Pasado alas syete na nang dumating si Valerie sa Anabelles' Restaurant. Pagkatapos niyang mai-park ang sasakyan, nagtungo na siya sa loob. Sa may di-kalayuang mesa, mula sa pintuan natanaw niya si Ivan. Nauna pa ito sa kanya. Noon, lagi naman itong nahuhuli sa mga dates nila gayunpaman, palagi niya itong inuunawa. Naintindihan din naman kasi niya ang nature ng trabaho nito, lalo na kapag maraming pasyente na inaasikaso.Kumaway ito sa kanya nang makita siya nito. At nang makalapit na siya, tumayo ito at ngumiti sa kanya. Hanggang ngayon malakas pa rin ang sex appeal ni Ivan, kaya nga no wonder, lapitin ito ng mga babae. At inaamin niyang, naga-gwapuhan pa rin siya dito."Hi, Val!", bati nito, pagkatapos pinaghila siya ng upuan. Gentle naman talaga ito noon pa. Isa ito sa mga magagandang katangian ng lalaki kaya niya ito nagustuhan. Ngiti lang ang itinugon niya rito saka umupo. Tinawag nito ang waiter at umorder ng pagkain. Palibhasa alam na nito ang paborito niyang pagkain kaya ito n
Umiyak siya ng umiyak dahil hindi na siya narinig pa ni Lester. Nakaalis na ang kotseng sinasakyan nito at naramdaman niya ang takot na hindi na niya ito makikita pa."Lester!!!!", humagulgol siya habang nakatalungko sa gilid ng kalsada, nakayuko ang ulo at ang mga kamay ay itinakip sa kanyang mukha. Iyak siya ng iyak na parang wala ng katapusan.Ngunit biglang may tumapik sa kanyang balikat. Ayaw niyang tingnan kung sino 'yon. Wala siyang pakialam."Lerie"Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya ito o talagang nandito sa tabi niya ang taong iniisip niyang may-ari ng boses. Ayaw niyang mag-angat ng tingin, baka mamaya lalo lang siyang masaktan."Lerie"Muli niyang narinig ang boses and this time isang pamilyar na mga bisig ang bumuhat sa kanya. At sa pagkakataong ito alam niyang hindi lang ito isang guni-guni lamang. Biglang siyang nag-angat ng tingin."Lester!!!"Ito lang ang katagang nasambitla ng kanyang mga labi at pumulahaw siya ng iy
Napakasaya ang bawat araw na nagdaaan para kay Valerie dahil kay Lester. Kahit hindi na sila magkasama sa mansyon ngunit araw-araw naman silang lumalabas para kumain. Marami mang trabaho sa bangko ngunit ang lahat nagiging magaan lang sa kanya dahil may nagbibigay sa kanya ng inspirasyon, Kaya tuloy ang plinano niyang pagre-resign sa trabaho ay hindi natuloy dahil may dahilan na upang mamalagi siya sa Maynila.Sa kabilang dako naman, patuloy pa rin ang pagnanais ni Ivan na makikipagbalikan sa kanya. Palagi pa rin itong tumatawag, nagte-text, at kung minsan nagpapadeliver ng mga bulaklak sa apartment na kanyang tinutuluyan. Hindi pa naman niya sinabi rito na sila na ni Lester dahil gusto niya personal niyang sasabihin kay Ivan. Kaya nu'ng minsang yayain siya ng lalaki para kumain sa labas, ay nagpaunlak siya pero syempre sinabi din niya kay Lester at baka mamaya magkakagulo pa sila. "I'm sorry Ivan, Pero wala na talagang second chance sa ating dalawa. Mahal ko si Lester kaya sana mai
Laking pasalamat niya nang sabihin ng doktor na ligtas na sa panganib si Ivan. At kahit maraming dugo ang nawala ngunit buti na lang at naabunuhan kaagad. Narinig niya ang pag-uusap ng doktor at ni Madam Elena dahil hindi pa siya umalis sa kanyang kinauupuan hangga't hindi niya nalalaman ang totoong kalagayan ng lalaki. Pagkatapos niyang malaman ang sitwasyon ng lalaki, nagmamadali siyang umalis kasi ayaw niyang magkita na naman sila ni Madam Elena. Baka may sasabihin itong hindi maganda sa kanya, at hindi siya makapagpigil. Sapat ng nalaman niyang ligtas na sa panganib si Ivan at kung may masama pang nangyari dito, hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang sarili. Palabas na siya ng ospital nang bigla niyang masalubong si Lester sa may pintuan. Halatang nagulat ito nang makita siya. "Lerie? Nandito ka pala! Galing ka ba doon sa ER?", seryosong tanong nito. Sa tingin niya, hindi naman ito nagagalit. Alalang-alala nga lang ito para sa kanyang kapatid. "Oo, Les, Naroon na rin ang mo
Kasalukuyang nasa opisina si Lester at abala sa pagpirma ng mga dokumento. Medyo masakit pa nga ang ulo niya dahil pasado alas kwatro na ng umaga ng makalabas siya ng ospital. Nang biglang mag-ring ang telepono niya. Ang PA niya ang tumawag para ipaalam sa kanya na nasa labas ng opisina si Scarlet at nais nitong makausap siya. "Sige, papasukin mo", sagot niya, saka ibinaba ang telepono. Hindi niya alam kung anong sadya ng babae at pinuntahan pa siya nito sa pabrika. Pagkaraan ng ilang sandali, pumasok na si Scarlet at napakaseryoso ng mukha nito. "O, Scarlet! Please take your seat", kaswal niyang sabi. "Anong sadya natin at napadalaw ka?" "Lester---", tumikhim ito at inalis ang bara sa lalamunan. "Buntis ako, at ikaw ang ama", seryoso nitong turan. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang narinig. Hindi siya nakasagot dahil sa isip niya, paanong siya ang ama gayong wala namang nangyari sa kanila ng babae. "You must be kidding Scarlet. If this is a joke, then I am not happy anymo
Isang linggo na ang nakalipas, nang huli silang magkita ni Lester. Napakabigat man at napakalungkot sa pakiramdam ang paghihiwalay nilang dalawa, ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanang hindi talaga sila para sa isa't isa. Lalo na ngayong napabalita na ang nalalapit na kasal nito kay Scarlet. Alam na rin ng lahat ng mga kamag-anak at mga kakilala nito na hindi sila tunay na mag-asawa dahil sa public post nito sa Facebook, tatlong araw na ang nakalipas. Ngunit sinabi nito doon sa post, na wala siyang kasalanan dahil ito ang namilit sa kanya para tanggapin ang kasunduan.Kaya mas lalo niyang napagtanto na wala na talagang pagkakataon pa para sa kanila ni Lester na magkasama. Tatlong araw din niyang iniyakan ang paghihiwalay nilang dalawa at dahil sa labis na kalungkutan, hindi siya pumasok sa trabaho. Hindi naman siya maiwan-iwan ni Faye kaya nagleave din ang kanyang kaibigan para samahan siya.Inaamin niyang hindi niya ganu'n kadaling kalimutan si Lester. Pero kakayanin niya
Hindi makapaniwala si Valerie sa resulta ng pregnancy test dahil higit pa ito sa kanyang inaasahan. Naisip niya noong huling may nangyari sa kanila ni Lester, hindi pala sila gumamit nu'n ng anumang proteksyon. Basta na lang nakalimutan nilang pareho nu'ng time na iyon.Dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata at ang tanging naisip niya ay umuwi ng probinsya. Pero paano niya sasabihin sa mga magulang niya na nagdadalang-tao siya? Tiyak niyang magtatanong ang mga iyon kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya."Hindi naman ang paglayo ang solusyon sa problema mo mars eh! Ba't hindi mo sabihin kay Lester ang lahat?", wika ni Faye. "Para ano pa mars? Ikakasal na sila ni Scarlet! Sa tingin mo kaya magbabago ang lahat kung sasabihin ko sa kanya?", emosyonal niyang tugon."But at least sinabi mo mars!"Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama, si Faye naman ay lakad ng lakad na para bang hindi mapakali. Alam niyang nag-aalala
Biglang nanghina ang tuhod ni Valerie nang malaman niya ang resulta ng pregnancy test. It's positive, buntis siya! Bigla siyang nawalan ng lakas kaya napaupo siya sa labas ng pintuan ng comfort room. Hindi niya maiwasang magiging emosyonal dahil sa kanyang kalagayan. Bakit ngayon pa niya nalaman ang lahat kung kailan naghiwalay na sila ni Lester? "Mars, ano ang gagawin ko!!!", humihikbing sabi niya."Eh ano pa mars, sabihin mo kay Lester na buntis ka!", tugon ni Faye, at saka inalalayan siya nitong tumayo."Pero buntis din si Scarlet at ikakasal na sila mars!!!""Eh ano ngayon? I'm sure ikaw naman ang pipiliin ni Lester eh, lalo na pag nalaman niyang dinadala mo ang anak niya", wika ni Faye."Ayokong sabihin mars, ayokong magkakagulo pa sila kaya uuwi na lang ako sa probinsya namin.""Bakit kung uuwi ka ba sa tingin mo hindi ka magkakaproblema? Anong sasabihin mo sa pamilya mo aber? Natural magtatanong talaga ang mga iyon kung sinong ama ng batang dinadala mo! So, anong sasabihin mo?
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah