Nicolo was busy arranging things for his pictorial later. He is often busy because his schedule is always full.He needed rest. May negosyo din siyang itatayo."Humanap ka na kasi ng bagong P.A mo,"Suhestyon ni Kalil sa kanya.Umiling-iling siya nagtanda na siya sa mga sunod-sunod na ginawa sa kanya ng mga hinired niyang P.A.Wala ng ibang ginawa ng mga ito kung hindi ang pagnakawan siya. Mayroon pa 'yong nagamit niyang brief itinakas ng sira-ulong PA niya.At alam ni Kalil ang mga iyon. "Do you think that is still a good idea?""Yes, bro...you look stress nakakasama iyan sa pagkalalaki." natatawang biro nito."Paano naman nasama ang pagkalalaki ko diyan?""Look at me bro. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko." sabay tingin sa assistant nito.Napangisi siya. "Loko ka talaga,"Tinapik siya nito sa balikat. " Sige bro, alis na kami." paalam nito at tumango na lang siya.Babaero din talaga si Kalil at hindi nalalayo sa kanya. Pati PA nito pinatulan.Tumayo na din siya at kinuha ang kanyang
Abalang-abala si Aula sa pag-aayos ng mga gamit ni Nicolo sa maleta nito dahil katatapos lang ang pictorial nito sa mens magazine. Gusto tuloy niyang pagsisihan sa pagtanggap sa trabahong iyon dahil napakamaselan nito sa pagdating sa susuutin nito. Naiinis na siya sa kasesermon nito. Ayaw na ayaw nito ang kahit konting gusot lang at dapat makinis at makintab ang damit nito!Tinitiis na lang niya ang ugali nito kaya pa naman niyang magtimpi.Sa dalawang linggon na niyang pagtatrabaho kay Nicolo ay walang araw na hindi sila nag bayangan. Tuwang-tuwa naman ang loko kapag naasar siya nito. Ang usapan nila ni Nicolo ay kada buwan siyang piperma ng kontrata dito. Iyon kasi ang ibinigay nito sa kanya at titignan daw nito kung maganda ang performance niya. Pero mabuti na din iyon kasi hindi nga rin niya alam kung matatagalan pa niya ang ugali ng hambog na 'yon!Nang ipagpaalam siya nito ng mga mga magulang niya ay kaagad pumayag ang mga ito.See? Ni hindi man lang nag dalawang-isip ang mga m
Nanlaki ang mga mata ni Aula nang makita ang mga bentahan ng street foods sa kalyeng pinuntahan nila ni Kalil.Syempre nakapag-disguise na din ito para hindi nila ito makilala. Takam na takam siya sa kanyang nakikita."Ano sabi ko na sa'yo ei, marami dito.""Oo nga paano mo nalaman na may bentahan ng ganyan dito?" nagtatakang tanong niya. Alam naman niya na richkid ito."Lumaki ako sa kalye na'to.""Talaga!? Akala ko rich kid ka lang!"Tumawa ito sa sinabi niya. "Siyempre hindi pa naman ako nakakalimot, ano kuha ka na libre ko!" sabi nito na nagliwanag agad ang mga mata niya.Kumuha na siya ng isaw, paa ng manok, kwek-kwek at marami pang iba. Gusto niya kasing tikman lahat ng naka-display sa tinitinda ni manang.Maging si kalil kumuha na din pero siyempre mas marami ang kinuha niya at sigurado naman siya na kakainin niya lahat ng iyon."Ang dami niyan ah, sigurado ka ba na kaya mong ubusin 'yan?" puna nito sa dalawang styro na hawak niya. "Aba siyempre ako pa! Baka naman ayaw mo lang
Nang magising si Aula kinaumagahan ay kaagad siyang nagtungo sa banyo pakiramdam niya parang babaligtad ang sikmura niya. Ganoon na naman ang pakiramdam niya kagabi parang napasukan ng masamanng espiritu ang katawan niya.Ano ba ang nararamdaman niya? Hang-over ba!?Sa totoo lang first time niyang uminom ng alak kagabi. Mabuti na lang at na control niya ang kanyang sarili na huwag uminom ng marami. Syempre ayaw niyang maging balasubas kapag nagkataong nalasing siya. Hindi niya kailanman masikmura ang saril na ipahiya kahit probinsyana siya.Hindi gaya ni kumag na Kalil na 'yon na sumobra ang kalasingan!Well, naiintindihan naman niya dahil may problema pala ito.Naligo na siya sa banyo. Kaninang dumaan siya sa sala ay nandoon pa rin si Kumag mukhang sarap na sarap pa sa tulog. Anong oras na alas nuwebe na. Sabagay ganoon din naman si Nicolo kapag day-off nito kinabukasan total naman ay linggo.Kapag ganoong linggo ay nagtutungo si Nicolo sa golf. Oo naggo-golf ito na hindi siya sinasa
Kanina pang hikab nang hikab si Aula sa kanyang kinauupuhan sa loob ng isang container van na saktong laki lang habang tinatanaw si Nicolo ilang metro malayo sa kanya.May locked-in taping na naman kasi ito kung kaya't pati siya ay nandoon. Malamang magiging alalay na naman siya nito. Kanina lang tuwang-tuwa siya sa kapapanood sa mga ito dahil makailang ulit nag-take sina Nicolo at Rachel Buenavista, ang katambal ni Nicolo sa pelikula na pinamagatang "The sorrow of life"Paano naman kasi mukhang hindi saulado ng bidang babae ang linya nito. At mukhang maarte din ang babae. At ngayon nga wala nang take two kasi naging smooth na ang kinalabasan ng pag-arte nila.Ayaw na ayaw niya ang masyadong madramang pelikula o drama. Nakaka-bored kaya iyon.May tatlong oras pa bago matapaos ang mga ito.Nasa Batangas na naman kasi sila sa kung saan doon ang venue ng taping. Nandoon kasi ang mansyon na pinangganapan. Doon na din sila mag-stay ni Nicolo at hindi niya alam kung hanggang kailan.Nakak
"Nicolo, what happened to your arms? Bakit ang daming pantal!" tanong sa kanya ni direk Louie o tinatawag nilang Lou-Lou dahil bakla ito at edad trenta pa lang, nang makita ang kanyang mga braso na tadtad ng kagat ng lamok.Nakaupo kasi siya sa gilid ng mansyon ng umagang iyon."Nakagat ka ba ng surot o ano!? Irereklamo ko talaga ang hotel na 'yan for those beds are not safe! I will definitely sue that hotel!"He groaned. "No, it's not the hotel's fault.""What do you mean!?" hysteria nitong wika.Tumingin siya kay Aula na ngayon ay nakikipag-usap ito sa isang staff ng BGS o ang Broadcasting Global System na kilalang station nila.Tumawa-tawa pa ito na akala mo walang mga taong kasama sa paligid nito."Sabihin mo sa akin Nicolo, hindi ka ba komportable sa hinigaan mo kagabi? Mapapagalitan ako kay sir Thomas niyan!"Nagningkit ang mga mata niya. He hated the fact that he was under Thomas Wallas the CEO or president of a company.Kaya walang manager na may hawak sa kanya dahil rekta agad
Kinaumagahan nang makabalik na sila sa set sa mansyon ay nakita ni Aula si Rachelle na nakasakay ng kabayo habang may humahawak sa tali ng kabayo."Anong meron?" nagtatakang tanong ni Aula kay Denice, ang P.A ni Rachelle.Napabuntong-hininga ito at mukhang problemado. "Ang alaga ko nag-eensayo'ng mangabayo. Baka kung ano pang hindi magandang mangyari sa kanya." sabi nito."Paanong nagkaroon ng kabayo dito sa bakuran ng mansyon?" tanong niya dito.""Inarkila lang nila 'yang kabayo diyaj lang sa malapit.""Hayaan mo siya ginusto niya 'yan. Atsaka ba't ka ba nag-aalala sa babaeng 'yan sarili nga niya hindi nag-aalala.""Paano kung malaglag siya—ay jusko!" napasigaw na wika nito nang kamuntik nang malaglag si Rachelle mula sa kabayo."Oh, see? Hindi naman siya nalaglag.""Rachelle tama na 'yan! Baka malaglag—ay!" sigaw ni Denice kay Rachelle nang kamuntikan na naman itong malaglag.Napatawa siya. "Mukhang nagdidilang anghel 'yang dila mo. Ikaw naman ang KJ mo hayaan mo lang kasi siya. Maik
Muling dinala ni Nicolo sa kanyang bibig ang hawak nitong wine glasss at marahang nilagok ang lahat ng laman 'nun.Alas otso na ng gabi at kasalukuyan siyang nasa terrace ng hotel sa kanyang suite mismo habang tanaw na tanaw niya ang baybaying dagat ng Batangas at mag-isang umiinom ng wine.He admitted to himself that the view was breathtakingly beautiful.Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may magkasunod-sunod na kumatok sa kanyang pintuan. Tinungo niya iyon at tinignan sa peephole kung sino iyon.It was Rachelle.Binuksan niya iyon."Hi, Nicolo!" nakangiting bati nito sa kanya. She only wears a silk robe with her slippers on."Yes?" sabi niya na hindi pa niluluwagan ng maigi ang pintuan niya."May I come in?" sabi nito at akmang magsasalita na sana siya nang inunahan na siya nitong pumasok."Wow, you're drinking wine?" sabi nito nang makita ang nakalapag na wine sa lamesa."Care for a toss?" alok niya kay Rachelle."Oh, I loved that!" mapang-akit na boses na sabi nito at kaagad
Hila-hila ni Aula ang maleta ni Nicolo palabas mula sa studio building na kinaroroonan nito.Nauna na siyang lumabas at tapos na ang trabaho niya at makakapag pahinga na din siya sa wakas!Alas tres kasing natapos ang ginawang pictorial nito. Napakarami nitong inindorsong product. Talaga namang bentang-benta ang mukha nito.Mayroong gumawa pa ito kanina ng commercial. Kung kayat lahat ng damit niyang pinagpawisan nito ay nasa maleta.Kahit mauna na raw siyang uuwi at may pupuntahan pa daw ang damuhong si Nicolo.Halos balot na balot nang mahabang sombrero ang ulo niya. Para walang paparrazzi ang makakita sa kanya.Grabe talaga ang nangyaring iskandalo sa buhay niya.Tatlong araw na ang nakalilipas pero dinudumog pa rin siya ng mga reporter.Ganun pala ang pakiramdam ng pinagpipyestahan. Ang buong akala niya masaya hindi pala.Hindi na yata siya bibigyan ng katahimikan ng mga mosang na 'yon."Nasaan na ba 'yong sasakyan ni manong Lito?" aniya sa kanyang sarili.Ang isa sa mga problema
Galit na naibato ni Cherub ang kanyang cellphone dahil sa gigil at inis. Tinawagan kasi niya si Nicolo at babae ang sumagot!Nakausap pa niya ito kaninang umaga na nandoon umano ito sa hospital at dinalaw ang mama nito. Tapos nang tawagan niya ngayong gabi biglang ganun ang maaktuhan niya!?"What's that noise?" kapagkuwan tanong ni Tyron na kadarating lang mula sa kusina at kasalukuyan naman siyang nasa living room."I think he's cheating on me!""Who?""Who do you think is my boyfriend!?" singhal niya dito."Relax, I don't think Nicolo will do that."Galit niya itong tinignan. "Really? Tinawagan ko siya at babae ang sumagot ano sa tingin mo...ang...ang ginawa sakin ni Nicolo kung bakit...kung bakit babae ang sumagot sa tawag ko!?" garalgal ang tinig na sabi niya na pinipigilan huwag maiyak.Nilapitan siya ni Tyron at umupo sa kanyang tabi."Do you want me to call him?""Alas otso na nila ng gabi 'dun! Tinawagan ko siya, Tyron! Babae...babae ang sumagot at malamang...!" sabi niyang ma
Maka-ilang araw pa ang lumipas ay may dumating na bisita sina Cherub at Nicolo sa mismong bahay ng fiance."Babe, he will accompany you here while I'm away," sabi ni Nicolo."Hi, Cheruby!" Tyron greeted her and waved his right hand to her.She waved him back. Matatawa sana siya sa tawag nito sa kanya pero huwag na baka lumaki pa ulo nito na natawa siya sa sinabi nito.Ipinagkatiwala siya ni Nicolo kay Tyron, ang pinsan ni Nicolo na nakilala na din niya sa Pilipinas 'nung sila'y nagbakasyon ng fiancee noong nagdaang taon.Uuwi kasing Pilipinas si Nicolo dahil na admit sa ospital ang ina nito. Nagkaroon lang daw ng konting emergency at kailangan siya ng ina nito. She wanted to join him pero marami pa siyang sasalihang fashion week sa mga susunod."Don't worry you can trust him," assured Nicolo."Yeah, and I won't bite, rawr!" sabi ni Tyron na ikinatawa niya.Magkaibang-magkaiba ang dalawa. Si Tyron ay napaka-joyful nitong tao. Samantalang ang kanyang fiance ay palaging seryoso at napaka
Hindi makapaniwala si Cherub na ang matalik niyang kaibigan ay isa sa itinuturong mastermind sa kamuntikan na niyang ikina-pahamak.Nakakulong na din ang lalaking muntik nang gumahasa sa kanya."G-Gigi, why did you do that?" halos bulong na sabi na lang niya sa kaibigan.Pinuntahan niya ito sa prisento dahil ipinahuli ito ni Nicolo. She was caught off guard at umamin umano ito sa nagawa.Talagang hindi siya makapaniwala nang puntahan niya ito at bumulaga sa kanya si Gigi na nakaupo sa lamesa at nakaposas ang mga kamay."You made me do it!" galit na wika nito. Naging mabagsik ang mga mata nito na dati rati hindi pa niya nakita ang ganoong mga mata nito."W-what I have done wrong ?" bumikig ang lalamunan na tanong niya."Because I hate you!"Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bunganga nito."But I love you,""Stop pretending bitch! You're an angel in disguise. Show me your demon side!"Umiling-iling siya."Gigi alam mo ang tunay na ako at kailanman hindi kita pinakitaan ng masa
Pagmulat ng mga mata ni Cherub ay isang hindi pamilyar na silid ang nabungaran niya. Nasaan ako at anong nangyari sakin? Bumangon siya at pilit inaalala ang nangyari. Sinapo niya ang kanyang ulo dahil masakit iyon.Unti-unting naging malinaw sa kanya ang lahat. Nasa house party siya kagabi at may...tumangay sa kanyang lalaki!Muling bumangon ang takot sa kanyang dibdib!Did she raped? Pinakiramdaman niya ang sarili maliban sa sakit ng ulo niya wala naman na siyang maramdaman na kakaiba.Napasinghap siya ng makita ang katawan sa ilalim ng puting kumot na tanging underwear lang ang suot niya!Nasaan ang mga damit niya?Unti-unting naglaglagan ang mga luha sa kanyang pisngi.Hindi niya alam ang pakiramdam ng nagalaw na pero sa nakikita niya sa anyo niya ngayon para na ring nalapastanganan ang katawan niya!Sinulyapan niya ang orasan sa kalapit na mesa alas onse na ng umaga. Kinuha niya ang kumot na pangtabing sa kanyang sarili.Marahil ang salarin ay nasa loob lang ng bahay.Pero nang
"Good evening, mom!" bati ni Cherub sa ina nang makita ito siya sa dining table at hinalikan ito sa pisngi.Umupo siya kaharap nito.It was seven in the evening when she came home after launching her new business in New york. She was also a model and ambassador of a well known fashion brand. "Did you hear the news?" "Hear what?""That news!" galit na wika ng ina sa kanya habang kumakain ito ng steak.Yeah, how could she not know that?"So what do you want me to do?""Of course, go back to the Philippines and win his heart again!"She was sitting on her bed when she came inside her room."Mom...""What!?""You know, I can't.""And why not!?""You know the reason why I can't go there.""Tignan mo ang balitang iyan. Hindi ka pa rin ba kikilos?" "How could I do that? Alam niyong galit na galit sa akin 'yong tao.""Pwes, gumawa ka ng paraan. Umuwi ka sa susunod na linggo at ipapakuha kaagad kita ng ticket pauwi ng Pilipinas.""Mom!"Pinanlakihan siya nito ng mga mata."That Bernales is
"Take your hands off her." mahinahong sabi ni Nicolo kay Troy.Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya bigla!Nagsukatan na muna ng titig ang dalawa bago siya binitawan ni Troy.Binalingan naman siya ni Troy."Huwag kang mag-alala pananagutan kita sa susunod na magkita tayo." bulong na sabi nito sa kanya atsaka umalis.Nahati ang mga reporter dahil sa pagsunod ng mga ito kay Troy.Nagbibiro lang naman siguro siya? Gaya nang pagbibiro niya kanina na panagutan siya nito. Paano naman kasi parang nawalan siya ng dangal sa ginawa nitong pangbitbit sa kanya sa dilim."She's my P.A and she has nothing to do with him." paliwanag ni Nicolo sa mga tao sa kanilang paligid.Marami ang napanganga sa sinabing iyon ni Nicolo.Pero ang media men hindi pa rin sila tinigilan."Nicolo, totoo ba na magpinsang buo kayo nitong si Troy?" tanong ng isa habang pilit silang sumusuksok ni Nicolo papasok muli sa event at ang mga media ay hindi pa rin pala talaga sila nilubayan."Just leave us alone!" galit na
Galit na galit si Aula habang papalayo kay Nicolo.Hindi lang iyon nagngangalit na din ang sikmura niya kasi hindi pa siya kumakain. At nang namataan niya ang mga pagkain na nakaharap sa gilid ay mabilis nag mga hakbang niya na tinungo iyon.Iyon talaga ang punterya niya sa isang party dahil alam niyang may pa-foods! Pero siyempre hindi siya VIP kaya doon lang siya sa pagkain ng mga middle class lang. Pero si Nicolo malamang doon sa pang VIP iyon kakain.Kumuha siya ng pinggan pero platito lang ang mga naroon at peste mukhang walang pinggan.Ganun ba ang mga middle class? Pati plato parang kalahati lang? Mukhang konti lang makakain niya pero di bale na babalik-balik na lang siya hangga't mabusog siya.Grabe takam na takam talaga siya sa kanyang nakikita!Kompleto ang lahat ng iyon, may salad, pork steak, letchon, manok na prito at iba't-ibang klaseng dessert. Basta napakarami iyon para na ngang piyesta iyon sa kanya!Si Nicolo kaya hindi pa ba nakakaramdam ng gutom iyon?Iwinaksi
Two months later...Marahang tinignan ni Troy ang relong pambisig nang huminto ang sinakyang nilang van sa kung saan ang kaganapan. At alas otso na nang gabi. Nalate pa nga siya ng ilang minuto.It was a big event for him because big actors would come together for the premier night.He doesn't want to attend such events because it really bores him.Pero wala siyang choice kung hindi ang umattend.He decided to go outside the van and as he stepped his foot on the floor, the flash of the camera hit his face.Ganun na ganun na naman ang pakiramdam na nababalandra ang mukha niya sa publiko.Maraming mga camera man ang kumuha ng litrato sa kanya."Troy!" sabi ni Via Barbara at kinuwayan siya nang makita siya nito at nilapitan siya."You look stunning tonight!" bati niya sa kapwa niya artista.Via is the queen of dramas on their network.Well bagay naman iyon sa character nito and he thinks that she's perfect.She was prim and proper na alam niyang maraming artista ang nanliligaw sa dalag