Pagkatapos na maihatid si Donya Lucita sa kanyang huling hantungan, unti-unti ng nagsipag-alisan ang mga taong nakikipaglibing. Nauna na rin sa ancestral house ang mga kamag-anak ni Lester ngunit ang binata ay nanatili pa rin sa puntod ng kanyang lola. Naiwan din sina Zha zha, Leandro, Faye at Valerie.“Bro, tama na ‘yan”, isang mahinang tapik sa balikat mula kay Leandro.“Uuwi na tayo sa bahay niyo Les”, wika ni Zha zha."Lester iho, that's enough, hindi magiging masaya ang lola mo 'pag nakikita kang malungkot", sabi naman ni Madam Elena na noo'y lumapit din sa puntod ng kanyang biyenan."Tayo na sa bahay at doon nalang tayo mag-usap", dagdag na wika ng ina ng lalaki.Ngunit nagsawalang-kibo lang ito ni hindi man lang ito tumingin sa mommy niya. Kaya tumalikod na lang si Madam Elena at nagpaalam na mauna na ito. Alam naman ni Valerie na iniiwasan siya ng ina ni Lester. Palagi nga lang itong nakasimangot kapag nakatingin siya rito. Ngunit hindi nalang niya pinansin kasi hindi rin nam
Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi ni Valerie sa ancestral house sa Batangas, ay bumalik na rin sila ni Lester sa Maynila. Buti nalang at hindi naman grumabe ang lagnat nito at gumaling ito kaagad. Nauna nang umuwi si Faye dahil dalawang araw lang naman ang hiningi nitong leave of absence kaya sumabay na lamang ito kina Leandro at Zha zha kahapon. Ang mga katulong naman nila sa malaking bahay sa Loyola ay umuwi na rin kahapon dahil hindi naman pwedeng walang tao sa mansyon. Si Madam Elena naman ay lumuwas na rin kahapon pagkatapos itong makikipaglibing dahil may aasikasuhin pa raw itong importante. Hindi tuloy maintindihan ni Valerie kung bakit mas pinili pa nitong iwan ang kanyang anak na nasa matinding kalungkutan para lamang sa kung ano mang bagay na pinagkakaabalahan niya. Kaya hindi rin nito masisisi si Lester kung malayo ang loob nito sa kanya dahil hindi naman ito naging mabuting ina sa kanyang anak. Kulang ito ng pagmamahal at pag-aaruga kay Lester kung kaya't mas malapi
Pasado alas dyes na ng umaga ng magising si Lester. Hindi niya alam na nakatulog pala siya ng mahabang oras. Bigla niyang naisip na ngayon pala ang unang araw niya sa pabrika. Kaya nagmamadali siyang bumangon at tinungo ang banyo. Sinulyapan niya saglit ang kama para tingnan kung nasa higaan pa si Valerie ngunit maayos na ang kama at nakatupi na ang kumot. Sana naman ay ginising siya nito at ng mahatid niya ito sa pinapasukan nitong bangko. Matapos niyang makapagshower ay agad na siyang nagbihis. Kulay blue na long sleeve ang kanyang napiling suotin at isang black na trouser. Itinupi niya hanggang siko ang sleeve at hinayaan niyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas. Pagkatapos, ay nagmamadali siyang bumaba ng hagdan at nakita naman siya kaagad ni Aling Martha. "Good morning po sir, aalis na po ba kayo? Hindi na po ba kayo magkakape man lang?", nag-aalalang tanong ng katulong. "Uhm, hindi na po manang. Masyado na akong late sa trabaho eh!". "Sir, pinapasabi po ni ma'am Valeri
Palakad-lakad lang si Valerie sa loob ng kwarto, dahil hindi talaga siya mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Lester. Alas dos na ng madaling araw, ngunit wala pa rin ito. Tinawagan na ni Zha zha ang posibleng puntahan nito ngunit wala ring maibigay na impormasyon. Alalang-alala na siya sa lalaki baka kung napa'no na ito. Laganap pa naman ang krimen sa Maynila. Ayaw niyang mag-isip ng negative ngunit hindi talaga niya maiwasang mag-alala rito. Sinubukan niya ulit tawagan ang cellphone ni Lester ngunit hindi talaga niya makontak. Hindi naman siya makatulog sa kakaisip sa lalaki. Magkahalong kaba at guilt ang naramdaman niya dahil sa mga sinabi niya kanina. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan. Abot-abot ang kaba sa puso niya. Sana nga lang ay walang nangyaring masama kay Lester dahil hindi talaga niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may masamang nangyari dito. Hindi naman kasi niya sinadyang masabi iyon. Napipikon na kasi siya kaya hindi niya
Isang linggo na ang nakalipas ngunit ramdam pa rin ni Valerie ang malamig na pakikitungo ni Lester sa kanya. Hindi sila nag-uusap at wala silang kibuan sa isa't isa kahit magkasama sila sa bahay. Hindi na rin sila nagkakasabay kumain dahil maaga siyang umalis ng mansyon. At sa gabi naman, maaga din siyang natutulog. Kahit nakakaramdam siya ng lungkot sa naging sitwasyon nila ng lalaki, ngunit wala naman siyang magagawa, ayaw din naman niyang ipilit ang sarili niya dito. ““Uhm, mars, musta ang pag-enrol mo sa driving school?”, tanong ni Faye isang umaga sa bangkong pinapasukan nila. Maaga siyang pumasok dahil tiyak niyang marami siyang nakabinbing trabaho. Hindi niya alam na maaga din pumasok ang kaibigan niya kaya nagkaroon pa sila ng time para mag-usap ng mga bagay-bagay na hindi related sa trabaho. "Okay lang mars! Sa awa ng Diyos, mabilis din naman akong natuto!", nakangiting sagot niya. "Wow, that's good mars!!!" Isang linggo siyang nagfile ng leave kasi gusto niyang makapagfoc
Hindi man nakapasok ng trabaho si Valerie dahil sa nagkasakit siya, ngunit hindi naman maipaliwanag ang kaligayahang kanyang nararamdaman dahil kasama niya si Lester buong araw sa bahay at ito ang nag-aalaga sa kanya. Kaya tuloy napag-isip-isip niya ang sinabi noon ng baklang si Georgia na sweet ang lalaki. Yon din naman ang sinabi ni Donya Lucita noong nabubuhay pa ito. Ngayon lang niya nakikita ang magandang katangian ng lalaki kaya nagtaka siya kung bakit nagawa ni Scarlet na iwan ito at ipagpapalit sa iba. Napakaswerte ng babaeng mamahalin nI Lester dahil napakamaalaga nito. Umabsent pa nga ito sa trabaho, para lang maalagaan siya gayong marami namang mga katulong sa bahay. Hindi niya maiwasang mapatitig dito habang abala ito sa kanyang ginagawa sa laptop. At bakit pa naman kasi dito nagtrabaho gayong may work studio naman ito. "Hwag mo akong titigan at baka magkamali-mali ako dito", seryosong sabi nito. Paano naman nalaman nitong nakatitig siya gayong hindi naman ito nakatingin
Nagising si Lester ng alas kwatro ng umaga. Bumangon siya at pumasok sa karugtong na silid kung saaan nakahiga si Valerie. Mahimbing pa itong natutulog kaya hindi nalang muna niya gigisingin. Kinuha niya ang kanyang bath towel at pumasok sa banyo ngunit sinulyapan muna niya saglit ang natutulog na dalaga. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maaalala niya ang nangyari kahapon. Alam niyang nagseselos ito kay Scarlet kaya nakipagsabayan din ito sa pagsuot ng swim suit. Hindi rin naman niya maiwasang humanga sa taglay nitong kaseksihan. Ngunit mas nangingibabaw ang labis na pag-aalala niya dito dahil kagagaling lang nito sa lagnat at biglang tumampisaw sa tubig sa pool. At dahil sa inis niya, napagsabihan tuloy niya ito ng hindi tama, kaya ito napahagulgol. Ngunit ang mas lalo niyang ikinabibigla ay ang sinabi nitong dapat niya itong halikan upang patawarin siya nito. Iyon din naman ang gustong-gusto niyang gawin sa simula pa lang kaya hindi na siya nakapagpipigil pa at siniil niya ito n
Alas tres na ng hapon nang magsara ang Banco de Oro. Excited na si Valerie dahil dalawang oras nalang at susunduin na siya ni Lester. Ngunit biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot nang mag flash ang pangalan ni Lester sa screen."Hello""Hello, Lerie. May emergency board meeting ako at baka matatagalan pa. I'm sorry pero hindi muna kita masusundo", sabi nito."Ah ganu'n ba? Okay lang Les, magko-commute na lang ako', tugon niya."Sorry talaga Lerie ha, biglaan kasi eh!""Okay lang Les. No worries."Alam naman niya kung gaano ka busy ang lalaki. Kaya naintindihan niya kung hindi siya masusundo nito. Isa pa, hindi rin naman obligasyon nito ang sunduin siya. Wala naman silang relasyon. Napabuntung-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit biglang tumamlay ang pakiramdam niya."Ba't ang lungkot mo mars? Hindi ka ba masusundo ng asawa mo?", tanong ni Faye. Ang sarap namang pakinggan ang word na "asawa" pero alam naman niya na sinabi lamg iyon ng kaibigan niya dahil
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah