JOLO POV
ILANG minuto na ang lumipas magmula nang humupa ang mga tao sa lobby ng kompanya ko. At pagkatapos din n'on ay hindi na nagtagal pa si Angel dito, may pupuntahan raw siyang importante. Hindi ko na tinanong at hinayaan ko nalang.
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng opisina ko. Lawrence was still not here yet. Kinakabahan din naman ako dahil baka kasama na niya sa mga oras na ito si Shella. Hindi ko pa naaayos sa utak ko kung paanong paliwanag ang sasabihin ko sa dalaga.
I'm fucked up and I know that. Kanina, nang makita ko kung paano siya tahimik na umiyak habang magkaharap kami, pakiramdam ko ay deserve kong masuntok ng kaliwa't kanan sa mukha dahil sa kagaguhang ginawa ko.
Shella doesn't deserve to get hurt and cry for me. Tangina, ang gago ko talaga.
Agad akong napatingin sa pinto ng opisina ko nang marinig kong may kumakatok dito. Excitement and kind of nervous are the emotions I could feel. Si Lawrence na ba 'to
"WHAT'S the update, Lawrence? Ayaw pa rin ba makipag-usap sa akin ni Shella?" tanong ko sa secretary ko nang muli siyang pumasok sa opisina ko para magbigay ng ilang reports.Lawrence just slowly move his head saying that it's a no. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung may hinihintay pa ba ako o wala na. It's been three days at hanggang ngayon ay ayaw pa rin makipag-usap sa akin ng dalaga.Kapag naman si Vincent ang tinatanong ko, especially about doon sa address ng tinutuluyan ni Shella, he would just hanged up on me. Kapal ng mukha. Akala mo hindi kaibigan."Can you call Vincent again? Ask him about the whereabouts of Shella?" saad ko at pabagsak na isinandal ang ulo ko sa may swivel chair ko.Hindi ko alam kung may sapak na naman ba 'tong taong 'to sa harapan ko! Lawrence was keep staring at me. Literally! Na para bang may gusto itong sabihin pero nagdadalawang isip naman."If you want to say something, say it. Hindi 'yo
SHELLA POV"ANO na, Vincent? Sumagot na ba?" tanong ko sa binata na halata nang naiinip. Sa tingin ko ay nakakalimang ulit na akong tanong kay Vincent sa mga oras na ito.Hindi ko naman kasi malaman sa kanya. Kanina tawag nang tawag sila Lawrence sa kanya tapos pinapatayan lang naman niya. Tapos ngayon naman na kami na ang tatawag, sila naman ang hindi sumasagot.Nandito pa rin tuloy kami ni Vincent sa parking lot at naghihintay. Balak ko na kasing kausapin ngayon si Jolo. Para malaman kung ano na bang balak niya. Nagdadalawang isip na din kasi ako kung sasabihin ko pa ba sa kanya 'yong tungkol sa bata o huwag na. Kaya ko naman sigurong buhayin mag-isa ang magiging anak ko, pero naiisip ko naman na ang unfair noon kung hindi iyon malalaman ni Jolo."Vincent-""Ayaw pa din eh. Wala pa ring sumasagot. Kahit 'yong pinaka main contact number ni Lawrence at Jolo wala ring sumasagot. Akyatin na kaya natin?" agad ko naman itong nilingon
JOLO POVKANINA pa ako paikot-ikot ng lakad dito sa tapat ng emergency room. Ako lang mag-isa dahil dumiretso pang parking lot si Lawrence para ipark ang aking sasakyan.I was panicking. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina nang makita ako ng mga nurse sa front desk ay agad na silang nagtawag ng iba pang nurse para madala agad si Angel sa emergency room. I was too stunned to speak. Basta ang alam ko lang ay pinagpapawisan ako ng malamig at malapot kanina habang buhat-buhat ko ang dalaga."Sir Jolo, kamusta po?" agad kong nilingon si Lawrence nang marinig ang boses nito. Humahangos din ito na halatang nagmadali makasunod lamang ng mabilis dito."Angel was still inside. Pati 'yong ilang doctor at nurse na nag-eexamine sa kanya," simpleng saad ko. I tried to relax and calm myself first by letting out a heavy and deep breath. Pakiramdam ko ay may tinik pa rin sa lalamunan ko. Knowing na maaaring mapahamak ang dalaga pati na rin ang
SHELLA POVHABANG sakay ulit ng elevator dahil sabi ni Jolo ay sa parking lot nalang kami mag-uusap, sa loob ng sasakyan niya ay wala pa ring patid ang walang tunog kong pagluha.Nasasaktan ako. Hindi ko na alam kung paanong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Buntis si Angel at si Jolo ang ama!May mas isasakit pa ba sa nalaman ko? Una, nakita ko kung paano nagpropose ang taong mahal ko sa ibang babae tapos ngayon naman malalaman ko na magkakaanak na din sila? Napakaswerte ko namang tao! Ganoon ba ako kamahal ni Lord para gawing interesante ang buhay ko?"Shella...""Manahimik ka Jolo, wala pa tayo sa sasakyan mo,"Hindi na nga muling nagsalita ang binata hanggang sa marating namin ang parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Saglit lang niyang pinaikutan ng mata ang lugar para siguro hanapin kung saan ito nakapwesto.Nang makita ito ay agad na itong naglakad papunta roon. Tahimik lamang akong sumusunod. Agad
"NAKAPAG-USAP na kayo, Shella?" dahan-dahan akong napatango nang marinig ang tanong ni Vincent. Halos kalalabas niya lang rin sa nilipatang kwarto ni Angel.Nang matapos kaming mag-usap ni Jolo ay nanatili pa kami ng ilang minuto sa sasakyan niya. Hinintay niya munang humupa ang sakit na nararamdaman ko. Hindi kami nag-uusap. Pero ramdam ko at pansin ko ang titig niyang nakakalusaw at tumatagos sa kaibuturan ko.Si Lawrence lang ang nakita namin sa labas ng emergency room at ito rin ang nagsabi na nailipat na nga ng ibang kwarto si Angel. Sadyang bumalik lang daw siya doon para hintayin kami ni Jolo."So what are your plans now? Tutuloy ka ba sa pag-uwi mo sa Baguio? I can give you a ride if you want to," agad namang napalipat ang mga tingin ko kay Jolo matapos muling marinig ang sinabi ni Vincent.Wala itong emosyon na mababasa sa mukha. Para lang siyang bato na ang hirap ispelingin. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa mga tinatanon
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Shella? Doon mo na talaga gusto munang manatili?"Dahan-dahan na pagtango ang ginawa ko nang muling marinig ang tanong ni nanay Tasing. Saglit akong napatigil sa ginagawang pagliligpit ng mga gamit at matiim siyang tinapunan ng tingin. Nakikita ko na may kaunting kalungkutan ito sa kanyang mukha, marahil sa gagawin kong pag-alis nga. Sa ilang araw din naman na magkasama kami dito sa bahay niya ay nakagaanan ko na rin ng loob ang matanda.Lumapit ako rito at tipid na ngumiti. Marahan ko rin siyang hinawakan sa magkabilaan niyang mga kamay."Opo, 'nay Tasing. Huwag po kayong mag-aalala at kung sakaling mainip o hindi kaya'y wala akong gagawin doon ay dadalawin ko kayo. Pupwede ko rin naman po siguro kayong samahan o tulungan sa pagtitinda sa may terminal," usal ko at hindi tinatanggal ang tipid na ngiti sa labi.Napatingin rin naman sa akin si nanay Tasing at ngumiti man siya ay ramdam at nakikita k
"Miss Shella ay I mean Shella, pwedeng sa master's bedroom ka nalang muna tumuloy. Naayos at naligpit ko na ang mga gamit ko na nandoon,"Agad naman akong napanlakihan ng mga mata sa sinabi ni Lawrence, kararating lang namin dito sa penthouse niya. At isa lang ang masasabi ko, malaki siya. Oo! Literal na malaki at malawak ang lugar na tinitirhan ni Lawrence. Bukod pa roon, iisipin mong hindi lalaki ang nakatira doon dahil sobrang linis nito. Ni alikabok nga wala eh."Ha? Hindi na Lawrence, okay lang naman ako sa kahit na anong kwarto. Bahay mo ito kaya dapat lang na doon ka sa master's bedroom-""Okay lang Shella, gusto ko din na maging kumportable ka habang nandito ka sa penthouse ko. Huwag kang mahihiya. Pwede mong gamitin lahat ng bagay na nakikita mo. Pati na rin iyong mga pagkain sa refrigerator at maging sa cabinet, pwede mo din iyon galawin. Just feel free to do whatever you want to do," wika ni Lawrence kasabay ng isang matamis na pagng
"WHERE do you think you're going, Jolo? Iiwan mo nalang ako basta mag-isa dito sa ospital?!"Agad akong umiling sa tanong ni Angel. Pumasok nalang din muna ako sa kwarto niya para hindi na makaabala sa iba pang pasyente o nurses na dumadaan sa pathway. Iniiwasan ko rin ang anumang ingay na maaaring magawa ng dalaga."No, of course not. Hinihintay ko pa ang response ng parents mo. Or if ever man na hindi sila pwedeng magbantay muna sa iyo dito, I'm planning to get you a private nurse para may makasama ka muna pansamantala," paliwanag ko habang isinasara ang pinto ng kwarto.Angel was following me wherever I go. Napagdesisyunan ko munang maupo at salubungin ang matatalim na tingin ng dalaga. Angel was annoyed and I don't know why she's acting like this. Ilang beses ko naman nang pinapaliwanag sa kanya ang sitwasyon na meron kami pero hindi ko alam kung nakakalimutan niya ba iyon o ayaw niya lang talagang intindihin."At ngayon
"GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha
NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga
JOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito
HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak. "Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling. Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak. Agad kong tinuyo ang
SHELLA POV"RUSTY, sumagot na ba si Jolo?"Hindi ko na napigilan pa ang sarili na hindi mapangiwi nang dahan-dahan lamang na umiling bilang kasagutan sa akin si Rusty. Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong nagtanong sa kanya tungkol kay Jolo para sa araw na ito.Ilang oras na rin kasi ang lumipas magmula noong umalis kami sa Maynila. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Rusty ang eksaktong lugar na pinagdalhan niya sa amin basta ang sinabi niya lang ay isa ito sa mga private property ng pamilya niya. Hindi ko alam kung gaano kalayo ito dahil nakatulog rin ako kanina sa biyahe. "Nasabi mo ba sa kanya kung saan ang lugar na ito? Kung paano pumunta dito?" muli kong tanong. Mariin lamang na tumango s Rusty sa akin bilang sagot at marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung nakukulitan na ba ito sa akin o naaawa. Naririnig at nakikita ko naman kasi kanina na maya't maya ay tinatawagan niya ang numer
JOLO POV"JOLO..."Mabilis kong nilingon si Shella sa tabi ko nang mahimigan ko ng matinding pag-aalala ang boses nito. Wala na rin sila Lawrence dito sa bakuran ko at sa hula ko ay nasa labas na sila para tingnan at alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril na narinig namin kani-kanina lang.Alam kong narinig niya ang narinig ko. Kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa labas. Sobra-sobra nang dahas ang nakikita ko para sa araw na ito. Nag-aalala ako kay Shella pati na rin sa pamilya niya dahil naiisip ko palang ngayon na baka magdulot na naman kakaibang trauma sa kanila ang narinig nilang malakas na putok ng baril."J-jolo... si A-angel... n-nasaan si Angel..."Marahan kong hinigit palapit sa akin ang dalaga at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang takot sa katauhan nito dahil pansin na pansin ko ang pangangarag ng boses niya.
"PAANONG... a-anong..."Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan ngayon. Tila hindi ko mawari o mahanap ang mga tanong na sasabihin ko kay Angel. Nagtataka ako. Paanong siya ang nagdala pauwi kay baby Miracle dito ganoong ang tiyahin ni Jolo na si Lydia ang nakunan ng surveillance camera na siyang kumuha sa anak ko."Don't know the right words you want to say? That's okay, Shella. Kahit ako ay hindi ko naisip na gagawin ko 'to. Na ako pa mismo ang magbabalik sa inyo ng anak niyo-""Paanong napunta sayo si Miracle ganoong ang tiyahin ni Jolo ang nakunan sa camera na siyang kumuha sa anak namin? Imposible namang tinaya mo ang buhay mo para kay Miracle-""Simple lang..." maarte nitong pagkakausal sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "... Vincent only wants Jolo's company. Ang nanay niya lang naman ang nagbalak ng masama sa anak niyo. Vincent and I don't have any care to your sw
SHELLA POVINIWAN ko na muna saglit si nanay Tasing sa ospital at nagpaalam na uuwi muna sa bahay ni Jolo. Kakamustahin ko na muna ang pamilya ko roon at kukuha ng ilang gamit dahil nakikini-kinita ko na parang aabutin pa ng ilang araw ang pagpapahinga ni nanay Tasing sa ospital. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang gate ng bahay ng binata at may iilang malalaking taong nakasuot ng panggwardya ang mga nakatayong nakapalibot paikot sa lugar. Hindi ko nalang iyon inisip pa at naglakad na patungo sa loob ng kabahayan. Tumaas ang isang kilay ko nang hindi ko pa man naitatapak ang mga paa ko para makapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Jolo ay agad nang may humarang na lalaki sa daraanan ko. Matalim ang mga matang pinukulan ko ito ng isang titig. "Ma'am kailangan ko na po munang mahingi ang pangalan niyo at-""Ako ang asawa ng may-ari ng bahay na ito. Ako si Shella at ako lang din naman ang ina ng anak ni Jolo," buong tapa
AGAD akong dumapa nang makitang kakalabitin ni Vincent ang baril niyang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig.Mabilis akong umikot at nagtago para kunin ang nakatagong baril na ibinigay sa akin ni Rusty kanina. I thought I would never be able to hold a thing like this that could take someone's life, but experiencing this kind of scenario makes me realize that you will be put in a situation that you never in your life imagined would happen.Kailangan mong lumaban katulad na lamang kung paano ka nila labanan.Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba o may tama na pala ako ng baril na hindi ko pa alam pero marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga nang matiyak kong hindi ako. Hindi ako ang tinamaan ng bala.Kung ganoon... huwag niyong sabihin na si Vincent ang..."Vincent anak ko!"Mabilis akong napalinga sa paligid at malakas na sinip