Home / Romance / KEEPING THE CEO / CHAPTER FIVE

Share

CHAPTER FIVE

Author: Ydewons
last update Last Updated: 2021-11-17 17:56:43

HINDI lumipas ang buong maghapon ay dumating nga si Lawrence, ang secretary ni Jolo. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo nang makitang nakatayo ito sa may pinto at naglalakad na papasok.

"S-sir J-Jolo... kayo po ba talaga 'yan?" halos masuka ang binata sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng kanyang sekretarya dahil kulang nalang ay humagulgol ito at tumakbo sa kanya.

"Stop giving me that look, Lawrence! Bakla ka ba?" pagsusuplado niya dito at mabilis na itong nilapitan. Siya na ang lumapit dahil tila napako 'ata sa kinatatayuan si Lawrence dahil nakakatitig lang ito kay Jolo habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa kanyang mata.

Kayang-kaya nyang asarin at iparanas ang kagarapalan ng ugali niya ngayon. Wala naman dito sa loob ng kubo ang mag-anak nila Tatay Ruben. Bumalik na ang mga ito sa palayan dahil maaga pa naman. Siya lang ulit ang natira sa kubo kaya naman malakas ang loob niyang magsuplado ulit at suminghal-singhal.

"Hindi lang po talaga ako makapaniwala Sir. Noong tinawagan ko po kasi kayo, puro ring lang ang naririnig ko. Hindi naman po kasi kayo gan'ong tipo ng tao. You always pick up my call since your worried to my update about your company. Pero halos nakakasampung tawag na po ako ay hindi pa rin kayo sumasagot..." mahabang pagpapaliwanag ni Lawrence habang sumisinghot-singot. Sa bawat pagsinghot na ginagawa nito ay lalo lang kumukunot ang noo ni Jolo at tila diring-diri sa nakikitang mukha ng kausap.

"Please, if you're about to cry, huwag mo nang ituloy. You're a man Lawrence, a man shouldn't let himself to look like a loser and a crybaby-"

"Sorry po Sir, hindi ko lang po talaga mapigilan. Halos hindi nga po ako makakakain at makapagfocus sa paperworks ko kakaisip kung anong nangyari sa inyo. Lalo na po no'ng tumawag 'yong secretary ni Mr.Fujiko at sabihing hindi naman daw po kayo nakadalo sa conference meeting-"

"That is because, I had an accident. Halos ilang araw at linggo akong embalido. Can you imagine that? I can't even go to the restroom to pee without the help of Tatay Ruben-"

"What did you say Sir? Tama po ba ang rinig ko? You cannot go to the restroom without the 'help' of others?" tanong ni Lawrence at binigyang diin ang salitang help.

"They are not just others, Lawrence. May pangalan sila, and yes. I asked Tatay Ruben to help me-"

"Sir Jolo! Kailan pa kayo nanghingi ng tulong sa iba? That is a first time. Hindi ba't lagi nyong sinasabi sa akin noon na you can do everything. On your own. I just can't imagine-"

"You know what Lawrence, kung iyan lang din naman ang iintindihin mo sa lahat ng sasabihin ko, you better go back to Manila. Naiinis lang ako sa mukha mo." usal ng binata at akma na sanang lalabas ng kubo ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay bigla nalang niya nakitang sumulpot at nagmamadaling pumasok ang dalagang si Shella sa kubo. Hinihingal ito na para bang ang haba ng tinakbo. Mapapansin rin ang ilang butil ng pawis na namuo sa noo nito.

"Shella, anong nangyari? Bakit parang hinihingal ka? May nangyari ba?" nag-alala niyang tanong at mabilis itong nilapitan. Umisa munang hingang malalim ang dalaga bago umayos ng tayo at tumitig sa kanyang mga mata.

"S-sila Tatay Ruben..." agad siyang kinabahan sa paraan ng pagkakasabi ng dalaga sa pangalan ng kanyang lolo. Para bang may nangyaring masama kaya humahangos at nagmamadaling bumalik ito dito sa kubo para ipaalam sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari? May nangyari bang masama?" sunod-sunod niyang tanong at hindi na rin niya maalis ang atensyon sa dalaga. Halos makalimutan na nga rin niyang nandito nga pala sa gilid si Lawrence, na tahimik silang pinapanood.

"Si Tatay Ruben...sa palayan,pilit pinapasama ng mga pulis. Ipinag uutos raw ni Kapitan, iyong tatay ni Mario." mangiyak-ngiyak na kwento ng dalaga at tinititigan siya sa mga mata na para bang nagsasabing tulungan niya ang mga ito. Na para bang tanging siya nalang ang pwedeng makagawa ng paraan para maisalba ang lolo nito.

"Jolo, si Tatay Ruben...tulungan mo si Tatay Ruben. Kawawa naman ang lolo ko. Tulungan mo kami Jolo..."

Halos maramdaman niyang tila may bumagsak na mabigat na bagay sa kanyang d****b nang ilang sandali pa ay tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ng dalaga. Agad niya itong niyakap at pilit pinapakalma.

"Oo, Shella. Tutulungan ko kayo. Huwag ka mag-alala. Huwag kana umiyak please..." pagpapatahan niya dito dahil sa tuwing maririnig niya ang hagulgol ng dalaga ay parang pinipira-piraso ang kanyang puso. Masakit para sa kanyang makitang nasasaktan o umiiyak ang mga taong tumulong sa kanya.

"Si Tatay Ruben..." iyak pa rin nito. Agad naman niyang nilingon si Lawrence na tila takang-taka at biglang-bigla sa nakikita. Nakatitig lang ito sa kanila ni Shella.

"Lawrence." tawag nya sa kanyang secretary ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkakatulala nito.

"Hey, what the hell Lawrence." saad nya ulit ngunit katulad kanina. Nakatulala pa rin ito.

Naiinis na siya sa itsura at pagkatulala ng kanyang secretary. Kaya naman kahit alam niyang magugulat at mabibigla si Shella ay ginawa niya pa rin. Sinigaw niya pa rin ang pangalan ni Lawrence para makuha ang atensyon nito.

"What the fuck Lawrence, pay attention to me!" singhal niya. Doon lamang tila natauhan ang kanyang secretary at dali-daling lumapit sa kanya. Napatigil din sa pag-iyak ang dalagang nakasandal sa d****b niya. Mabilis itong nagpunas ng mukha at lumayo sa kanya. Agad naman siyang nadismaya sa nangyari.

Napakalutang naman kasi ni Lawrence!

"S-sir Jolo... bakit po?" tanong agad nito kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

"What the hell is happening to you? Bakit hindi mo 'ko pinapansin kanina? I've called you almost three times, hindi ka man lang natinag-"

"Jolo..." boses ni Shella ang nakapagpatigil sa sinasabi niya. Agad naman siyang nahiya kaya kahit labag sa kalooban ay nginitian niya si Lawrence para ipakita sa dalagang ayos lang sila.

"Sorry. Mag-uusap lang kami saglit nitong si Lawrence, mauna kana sa labas. Mabilis lang 'to. Hintayin mo na 'ko." saad niya kung kaya naman ay mabilis nang tumalikod ang dalaga at lumabas ng kubo.

"Sir Jolo..."

"Stop giving me questions right now Lawrence, I know what you're thinking. Ang tanong ko sagutin mo."

"Ano po ba 'yon?"

"Dala mo ba 'yong perang pinapadala ko sayo?"

"Yes po Sir. Nasa sasakyan pa po-"

"Good. Kunin mo na ngayon din at mukhang may sasampalin ako ng pera." paniningit niya sa sinasabi nito.

"Sir?"

"Just get the fucking money Lawrence, nawala lang ako ng ilang linggo. Parang hindi kana naglinis ng tenga. Daig mo pa bingi eh." huling turan nito bago tuluyang tumalikod at maunang lumabas ng kubo.

Yeah, I am Jolo Raymundo, and I do slapped people. Not using my precious bare hands, but using the money that I can easily pulled off.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Eulalia Ele
congrats sa writer n author
goodnovel comment avatar
Eulalia Ele
sana tuloy tuloy kong mabasa nice story
goodnovel comment avatar
Cathlyn Tiwaken Ha
gusto kong basahin ito dahil maganda storya kaso malaki ung points na kelangan...kaya hndi ko na babasahin.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER SIX

    “BITAWAN niyo ako! Anong karapatan niyong gawin sa'kin 'to. Bitaw ano ba!” nagpupumiglas at galit na mukha ni Tatay Ruben ang naabutan ni Shella at Jolo. Kasama rin nila ang sekretarya ng binata na siyang may hawak ng pera. Habang si Nanay Leoning naman at Angelo at nasa isang gilid at naluluha luha nang umaawat.“Ang Tatay Ruben!” hindi na nahawakan ni Jolo ang kamay ng dalaga dahil bigla na lamang ito tumakbo patungo sa kinatatayuan ng kanyang lolo na nakikipagtalo sa tatlong pulis na pilit itong pinoposasan. Tila may namuong galit sa dibdib ng binata kung kaya’t walang sabi-sabi ay sumunod ito sa dalaga at nakipagpalitan ng matatalim na tingin sa tatlong nakaunipormadong mga pulis.“Tanggalin niyo nga ‘yang mga kamay niyo kay Tatay Ruben! Ang kakapal ng mukha niyo, hindi man lang kayo naawa sa lolo ko. Iisang tao lang ‘yan pero kailangan bang tatlo pa kayo na pupunta dito-”

    Last Updated : 2021-11-18
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER SEVEN

    NORMAL na sa buhay probinsya ang magising ng maaga, at sa halos ilang linggong pagtigil ng binatang si Jolo sa kubo nila Tatay Ruben, nasanay na rin siyang magising ng alas-sais at mag-almusal ng ganoong oras.“Oh Sir Jolo, grabe, kaya niyo po palang gumising ng ganitong kaaga-”“Huwag mong simulan ang araw ko ng pambibwiset mo Lawrence, baka samain ka sa’kin at hindi mo na gustuhing bumalik sa Manila,” usal ng binata habang pinipira-piraso ang pandesal na hawak. Nang makuntento sa ginawang maliit na putol ng pandesal ay mabilis niya itong inilubog sa kape at kinuha gamit ang kutsarita.“You’re even dipping your bread into your coffee sir, hindi ba’t sinabi niyo sa akin noon, kadiri at-”Mabilis na umatras ang kanyang sekretarya nang bigla siyang makitang tumayo at walang sabi-sabing kinuha ang suot-suot na tsinelas at ak

    Last Updated : 2021-11-19
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER EIGHT

    "JOLO sandali..." habol na tawag ng dalaga sa kanya ngunit nagbingi-bingihan siya at nagpatuloy lamang sa paglalakad papunta sa kwartong tinutulugan."Jolo ano ba. Sandali nga sabi eh..." wala nang nagawa ang binata nang higitin at patigilin siya ng dalaga. Napaatras ang dalaga nang makitang walang ekspresyon ang kanyang mukha. Marahil natakot o 'di kaya'y nabigla."Jolo...""What do you need?" simpleng tanong niya at iniiwas nalang ang tingin."Iyong tungkol kanina, sa utang-""Why? Tatanggihan mo din ba 'yong pagbabayad ni Lawrence sa utang niyo para maikasal ka talaga kay Mario?" tanong niya kasabay ng paniningkit ng mga mata.Natakot ang dalaga at iling lamang ang naisagot. "H-hindi ganoon, Jolo. Hindi. Iniisip ko lang na nakakahiya-""Well, save that fucking embarrassment of yours and stay away from that guy! Malinaw naman nang sinabi kong babayaran ko

    Last Updated : 2021-11-20
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER NINE

    "SIR Jolo, your plane is ready. We just have to go to the nearest airport or even a hotel's rooftop to make it safely landed. Your instructions is only awaited so that I can make a further notice to the staff," agad na napalingon ang binata nang marinig niyang magsalita ang kanyang secretary na naglalakad papunta sa kanyang direksyon.Magkasama sila ngayon ni Shella at tahimik na magkatabi sa ibaba ng puno ng mga kawayan. Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian.Nilingon niya ang dalaga at nakatitig lamang ito sa malayo. Nagbibingi-bingihan marahil sa narinig mula sa kanyang secretary."Sir?" tanong ulit ni Lawrence para makuha ang kanyang atensyon. Tiningnan niya muna ito bago tumango nang mabilis."Shella?" kapagkuwan ay aniya at tapik nang mahina sa balikat nito. Agad naman napalingon sa kanya ang dalaga at tipid na ngumiti."Ha? Bakit?" tanong nito habang nakangiti pa rin. Napatitig tuloy siya rito nang matagal.

    Last Updated : 2021-11-21
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER TEN

    SHELLA POVINIWAN ko na muna sila Jolo at Lawrence sa labas. Ayokong marinig ang pag-uusap nila tungkol sa pag-uwi nila sa Maynila. Parang hindi pa ako handa. Nasanay kasi akong sa bawat uwi namin galing bukid ay madadatnan ko ang binatang naghihintay sa amin sa puno ng mga kawayan at masayang sasalubong pag malapit na kami."Oh Shella, 'andiyan ka pala. Nasaan si Jolo? Hindi ba't magkasama kayo kanina?" agad akong nagmano nang makita ang aking nanay Leoning. Galing ito sa kwarto nila ni Tatay Ruben. Marahil nakatulog na ang aking lolo kaya naman lumabas na muna saglit si lola."Ah opo 'nay, iniwan ko na po muna sila ni Lawrence sa labas. Mukhang may pag-uusapan po kasi silang importanteng bagay," sagot ko at bumalik na sa pag-upo.Naupo rin naman si nanay Leoning sa harapan ko. Nang mapansin ko ang matagal niyang pagtitig sa akin ay nilingon ko siya at nagtatakang mukha ang ipinaki

    Last Updated : 2021-11-22
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ELEVEN

    "I'LL go ahead now, sir Jolo and Miss Shella," saad ni Lawrence at mabilis na yumuko. Hindi ko tuloy alam kung yuyuko din ako. Sa huli ay isang naiilang na ngiti lamang ang nagawa ko.Tumango lang si Jolo at pagkatapos n'on ay mabilis nang sumakay sa isang naghihintay na itim na sasakyan si Lawrence. Ilang minuto lamang ang hinintay namin bago namin napagdesisyunan nang bumalik sa kubo."Tara na?" tanong ng binata kaya naman mabilis akong tumango.Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya at kasama namin. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na mayaman si Jolo at nagmamay-ari ng isang malaking kompanya. Kung siya ang may-ari n'on, hindi ba dapat nandoon siya para pamahalaan ito? Para tuloy ang makasarili ko dahil ayoko sa loob ko na umalis at bumalik ang binata sa kanila."Hey Shella, may problema ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" napailing naman ako ng mabilis nang marinig ang tanong nito.

    Last Updated : 2021-11-23
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER TWELVE

    JOLO POVHALOS mag aalas-onse na ay hindi ko pa rin nakikita si Shella dito sa kubo. Napakadalang mangyari ang tanghaliin ito ng gising. Kanina pa akong alas otso gising at kanina ko pa rin hinihintay ang dalaga para makausap ito tungkol sa nangyari kahapon.Nang hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ay sinadya ko na munang si nanay Leoning ang hanapin at sa kanya itanong kung bakit hindi pa rin gising si Shella.Sa kusina ko ito nakita at naghahanda na ng aming kakaining tanghalian. "Ah 'nay Leoning, itatanong ko lang po kung bakit hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya si Shella. Tulog pa rin po ba siya?" tanong ko at tipid na ngumiti sa matanda.Saglit na tumigil ito sa pag-aayos ng mga plato sa lamesa at tumingin sa isang banda, marahil nag-isip din muna panandalian."Ay oo nga pala! Wala iyon sa kwarto niya Jolo hijo," sagot nito at bumalik na sa pag-aayos ng kakainan namin."Po? Eh nasaan po siya? A

    Last Updated : 2021-11-24
  • KEEPING THE CEO   CHAPTER THIRTEEN

    AKO nalang ang naiwan dito sa kubo, nauna na kasi sila tatay Ruben sa sapa na sinasabi nila. Kahapon ay sinamahan niya ako doon para ako nalang daw ang magdadala kay Shella roon at makapaghanda sila ng surpresa para sa dalaga.Mag aala-una na ay wala pa rin ito, hindi pa naman ako nakapananghalian dahil dinala na ang mga pagkain doon sa kubo sa may sapa."Where are you now, Shella?" pagkausap ko sa sarili habang lumilingon-lingon sa paligid, tinitingnan baka sakaling makita ang dalagang naglalakad na papunta dito sa kubo.Pero bigo ako, lumipas na naman ang ilang segundo at minuto ay wala ni anino akong nakita. Akmang ihihiga ko na sana ang ulo ko sa may lamesa nang bigla akong makarinig ng mga yapak at ilang segundo lang ay sinundan ito ng boses. Kanino pa bang boses eh di boses ni Shella!Sa wakas!"Shella..." halos patakbo ko nang pinuntahan ang pinto p

    Last Updated : 2021-11-25

Latest chapter

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

    "GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

    NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

    JOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE

    HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak. "Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling. Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak. Agad kong tinuyo ang

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO

    SHELLA POV"RUSTY, sumagot na ba si Jolo?"Hindi ko na napigilan pa ang sarili na hindi mapangiwi nang dahan-dahan lamang na umiling bilang kasagutan sa akin si Rusty. Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong nagtanong sa kanya tungkol kay Jolo para sa araw na ito.Ilang oras na rin kasi ang lumipas magmula noong umalis kami sa Maynila. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Rusty ang eksaktong lugar na pinagdalhan niya sa amin basta ang sinabi niya lang ay isa ito sa mga private property ng pamilya niya. Hindi ko alam kung gaano kalayo ito dahil nakatulog rin ako kanina sa biyahe. "Nasabi mo ba sa kanya kung saan ang lugar na ito? Kung paano pumunta dito?" muli kong tanong. Mariin lamang na tumango s Rusty sa akin bilang sagot at marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung nakukulitan na ba ito sa akin o naaawa. Naririnig at nakikita ko naman kasi kanina na maya't maya ay tinatawagan niya ang numer

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

    JOLO POV"JOLO..."Mabilis kong nilingon si Shella sa tabi ko nang mahimigan ko ng matinding pag-aalala ang boses nito. Wala na rin sila Lawrence dito sa bakuran ko at sa hula ko ay nasa labas na sila para tingnan at alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril na narinig namin kani-kanina lang.Alam kong narinig niya ang narinig ko. Kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa labas. Sobra-sobra nang dahas ang nakikita ko para sa araw na ito. Nag-aalala ako kay Shella pati na rin sa pamilya niya dahil naiisip ko palang ngayon na baka magdulot na naman kakaibang trauma sa kanila ang narinig nilang malakas na putok ng baril."J-jolo... si A-angel... n-nasaan si Angel..."Marahan kong hinigit palapit sa akin ang dalaga at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang takot sa katauhan nito dahil pansin na pansin ko ang pangangarag ng boses niya.

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

    "PAANONG... a-anong..."Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan ngayon. Tila hindi ko mawari o mahanap ang mga tanong na sasabihin ko kay Angel. Nagtataka ako. Paanong siya ang nagdala pauwi kay baby Miracle dito ganoong ang tiyahin ni Jolo na si Lydia ang nakunan ng surveillance camera na siyang kumuha sa anak ko."Don't know the right words you want to say? That's okay, Shella. Kahit ako ay hindi ko naisip na gagawin ko 'to. Na ako pa mismo ang magbabalik sa inyo ng anak niyo-""Paanong napunta sayo si Miracle ganoong ang tiyahin ni Jolo ang nakunan sa camera na siyang kumuha sa anak namin? Imposible namang tinaya mo ang buhay mo para kay Miracle-""Simple lang..." maarte nitong pagkakausal sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "... Vincent only wants Jolo's company. Ang nanay niya lang naman ang nagbalak ng masama sa anak niyo. Vincent and I don't have any care to your sw

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

    SHELLA POVINIWAN ko na muna saglit si nanay Tasing sa ospital at nagpaalam na uuwi muna sa bahay ni Jolo. Kakamustahin ko na muna ang pamilya ko roon at kukuha ng ilang gamit dahil nakikini-kinita ko na parang aabutin pa ng ilang araw ang pagpapahinga ni nanay Tasing sa ospital. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang gate ng bahay ng binata at may iilang malalaking taong nakasuot ng panggwardya ang mga nakatayong nakapalibot paikot sa lugar. Hindi ko nalang iyon inisip pa at naglakad na patungo sa loob ng kabahayan. Tumaas ang isang kilay ko nang hindi ko pa man naitatapak ang mga paa ko para makapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Jolo ay agad nang may humarang na lalaki sa daraanan ko. Matalim ang mga matang pinukulan ko ito ng isang titig. "Ma'am kailangan ko na po munang mahingi ang pangalan niyo at-""Ako ang asawa ng may-ari ng bahay na ito. Ako si Shella at ako lang din naman ang ina ng anak ni Jolo," buong tapa

  • KEEPING THE CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT

    AGAD akong dumapa nang makitang kakalabitin ni Vincent ang baril niyang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig.Mabilis akong umikot at nagtago para kunin ang nakatagong baril na ibinigay sa akin ni Rusty kanina. I thought I would never be able to hold a thing like this that could take someone's life, but experiencing this kind of scenario makes me realize that you will be put in a situation that you never in your life imagined would happen.Kailangan mong lumaban katulad na lamang kung paano ka nila labanan.Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba o may tama na pala ako ng baril na hindi ko pa alam pero marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga nang matiyak kong hindi ako. Hindi ako ang tinamaan ng bala.Kung ganoon... huwag niyong sabihin na si Vincent ang..."Vincent anak ko!"Mabilis akong napalinga sa paligid at malakas na sinip

DMCA.com Protection Status