Share

CHAPTER 150

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-03-26 19:24:15

**********

HUNTER'S POV:

Laglag ang balikat niyang kumakatok sa condo ni Yassy. Galing siya sa condo ni Olivia at palaisipan pa rin sa kanya kung bakit siya napunta roon. Oo nga, lasing siya kagabi, pero ganoon ba talaga siya kalasing na hindi niya maalala ang lahat?

Ang mas malala pa ay may nangyari sa kanila! Paano na ngayon yan? Siya nga itong galit kahapon kay Yassy dahil sa pagtataksil nito sa kanya, pero siya pala ang mas malala?

Ngayon, nasa harap na siya ng condo ni Yassy. Kakausapin niya ito nang masinsinan kung totoong nagtaksil ito sa kanya. Kung totoo man ‘yun, ay handa siyang patawarin ang dalaga... ganoon niya kamahal si Yassy.

Pero hindi na siguro dapat malaman pa ni Yassy ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Olivia. Isa iyong malaking pagkakamali at pinagsisihan na niya iyon.

Muli siyang kumatok, ngunit hindi siya pinagbuksan ni Yassy. Nang bumukas iyon, nagulat siya nang ang tatlo niyang kaibigan ang tumambad sa kanya. Akala niya ay umuwi na ang mga ito sa Quezon.

Mas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
galit Ka hunter ikaw ang pasimuno Kung bkit kayo nag kagulo hnd Ka marunong makinig Seloso
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 151

    **********YASSY'S POV:Pinunasan niya ang kanyang luha nang makarinig ng katok sa kwarto niya. Dahan-dahan niyang binuksan iyon. Si Almira ang kumatok, nasa likod nito sina Elijah at Liam."Umalis na siya, cuz. Sinabi namin na bumalik ka na ng London." naroon pa rin ang galit sa mukha ni Almira habang ikinukuwento ito sa kanya."Sinabi niyo ba ang tungkol sa video na natanggap ko?" Basag ang boses niya. Hindi niya maatim panoorin ang ipinadala sa kanya. Nasusuka siya."Hindi na. Para ano pa na sabihin namin? Maghahanap lang iyon ng alibi para magsinungaling! Bahala siya diyan mag-isip. Ang kapal ng mukha, ikaw pa itong paparatangan niyang nangangaliwa samantalang siya pala itong nambabae!""Huhuhuh... Ate, ang sakit-sakit!""Shhhh... Wag ka umiyak, cuz... Wag mong iyakan ang ganoong klaseng lalaki. He doesn't deserve you! Napakabait mo para lang lokohin niya.""Ang mabuti pa, Yassy, doon ka muna sa condo ko. Hangga't hindi ka bumabalik ng London, hindi ka titigilan ni Hunter. Babalik

    Last Updated : 2025-03-27
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 152

    "What now, Yassy? Naunahan ka pa lang pumunta ni Hunter sa London? Naniwala siya sa sinabi ko na bumalik ka na ng London. Hindi ko naman akalain na pupuntahan ka kaagad niya doon!" wika ni Almira."Baka kamo guilty, kaya hinabol ka agad niya doon! Ano na ngayon ang gagawin mo?"dagdag pa nito. Si Almira lang ang nag-iingay sa loob ng kotse. "T-tatawagan ko na lang si Bell doon. Hindi ako pupunta hangga't andoon siya." sagot nya"Tama yan, Yassy. Huwag mo siyang bigyan ng pagkakataon na makausap ka at mabilog muli ang ulo mo!"Tumigas ang mukha niya. Imbes na maawa siya kay Hunter dahil pumunta ito sa London kahit na wala siya doon, lalo lang siyang nagalit. Dapat lang iyon sa kanya. Hangga't maaari, iiwasan na niya si Hunter. Hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon na mabilog muli ang ulo niya.Tahimik na silang lahat na nagbiyahe. Nakakabaliw ang katahimikan sa loob ng kotse. Kanya-kanya silang may iniisip.Medyo malayo ang condo ni Elijah dahil nasa Pasay iyon, at ang sa kuya niya na

    Last Updated : 2025-03-27
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 153

    Natapos lang ang dalawang beses na pagtawag ni Hunter, pero hindi niya ito sinagot. Nabaling ang atensyon nila ni Elijah nang pumasok sina Almira at Liam, nagtatawanan ang dalawa."Ang gaganda naman ng mga unit niyo dito!" wika ni Almira habang nililibot ang tingin sa loob ng unit ni Elijah. "Magkasinglaki lang ito ng unit ni Kuya Caleb sa Makati. Tatlong bedrooms din iyon.""Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?" malungkot na wika ni Almira."Don't worry, Ate. Hindi ka nag-iisa. Wala rin akong condo dito sa Manila, nakikitira lang ako sa condo ni Kuya Caleb." wika niya upang pagaanin ang loob ng pinsan. Mukhang inatake na naman ito ng insecurities."It's okay, Almira. In case you need to stay here in Manila, you can use my place or Liam’s. Hindi naman namin masyadong nauuwian ito dahil busy kami sa atin sa probinsya.""Sinabi niyo ‘yan ha! Plano ko pa namang dito sa Manila kumuha ng board exam pagkatapos kong mag-aral.""Oo ba! Gusto mo, samahan pa kita eh!" pagpresinta ni Liam.Tin

    Last Updated : 2025-03-28
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 154

    Nagising siya kinaumagahan na wala na si Almira sa tabi niya. Hindi niya inakalang makakatulog siya kahit na puno ang utak niya sa mga iniisip kagabi. Kinuha niya ang cellphone sa side table at nakitang maraming missed calls si Hunter sa kanya. Napasimangot siya. Bahala ka sa buhay mo, wika niya sa sarili. Akmang ilalapat niya ulit ang cellphone nang muling tumunog ito. Ang akala niya ay si Hunter ulit, pero hindi… si Belle pala."Hello, bestie?" Walang gaanong sigla ang sagot niya."Bestie… nasaan ka?""Dito sa Pilipinas. Bakit?""Bakit andito si Hunter at hinahanap ka?""Hayaan mo siya, bestie.""Nag-away na naman ba kayo?""Naghiwalay ulit kami, at this time, it's final.""What did he do this time, bestie?" Galit na tanong nito."Wag mo nang alamin. Ayoko nang pag-usapan. Kapag wala na si Hunter diyan, sabihin mo sa akin para makabalik na ako diyan. Hindi niya dapat malaman kung saan ako. Ayaw ko na siyang makita o makausap man lang.""Yan na nga ba ang sinasabi ko. Paano na ngayon

    Last Updated : 2025-03-28
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 155

    ***************HUNTER'S POV:Nasa Pilipinas na siya. Galing siya sa London, pero wala doon si Yassy. Wala na rin ito sa condo ni Caleb. Ang hula niya ay nagpalit na rin ito ng numero ng telepono dahil hindi na niya ito macontact."Where are you, Yass?" tanong niya sa sarili. Wala siyang mapagtanungan dahil alam niyang galit sa kanya ang mga kaibigan nila. Kay Yassy kampi ang mga ito. May suspetsa siyang may alam ang mga ito tungkol sa kanila ni Olivia, pero paano?Hindi naman magagalit ng ganito si Yassy kung walang mabigat na dahilan. Hindi niya alam kung ano iyon dahil ghinost na siya nito. Ang hirap ng sitwasyon niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at ano ang gagawin... nangangapa siya.Kasalukuyan siyang nasa opisina niya. Nandoon lang siya nakatunganga at walang silbi. Ang dami nang proyekto na nakabinbin dahil wala na siyang ganang magtrabaho. Na-occupy ni Yassy ang buong pag-iisip niya.Maya-maya ay may narinig siyang katok sa kanyang pinto. Si Georgiana ang pumasok."

    Last Updated : 2025-03-29
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 156

    "Hello, Olivia... Hello, Hunter. What a nice surprise!" wika nito na kunyaring nagulat. Napataas siya ng kilay. Malamang makikita sila doon ni Mike dahil pag-aari ni Olivia ang restaurant na ‘yun!Hindi nakagalaw si Olivia sa kinauupuan nito."Hello, Olivia. Long time no see?" bati nito sa dalaga saka humalik sa pisngi ni Olivia, na lalong kinatigas ng katawan nitoHindi niya maintindihan, pero parang natatakot si Olivia kay Mike. Nag-oobserba lang siya sa galaw ng dalawa."W-what brings you here, Mike?" tanong nya"Oh, nothing. Nagkataon lang na nasa malapit ako, so I decided to drop by. Na-miss ko kasi ang food dito." Kumuha ito ng upuan at tumabi kay Olivia. Parang normal lang naman ang galaw ni Mike, pero bakit parang hindi mapakali si Olivia?"By the way, congrats, Hunter, dahil okay na kayo ni Olivia. Inatras niya ang kaso at nag-public apology pa. Ang swerte mo naman. I wish makahanap din ako ng babaeng katulad ni Olivia." wika nitong nakangisi habang nakatingin kay Olivia. "Bu

    Last Updated : 2025-03-29
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 157

    **********OLIVIA'S POV:Nakatingin lang siya kay Hunter habang paalis ito ng resto niya. Kakatapos lang nilang mag-dinner, pero hindi na ito tumagal pa doon. Mas gusto daw nitong magpahinga na lang. Ayaw naman siyang isama.Nasasaktan siya sa pambabalewala nito sa kanya, kahit pa ano ang gawin niya para muling mapalapit dito. Si Yassy pa din talaga ang mahal nito.Kahit pa may nangyari sa kanila na ang hindi nito alam ay pinlano niya, ay wala pa ding cyang halaga kay Hunter. Para sa lalaki, isa iyong pagkakamali.Napabuntong-hininga na lang siya. Ano pa kaya ang pwede niyang gawin para muling manumbalik ang atensyon ni Hunter sa kanya... Para siyang namamalimos ng pag-ibig.Nagliwanag ang mukha niya nang marinig na nag-ring ang cellphone niya. Baka si Hunter ulit iyon at na-realize na gusto pa siyang makasama.Pero napalis din ang ngiti niya nang si Mike pala ang tumawag. Nag-alangan siyang sagutin iyon. Natatakot siya kay Mike sa pamba-blackmail nito sa kanya. Isang sabi lang nito k

    Last Updated : 2025-03-29
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG    CHAPTER 158

    Nanlilisik ang mga mata ni Mike na papalapit ulit sa kanya. Napaatras naman siya hanggang sa wala na siyang maatrasan... nakasandal na siya sa pader.Napalunok siya. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa kaba at takot. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang tapang para suwayin si Mike, pero isang bagay ang sigurado… hindi na niya kayang mabuhay sa ganitong sitwasyon.“M-Mike… ayoko na. Sa pagkakaalam ko, wala akong atraso sa’yo, kaya hindi ko deserve ang ginagawa mo sa akin.”“But I want you, Olivia…” wika nito, saka hinigpitan ang hawak sa kanyang bewang. Nagkalapit ang kanilang mga katawan. Naramdaman niya ang kahandaan nito na bumubukol at tumutusok sa kanyang bandang puson.Pilit siyang kumawala. Tinutulak niya ito, pero hindi kaya ng pwersa niya ang lakas ni Mike.“Ano ba kasi ang nakita mo doon sa Hunter na ‘yon? Mas hamak na magaling naman ako kaysa sa kanya, hmmm?” wika nito saka inumpisahan siyang halikan sa leeg.“Kahit anong gawin mo, Mike… ‘wag lang it

    Last Updated : 2025-03-30

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 190

    Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 189

    "I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 188

    Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 187

    Pagdating ng condo ay dali-dali siyang pumasok. Hinanap niya ang charger. Mabuti na lang at compatible ang charger niya sa cellphone ni Tricia. “Sorry, Trich, kung pinakialaman ko ang gamit mo, pero I think ito ang gusto mo dahil lagi kang nagpaparamdam sa akin...” sambit niya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon. Madaming notification ang agad na pumasok simula nang buksan niya ito. Isa-isa niyang binasa iyon. Para siyang NBI na nag-iimbestiga. I had the feeling na may makukuha siyang impormasyon doon. Tiningnan niya ang messages. May natanggap doon na notification galing sa bangko na nakatanggap si Tricia ng isang million bank transfer. Hindi naman nakalagay kung saan galing ang pera. “Bakit may ganito kalaking pera si Tricia? Sino ang nag-transfer sa kanya?” Tiningnan niya na ang iba pang messages. Meron pang isang million na natangap mula sa ibang araw. Ang yaman naman ng nagpapadala kay Tricia. Dalawang million na ang pera na pinadala kya Tricia. Hindi niya a

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 186

    “Is it Yassy?” wika ni Olivia sa likod niya. Di kaya alam nito na si Yassy ang kausap niya kaya sumigaw ito para marinig ni Yassy na andoon siya at magkasama sila? “Ano naman ngayon kung si Yassy 'yun, Olivia? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala tayong relasyon, so stop pestering me!” “Akala ko ba hiwalay na kayo? Bakit naman siya tumawag sa’yo? Nagkita ba kayo? Saan? Kaya ka ba nawala ng ilang linggo dahil nakipagkita ka sa kanya?” sunod-sunod na sunud-sunod na sambit nito. “Bakit kasi hindi mo na lang siya tigilan? Alam naman niyang magkakaanak na tayo, ‘di ba? Wala ba siyang awa na sirain pa tayo?” Gusto niyang kutusan si Olivia sa pinagsasabi nito. Siya ang nagpupumilit na hanapin si Yassy kaya mali ang lahat ng binibintang nito. Saka ilang beses ba niyang sasabihin na wala silang relasyon, kaya kung ano man ang ginagawa nila ni Yassy ay wala silang tinatapakang relasyon. "Gusto ko lang ipaalala sayo Olivia na ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Yassy!" "Me??? Ku

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 185

    "Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sabi ng doctor ay pwede ka nang umuwi anytime.""Pero ayaw kong umuwi sa bahay mag-isa. Natatakot ako at baka maaksidente na naman ako. Pwede bang doon muna ako sa inyo?""Hindi pwede!' Napalakas ang boses niya."Ikukuha na lang kitang makakasama sa bahay mo pero hindi ka titira sa akin. Wala tayong relasyon, Olivia. Tandaan mo ‘yan!""Ano pa ba ang ayaw mo sa akin, Hunter? Pag iniwan mo ulit ako, magpapakamatay ako!"Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit na galit siya kay Olivia ay hindi niya naman ito pababayaan mag-isa. Baka totohanin nito ang banta na magpapakamatay. Saka wala pa siyang ebidensya na hindi na siya ang ama ng bata. Kaya habang hindi pa siya sigurado ay responsibilidad niya si Olivia."Sige… doon ka muna sa bahay ko." sambit niya.Mas maganda doon dahil andoon si Manang Josie, na kasambahay niya, na titingin-tingin kay Olivia sakaling wala siya. Kahit papaano ay may bantay ang dalaga doon.Nang nasa kotse na sila pauwi sa bahay ni

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 184

    Nakatahimik silang dalawa sa loob ng kwarto. Si Olivia ay mahimbing pa rin ang tulog sa kama, habang si Mike ay nananatiling nakatayo sa gilid, tila may mabigat na iniisip. Napansin niya ang mga kamay nitong nakapamulsa at ang paglalim ng mga buntong-hininga nito.Hindi na niya mapigilan ang sariling tanungin ang binata."Ano bang iniisip mo, Mike?" tanong niya, bahagyang iritado ang tono.Saglit pa itong tumahimik bago sumagot. "Six months… Kung six months na ang tiyan niya, ibig sabihin... nangyari 'yun bago pa ang aksidente namin ni Tricia?...""Ano ang ibig mong sabihin? What are you trying to say?" May kaba sa dibdib niya na unti-unting umuusbong. Pakiramdam niya'y may sasabihin si Mike na importante.Humarap si Mike sa kanya, seryoso ang mga mata. "May nangyari sa amin ni Olivia bago ako naaksidente. Akala ko….. ako ang ama."Parang may sumabog na bomba sa loob ng utak niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mike."You're lying! Andito ka na n

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 183

    Pagdating ng Manila ay agad siyang pumunta ng parking lot. Nandoon na ang kotse niya naka-park.Pagsakay niya ng kotse ay nakaramdam agad siya ng kakaibang enerhiya. Parang nanindig ang balahibo niya. Parang may kasama siya doon sa loob na hindi niya maintindihan. Sumulyap siya sa rear view mirror pero wala naman siyang nakita. Baka guni-guni niya lang. Dahilan na din siguro sa sobrang pagod kaya kung ano-ano na ang mga pumapasok sa utak niya.Iwinaksi niya ang mga nararamdaman. Tinatakot niya lang ang sarili niya. Baka sa sobrang tagal ng naka-park doon sa airport ay nanibago siya. Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo na iyon. Pupuntahan niya si Olivia sa ospital.Tinawagan niya si Giorgiana habang nasa biyahe."Hello, boss?" Agad na sagot nito. Ito muna ang inatasan niyang alagaan si Olivia habang wala pa siya."Hello, Giorgiana. I'm already here in Manila. Papunta na ako diyan sa ospital.""Okay, boss. Baka pwedeng umalis na din ako, total padating ka na. Wala pa kasi akong tulog.

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 182

    HUNTER'S POV:Gulong-gulo ang isip niya habang pauwi sa apartment na tinitirhan niya. Hindi niya lubos maisip na may sex video sila ni Olivia. Sino ang nag-video sa kanila at sino ang nag-send nun kay Yassy?Posible kayang alam ng lahat ng mga kaibigan niya ang tungkol doon kaya ganoon na lang ang galit sa kanya? Alam din kaya ng mga magulang nila? Sana ay hindi. Dahil wala na siyang mukhang maihaharap sa mga magulang niya at magulang nina Yassy."Fuck you, Olivia!... ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Pinagtagpi-tagpi niya ang mga nangyari sa gabing iyon... Sa sobrang galit niya nung mga panahong ‘yon dahil may natanggap siyang litrato mula sa di kilalang numero.... ang picture ni Yassy at Elijah na nagyayakapan.Sa sobrang selos niya ay pumunta siya ng bar para maglasing. Sa hindi niya din malaman na dahilan, ay dumating si Olivia.Dati ang alam niya ay coincidence lang iyon. Pero sa mga nangyayari ngayon ay napag-isip-isip niya na baka sinadya talaga ng dalaga na pumunta d

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status