Share

KABANATA 24

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ako naman lahat ang humiling sa ginawa niya ngunit sinasakop ako ng kaba. Pakiramdam ko mali yatang utusan siyang putulin ang puno. Hindi na rin ako umasang pupunta siya lalo't maulan at gabi.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Gusto kong kumalma at iwasan ang selos. Ngunit sa tuwing sumasagi silang dalawa ni Lalay sa isipan ko ay nagngingitngit ang damdamin ko.

Napakurap ako sa muling pag-ilaw at pagtunog ng cellphone ko. Nanatili lamang akong nakatitig doon at ni hindi magalaw ang kamay upang sagutin. Nauwi lamang iyon sa missed calls.

Dati halos abangan ko ang mga tawag niya o kaya naman ay binabalak na tawagan ko pa siya. Ngunit sa nangyari, iniiwasan ko na ang tawag niya. Ilang araw ko ng hindi sinasagot. Hindi na rin ako natulog sa kwarto niya. Halos minu-minuto ang tawag niya.

I felt like a big bad influence to him. Gusto kong pinagbibigyan niya ako ngunit natatakot akong makagawa pa siya ng mali nang dahil lang sa akin.

"Heavs, uuwi na ak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
thanks Ms A sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status