Hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo aber?
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Hold my hand, my wife..” utos sa akin ni Sir Val dahil paakyat kami sa isang sasakyan kung saan aandar ito para kumaway sa mga tao ang kandidato. Kung baga convoy ito, ginawa ko ang utos nito at hinila naman ako nito. Kung hindi ko lang kailangan maging babae sa paningin ng lahat tinalon ko na ito. “Dito ka sa harapan ko, baka kasi bilang mag break at mahulog ka pa..” bulong nito kaya naman sumunod na ako at hindi na ako umangal. Tama siya dahil delikado itong kalagayan natin. “Kaya mo ba hija ang init dito, dapat doon na kayo sa van Val..” wika ng uncle ni Sir Val. Ngumiti ako at nag salita. “Kaya ko po..” maikli kong sagot at humawak ako ng mahigpit sa bakal na railing. Naramdaman ko na may humawak sa left side ng waist ko na hinayaan ko na lang, hanggang umandar na ang sasakyan. Panay kaway si Arthuro sa mga tao habang malawak ang ngiti. Ako naman ay tipid lang na ngumiti. Kung pwede lang tapusin ang isang ito sa harap ng mga tao ay gagawin ko na.
LILURA ÁSVALDR ODESSA Matapos ko mag bihis lumabas na ako at bumaba, naabutan ko silang nag uusap. “Nakakainis ang mga taong ‘yun!” Galit na wika ni Arthuro. “Totoo ba na hindi mo man lang sila tinulungan? Kaya sila galit na galit saiyo..” tanong ni Donya Aurelia. “Bakit ko naman sila tutulungan? Mga hampaslupa sila, bagay lang sa —“ hindi ko ito pinatapos ng mag salita ako. “Mawalang galang lang po, ako ay galing din sa mahirap na pamilya. Kaming mga simpleng tao lang kapag kami ay hindi tinulungan ng gobyerno, hinding hindi na namin sila binoboto. Ang gawain kasi ninyo ay kaplastikan lang, lalapit kayo sa mga tao para hingin ang boto nila. Ngunit kapag naka upo na kayo kinakalimutan sila, tandaan niyo tulad din nila trabahador din kayo, bayad kayo para mag serbisyo sa mga tao.” Mahabang paliwanag ko dito. “Hindi kayo nalalayo sa mga ordinaryong tao, tulad din namin kayo. Nag kaka pera kayo dahil sinasahuran kayo. Kung gusto niyo manalo, lahat ng pangako ninyo ibigay niyo s
LILURA ÁSVALDR ODESSA “May charge ba ang asawa ko sa ginawa niya sa hostage taker? At sino ang mananagot dito matapos mapatay ang mga ‘yun ng hindi kilala?” Tanong ni Sir Val. Kinaumagahan ito ang araw na ‘yun nagtungo ang mga police dito sa mansion, matapos ang nangyari kahapon. Nagtungo ang mga pulis na ito upang kwestyunin ako sa mga nangyari at paano ko nagawa ang ganoong bagay. Hindi ko kaya maitago ang pagiging assassin ko, sadyang mabilis na ang reflexes ko ngayon. “Tinawagan kami ng hindi kilala na babae pero hinala ko na ang babaeng mafia boss ang naka usap ko. Sabi lang nito na sa kanya ang sisi hindi sa ibang tao, yun lang ang sinabi niya..” wika ni Officer Jeffrey. Mukhang kilala ko na ang tinutukoy nitong babae, ngunit paano siya nakaka tawag ng malaya kung alam namin na wala siya sa bansa at ganun ba kabilis nilang masabi ang nangyari? Bakit din ba ako nagtatanong kung sa ganda at high-tech ng mga gamit nila hindi na ako dapat pa na mag taka.. “Kung ganun wal
LILURA ÁSVALDR ODESSA Naka upo lang ako sa opisina ni Sir Val habang naka upo din si Knight sa harapan namin. Katabi ko kasi si Sir Val, “Kaya ko bantayan ang asawa ko mas lalo kapag nasa labas kayo?” Tanong ni Sir Val kay Knight. Tumingin muna sa akin si Knight. “Yes sir, easy lang naman po bantayan ‘yan pero pwede ko ba siya kaltukan kapag pasaway?” Tanong nito kay Sir Val na kina simangot ko. Tumawa naman si Sir Val at tumango. “Oo kapag talaga sinubukan kang takasan..” pag payag nito na kina gulat ko, lumingin pa ito sa akin. “Kailangan, dahil ilang beses kana bigla umaalis..” wika nito na kina ikot ng mata ko. “Kung ganun mag simula kana ngayon o kung gusto mo bukas na para mabigyan ka pa ng oras mag dala ng mga damit dito.” Wika ni Sir Val naka pirma na rin si Knight sa kontrata niya. Pumayag ito sa magiging sahod niya. “May dala na po ako para hindi na ako pabalik-balik, malayo din po kasi inyo.” Sagot ni Knight. “Kung ganun, ilagay mo muna yung gamit mo tapos sunod
LILURA ÁSVALDR ODESSA “May party ang mga Lambrix? Para saan?” Tanong ni Miss Viatrix sa kanyang kapatid. “Wedding anniversary ng mag asawa..” sagot ni Sir Val. “Kung ganun pupunta tayo..” wika nito Donya Aurelia, napa ngiwi naman ako dahil pinaka ayaw ko silang nakikita. Nakatingin lang si Knight sa akin kaya napa iling ako. Kahit naman ayoko wala akong magagawa kundi sumama na lang din. “Kailan ba ito anak?” Tanong ni Don Ernest kasy Sir Val. “Bukas na ito dad, matagal na itong naisend sakin pero kanina ko lang nabasa sa Opisina..” sagot naman ni Sir Val. “Kung ganun mag handa na tayo para naman kahit papaano nandoon ang huong Maximilliano Family. Sumama ka din Lilura anak..” bilin ni Don Ernest. “Opo..” magalang kong sagot. Nang isa isa na silang umalis at pumasok sa loob ng mansion. Nasa labas kami kasi lahat para mag pahangin. “Gulo ito..” wika nito Knight. “Hindi siya gagawa ng gulo kapag kasama niya ang pamilya niya, pero sigurado ako na pag babantaan na naman
LILURA ÁSVALDR ODESSA “May bago tayong misyon, after ng party kailangan natin umalis..” bulong ni Knight sakin habang nag hihintay ako sa loob ng sasakyan. Ito ang driver namin ngayon. Hindi halata dahil inutusan siya ni Sir Val na mag suot ng formal upang mag mukha siyang guest sa party. “Paano tayo sisibat?” Tanong nito. “Mauna ka umalis, susunod ako..” sagot ko dito ng hindi ito nililingon. “Ganun ang gawin natin kasi sa pag uwi ganun din..” huling wika ko dahil parating na si Sir Val at ang pamilya nito. Pinag buksan ni Knight ng pinto si Sir Val at pumasok na ito. “Let’s go we’re running late..” utos ni sir Val. Sinunod naman ito ni Knight at sumunod kami sa sasakyan ng kanyang magulang at kapatid. HINDI NAG TAGAL NAKARATING na kami buong kumpiyansa akong lumabas habang naka alalay si Sir Val sakin. Sabay-sabay kami nag lakad patungo sa loob ng event hall. Lahat ng tao at may mga media pa nandito, ganito naman ang mayaman gusto nila exposed sila sa mga tao. “Mabuti nam
LILURA ÁSVALDR ODESSA Patawag na ako kay Orville ng may tumakip sa ilong ko at pilit akong nag pumiglas ngunit sadyang malakas ang gamot na naamoy ko. Hanggang unti unti na akong dinalaw ng antok. ORVILLE “KNIGHT” SULLVIAN “Asan na si Lura, Orville?” Tanong ni Sir Val. Napa lingon ako dito. “Po? Kayo po ang kasama diba po?” Tanong ko dito pabalik. Nag salubong ang kilay nito. “Pumunta siya dito, dahil ayaw niya sa loob hindi ba siya pumunta dito?” Tanong nito sakin. “Luh sir, wala po hindi ko nga po nakita si Ma’am Lura dito! Huli ko po siyang nakita mag kasama na po kayo..” sagot ko dito na kina kuyom ng kamao ko. “Oh anong problema?” Tanong ni Mommy. “Tumakas na naman ang asawa ko..” wika ni Sir Val halatang galit na ito. “Kay Lura ito diba?” Tanong ni Ma’am Via sa amin. “Yes ako nagbibigay nito sa kanya, saan mo nakita Via?” Tanong ni Sir Val sa kapatid niya. “Doon sa daan, tingin ko nahulog ito..” sagot ni Ma’am Via. “Nahulog? Imposible na ihulog na lang
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Hindi ako ang pumatay sa mga lalaking ‘yan! Bakit ba ayaw niyo maniwala sakin? Si Lilura ang may gawa kitang kita ng mga mata ko!” Narinig kong pag sigaw ni Summer habang nasa loob ito ng interrogation room. “Hindi rin ako o ang mga inutusan ko ang gumawa sa kanya ng tungkol sa bakal! Hindi ko kaya ‘yun! Ano ba pakawalan ninyo ako!” Pag wawala nito. Nilingon ko ang kaibigan ng asawa ko. “Sa palagay ko? Kaya ba ng asawa ko ito gawin lahat?” Tanong ko dito. Tumingin ito sa akin, “Palaban si Lura sir sa totoo lang at marunong itong makipag balian ng buto, pero hindi ang pagpatay..” sagot nito. “Nag dududa po ba kayo sa asawa niyo?” Tanong naman nito sa akin. Umiling ako at nag salita, “Kahit isang beses hindi ako nag duda sa asawa ko..” sagot ko dito. Yun ang totoo hindi ako nag duda kahit isang beses may mga tanong sa isip ko pero hindi yun pagdududa. Napalingon ako ng pumasok ang magulang ni Summer. “Dahil sayo nagawa ng anak ko ito! Kung pina
THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO ONE WEEK NA ANG LUMIPAS ngunit kahit anong gawin ko. Hindi ko makita ang asawa ko, ito na rin ang libing ni Uncle at Summer. Pinag sabay sila, until now hindi namin alam sino ang pumatay kay Summer. At unti-unti na namin naiintindihan ang lahat ng nanyari, kumalas na para tilang apoy ang baho ni Uncle at ng ka partido nito lahat ng kanilang ginawa. Hindi ako ma-panghihinaan ng loob alam ko nasa paligid lang ang asawa ko, hahanapin ko siya kahit gaano pa katagal. Kahit gusto ko ikanta ang asawa ko sa mga nakita ko ng gabi ng event hindi ko ito nagawa. Gusto ko siyang protektahan kahit sa ganitong bagay lang, alam ko wala akong nagawa para tulungan siya ng kasama ko pa si Lilura kaya ito na lang ang magagawa ko. Tama si Flame sa mga sinabi niya sa hospital, kailangan ko mamili kung ang asawa ko ba o ang malalaman ko. Ayoko makulong ang asawa ko.. “Anak umuwi na tayo..” nagising ako sa pag iisip ng mag salita si mommy. “Mauna na po kayo..” sagot ko a
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ano sabi mo? Wala na ang ina ng asawa ko sa hospital?” Tanong ko kay Theo. “Opo sir, wala na po kanina pa pong madaling araw inilabas ang ina ni Ma’am Lilura..” sagot ng tao ko. “Anak ano ba nangyayari?” Tanong ni mommy. Hindi ko alam kung dapat ko na ba sabihin sa kanya ang natuklasan ko sa asawa ko. “Theo, huwag kang titigil gawin mo ang lahat ng paraan para mahanap ang asawa ko!” Utos ko dito sa kabilang linya. Kahit alam ko na imposible dahil protektado ito ng mga mafia. Kailangan ko subukan hanapin pa rin ito, isa pa hindi ito lalayo dahil malubha ang lagay ni Mama Nathalie kaya imposible na mailayo niya ito ng husto. “Anak?! Ano ba nangyayari?!” Tanong ni Mommy muli. “Ito lang po muna ang sasabihin ko gusto ko pa ma-kumpirma ang lahat bago ko sabihin sainyo ang alam ko.” Maka hulugan kong wika. Nag katinginan ang ama ko hahang si Via naman ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam. Alam ko na may alam siya, tauhan siya ni Flame,
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Habang buhat ko ang asawang babae ni Mr. Forbes bigla na lang may malakas na tunog mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ng pinaka kinatatakutan na ng mga kriminal. Bakit siya nandito? “Siya si Flame Lavistre!” Sigaw ng isa sa mga bisita. Tama siya si Flame nakatayo lang ito at naka tingin sa aming lahat. Naka pamulsa lang ito at tila diyos na nakatingin sa amin. “Ikaw ba ang lumason sa mga tao dito?!” Tanong ni Dad agad kong binaba si Tita at agad kong sinundan si Dad. “Huwag kayong lalapit ako na..” wika ko kay mommy at nag lakad na ako para sundan si Dad. Sa isang iglap ang kasiyahan namin ay nagbago dahil sa mga pagkalason ng mga constituents ni Uncle. “Inutos ko, yeah ako..” pag amin nito. Napa atras kami ni Dad ng biglang nag labasan ang mga tauhan nito at agad humarang sa daan. Mas nagulat ako dahil ang mga waiter kanina ay tauhan din nito. May dalawang tao ang tumabi kay Flame sa itaas. Napansin ko ang suot na sing-s