Third Person's POV
"So, paano ba 'yan? Mauna na 'ko," wika ng binata na ngayon ay nakatayo na sa harapan ng kotse niya.
Madilim na ang paligid at lumalamig na din sa labas. Isang araw na naman ang natapos.
Bahagya siyang yumuko upang mapantayan si Marga. Madungis na ito at maasim na ang amoy. Masyado kasing nag-enjoy sa paglalaro niya kanina kasama ang ibang bata.
"Aalis na 'ko, magpapakabait ka sa mommy mo, ha?" Ginulo niya ang buhok nito.
Napangiti naman ang bata dahil doon at saka sunod-sunod na tumango. Napangisi si Derrick at saka dumiretso ng tayo. Si Trixie naman ngayon ang tiningnan niya.
"I won, so it means nagse—"
Naputol ang sasabihin ni Trixie nang iangat ng binata ang palad para patahimikin siya.
"Don't mention that stupid scenario," wika niya at ibinaba ang kamay. Nakapamulsa siyang
(Continuation of chapter 9)"Hindi ka ba marunong magkabit ng seatbelt?" inis na tanong sa kanya ng binata habang inaayos nito ang seatbelt niya.Naiilang tuloy ito sa posisyon nila ngayon. Ang akala talaga niya kanina ay hahalikan siya nito. Ngunit mabilis naman niya iyong binura sa isipan. Boss niya ito, mortal enemy, at isa pa… bakit ba niya iniisip ang mga gano'ng bagay? As if naman na may gusto siya sa boss niya?Matapos no'n ay umayos na siya ng upo. Gano'n din si Derrick at pinaandar na ang sasakyan. Wala pang kalahating minuto ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant."Dito tayo kakain?" tanong niya sa binata."Of course, mukha ba 'yang cinema?"Inirapan na lamang niya ito at siya na mismo ang nagbukas ng pinto at lumabas. Sabay na silang pumasok doon. Sa entrance pa lang ay nasinghot na ng ilong niya ang napaka
Third Person's POV"I don't like her. Itigil mo nga 'yang iniisip mo. And besides, hindi siya bagay sa 'kin," wika ni Derrick. Nagtipa na siyang muli sa laptop.Nagkibit-balikat na lamang si Joel at saka tumayo mula sa lamesa."Okay, sabi mo, eh. Anyway, si Tito Lucas talaga ang sadya ko. Maiwan muna kita." Tinapik pa niya ang balikat ng kaibigan bago na lumabas ng opisina nito.Napapaisip pa din hanggang ngayon ang binata. Hindi nga ba niyo gusto si Trixie? Alam niyang kailan man ay hindi magsisinungaling ang nasa loob niya. Pero ayaw naman niyang magpadala nang dahil lang sa mga maliliit na bagay na nararanasan niya. Siguro kailangan pa niya ng konting panahon para hanapin ang sagot sa tanong ni Joel.—————"Trix, hindi ka ba papasok? Anong oras na, oh. Baka ma-late ka," ani Dara habang nagsusuot ng stockings nito.
(Continuation of chapter 10)Hindi na mabilang ni Trixie kung ilang beses na ba siyang napalunok habang dahan-dahang naglalapit ang mga mukha nila.Natigil ang pangyayaring iyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Derrick mula sa bulsa. Doon lang tila sila natauhan at nagmamadaling bumangon para makalayo sa isa't-isa. Hindi sila makatingin sa parehong mga mata. Namumula sa kahihiyan ang babae."Hello?" wika ng binata matapos sagutin ang tawag.Tahimik lang na naglakad papalabas ng silid si Trixie kahit nanlalabo ang paningin. Abala sa pakikipag-usap si Derrick kaya hindi niya namalayang nakalabas na pala ng kwarto ang babae. Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng maiinom.Ngunit bigla namang naibagsak ni Trixie ang babasaging baso na naglalaman ng tubig. Naging sanhi ito ng ingay kaya narinig agad ito ng binata."Trixie?" Mabilis niyang pinatay
Third Person's POV"Yes, Joel. Ipadala mo na lang kay Maggie mamaya sa office ni Dad. Thanks."Nang makapasok sa parking lot ng MCC ay kaagad hinanap ng mata niya ang isang tao. Inaasahan niya kasing sasalubong sa kanya si Trixie sa umaga kagaya noon. Ngunit bumagsak lang ang balikat niya nang wala siyang madatnang babaeng nakasuot ng office uniform.Mukhang hindi pa din magaling ang babae. Pagkaparada niya ng sasakyan ay kinuha na niya ang susi bago lumabas."Good morning, Sir." Isang tinig ng pamilyar na babae ang nadinig niya.Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Paglingon niya sa kanyang likuran ay nakatayo na doon ang kanyang sekretarya. Malawak ang ngiti nito habang hawak ang baso ng kape at ang notebook niya."Here's your coffee," dagdag pa niya at saka inabot ang kapeng hawak para sa bi
(Continuation of chapter 11)Punong-puno ng tissue ang basurahan sa ilalim ng lamesa ni Trixie. Sa wakas ay natanggal din niya lahat ng nagkalat na kulay berde sa mukha niya. Ilang sandali pa'y tumunog ang telepono at kaagad naman niya iyong sinagot."Hello.""This is me, your boss."Muli na namang nag-init ang ulo niya nang marinig ang boses ng binata."Oh, ano na namang kailangan mo?" inis niyang tanong."Hey! Gan'yan na ba makipag-usap sa boss ngayon?"Napairap na lamang siya. Mabuti na lamang ay hindi siya nakikita ni Derrick."Ano ba kasing kailangan mo?""I want some coffee. No sugar please, hintayin ko hanggang mamaya."Matapos no'n ay pinatay na ng binata ang tawag. Padabog namang ibinalik ni Trixie ang telepono. Tumayo na siya at dumiretso sa vendo mach
Third Person's POV Mabilis na napailing si Trixie. "M-mauna na po ako, Sir. Baka po hinahanap na 'ko ng anak ko," pag-iiba niya sa usapan at saka tumayo. Pilit na ngumiti ang matanda. "I understand, take care, hija." Paglabas ni Trixie ng opisina ay dumiretso na kaagad siya sa elevator. Hindi din niya alam ang isasagot sa tanong ni Lucas kanina kaya minabuti na lamang niyang magpaalam. Nasabi na din naman ng matanda ang nais nitong sabihin sa kanya kaya wala ng rason para manatili siya doon. Bigla na lamang bumukas ang elevator at tumaas ang isa niyang kilay nang mabungaran si Derrick. "Oh, what a coincidence. I thought you're already gone." Pumasok ang binata sa loob at saka na nagsarado ang pintuan. "Pauwi na sana, kinausap lang ako ni Sir Lucas." "My dad? A
Third Person's POVNakatayo si Derrick habang nakatanaw sa isang babaeng nakaputi na naglalakad papunta sa kanya. Napaka ganda nito ngunit hindi niya makita ang mukha dahil nasisinagan ito ng liwanag.Kasabay ng pag-lakad ng babae ay ang pagbilis ng pagpagtibok ng kanyang puso. Hindi niya akalaing aabot sila sa ganito. Sa lahat ng pinagdaanan nila, sila pa din pala talaga hanggang dulo. Ilang dipa na lang ang layo nila sa isa't-isa ngunit malabo pa din sa paningin niya ang mukha ng babae."You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari.Humarap siya sa babaeng ito at nanlaki ang mga mata niya nang malaman kung sino siya."T-trixie?"Mabilis na nagmulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang isang madilim at masikip na silid. Hanggang ngayon naririto pa din sila sa loob ng elevator. Panaginip lang
Third Person's POVNagising si Trixie na wala sa tabi niya si Marga. Maliwanag na din sa labas, umaga na kasi."Marga?" tawag niya sa anak. Wala siyang tugon na natanggap.Bumangon na siya at ginawa ang morning rituals niya. Pagpihit niya ng seradura ng pinto ay nagulat siya sa nag-aabang mula sa labas nito."Happy birthday, Mommy!" May hawak si Marga na maliit na chocolate cake at kandila na may sindi. Sa likod niya nakatayo si Dara na nakasuot ng party hat."Happy birthday, Trix!" bati niya.Kaagad na napaisip si Trixie. July 18 na ngayon, kaarawan na nga niya. Dahil sa pagka-busy sa trabaho ay nakalimutan na niya ang petsa."Mommy, wish ka na po."Pumikit siya at saka humiling. Hinipan na niya ang kandila at saka naman pumalakpak si Dara. Bahagya siyang yumuko para mapantayan ang anak na napaka
Third Person's POVKinabukasan, pagkatapos makapagpasukat ng gown na susuotin ni Trixie para sa kasal nila ni Derrick ay sabay sila ni Lucas na umalis patungo sa sementeryo. May dala silang basket ng bulaklak at saka kandila. Tinungo nila ang puntod ni Trina.Naupo sila sa damo at saka tinanggal ang mga tuyong dahon at bulaklak na nakatabon sa lapida nito. Inilagay ni Trixie ang bulaklak sa tabi ng lapida at saka naman sinindihan ni Lucas ang kandila at saka pinatong dito."Mama, kasama ko na si Daddy, oh." Bakas sa boses niya ang galak nang banggitin iyon."Inah, itong anak mo, ikakasal na sa susunod na linggo. Dumalo ka doon, ha," wika ni Lucas.Hinaplos ni Trixie ang lapida ng ina habang inaalala ang mga panahong kasama pa ang yumaong babae. Noon ay isa lamang siyang batang babaeng nais laging mamasyal sa parke ngunit ngayon ay may asawa na siya at gumagawa na ng sariling p
Third Person's POVTumigil ang sasakyan nila Trixie at Derrick sa harap ng mental hospital sa siyudad. Parehas pa silang napatingala doon ng ilang segundo bago na mapagpasyahang bumaba.Matapos ma-discharge ni Trixie ay napagkasunduan nilang mag-asawa na bisitahin si Martha. Kahit na ayaw ni Derrick ay wala siyang nagawa dahil mapilit ang babae.Pagpasok nila sa bulwagan ay nagkalat sa paligid ang mga taong nakasuot ng puting damit at ang mga nurse na kasama nila. Mukha lamang itong isang simpleng gusali na tinitipon ang mga taong kailangan ng kalinga."Good morning, mister and misis Gomez." Sinalubong sila ng doktor na lalaki. Ito marahil ang may-ari ng ospital."Good morning, Doc. Can we talk to Martha Sandoval?" nakangiting wika ni Trixie."Of course, follow me. She's on the second floor."Sinundan nga nila ang dok
Third Person's POV-Flashback-"Nasaan ang asawa ko?!"Hindi napigilan ni Martha na pagtaasan ng boses ang babae sa morge. Mabilis na pumasok sa loob si Martha nang ituro ng babae ang daan. Nanlumo siya nang makita ang katawan ni Fernando na nakabalot na sa puting kumot."Fernando," wika niya sa mahinang tinig at halos pabulong na. Kaagad siyang lumapit sa katawan nito at nagsimulang bumagsak ang mga luha habang hinahaplos ang mukha ng asawa."Fernando!" Basag na ang kanyang tinig nang isigaw iyon. Nagpatuloy siya sa paghikbi at paghagulgol habang niyayakap ang katawan ng asawang wala ng buhay.Hindi niya matanggap na namatay ang asawa niya na may samaan pa sila ng loob. Kung alam lamang n'yang huling kita na niya sa asawa noong gabing iyon ay sana pinaramdam niya dito kung gaano niya ito k
Third Person's POV(2 months later)"Hi, Trixie. I don't know if why I'm doing this but maybe I feel guilty and I can't tell you this directly. Noong mga bata pa kami ng mama mo, nagpunta kami sa isang malawak na parang tapos may bangin sa dulo na matatanaw mo ang napaka lawak na karagatan at kalangitan. Pinangalanan ko 'yong Trixie, tapos napagkasunduan namin ng mama mo na ipangalan din 'yon sayo. We were happy back then, but everything fall down when you gave birth to Marga. Doon ko nalamang… hindi kita kadugo.""But before that, I just want to tell you something at sana pagkatapos mong mapanood 'to, hindi pa din magbago ang tingin mo sa papa. Peter, your boyfriend, hindi siya naduwag na panagutan ka. Ang totoo n'yan, pinapatay ko siya dahil ayaw niyang lumayo sayo. I'm sorry kung naging hadlang ako sa pagmamahalan niyong dalawa and believe me, pinagsisisihan ko na 'yon."&nb
Third Person's POVNagpatuloy sila sa pagtakbo at ngayon ay pinaghahabol na sila ng mga tauhan ni Fernando. Napakarami nila at mukhang hindi sila makakaligtas ng buhay kung hindi sila magmamadaling tumakbo. Kahit na masakit na ang katawan ni Derrick dahil pangko niya si Trixie ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang maging matatag para sa asawa."Lucas!" sigaw ni Fernando na ngayon ay nakikipagpalitan na din ng putok."Hayop ka! Alam kong ikaw ang nakabuntis sa asawa ko!"Nagtago sa likod ng puno si Lucas habang pinapakiramdaman ang paligid. Mahigpit ang kapit niya sa baril. Tagaktak na din ang pawis niya dahil sa pagtakbo."We did it because we love each other, Fernando. Kailanman, hindi mo madidiktahan ang puso ni Trina!" tugon naman ni Lucas.Sila lamang dalawa ang nasa kalagitnaan ng gubat. Ang mga kasama ni Lucas ay nauna nang tumakbo sa kanya
Third Person's POV(Earlier that day)Tahimik na kumakain ng hapunan nila si Fernando at Martha. Walang nagtangkang magsalita o magbukas ng usapan at tila nagpapakiramdaman silang dalawa. Maging ang mga katulong ay hindi din alam kung bakit gano'n ang mag-asawa."Martha, about kanina—""I'm finished." Bago pa man makapagsalita si Martha ay tumayo na ito at lumabas na ng dining. Dumiretso siya papunta sa kwarto nila.Nagpakawala ng buntong-hininga ang matanda at napatigil sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa."Give me a good news," panimula niya sa usapan."Sir, natunton na po ng mga tauhan natin kung saan nagtatago sila Ms. Trixie at ang anak nito."Napangisi si Fernando nang marinig ang balita. Mabuti na lamang ay magandang balita ang dumating sa kanya, kahit papaano'y mababawasa
Third Person's POV"Y-yes!"Nagpalakpakan ang lahat nang isigaw iyon ni Trixie. Tuwang-tuwa namang isinuot ni Derrick ang kumikinang na singsing sa daliri ng babae. Matapos no'n ay niyakap nila ang isa't-isa. Isa na siguro ito sa pinaka masayang araw ni Trixie. Hindi niya akalaing sa gitna ng lahat ng kanilang pinagdaanan ay may pag-asa pa din pala silang maikasal."I can't wait to marry you tomorrow." Kumalas sa yakap si Derrick at saka hinaplos ang pisnge ni Trixie."Sira, bukas agad? May hinahabol ka ba?" Bahagyang natawa ang babae."No, I'm serious. We will get married tomorrow."Natigilan si Trixie dahil sa sinabi nito. Napatingin siya sa kaibigan at sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang sila."A-anong ibig mong sabihin?""Everything was ready. 'Yong oo mo na lang talaga ang kulang pero ngayon, tul
Third Person's POVNapabalikwas ng bangon si Marga at mabilis na lumabas ng kwarto niya upang puntahan ang silid ng ina. Naabutan niya doon sila Derrick at Trixie na mahimbing na ang tulog.Nagising sila pareho nang sumampa ang bata sa kama at niyakap si Trixie. Nagkatinginan silang dalawa. Tila ba kinabahan sila pareho nang magsimulang humikbi si Marga."Oh, Marga. Gabi na, ah. Anong nangyari?" tanong ng ina at saka hinaplos ang likod ng anak."Mommy, napanaginipan ko po sila Lolo at Lola, pinatay daw po nila kayo ni Daddy." Halos magkandabara-bara na ang sipon nito dahil sa pag-iyak.Iniharap niya si Marga sa kanya at saka pinunas ang mga luha nito habang sinusubukan siyang pakalmahin."Shh… tahan na. Buhay pa kami ng daddy, oh. It's just a dream, sweetie, no need to worry." Tipid na ngumiti ang babae upang pagaanin ang loob ng bata.
Third Person's POV"Tito!"Nabuhayan ng loob ang mag-asawa at si Joel nang makita si Lucas at ang mga tauhan nitong sunod-sunod na pinaputukan ang mga kalaban. Nang mapansin ni Herman si Fernando na tumakbo sa ibang direksyon ay kaagad niya itong sinundan.Pinaputukan niya ang direksyon nito ngunit huli na siya dahil nakasakay na ito sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon."Lucas!" natutuwang wika ni Josefa at saka lumapit sa matanda."Mabuti na lang po dumating kayo," saad ni Joel na may bahid pa din ng takot ang mukha.Napalingon silang lahat sa isang direksyon at nakita nila si Herman na kapit-kapit ang braso na naglalabas ng pulang likido. Mabilis siyang nilapitan ng anak at saka inalalayan sa paglalakad."He needs to take to the hospital, may tama siya," saad ng binata."I'm okay, it's not