"Babe..." muling sabi niya pero hindi siya nito pinapansin."Sorry na... kahit wala akong kasalanan..." Akmang yayakapin niya ito pero iwinaksi nito ang kamay niya."Hmp! May kasalanan ka! Sabi mo ako ang mahal mo simula nang mga bata pa tayo, pero bakit ang dami mong naging girlfriend?""Hindi ko kasalanan kung habulin ako!" natatawang wika niya. Tiningnan siya ni Yassy nang masama."Ang kapal moooo!" sabi nito saka siya kinurot sa tagiliran."Hahaha..." Ang lakas ng tawa niya dahil imbes na masaktan siya ay nakikiliti siya sa pagkurot nito hanggang sa nagpagulong-gulong sila doon sa kama... hanggang sa ibabaw na niya ito.Nagtama ang kanilang mga mata, hinuli niya ang kamay nito at dinala sa labi niya... hinalikan iyon. Parang natunaw din naman si Yassy at tumigil.Agad naman itong kumalas sa pagkakadagan sa kanya. Lihim siyang napangiti, kahit ilang beses na niya itong naangkin ay nahihiya pa rin ito sa kanya paminsan-minsan."A-ang mabuti pa, maligo na lang tayo sa beach para mawa
Napahinto si Yassy sa sinabi niya. Tiningnan siya nito habang namumula ang mukha sa pagkahiya."Ang kapal ng mukha mo... manyak!" sigaw nito sa kanya saka pinadilatan ng mata."Hahaha... Eh ano naman? Sa'yo lang ako namamanyak!" dagdag pa niya. Natawa lang siya at lalong ginanahan sa pang-aasar sa nobya. Ang cute talaga nitong mapikon. Kahit noong mga bata pa sila ay pikon na ito kapag inaasar. Kaya laging asar-talo ito sa kapatid na si Caleb... Saka naman ito tatakbo sa kanya para humingi ng resbak. Siya lagi ang kakampi ni Yassy sa mga nang-aaway dito.Muli niya itong hinapit sa bewang at nilapit sa kanya. Nagkabungguan ang kanilang mga katawan."I love you, babe..." muling bulong niya sa tenga nito.Nanlambot si Yassy sa narinig, pero syempre, hindi ito magpapatalo. Tumakbo ito sa beach saka niya hinabol."Andiyan na ko! Hahaha!" sigaw niya dito. Nang maabutan niya ito, muli niya itong hinawakan sa kamay. Magkahawak-kamay sila habang papunta sa beachfront. Wala silang pakialam sa m
*************YASSY'S POV:Dumiretso siya sa kwarto niya at nagsara. Naiinis siya kay Hunter!.. pakiramdam niya ay pinagbibintangan siya nitong nakikipaglandian, samantalang ito naman ang malandi!Akala ba niya hindi ko nakikita na halos idikit na ng babaeng kausap niya kanina ang dibdib nito kay Hunter? At ang magaling niyang nobyo ay hindi man lang umiwas at parang tuwang-tuwa pa!Hinihintay niyang sundan siya ni Hunter, pero hindi nito ginawa!Bwisit! Dati, grabe ito kung magsuyo sa kanya, pero ngayong nakuha na siya ay parang wala na siyang silbi!... Ang aga naman nitong magsawa sa kanya!Marahil ay kasalanan niya rin naman... bumigay agad siya. Hindi man lang siya nagpigil, ibinigay agad niya ang sarili sa lalaki. Kaya eto ngayon, wala na siyang halaga sa kanya, at may kapalit na siya agad!Narinig niyang ang babaeng iyon ang may-ari ng resort kung nasaan sila. Mukhang kaedad ni Hunter ang babaeng iyon at halatang close ang dalawa, samantalang siya ito... isip-bata at wala pang n
Tulala lang siya habang nasa airport at naghihintay ng flight niya. It’s already 1 AM, nagpahatid siya doon sa airport pagka-checkout niya. 4 AM pa ang next na flight going to Manila, kaya maghihintay pa siya ng kaunti.Hindi niya alam kung alam na din ni Hunter na wala na siya doon sa hotel. Baka busy pa ito makipaglandian sa bago niyang babae sa resort.Inalala niya ang babae. Bagay sila ni Hunter.... maganda din ito at mukhang may disposisyon na sa buhay. Mukhang may patutunguhan na ang future nito.Pero siya... Ito, struggling to be a doctor. Ni hindi pa sigurado kung makakatapos dahil sa dami ng balakid sa pagtatapos niya.Oo nga’t pinayagan na siya ng papa niyang bumalik ng London, pero alam niyang marami pa itong kondisyon na hindi pa nasabi sa kanya.Ang pangarap niya ding magtrabaho sa ospital nina Hunter sa lungsod nila ay mukhang malabo na rin dahil galit sa kanya ang mga magulang nito.Gulong-gulo siya sa buhay. Imbes na pumunta siya ng Palawan para makapag-isip at mag-unw
Pagdating niya ng bahay ay mukhang may kasiyahang nagaganap doon. May barbecue party sa kanilang hardin. Ang Kuya Caleb niya ang nag-iihaw at may kasama itong magandang babe na hula niya ay bagong girlfriend nito.Napasimangot siya. Wala talagang babaeng nagtatagal sa kuya niya. Parang damit lang ito kung magpalit ng girlfriend. Lalo siyang napasimangot nang maalala na ganoon din si Hunter. Oo nga naman, mag-bestfriend ang dalawa… friends of the same feather flock together! Malas lang niya at napasama siya sa mga babae ni Hunter. Pero ipinapangako niya… hindi na siya paloloko pa!Habang papalapit siya ay lalo siyang nagulat nang andoon din ang mga magulang ni Hunter. ‘Di ba magkaaway ang mga magulang nila? Bakit sila andito?Dali-dali siyang nag-park at lumabas ng kotse. Hindi na siya nag-abalang kunin ang mga maleta niya. Ipapakuha na lang niya sa kasambahay mamaya."Iha, andito ka na pala. Tamang-tama ang dating mo, nakahanda na ang pagkain." nakangting bati ni Tita Helen sa kanya.
"Mom, Tita, pasok muna ako sa kwarto ko. Magpapahinga lang ako ng konti, napagod kasi ako sa biyahe.""You go ahead, Iha. We know you're tired."Humalik siya sa pisngi ni Tita Helen at mama niya, pero bago pa man siya nakalayo ay biglang tumunog ang telepono ni Tita Helen."Hello, Iho?"Napasinghap siya dahil alam niyang si Hunter din iyon. Isa-isahin ba nitong tawagan ang mga taong naroon?"Hmmp, bahala ka diyan. Basta ako, bukas lalayas na at hindi na magpapakita sa'yo. Hayop ka! I hate you, Hunter! Sinayang mo lang ang pag-ibig ko!..." Naluluha siya habang minumura si Hunter sa isip niya.Pero kahit paulit-ulit niya itong murahin, hindi maipagkakailang mahal pa rin niya ang binata. Hindi naman mawawala iyon agad-agad, lalo na’t si Hunter lang ang minahal niya buong buhay niya.Dali-dali na siyang naglakad papunta sa kwarto. Ayaw niyang marinig ang pinag-uusapan ng mag-ina, lalo lang niyang mami-miss ang binata sa pag-alis niya.Baka naman pinapakilala na ni Hunter ang bagong girlfr
"Break na tayo, kaya wala kang pakialam kung ano man ang gawin ko!""NO! Hindi ka makikipag-break sa akin! Ano? Sasagutin mo ako, tapos makikipag-break ka din agad? Pinaglalaruan mo na naman ba ako, Yassy?"Tiningnan nya ito ng masama... Ano ba ang pinagsasabi nito? Ano ang gusto nitong mangyari? Na dalawa sila ni Dorothy na girlfriend nito? Hindi siya papayag!""Wala ka nang magagawa dahil babalik na ako sa London!""Hindi ka aalis! Hindi mo ako iiwan!" sigaw nito habang hinuhubad ang sinturon. Napatingin siya dito."W-what are you doing?""You can't escape from me that easily, Yassy. Ilang beses mo na ba itong ginawa sa akin? Akala mo ba malulusutan mo pa ako ngayon?" Dali-dali nitong hinubad ang pantalon at dinaganan siya."Get off me, you jerk!""Jerk?! Ipapakita ko sa'yo kung paano ako magiging jerk, you bitch!" sigaw nito sa kanya. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi niya napansin na nahubad na nito ang pang-ibaba niyang suot."No, Hunter! Please, no!" sigaw niya, pilit niyang p
"Eto na ang mga anak natin!" masayang sigaw ng papa niya nang makita silang papalapit na magkahawak-kamay. Nasa hardin pa rin ang mga ito, nag-iihaw-ihaw.Kitang-kita sa mga magulang nila ang saya... parang siya lang ang hindi masaya doon. Naguguluhan siya sa inaakto ni Hunter. Ngayon kasi ay puno na naman ito ng pag-iingat sa kanya."Come here, mga anak. Finally ay magiging magbalae na talaga tayo, Helen." Komento ng mama niya habang papaupo sila sa bakanteng upuan na naroon. Magkahawak-kamay pa rin sila ni Hunter. Hindi siya binibitawan nito."Anak, bakit hindi mo naman sinabi sa amin na magkasama pala kayo ni Hunter sa Palawan?""H-Hindi kami magkasama, Ma..." pagtatama niya."Ang ibig po sabihin ni Yassy, hindi namin alam na parehas kaming lugar na pinuntahan doon. Nagkagulatan na lang po kami nang nagkita kami doon, and right there and then, Yassy told me that she really loves me even before we were kids." paliwanag nni Hunter.Napatingin siya sa mukha nito. Ang kapal talaga! Siy
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
Kinabukasan ay hinintay niya lang na umalis si Hunter saka din siya umalis. Pupuntahan niya ang tatay niya. Kailangan niya itong makausap bago pa siya maunahan ni Mike. "Saan ka pupunta, Ma'am Olivia?" tanong ng kasambahay nang makita siyang palabas ng bahay, dala niya ang kanyang handbag. "Ahm, pupunta lang ako sa doctor, Manang. Schedule kasi ng check-up ko ngayon.""Di ba dumating na si doc kagabi? Saka mahigpit na ipinagbilin ni Senyorito Hunter na hindi kayo palalabasin ng bahay. Delikado po, lalo na buntis ka.""Sandali lang ako, Manang. At sana ‘wag na lang din makarating kay Hunter na lumabas ako. Alam mo naman po ‘yun, natatakot na anong may mangyari sa akin, lalo na’t dinadala ko ang anak niya."Bahagyang umasim ang mukha ng kasambahay. Alam niyang walang itong gusto sa kanya para sa amo nilang si Hunter. Pero wala na silang magagawa, balang araw ay siya na ang magiging reyna sa bahay na ‘yun at walang makakapagpigil sa kanya.Umalis na siya. Hindi na rin siya pinigilan ni
Tahimik lang si Hunter saka tinanggap ang reseta.“Mauuna na po ako, Sir. Sakaling may nararamdaman po ulit si Ma’am Olivia, tawagan n’yo na lang po ako,” paalam ng doctor saka umalis na. Dalawa na lang sila ni Hunter ang naiwan sa kwarto.“Hunter, ’wag mo akong iwan. Natatakot ako sa pagbalik ni Mike...”Nanatiling tahimik lang si Hunter habang nakatingin sa kanya.“Gusto man kitang tulungan, pero may kasalanan ka pa rin sa akin, Olivia. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ko maatim na makita ka araw-araw dito sa bahay ko. Pagkatapos mo diyan, ipapahatid na kita sa bahay mo.”“Hunter, please, ’wag! Mag-isa lang ako doon at walang kasama. Baka puntahan ako ni Mike doon!”Muling tumahimik si Hunter at tila nag-iisip.“Sige, tutulungan kita. Pero ipaliwanag mo kay Yassy ang lahat. Ipaliwanag mo kung paano mo kami sinira... ikaw ang magpaliwanag para maintindihan niya na hindi ako nagkasala sa kanya. At ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tutulungan mo akong bumalik si Yassy sa akin.”“Fuc
Napayuko siya. Hindi niya akalain na aabot sila ni Hunter sa ganito. Hindi niya akalain na malalaman nito ang lahat."Hunter, let me explain huhuhu..." Napaupo siya sa kama. Ang sakit ng dibdib at tiyan niya. Pakiramdam niya ay manganganak na siya sa mga oras na ‘yon dahil sa stress."Explain what, Olivia? Sa pulis ka magpaliwanag sa pagpatay mo kay Tricia. Hindi ako makakapayag na hindi mo pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!""NO! Hunter, please! Huhuhu...." sigaw niya habang hawak ang kanyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na ipapakulong siya nito sa kabila ng kanyang kalagayan."Yes! Guilty ako sa sex video natin! Inutusan ko si Tricia para kunan tayo ng video at isend iyon kay Yassy para hiwalayan ka niya. Pero hindi ako guilty sa pagpatay kay Tricia!.... Wala akong kasalanan!""Paano mo ma-e-explain ang lahat ng iyon... ang pagka-aksidente niya na kasama si Mike? Magsabi ka ng totoo, Olivia, dahil hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat."Tumahimik siya... paano niya
Hindi naman nagtagal ay dumating si Hunter. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya."Hunter... I'm glad you're here! Natatakot ako..." agad cyang lumapit at nyakap ito pero kinalas nito ang kamay nyang nakapulopot sa leeg nito"Natatakot saan, Olivia? Sa sarili mong multo?"Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi na nya iyon inintindi."Bakit andito ka sa baba?""Natatakot kasi ako doon sa kwarto... Wala akong kasama.""Walang multo sa bahay ko. Unless may sinama kang multo dito?" Matalinghagang sabi na naman ulit nito.Sa uri ng pagtingin ni Clark sa kanya, ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin pero halatang nagpipigil lang."Umakyat ka na sa kwarto mo, Olivia." wika ni Hunter saka nagpatiuna na sa paglakad. Dali-dali siyang sumunod sa likod nito.Pumasok ito sa inookupa niyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi naman ito pumupunta doon, pero ngayon ay nauna pa itong pumasok.Lihim siyang napangiti... Baka na-realize ni Hunter na kailangan niya ng
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu