Wag kiligin lilura! Mawawala ka sa character mo!😆
LILURA ÁSVALDR ODESSA ILANG ARAW PA LUMIPAS LUMABAS na rin ako sa hospital sinabihan ako na hangga't maaari huwag na muna ako mag kikilos. Pero ito ako ngayon inaayos ko ang mga bulaklak sa hardin ng pamilya na ‘to. Iniiwasan ko din kasi si Sir Val, matapos kasi yung halik na ‘yun hindi ko siya halos kinikibo. Mas maigi na umiwas dahil baka hindi ko pa matapos ang misyon ko. “Alam mo hija? Napapansin ko na hindi kayo nag uusap ni Val, nag away ba kayo?” Tanong sa akin ni Donya Aurelia. Nilingon ko ito saglit at bago pa ako makapag salita inunahan na ako ni Sir Val. “Umiiwas siya sa akin dahil sa halik na ‘yun, normal naman dahil mag asawa kami..” sagot at paliwanag nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko at inalis ko ang patay na dahon sa halaman. “Oh? Yun lang? Santisima anak ano ka ba naman, normal lang ‘yun hindi ka ba sanay?” Tanong ni Donya Aurelia. Umiling ako at hindi nag salita. “Hindi ka ba nagkaroon ng boyfriend man lang?” Tanong nito ulit, muli akong umiling. “Kaya
LILURA ÁSVALDR ODESSA KINAUMAGAHAN AGAD kaming isinama muli para sa pangangampanya. Ito ang araw na ‘yun nag bahay-bahay kami upang ipakita sa mga tao ang pagiging determinado na manalo ni Arthuro. “Salamat po, sana po iboto po ninyo si Arthuro Maximilliano..” naka ngiti kong wika sa babae at nakipag kamay. Tumango ito kaya kumaway na lang ako at sumunod sa iba. Alam ko sa mga mata nila ayaw nila itong gawin, sa mga partido alam ko mananalo si Arthuro, pero sa mga tao na hindi kasapi sa partido hindi ito mananalo. “Saan ka ba nag susuot?” Tanong ni Sir Val sa akin at hinawakan ang kamay ko na hinayaan ko na lang. “Nakipag usap ako sa mga lola sa looban..” sagot ko dito. Tumango naman ito at sumunod na kami ng sabay sa iba. Nakarating kami sa liblib na lugar puro lupa ang paligid pero may pathwalk sila na sementado na pwede dumaan ang sasakyan at mga motor. Nakakita ako ng parang maliit na court na yari lang din sa yero ang bubong at ang poste ay mga sementado naman kahit p
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Iwan na lang natin ang sasakyan dito, Knight..” utos ko dito. Tinigil nito ang sasakyan at bumaba na kami. Sabay kaming pumasok sa loob ng Headquarters, pinatawag kami upang mag usap-usap dahil pabalik na ang amo namin. Bago ako tumuloy dito nag bihis muna ako at ganun din si Knight. Nakapasok na kami sa loob saktong pag suot ko ng Mask ko ang pag dating ng mga Lambrix. “Ano ang mission, ayaw namin kasama ‘yang Ásval na ‘yan..” wika ni Lilith ang isa sa mga Lambrix. “Tingin niyo ba gusto ko kayo kasama? Kung hindi dahil sa utos wala ako dito. Kung kaya niyo na lumaban ng wala ako, sabihan niyo si Kohen..” sagot ko dito at umupo ako sa upuan ko. “Napaka tapang mo bakit may misyon ka na ba nagawa ng ikaw lang mag isa?” Tanong ni Llewela.. “Kung oo ang sagot titigil na kayo mag salita?” Tanong ko pabalik dito. Napa lingon ako sa hagdan ng pababa na si Kohen kasama nito si Modred. “Tumigil na kayo, Furiae si Ásvaldr kahit apat na taon lang ang naging
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nakaupo kami sa isang venue dahil na rin ito sa mga speech nila at pag sasabi ng buong partido at party list ng kanilang plano at pag latag ng plataporma. Naka upo lang ako habang naka tingin sa kanila. “Naka pwesto na ako Ásvaldr..” bulong ni Mordred. Inutusan ko ito na gumawa ng palabas na may gustong pumatay talaga kay Arthuro, para sa gagawin ko hindi ako madaling masisi dito. Alam na rin ni Mordred ang gagawin, naka upo lang ako habang pinapanood ang talumpati matagal pa na matapos ang campaign period. Pag natapos na ito sunod nito ay botohan na, hindi naman ako kasama sa boboto dahil hindi ako bumoboto talaga. “Tinatawagan naman ang ating Senatorial Candidate na si Mr. Arthuro Maximilliano upang marinig ang kanyang sasabihin..” wika ng emcee. Narinig ko kanina na ang pinaka huling mag sasalita ay si Arthuro kaya ito na at magsasalita na siya. “Matanong ko lang, hon..” narinig kong wika ni Sir Val lumingon naman ako dito. “Ano yun?” Tanong ko
LILURA ÁSVALDR ODESSA Napa iling ako ng magising ako ng madaling araw dahil sa pag yakap ni sir Val sa bewang ko. Naka talikod ako dito kaya nagulat talaga ako, bumalik na lang ako sa pag kakahiga ko ng maayos at huminga ako ng malalim. Dahil ang bilis ng tibok ng puso ko nahihirapan din ako huminga dahil sa halo-halong emosyon. Mas lalo akong dinunggol ng kaba ng sinubsob nito ang kanyang mukha sa batok ko. Ganito ba talaga kapag may katabi sa kama na lalaki? Gusto ko na siyang itulak pero baka kasi magalit na naman. “You’re tense.. hindi ka na halos humihinga..” bulong nito. “Gising ka pala?! Bakit hindi ka man lang lumayo?” Tanong ko dito. Narinig kong tumawa ito at hinila nito ang damit ko paharap sa kanya. “Why? Gusto ko ang ginagawa ko, dito na lang ako komportable aalisin ko pa?” Naka ngiti nitong tanong. Inirapan ko ito. “Matulog kana nga..” inis kong sagot ko dito. Tatalikod na sana ako ng mag salita ito. “Gusto ko na ng baby..” wika nito na kina lingon ko ng ma
LILURA ÁSVALDR ODESSA MULI AKONG UMALIS NG MANSION ng hindi sinasabi kung saan ako pumunta. Hindi dahil gusto ko sila galitin, kundi hindi ko talaga gusto na mag paalam. Kahit pa kay Orville.. Sinuot ko ang mask ko at pumasok ako sa loob ng cr ng mga lalaki at nag tago sa loob hanggang pumasok ang isa sa mga anak na lalaki ng kandidato. Sinabi ni Kohen sa akin na ito ay nag bebenta ng ilegal na gamot na pwede ikamatay ng taong iinom mas lalo kung hindi sanay. Nilabas ko ang dagger ko, wala akong plano mag ingay kaya dagger ang dinala ko. Tinago ko ng maayos ang mukha ko hanggang marinig ko ang pag bukas ng pinto. Yari ang pinto ng cr sa kahoy na may mahabang maliliit at manipis na siwang, kahawig nito ang mga blinds. Nakita ko ang target ko na pumasok. Lumabas ako at nakita ko ang cctv na patungo na ang ikot nito sa kabilang side. Nag hihilamos ang lalaki at pag angat nito ng ulo nagulat ito ng makita ako sa likod nito. “Sino ka?!” Tanong nito sa akin. Nang ilabas ko ang
LILURA ÁSVALDR ODESSA ILANG ORAS AKO NAG AABANG sa loob ng isang restaurant na sinabi ni Sir Val na pumunta ako. Kasama ko parin si Knight, pero mag aalas nuwebe na wala paring Val na nag pakita. “Tingin mo sisipot siya?” Tanong ni Knight.. “Hindi..” sagot ko, “Umuwi na tayo.. gutom na ako..” sagot ko at patayo na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mula kay Sir Val ang message pero may photo na naka attach. Pag bukas ko, nakita ko itong nakayakap kay Summer at mukhang mga wala silang damit. “Una pa lang ‘to pero mukhang may ginagawa na siya behind your back, next plan?” Tanong ni Knight sa akin. “May karapatan ba ako magalit kung.. kontrata lang ito? Kung wala.. tuloy tayo na puntahan ang OoTA ngayon..” sagot ko. Natawa ito at umiling. “Importante talaga ang trabaho kesa dito..” wika nito habang naka sunod. Lumapit ako sa counter para barayan ang kinain ni Knight ngunit sinabi nito na libre ‘yun dahil binibigay talaga kapag may customer. Nagpapasalamat na lang ak
LEVANA HEIDIDEA ÓRTIZ - LAMBRIX “Susundin mo talaga ang baguhan na ‘yun, ate?” Tanong sa akin ng nakaka bata kong kapatid na siya Llewela. Naka tingin parin ako kung saan lumabas ang bagong assassin na tinutukoy ng kapatid ko. “Kahit baguhan siya, hindi ko maipagkakaila na magaling na siya. Kakausapin ko muna si Kohen..” sagot ko dito ito at tiningnan ko ang inabot na sniper sa akin ni Ásvaldr. “Kaya pala masyadong tiwala si Kohen sa kanya.. look..” napa lingon ako sa kapatid ko na si Lieve tinuro nito ang screen ng computer na gamit nito. Umiling ako sa pinapakitang attitude nito lagi, ganito naman si Lieve kahit akong gawin namin dito. Mana siya kay Daddy pareho silang mabilis maubusan ng pasensya. “Ibig sabihin talagang nahigitan niya ang kakayahan ni Ate?!” Tanong Llewela. “Kaya siya mayabang..” wika ni Lieve. Bumuntong hininga ako. “Hindi mayabang ‘yun Lieve. Alam niya ang ginagawa niya at alam niya paano siya kikilos. Ayoko ng kahit anong gulo sa pagitan natin at ng
THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO ONE WEEK NA ANG LUMIPAS ngunit kahit anong gawin ko. Hindi ko makita ang asawa ko, ito na rin ang libing ni Uncle at Summer. Pinag sabay sila, until now hindi namin alam sino ang pumatay kay Summer. At unti-unti na namin naiintindihan ang lahat ng nanyari, kumalas na para tilang apoy ang baho ni Uncle at ng ka partido nito lahat ng kanilang ginawa. Hindi ako ma-panghihinaan ng loob alam ko nasa paligid lang ang asawa ko, hahanapin ko siya kahit gaano pa katagal. Kahit gusto ko ikanta ang asawa ko sa mga nakita ko ng gabi ng event hindi ko ito nagawa. Gusto ko siyang protektahan kahit sa ganitong bagay lang, alam ko wala akong nagawa para tulungan siya ng kasama ko pa si Lilura kaya ito na lang ang magagawa ko. Tama si Flame sa mga sinabi niya sa hospital, kailangan ko mamili kung ang asawa ko ba o ang malalaman ko. Ayoko makulong ang asawa ko.. “Anak umuwi na tayo..” nagising ako sa pag iisip ng mag salita si mommy. “Mauna na po kayo..” sagot ko a
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ano sabi mo? Wala na ang ina ng asawa ko sa hospital?” Tanong ko kay Theo. “Opo sir, wala na po kanina pa pong madaling araw inilabas ang ina ni Ma’am Lilura..” sagot ng tao ko. “Anak ano ba nangyayari?” Tanong ni mommy. Hindi ko alam kung dapat ko na ba sabihin sa kanya ang natuklasan ko sa asawa ko. “Theo, huwag kang titigil gawin mo ang lahat ng paraan para mahanap ang asawa ko!” Utos ko dito sa kabilang linya. Kahit alam ko na imposible dahil protektado ito ng mga mafia. Kailangan ko subukan hanapin pa rin ito, isa pa hindi ito lalayo dahil malubha ang lagay ni Mama Nathalie kaya imposible na mailayo niya ito ng husto. “Anak?! Ano ba nangyayari?!” Tanong ni Mommy muli. “Ito lang po muna ang sasabihin ko gusto ko pa ma-kumpirma ang lahat bago ko sabihin sainyo ang alam ko.” Maka hulugan kong wika. Nag katinginan ang ama ko hahang si Via naman ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam. Alam ko na may alam siya, tauhan siya ni Flame,
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Habang buhat ko ang asawang babae ni Mr. Forbes bigla na lang may malakas na tunog mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ng pinaka kinatatakutan na ng mga kriminal. Bakit siya nandito? “Siya si Flame Lavistre!” Sigaw ng isa sa mga bisita. Tama siya si Flame nakatayo lang ito at naka tingin sa aming lahat. Naka pamulsa lang ito at tila diyos na nakatingin sa amin. “Ikaw ba ang lumason sa mga tao dito?!” Tanong ni Dad agad kong binaba si Tita at agad kong sinundan si Dad. “Huwag kayong lalapit ako na..” wika ko kay mommy at nag lakad na ako para sundan si Dad. Sa isang iglap ang kasiyahan namin ay nagbago dahil sa mga pagkalason ng mga constituents ni Uncle. “Inutos ko, yeah ako..” pag amin nito. Napa atras kami ni Dad ng biglang nag labasan ang mga tauhan nito at agad humarang sa daan. Mas nagulat ako dahil ang mga waiter kanina ay tauhan din nito. May dalawang tao ang tumabi kay Flame sa itaas. Napansin ko ang suot na sing-s