Nagising si Lester ng alas kwatro ng umaga. Bumangon siya at pumasok sa karugtong na silid kung saaan nakahiga si Valerie. Mahimbing pa itong natutulog kaya hindi nalang muna niya gigisingin. Kinuha niya ang kanyang bath towel at pumasok sa banyo ngunit sinulyapan muna niya saglit ang natutulog na dalaga. Hindi niya maiwasang mapangiti nang maaalala niya ang nangyari kahapon. Alam niyang nagseselos ito kay Scarlet kaya nakipagsabayan din ito sa pagsuot ng swim suit. Hindi rin naman niya maiwasang humanga sa taglay nitong kaseksihan. Ngunit mas nangingibabaw ang labis na pag-aalala niya dito dahil kagagaling lang nito sa lagnat at biglang tumampisaw sa tubig sa pool. At dahil sa inis niya, napagsabihan tuloy niya ito ng hindi tama, kaya ito napahagulgol. Ngunit ang mas lalo niyang ikinabibigla ay ang sinabi nitong dapat niya itong halikan upang patawarin siya nito. Iyon din naman ang gustong-gusto niyang gawin sa simula pa lang kaya hindi na siya nakapagpipigil pa at siniil niya ito n
Alas tres na ng hapon nang magsara ang Banco de Oro. Excited na si Valerie dahil dalawang oras nalang at susunduin na siya ni Lester. Ngunit biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot nang mag flash ang pangalan ni Lester sa screen."Hello""Hello, Lerie. May emergency board meeting ako at baka matatagalan pa. I'm sorry pero hindi muna kita masusundo", sabi nito."Ah ganu'n ba? Okay lang Les, magko-commute na lang ako', tugon niya."Sorry talaga Lerie ha, biglaan kasi eh!""Okay lang Les. No worries."Alam naman niya kung gaano ka busy ang lalaki. Kaya naintindihan niya kung hindi siya masusundo nito. Isa pa, hindi rin naman obligasyon nito ang sunduin siya. Wala naman silang relasyon. Napabuntung-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit biglang tumamlay ang pakiramdam niya."Ba't ang lungkot mo mars? Hindi ka ba masusundo ng asawa mo?", tanong ni Faye. Ang sarap namang pakinggan ang word na "asawa" pero alam naman niya na sinabi lamg iyon ng kaibigan niya dahil
Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho si Valerie. Kagaya ng kanyang napagplanuhang gawin, ngayon siya bibili ng kotse. Bumangon siya sa higaan at saglit na nag-unat ng kanyang mga bisig. Nagtungo siya sa karugtong na silid upang silipin si Lester. Subalit wala na ito doon. Inisip niya baka nasa workout studio at nag dyi-gym. Ito na kasi ang weekend routine ng lalaki. Kinuha na lamang niya ang kanyang towel at pumasok sa banyo. Pagkatapos niyang maligo nagbihis siya ng blouse at square pants. Kadalasan ganitong klaseng damit ang kanyang sinusuot 'pag nasa bahay siya. Naglagay siya ng konting pulbo sa kanyang pisngi at nagpahid ng konting liptint sa kanyang labi. Matapos niyang suklayin ang kanyang buhok, lumabas na siya ng kwarto. Hinayaan na lamang niyang makalugay ang basa niyang buhok dahil nasa bahay lang naman siya. Pinapatuyo lang niya ito kapag may pasok siya sa trabaho o kaya'y may lakad siya.Nasa unang palapag ang work-out studio ni Lester. Kaya bumaba siya at nagtungo doo
"Bakit po manang, ano pong meron?", tanong ni Lester nang mapansin niyang abalang-abala ang mga katulong."Uhm..sir, di ba po reunion po ng family ninyo bukas?", mahinang sagot nv katulong.Bigla siyang natigilan dahil nakalimutan pala niya ang bagay na ito. Taun-taon nila itong ginagawa sa pagsapit ng buwan ng Oktubre. At kadalasan dito sa kanyang mansyon idadaos ang reunion. Napakalaki kasi ng bahay kaya ito ang napili ng karamihan na magiging venue.Kagaya ng dati, pupunta ang kanyang mga tita at tito pati na rin ang kanyang mga pinsan. Uuwi din ang iba pa nilang kamag-anak mula sa ibang bansa kaya alam niyang marami ang tao sa mansyon bukas. Ngunit bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan dahil ito ang kauna-unahang reunion na hindi niya makakasama ang kanyang lola. Masakit pa rin sa kanya ang pagkawala nito subalit kailangan na niyang magmove-on dahil alam niyang masaya na ito saan man ito naroroon ngayon."Manang, ano pa po ba ang mga kakailanganin? May caterer na po ba tayo?", ta
Kagaya ng sinabi ni Lester, nagsidatingan na ang mga kamag-anak nito, alas singko pa lang ng hapon. Hindi naman maiwasan ni Valeirie na kabahan kasi alam niyang ang mga ito ay nabibilang sa alta sosyedad. Unti-unti ng napupuno ang bakuran ng mansyon ng mga sasakyan. Kitang-kita niya ito mula sa bintana ng kanilang silid. Maya't maya'y pumasok si Lester sa kwarto at nakangiti itong tumingin sa kanya."Lerie, nandito na ang mga pinsan ko galing Batangas. Iyong iba paparating pa lang. Iyong mga tita at tito ko naman bukas pa raw ng umaga ang flight", sabi nito.Tumango lamang siya, saka umupo sa sopa. Umupo din ang lalaki sa tabi niya at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga."Les, bakit may problema ba?", tanong niya rito. "Naalala ko lang ang lola Lerie. Siguro kung buhay pa siya ngayon, malamang nandito na rin 'yon ngayon", malungkot na turan ng lalaki.Bigla naman siyang nakaramdam ng awa dito at kahit na siya man ay na mi-miss din niya ang matanda. Ngunit kelangan na talagang
"Good morning, Lerie", bati sa kanya ng lalaki. Bagong ligo na ito at nakabihis na. Mas lalo itong gumwapo sa paningin niya dahil sa suot nitong checkered polo na pinarisan naman ng itim na trouser at loafer shoes. Titig na titig ang lalaki sa kanya at hindi niya alam kung ilang oras itong nakaupo sa gilid ng kama. Agad naman siyang bumalikwas nang malaman niyang pasado alas syete na ng umaga. Ngayon lang siya natagalan ng gising kung kailan may mahalagang okasyong gaganapin sa mansyon."Dios mio! Ba't ang tagal kong nagising!", usal niya."Kanina ka pa Les?""Just 15 minutes ago. Okay lang naman, Lerie. Mamayang 9:00 pa naman magstart ang program", tugon ng lalaki."Maliligo muna ako Les", aniya sabay kuha ng tuwalya at mabilis na nagtungo sa banyo."Hihintayin kita dito Lerie", sabi ng lalaki at pumasok ito sa karugtong na silid.Nang matapos na siyang maligo, nagmamadaling kinuha niya ang hair blower upang patuyuin ang kanyang buhok. Matapos ang ilang sandali, kinuha niya ang dami
"This is totally shit! You cannot expect me na ganu'n lang kadaling matanggap ko na may kapatid ako sa labas! And the worst is, bunga pa ng pagtataksil mo kay daddy!", galit na wika ni Lester nang pumasok siya sa kwarto ng kanyang mommy, kinaumagahan pagkatapos ng reunion. Nagsiuwian na ang mga kamag-anak pati na rin ang kapatid niya na si Ivan, Hindi nga siya nakatulog sa kakaisip at kung hindi lang siya pinigilan ni Valerie, malamang sinira na niya ang okasyon kahapon."Lester, alam na ito ng daddy mo noon pa. In fact, gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya ngunit patuloy niyang iginiit ang kanyang sarili sa akin. Alam niya na hindi ko siya minahal at si Fernan ang mahal ko", pagpapaliwanag ng kanyang ina."Hindi mo alam na nag-utos ang daddy mo na patayin ang ama ni Ivan. At inilalayo niya sa akin ang anak ko at pinaniwala niyang namatay ito matapos kong ipanganak!""And do you think I believe you? Napakabait ni daddy and he is the perfect father for me! Alam ko kung gaano ka niya kam
Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho ngunit maaga pa ring nagigising si Valerie, palibhasa'y nasanay na siyang gumising ng maaga. Bumangon siya at nag-unat ng kanyang mga braso, at nagtungo sa banyo para maghilamos at magtootbrush. Mamaya na lamang siya maliligo, tutal wala naman siyang trabaho ngayon.Pagbukas niya ng pintuan ng banyo, nakatayo na doon si Lester at may tuwalya ng nakasampay sa balikat nito."Good morning Les, may lakad ka ba?", tanong niya."Ah..oo. may aasikasuhin ako sa pabrika, pero magha-half day lang ako,", tugon nito.Tinanguhan lang niya ito kasi alam naman niya kung gaano ito ka busy sa pagpapatakbo ng factory lalo na ngayong isa na itong CEO. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na ang lalaki na nakatapis ng tuwalya at naghahanap ng maisusuot sa kanyang closet. Pagkatapos pumasok sa karugtong na silid para magbihis. "Kumain ka muna Les", aniya."Magkakape lang ako. Kumain ka na lang mamaya ha. Aalis na ako.", sabi nito."Sige, ingat ka"Ngumiti lang ito
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah