CHAPTER FIFTY-EIGHT: PRAYING✧FAITH ZEICAN LEE✧THE world seemed to blur around me as I call the police, my heart pounding like a drum. Every second that Poppy was missing felt like an eternity. No’ng may sumagot na, agad kong sinabi ang problema. I reported Poppy missing para mas madali ang paghahanap namin sa kaniya. Dahil kung hindi kami kikilos, baka mamatay na ‘ko sa pag-aalala dahil halos isang oras na siyang nawawala.“She's about 5'3", long brown hair, hazel eyes. She was wearing a peach dress at may itim na coat na nakatali sa bewang niya,” paliwanag ko sa pulis na kausap ko nang tanungin niya ako kung ano’ng hitsura ni Poppy.“We'll put out an alert and start checking the area. Do you have any idea where she might have gone, or if anyone could have taken her?”Biglang bumilis ang tahip ng dibdib ko dahil naalala ko ang pamilya niyang gahaman. Frustration bubbling up inside me. “Her family," walang alinlangan kong sagot.Saglit akong nagbigay ng paliwanag sa kausap kong pulis
CHAPTER FIFTY-NINE: FOOTSTEPS꧁ POPPY ꧂PINAUPO ako ni Ate Chloe sa sofa at umupo rin siya sa tabi ko. Nasa harap naman namin si Daddy, binubuklat nito ang kulay brown na envelope na dala niya. Puro mga papeles ang nakita kong inilabas niya ro’n.Nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko sa kaba at parang nagbabara na ang lalamunan ko. Mukhang dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Kukuhanin nila sa ‘kin lahat pagkatapos ay ano? Papatayin na ba nila ako?Panginoon, tulungan Mo po ako.Paulit-ulit akong sumambit ng panalangin sa isip ko gaya ng turo sa ‘kin ni Faith noong minsang bago kami matulog nang magkatabi. Tumatak sa isip ko ang sinabi niyang, “Kapag natatakot ka, kapag nag-aalala ka, nababalisa at hindi mapanatag . . . mag-pray ka lang.” Nakapikit ako at magkasalikop ang mga kamay ko, nananalangin ako sa isip ko nang marinig ko ang boses ni Daddy. “Poppy.”Agad akong napadilat. “P-Po?” Nakalapag na ngayon sa harap ko ang mga dokumentong inilabas niya sa envelope.“Dahil hi
CHAPTER SIXTY: ARRESTED꧁ POPPY ꧂ANG YABAG na ‘yon ang palaging nagpapalapad sa ngiti ko noong bata pa ako sa tuwing maririnig ko, dahil ‘yon ang senyales na nakauwi na siya sa bahay galing sa trabaho.Hindi ko inalis ang tingin ko sa pintuan para abangan kung sino ang taong tinawag ng pulis sa labas. Makalipas ang ilang segundo, napasinghap ako nang masilayan ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Pero hindi ko pa masyadong makumpirma ang mukha niya dahil nakukublihan siya ng mga pulis.Lumihis ang mga pulis para bigyan siya ng daan. At noong wala ng nakaharang sa kaniya, mas lalong namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig sa gulat. Dinig ko ang bahagyang pagsinghap ni Ate Chloe nang makita niya rin ang taong dumating dahil iisa ang mukha nila ni Daddy.Oras na makita ako nito na nakasalampak sa sahig, agad siyang tumakbo sa 'kin, lumuhod siya sa harap ko at naiiyak niya akong niyakap nang mahigpit.“Poppy. Anak ko . . .” 'Tsaka na siya humagulgol.Wala akong reaksyon bukod sa
CHAPTER SIXTY-ONE: REAL FATHER ✧FAITH ZEICAN LEE✧ WE RUSHED to the hospital, my mind racing with every possible scenario dahil hindi binanggit ng police officer kay daddy kanina kung ano’ng nangyari kay Poppy, kaya sobra ang pag-o-overthink ko. The drive felt interminable, each minute dragging as we anxiously awaited news. When we finally arrived, we were met by a police officer in the hospital lobby. “You’re here for Poppy Lee?” tanong ng officer sa amin, his tone reassuring. Si mommy ang sumagot at tumango rito. “Nasa emergency room siya ngayon. She’s been stabilized and is resting now.” I let out a shaky breath, my heart still pounding as we followed the officer to the ER. Kasama ko si Dad, si Mom, Hope, Love at Summer. As we approached, I saw Poppy lying on a bed, looking fragile and pale, surrounded by medical equipment that beeped and hummed softly. Despite the medical equipment, she looked peaceful, her chest rising and falling with each breath. Pero hindi lang ‘yon ang n
CHAPTER SIXTY-TWO: SUMBONGERONG HOPIA✧FAITH ZEICAN LEE✧INUWI na namin si Poppy sa bahay matapos sabihin sa amin ng doktor na okay na siya. Maliban sa mga latay niya sa balat na nalaman naming kagagawan nga ng impostor na Lucio, wala na siyang ibang natamong sugat. Thanks, God.Pero sinabihan kami ng doktor na asahan naming magpapasa ang mga latay na ‘yon ni Poppy kaya nagbilin ito sa amin na i-ice therapy ang mga parteng ‘yon at pahiran ng aloe vera.Ang totoong Mr. Herald naman ay hindi muna sumama sa amin kahit gustuhin niya, dahil marami raw siyang kailangan asikasuhin ngayon. Isa na ro’n ang kaso ng mga Samonte at ang mga sigalot sa kompanya dahil nalaman na rin ng lahat ang tungkol sa impostor na Lucio. Uuwi rin daw siya sa mansyon para iayos ang sitwasyon doon bago niya pabalikin doon si Poppy.Nangako na lamang siya kay Poppy na papasyal siya sa bahay sa tuwing may bakanteng oras siya para magkaroon sila ng quality time at para rin daw makakuwentuhan sina mommy at daddy, magi
CHAPTER SIXTY-THREE: POPPY, THE BILLIONAIRE.✧FAITH ZEICAN LEE✧I leaned back on the couch, trying to ignore the knots twisting in my stomach. Kasama ko ang buong pamilya ko sa sala, maging si Poppy. Lahat kami ay nakaupo sa couch at naghihintay ng balita dahil ngayon lalabas sa news ang tungkol sa pekeng Lucio at sa panloloko nila sa mga tao.Isang buwan na ang lumipas simula nang mahuli ang mga Samonte. Nagsimula na rin ang hearing, pero ngayon lang i-a-announce sa balita ang mga nangyari dahil marami pang kinailangan asikasuhin si Mr. Herald ukol sa mas malalim pang imbestigasyon, sa mansyon at sa kompanya dahil ang dami rin pa lang kalokohan ng pekeng Lucio. Madadagdagan pa ang kaso nila dahil sa mga slush funds.Our expressions tense as the news broadcast began. The air felt thick with unspoken worries, each of us waiting for the other shoe to drop.The news anchor's voice cut through the silence, sharp and clear. “Breaking news tonight, as we uncover the truth behind the identity
CHAPTER SIXTY-FOUR: POPPY's MANSIONA week later.✧FAITH ZEICAN LEE✧AS we pulled up to the grand gates of the Herald mansion, I couldn't help but feel a mix of awe and nervousness. The sprawling estate was more magnificent now with its manicured gardens and imposing architecture.Ngayon na ang araw ng pag-uwi ni Poppy rito, kasama ako. Pero naiwan pa ang ibang gamit namin sa bahay dahil hindi naman kasya sa sasakyan. Ipahahakot na lang namin. Tig-isang suitcase lang muna ang dala namin ni Poppy, para sa mga importanteng gamit lang.Poppy's father, Mr. Herald, drove us up the winding driveway, a warm smile on his face. Nasa backseat naman kami ni Poppy, magkahawak kami ng kamay simula pa kaninang umalis kami sa bahay pauwi rito sa mansyon nila. ‘Yong sasakyan ko naman ay bukas ko na lang din kukuhanin sa bahay dahil ideya ni Poppy kanina na sumakay na lang kami dito sa daddy niya para hindi na raw ako bumukod ng sasakyan papunta rito.“Welcome home, Poppy,” masayang sabi ni Mr. Herald
CHAPTER SIXTY-FIVE: ANNOUNCEMENT✧FAITH ZEICAN LEE✧NAGISING ako na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung bakit wala na si Poppy sa tabi ko gayong maaga pa. Napilitan na rin akong bumangon at inayos muna ang sarili ko bago lumabas sa kuwarto.No’ng nasa paanan na ‘ko ng hagdan, nasalubong ko si Elena, may bitbit siyang tray kung saan may nakalagay na carton ng fresh milk, pancakes, honey at dalawang baso.“Nasaan ho si Poppy?” tanong ko sa matandang kasambahay.“Nasa labas. Halika, sumunod ka na para masabayan mo na siyang kumain.” Ngumiti pa ito sa ‘kin bago naunang maglakad. Paglabas namin, agad kong natanaw si Poppy at ang daddy niya roon sa driveway. Suot pa rin ni Poppy ang pantulog niya, nakapunggos ang buhok niya pataas, halatang hindi pa sinuklay. May bagong sasakyan sa tabi nila at masaya si Poppy na pinagmamasdan ‘yon.Nang matanaw ako ni Poppy, agad niya ‘kong kinawayan. Lumapit ako, habang si Elena naman ay doon sa garden dumiretso para ilapag sa coffee table na naro
Epilogue FAITH ZEICAN LEE (Eight years old...) I was excited to leave school when I saw Lolo Don A waiting for us. Naroon na siya sa gate, nakatayo sa tabi ng itim niyang limousine, kasama niya ang personal assistant niyang si Sir Dan. Habang naglalakad kami nila Hope at Love palapit sa direksyon nila, takang napatanong si Love. “Saan kaya tayo dadalhin ni Lolo Don A?” “Baka mag-s-shopping or kakain tayo sa labas,” sabi ni Hope na hindi rin sigurado. Ako rin ay hindi sigurado. Ngayon lang kasi ginawa ‘to ni Lolo Don A, na nag-volunteer kay Daddy at Mommy na siya ang susundo sa amin sa school, gayong dapat ay sabay-sabay kaming uuwi nila Daddy mamayang hapon dahil sa Lee University naman kami pumapasok at kabila lang ng Elementary Department ang College Department kung saan namin pinupuntahan si Dad after ng klase namin. “Hi, Lolo Don A!” nakangiti kong bati sa kaniya paglapit namin, sunod na ring bumati ang dalawang kakambal ko. Maging si Sir Dan ay binalingan namin para
CHAPTER NINETY: THE WEDDING✧FAITH ZEICAN LEE✧One month later.HANGGANG ngayon, para pa rin akong nananaginip. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko since the moment I realized how much Poppy meant to me—ang pakasalan siya at makitang nakasuot ng magarbong wedding gown imbes na simpleng white dress lang.Standing in front of the mirror, I take a moment to soak it all in. The white suit looks better than I’d hoped. The fabric is smooth and cool, feeling like it was tailored just for me. The jacket fits perfectly, hugging my shoulders and chest just right without being too tight. The notched lapels give me a classic look, while the minimalist buttons keep it sleek and modern.I adjust the crisp white shirt underneath, noticing how it contrasts subtly with the suit. The silk tie adds a touch of elegance, its soft ivory hue blending seamlessly. The pocket square tucked into my jacket pocket finishes off the look, and I can’t help but smile.Habang ina-adjust ko ang tie ko para kalmah
CHAPTER EIGHTY-NINE: THE PROPOSAL✧FAITH ZEICAN LEE✧“BASED on my source, sugar lolo ni Chloe ang nagpalaya sa kaniya at ginamit lang ang pangalan mo para saktan si Sugarpop,” ani Hope. Kaharap ko sila ni Love, habang nakaupo ako sa paanan ng kama ko.Sumaglit ako ngayon dito sa bahay namin, kasama ko si Poppy para kuhanin ang iba ko pang gamit. Pero si Poppy ay nasa baba, kasama si Mom dahil wala si Summer ngayon, may lakad kasama ang mga kaibigan niya. At tiyempo ang pagdating namin dahil may balita na raw sila kung sino ang nag-send ng email kay Poppy.“Sino’ng source mo?” tanong ko sa kaniya, naninigurado.Natawa siya. “Si Detective Conan.” Ngunit agad din siyang sumeryoso nang samaan ko siya ng tingin. “’De joke lang. ‘Yong detective na pinahawak nila Mommyla sa kaso, of course! Hindi pa ba binanggit sa ‘yo ni Mommyla?”“Hindi pa.”“Hina mo talaga. Lagi kitang nauunahan sa balita.” He laughed.Wala pang nabanggit sa ‘kin si Mommyla, pero ang daddy ni Poppy ay mayro’n na. Hindi ng
CONTENT WARNING! Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. CHAPTER EIGHTY-EIGHT: FINALLY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ THE AFTERNOON sun bathed Villasis Park in a golden hue as we arrived back home from our vacation. The air was warm and welcoming, just like the familiar scent of the gardenias that lined the pathway leading to the main entrance. Naglalakad si Poppy sa tabi ko, her gaze taking in every detail of the estate. Ito ‘yong bahay namin na para talaga sa ‘min. Hindi lang namin nagawang tirahan noon dahil mas pinili ni Mom at Dad na mag-stay kami sa poder nila for Poppy’s safety. Pero kahapon, noong nasa hotel pa kami, tinanong kami ni Dad kung ano ang plano namin ni Poppy. Kung magsasama ba ulit kami sa bahay namin, sa Villasis Park o mansyon. Hindi ako sumagot agad dahil gusto kong i-consider ang suggestion ni Poppy kaya ang sabi ko sa kanila, mag-uusap
CHAPTER EIGHTY-SEVEN: OUTING PART VI - SEMINAR✧FAITH ZEICAN LEE✧THE first light of dawn seeped through the curtains, gently stirring me awake. Nagbaba ako ng tingin kay Poppy na nakayakap sa ‘kin, her breathing soft and steady. Without thinking, I pressed a kiss to her forehead, savoring the warmth of her skin against my lips.Nanatili akong pinagmamasdan siya habang natutulog, nag-aalanganin akong kumislot sa pag-aalalang magising ko siya. Hindi natuloy ang nangyari sa ‘min kagabi matapos niyang masaktan. Nang makita kong puno ng nerbyos ang mukha niya, I decided to stop and tell her na ‘tsaka na lang namin ituloy kapag ready na ulit siya. Natulog lang kaming magkatabi at magkayakap.Nag-beeped ang cell phone ko sa nightstand, inabot ko ‘yon at tiningnan kung sinong nag-text. Si Mom. Inuutusan na kaming mag-prepare at bumaba sa lobby para magkasabay-sabay raw ulit kami sa almusal. Doon kasi ulit ang breakfast buffet.Matapos kong reply-an si Mom, ginising ko na si Poppy. Ayokong mag
CONTENT WARNING!Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only. This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised.CHAPTER EIGHTY-SIX: OUTING PART V - WARNING!✧FAITH ZEICAN LEE✧SA ILALIM ng liwanag ng kuwarto, pumaibabaw ako kay Poppy at ginantihan ang halik niya. Half of my weight pressed down on her, and the warmth of our bodies melded together, deepening the connection between us.Her eyes were filled with anticipation and nervousness, and every touch of our lips seemed to ignite a new spark between us. I adjusted our kiss, transitioning from gentle touches to more passionate movements of our lips. Nang ibuka niya ang mga labi niya, I decided to enter her mouth with my tongue. Hindi niya ‘yon inaasahan, pero mahina siyang napaungol.Ginaya niya ang ginawa ko at ‘yong kaniya naman ang sinubukan niyang ipasok sa bibig ko. The sensation of our tongues meeting brought an intense pleasure, and each movement of
CHAPTER EIGHTY-FIVE: OUTING PART IV - FIRST REAL KISS✧FAITH ZEICAN LEE✧As I stepped out of the bathroom, the warmth of the shower still lingered on my skin, but it did nothing to calm the unease I felt deep inside. I pulled on a plain white t-shirt and pajama pants, yet the simplicity of the clothes couldn't lighten the heaviness in my chest.Nang igala ko ang tingin sa kuwarto para hanapin si Poppy, nakita ko siya sa balcony, nakatalikod sa ‘kin. Nakasuot na rin siya ng pantulog, pajamas din at mahaba ang manggas ng pang-itaas niya. Kahit nakatalikod siya sa ‘kin at hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam ko ang kaba niya.I knew that feeling all too well—dahil gano’n din ang naramdaman ko kanina nang ako naman ang sumunod na pumasok sa shower room after niya. I had felt the same tension, knowing that tonight would be the first time in a year that we would share the same room, the same bed, after everything that had happened between us.Lumabas ako sa balcony kung nasaan si Poppy—
CHAPTER EIGHTY-FOUR: OUTING PART III ꧁ POPPY ꧂ “N-NASAAN si Faith?” naiiyak kong tanong kay Kuya Hope matapos niyang ipaliwanag sa ‘kin na edited ang picture ni Faith at Ate Chloe. Maging ang screenshot na pinakita ko ay sinabi niyang fake rin daw. Ini-orient niya rin ako kung ano ‘yong photoshop dahil hindi ko alam ang tungkol doon nang banggitin niya. “Nasa hotel,” sabi ni Kuya Hope, sabay inabot niya sa ‘kin ang phone ko. “Hindi siya sumamang lumabas pagkakain. Ililipat niya raw ‘yong gamit niya sa room namin ni Andreng.” Pagkasabi niya no’n, hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Ang bilis kong tumakbo palayo, pabalik sa hotel. Natandaan ko naman ang papunta sa room ko at nasa bulsa ko rin naman ang key card ko kaya tinungo ko agad ang elevator. Pagdating ko sa palapag na ‘yon, mabilis kong tinakbo ang room ko at binuksan sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa si Faith. Pero wala na siya roon, maging ang suitcase niya ay wala na rin. Siguradong nakalipat na siya sa room ni Kuya H
CHAPTER EIGHTY-THREE: OUTING PART II꧁ POPPY ꧂BANDANG alas dies, noong nakapagpahinga na kami matapos kumain ay ‘tsaka kami lumusong sa dagat. Ako, si Ate Summer, Si Tita Baby, Si Sunny at Meng, kami ang magkakasama. Si Mommy Keycee naman at Daddy Ace ay may sariling mundo at medyo malayo sa amin. Ang sweet nila dahil nakasakay pa si Mommy Keycee sa batok ni Daddy Ace.Medyo malayo rin sa amin si Daddylo at Mommyla. Samantalang si Faith, Kuya Hope at Kuya Love naman ang magkaka-bonding. Kahit medyo malayo sila sa amin, nakilala ko pa rin sila base sa kanilang suot. Pare-pareho silang naka-shorts, ngunit si Kuya Hope lang ang walang pang-itaas. Si Kuya Love ay may suot na itim na rash guard, habang si Faith naman ay puting T-shirt. Manipis ‘yon kaya nang mabasa ay bakat na bakat ang katawan niya.Ang saya nila dahil pinagtitripan nila si Kuya Hope. Pinagtutulungan nilang buhatin at ibinabalibag sa tubig. Hindi ko naiwasang pagmasdan si Faith dahil may ngiti na ngayon sa mukha niya. Me