Nagsaing muna ako saka sinimulan ang pagluto ng Chicken and Vegetable Misua Soup.Habang naghihintay na maluto ay umupo muna ako. Matapos lang ang ilang minuto ay sabay na naluto ang sinaing at uulamin namin sa umagang ito.Nilapag ko agad ito sa mesa namin.Napakislot ako nang may maramdamang braso sa bewang ko."You smells good in the morning, baby." Nanindig ang balahibo ko nang ibulong niya yun sa tenga ko. Tinampal ko ang kanyang braso at tatawa-tawa naman siyang tinanggal ito."Ke aga-aga Kristoff ah!" "Hahaha. What? What did I even do? Wala pa nga!"I glared at him. Kinuha ko ang sandok saka akma itong ihahampas sa kanya nang tatawa-tawa lan
"Sumi's POV"Mas lalo pa akong namangha nang hindi lang ang tanawin ang mabungaran ng mga mata ko. Napatingin ako sa isang parte kung saan nakahilera doon ang kulay pulang mga rosas. Hindi ko alam kung kailan nawala ang galit ko sa mga bulaklak. Siguro simula nang bigyan ako ni Kristoff ng bulaklak. Hindi na ako makaramdam ng galit o pagkamuhi ngayon, senyales na hindi na ako apektado sa presensya ni Julian. Napangiti ako. Mukhang nagtagumpay nga siya sa pagtanggal ng feelings ko sa isa. Nalipat na kasi yun sa kanya."Paano mo nagawa to? At kailan?" tanong ko habang tinatanaw ang isang mesa kung saan may mga nakalagay na kandila."Kaninang umaga lang. Nagpatulong ako sa mga kaibigan natin kasi gusto ko kahit nasa gitna tayo ng school activity ngayon, makapagdate pa rin tayo," aniya na ikinapula ko.Yumakap ako sa kanya."Thank you! I really love it!""Anything for you, baby," aniya saka hinalikan ang noo ko.Iginiya niya ako sa isang upuan."For you!" Tinanggap ko ang ilang bugkos ng
"Bethany's POV"Monday Afternoon."Our activity for this afternoon is entitled: "Beach Scavenger Hunt". Each group has a leader, right? So, every leader will serve as the captain and your leader will divide you into 2 groups and each group consists of six or five members. Ms. Bhey, Ms. Agoncillo and Ms. Perez, kindly come here." Miss Mia. Lumapit naman kaming tatlo saka binigay ang papel na mga hawak namin. Tinignan niya ito saka tumango-tango. "I'm gonna announce your group. Miss Bhey, since you are 12 and you will be their captain, one group will consist of 6 members and the other will consists of only five. Got it?" "Yes, Miss!" Chelina saka ang ibang kagrupo niya."Phyrus Jhuster, Julie Axon, Berry Lopez, Kier Dicel, Aliah Rosas and Trina Salve Vs. Trisha Aina Canete, Arthur Cuevas, Chena Cruz, Hazel Benice and Jessa Crome. Kayong dalawang grupo ang maglalaban at kung sino ang mananalo sa dalawang grupo ang siyang ipanlalaban sa championship sa huwebes. Same with the group 2 and
"Lera's POV"Tuesday afternoon.Muling tinawag ni Miss Mia ang atensyon naming lahat kaya nagsipagtigil kami sa kanya-kanyang ginagawa saka lumapit kay Miss Mia para makinig sa mga sasabihin niya."This afternoon will be our last game and tomorrow until thursday morning will be your free time. Thursday afternoon until friday afternoon will be the championship game. Saturday night, we'll be meeting and we will have a bonfire. Then sunday night, we'll be having a social night. You can come with your partner. Sunday night is the night for you and your love one. Para talaga sa mga couple ang gabing yun at malay ninyo, sa mga single diyan baka dun ninyo na rin makilala ang mga lalaking makakatuluyan ninyo." Napatili ang karamihan na parang kilig na kilig. Napatawa naman si Miss Mia sa naging reaksyon nila. "Hindi lang yun para sa mga couple, kundi para na rin sa mga taong may lihim na pagtingin. So, if you are secretly admiring someone, sunday or social night is the chance for you to bloom
"Third Person's POV"Napadako sa itaas ng malaking building ang paningin ng isang babae na kakababa lang mula sa sinasakyan niyang motor.Kasunod niya ay ang apat pang motor. Isa isang bumaba sa kanya kanyang mga motor ang apat na babae saka sabay sabay na lumapit sa babaeng nauna pa sa kanila ng dating.Kung titignan mo ang ayos ng babae, maging ng kanyang mga kasamahan ay masasabi mong para silang nakahanda sa isang gyera na paparating.Mga nakasuot ng itim na damit, maging ang pang ibaba ay itim din. Sa madaling salita, nakaitim silang lahat at parehong handang handa."Demolisse," sabay sabay nilang pagbati at tumango lang naman ang tinawag nilang Demolisse saka muling sinuyod ng tingin ang buong building."Get ready!" Yun lang ang sinabi ni Demolisse pero sabay sabay na nanindig ang balahibo nilang apat. Ramdam na ramdam kasi doon ang sobrang lamig ng kanyang boses, maging ang nakakahindik at malamig nitong tono.Sabay sabay silang napalunok saka tinanaw si Demolisse na ngayon ay
"Alex's POV"["Doc Alex, may appointment po kayo ngayon."]"Okay. What time, Serena?"["At exactly 1 pm po, Doc! Meron pong tatlong lists of patients ang nakaassigned sa inyo para mamaya."]"Okay. Got it! I'll be there 10 minutes before 1."["Copy Doc!"]After the convo with my secretary, I ended the call then went down to meet my parents who's both preparing for our lunch."Hi Mom! Hi Dad!" bati ko saka humalik sa pisngi ni Mommy. Tinapik naman ako sa balikat ni Daddy saka kami sabay na naupo sa hapag."How's work, Son?" tanong ni Dad saka nagpunas ng tissue sa labi."Fine Dad! Tho, it's very exhausting. I feel tired every time I went home." I tiredly explained and they just both nod their head."That's how people in medical field feels, Son! Atleast you have felt what others also felt." Mom.Tumango tango na lang ako saka nagsimula na sa pagkain. Kumain na rin sila.Maya maya pa...."How's your cousin? I heard his now managing most of his parents company? Even your lola and lolo's c
"Emhir's POV""Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Bethany."Basta! Wag mo munang tatanggalin ang blindfold ah!" pag uutos ko. Kahit nagtataka man ay tumango na lang siya."Wag kang aalis ah! Babalik ako agad." Sa pangalawang pagkakataon ay tumango lang siya. Kung may ideya siya sa gagawin ko ay hindi ko alam. Pero sana ay wag niyang mahulaan ang plano ko sa hapon na ito.Miyerkules ngayon at dapat ay pareho kaming nasa trabaho. Isang buwan na ang nakakalipas magmula nang makahanap kami ng kanya-kanyang trabaho.Sa kabutihang palad, lahat kami ay meron ng mga trabaho. Sina Alex at Billy ay ganap ng mga Doctor. Nagtatrabaho sila sa ospital na malapit lang sa La Llera University. Sa pagkakaalam ko nga ay parehong may duty ang dalawang yun ngayon.Sina Clyton at Phyrus naman ay ganap na ding Engineer. Bukod sa trabaho, nagsisimula na din sila sa paggawa ng sari-sarili nilang mga bahay. Lalo na si Clyton na kakapropose lang kay Lera last month. Sina William at Kelvin naman ay parehong chief a
"Clyton's POV""Hi honey! Ang aga mo naman. Namiss mo na ba agad ako?" ["Duh? Hindi no!"]"Talaga lang ah? Kaya pala alas seis ng umaga pa lang ay napatawag ka na."] Pang aasar ko at kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam ko nang namumula na naman siya. Mahina na lang akong napatawa.["Baka isipin mo namumula na naman ako ah!"] Mas lalo pa akong napatawa nang marinig ang sinabi niya. Ang defensive agad e!Nagklaro ako ng lalamunan."Gusto mo na bang makadate ako? At ang aga-aga mong nambulabog."Narinig ko ang mahina niyang pagmura dahilan para mapatikhim ako.["Wala ka talagang kasweetan kahit kailan,"] may tampong sambit niya.Napabangon ako mula sa pagkakadapa saka umayos ng upo."Joke lang, honey. Ito naman! Wag ka nang magtampo."["Hmmp! Anyways, kailangan kong umalis ngayon at obligado kang samahan ako."]"Ikaw ata ang walang kasweetan sa katawan eh, nag uutos ka ba?"["Oo. At bilisan mo diyan dahil maaga pa lang ay nakabihis na ako."]"Yes, Mrs. Perry," nakangiting sagot
"Phyrus POV""Hi baby! Busy ka ba ngayon?"["Hindi naman. Bakit? May gagawin ka ba, baby?"]Hindi muna ako sumagot para magpigil ng ngiti. Oo na! Sabihin ninyo mang nakakabakla pero wala eh. Malakas na tama ko kay Chelina. "Hmm!" Nagklaro muna ako ng lalamunan bago sumagot. "Meron sana. Pasyal naman tayo oh!" ["A-ah! A-ano kasi bab----"]Naramdaman ko ang pagtutol niya kaya inunahan ko na siya."Bawal tumanggi baby. Minsan lang ako mag aya eh,"kunwari nagtatampong saad ko. Bigla namang tumahimik sa kabilang linya. Pero maya-maya lang din ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya.["Sige na nga! Tingin ko kailangan din kasi nating sulitin ang natitirang panahon na hindi pa tayo busy."]Bigla namang umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya."So, shall I fetch you later?"["Yeah. Sure! What time ba?"]Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko."I will prepare for now, then maybe before 10 ay nandiyan na ako."["Okay. See you!"]Napangiti ako."Yeah! See you baby!" Then she hang up
After Five Years...."Bethany's POV""Congratulations for the graduates.""Congratulations.""Congratulations.""For our suma cumlaude, Congrats." "Thank you!" Bawat bumabati sa akin ay pinapasalamatan ko. "Grabe babe! Hindi pa rin ako makapaniwala na graduate na talaga tayong lahat sa college." Emhir."Oo nga eh," sagot ko habang nakangiti saka sinusuyod ng tingin ang buong gym ng La Llera University. Mamimiss ko ang paaralan na to.Nagdesisyon kaming pumunta sa isang restaurant para ipagdiwang ang pagtatapos naming lahat sa kolehiyo, pero hindi lang yun. Lahat kasi kami ay may mga award at ang ilan sa amin ay umabot pa sa top. Ako nga ay suma cumlaude pa."Congratulations." Tumingin kami sa dalawang bulto ng tao na paparating."Thank you," sabay-sabay naming sagot. Lumapit si Bharra sa amin saka nakipagbeso-beso.Oo. Pagkatapos ng lahat nang nangyari ay natanggap na rin namin siya at isa na nga siya sa mga kaibigan namin.Pagkatapos kasing umalis nina.... Hays! Sa halip na ma
Jellah's POV""Hay! Ano ba kasing nangyari?" Lera na parang problemadong-problemado talaga.Kasalukuyan kami ngayon nasa canteen habang pinapanood ang dalawa na kung umakto ay parang hindi magkakilala.Isang linggo na ang nakakalipas at isang linggo na rin na hindi nagpapansinan sina Sumi at Kristoffer. Palagi kaming magkasama. Oo at kompleto nga kami pero kung umasta naman ay parang mga hangin lang sa isa't-isa."Babe, tignan mo oh!" Nginuso ni Cris ang dalawa at napadako naman ang paningin ko sa kanila. Tahimik na kumakain si Sumi habang si Ford naman ay inaabala ang sarili. Kunwari ay nagtitingin-tingin sa cellphone pero sigurado akong nakikiramdam lang din yan. Siniko ako ni Bethany at parang may naisip naman siya na ideya. Sinenyasan niya si Cris at tumango lang naman ito."Grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo na." Bethany na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Cris.Kung hindi pa halata, pwes nagpaparinig kami.Oo! Parinig talaga!"Oo nga e! Nagdalawang isip pa nga ako nun
"Sumi's POV"Sa isang senyas lang ni Julian ay sabay-sabay na silang sumugod.Unang nakalapit sakin ang dalawa. Napansin ko agad ang mga hawak nila. Mga naglalakihan at nagkakapalang tubo. Ngumisi ang dalawa saka pinaikot-ikot pa ang mga tubong hawak nila. Halatang nagmamayabang lang.Pasimpleng lumipat sa likuran ko ang isa saka umamba ng hampas sa akin pero bago pa man ako matamaan nito ay napailag na ako saka mabilis na hinuli ang pulo-pulsohan niya saka binalibag ito."AHHHHHH!" hiyaw niya matapos ko siyang pabato na binitawan. Lumapit naman ang kasama niya saka umamba din ng hampas pero katulad nung nauna, hinuli ko lang din ang pulo-pulsohan niya saka siya pasimpleng tinadyakan sa sikmura. Dahil dun ay impit siyang napasigaw, idagdag mo pa ang pagsipa ko dahilan para mapahiga siya at mawalan ng malay.Sa isang kumpas lang ng kanilang leader ay magkakasabay na sumugod sakin ang lima sa kanila. Pinaikutan nila ako saka nginisihan na parang mga demonyo.Katulad nung dalawa, may mga
"Sumi's POV"Kasalukuyan ako ngayon nasa isang resto. Naghihintay kay Julian tulad ng aming napag usapan.*Flashback*Linggo ng gabi na ngayon at ito na ang huling gabi namin sa Tagaytay dahil bukas ng hapon na ang balik namin mula sa Sports Game Entry.Matapos ang rebelasyong ginawa ni Kristoff kagabi ay mas lalo na akong naging ilap sa kanya. Aaminin ko na namimiss ko din siya pero kapag naaalala ko ang confession na ginawa niya, napipigilan nun ang pakikipagbati ko sa kanya. Idagdag mo pa ang katotohanang bukod sa may kasalanan daw siyang ginawa ay hindi naman niya sinabi kung ano ito.Kahit sana hindi ko siya pinapansin, nagawa pa rin niyang magpaliwanag. Baka sakaling ayos na kami ngayon. Dahil sa punong-puno ako ng emosyon ay muli akong pumunta sa dalampasigan saka naglakad-lakad. Natigilan lang ako nang marinig ang pagvibrate ng cellphone ko. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita ang unknown caller. Hindi man nakalagay ang pangalan niya ay alam kong s