Kumaripas ng takbo si Scarlet mula sa party venue at mabilis na sumakay sa kanyang kotse. Masyado siyang napahiya dahil akala niya kakampihan siya ni Lester. Ano pa't nais pa nitong humingi siya ng tawad kay Valerie? Over her dead body! Hindi niya ugali ang nagso-sorry. "Hindi kita aatrasan Valerie! Hinding-hindi ako papayag na matatalo ako ng isang katulad mo lang!!!', galit na wika niya sa kanyang sarili. Ngayon lang niya na realize na mahal pala talaga niya si Lester, kung kailan may asawa na ito. Bukod sa kadahilanang kailangan niya ang lalaki para maisalba niya ang kanilang palubog na negosyo, hindi niya maaatim na tuluyang mawala ito sa kanya kaya babawiin niya ito kahit sa ano pang kaparaanan. Ngunit paano niya gagawin ang pagbawi niya rito gayong sa tingin niya mahal na nito ang kanyang asawa? Kailangang makahanap siya ng paraan para muling mapasakanya si Lester. At wala siyang ibang maisip na makakatulong sa kanya kundi ang ina nito. Alam niyang botong-boto pa rin si Madam
Habang abala si Valerie sa kanyang computer ay bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Lester. Hindi niya alam kung ba't bigla itong napatawag sa oras ng trabaho. Tumayo siya at nagpunta sa ladies' room para sagutin ang tawag ng lalaki. "Hello" "Lerie", gumagaralgal ang boses nito sa kabilang linya at halatang umiiyak ito. "Nasa ospital si Lola at kritikal ang kanyang kalagayan". "Oh God!", bulalas niya. "Kailangan nating puntahan si Lola, Lerie". "Sige Les, magpapaalam muna ako kay Sir ha!". "I'll pick you up an hour from now", sabi nito. Bigla naman siyang nakaramdam ng lungkot sa ibinalit ni Lester. Napamahal na rin naman sa kanya si Donya Lucita kaya nag-alala talaga siya sa kalagayan nito. Kinausap niya ang kanyang manager at nagpaalam siya na magleave muna. Pumayag naman ang boss niya kaya wala siyang naging problema. "Ay, nakakalungkot naman ang balitang iyan mars!", wika ni Faye. "Kaya nga mars eh, mabait pa naman sa akin si Don---ay ang lola ko at para na niya ak
Patuloy pa rin ang pagluluksa ni Lester dahil sa pagpanaw ng kanyang lola. Dalawang linggo na itong nakaburol sa kanilang ancestral house dahil hinihintay pa nila ang iba pa nilang kamag-anak mula sa ibang bansa. Kaya sa tuwing nakikita niya ang kabaong nito, ay paulit-ulit din siyang nasasaktan. Napakasakit para sa kanya ang maiwan ng isang taong nag-aruga, nag-alaga at walang sawang nagmahal sa kanya simula pagkabata niya hanggang ngayon. At kahit na malaki na siya ay ang kapakanan at kaligayahan pa rin niya ang tanging iniisip nito. His life will never be the same again without his lola and he will forever miss her.Samantalang si Valerie naman ay alalang-alala na rin kay Lester dahil ilang gabi na itong hindi nakatulog. Nakaupo lang ito malapit sa kabaong ng kanyang lola habang ang mga siko ay nakapatong sa mga hita nito, at ang ulo nito'y nakasubsob sa kanyang mga palad. Hindi naman niya kayang iwanan ito kaya nagpaalam na lamang siya sa kanyang boss na mag li-leave muna siya ng
Pagkatapos na maihatid si Donya Lucita sa kanyang huling hantungan, unti-unti ng nagsipag-alisan ang mga taong nakikipaglibing. Nauna na rin sa ancestral house ang mga kamag-anak ni Lester ngunit ang binata ay nanatili pa rin sa puntod ng kanyang lola. Naiwan din sina Zha zha, Leandro, Faye at Valerie.“Bro, tama na ‘yan”, isang mahinang tapik sa balikat mula kay Leandro.“Uuwi na tayo sa bahay niyo Les”, wika ni Zha zha."Lester iho, that's enough, hindi magiging masaya ang lola mo 'pag nakikita kang malungkot", sabi naman ni Madam Elena na noo'y lumapit din sa puntod ng kanyang biyenan."Tayo na sa bahay at doon nalang tayo mag-usap", dagdag na wika ng ina ng lalaki.Ngunit nagsawalang-kibo lang ito ni hindi man lang ito tumingin sa mommy niya. Kaya tumalikod na lang si Madam Elena at nagpaalam na mauna na ito. Alam naman ni Valerie na iniiwasan siya ng ina ni Lester. Palagi nga lang itong nakasimangot kapag nakatingin siya rito. Ngunit hindi nalang niya pinansin kasi hindi rin nam
Pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi ni Valerie sa ancestral house sa Batangas, ay bumalik na rin sila ni Lester sa Maynila. Buti nalang at hindi naman grumabe ang lagnat nito at gumaling ito kaagad. Nauna nang umuwi si Faye dahil dalawang araw lang naman ang hiningi nitong leave of absence kaya sumabay na lamang ito kina Leandro at Zha zha kahapon. Ang mga katulong naman nila sa malaking bahay sa Loyola ay umuwi na rin kahapon dahil hindi naman pwedeng walang tao sa mansyon. Si Madam Elena naman ay lumuwas na rin kahapon pagkatapos itong makikipaglibing dahil may aasikasuhin pa raw itong importante. Hindi tuloy maintindihan ni Valerie kung bakit mas pinili pa nitong iwan ang kanyang anak na nasa matinding kalungkutan para lamang sa kung ano mang bagay na pinagkakaabalahan niya. Kaya hindi rin nito masisisi si Lester kung malayo ang loob nito sa kanya dahil hindi naman ito naging mabuting ina sa kanyang anak. Kulang ito ng pagmamahal at pag-aaruga kay Lester kung kaya't mas malapi
Pasado alas dyes na ng umaga ng magising si Lester. Hindi niya alam na nakatulog pala siya ng mahabang oras. Bigla niyang naisip na ngayon pala ang unang araw niya sa pabrika. Kaya nagmamadali siyang bumangon at tinungo ang banyo. Sinulyapan niya saglit ang kama para tingnan kung nasa higaan pa si Valerie ngunit maayos na ang kama at nakatupi na ang kumot. Sana naman ay ginising siya nito at ng mahatid niya ito sa pinapasukan nitong bangko. Matapos niyang makapagshower ay agad na siyang nagbihis. Kulay blue na long sleeve ang kanyang napiling suotin at isang black na trouser. Itinupi niya hanggang siko ang sleeve at hinayaan niyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas. Pagkatapos, ay nagmamadali siyang bumaba ng hagdan at nakita naman siya kaagad ni Aling Martha. "Good morning po sir, aalis na po ba kayo? Hindi na po ba kayo magkakape man lang?", nag-aalalang tanong ng katulong. "Uhm, hindi na po manang. Masyado na akong late sa trabaho eh!". "Sir, pinapasabi po ni ma'am Valeri
Palakad-lakad lang si Valerie sa loob ng kwarto, dahil hindi talaga siya mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Lester. Alas dos na ng madaling araw, ngunit wala pa rin ito. Tinawagan na ni Zha zha ang posibleng puntahan nito ngunit wala ring maibigay na impormasyon. Alalang-alala na siya sa lalaki baka kung napa'no na ito. Laganap pa naman ang krimen sa Maynila. Ayaw niyang mag-isip ng negative ngunit hindi talaga niya maiwasang mag-alala rito. Sinubukan niya ulit tawagan ang cellphone ni Lester ngunit hindi talaga niya makontak. Hindi naman siya makatulog sa kakaisip sa lalaki. Magkahalong kaba at guilt ang naramdaman niya dahil sa mga sinabi niya kanina. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan. Abot-abot ang kaba sa puso niya. Sana nga lang ay walang nangyaring masama kay Lester dahil hindi talaga niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may masamang nangyari dito. Hindi naman kasi niya sinadyang masabi iyon. Napipikon na kasi siya kaya hindi niya
Isang linggo na ang nakalipas ngunit ramdam pa rin ni Valerie ang malamig na pakikitungo ni Lester sa kanya. Hindi sila nag-uusap at wala silang kibuan sa isa't isa kahit magkasama sila sa bahay. Hindi na rin sila nagkakasabay kumain dahil maaga siyang umalis ng mansyon. At sa gabi naman, maaga din siyang natutulog. Kahit nakakaramdam siya ng lungkot sa naging sitwasyon nila ng lalaki, ngunit wala naman siyang magagawa, ayaw din naman niyang ipilit ang sarili niya dito. ““Uhm, mars, musta ang pag-enrol mo sa driving school?”, tanong ni Faye isang umaga sa bangkong pinapasukan nila. Maaga siyang pumasok dahil tiyak niyang marami siyang nakabinbing trabaho. Hindi niya alam na maaga din pumasok ang kaibigan niya kaya nagkaroon pa sila ng time para mag-usap ng mga bagay-bagay na hindi related sa trabaho. "Okay lang mars! Sa awa ng Diyos, mabilis din naman akong natuto!", nakangiting sagot niya. "Wow, that's good mars!!!" Isang linggo siyang nagfile ng leave kasi gusto niyang makapagfoc
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah