Puno ng takot ang nararamdaman ngayon ni Leila. Sa itsura pa lang ni kennedy ay talagang desidido ito na maangkin siya ngayon. ngayon lang niya nakitang ganito si kennedy. malayong malayo sa pagkakakilala niya rito. "KENNEDY HINDI PWEDE. PLEASE MAAWA KA! MARAMI PANG IBA DIYAN. HUWAG NAMAN AKO. HAYAAN MO NA AKO. HINDI TAMA ITO. PAKIUSAP PLEASE???" Talagang pinipilit ni Leila na lumaban. iniiwasan niya ang mga halik ni kennedy. Ginagawa niya ang lahat para makalaban dito. Bagamat lalaki si kennedy at hamak na mas malakas sa kaniya ay nanindigan pa rin si Leila na hindi niya hahayaang makuha ni kennedy ang gusto niya. Naroon yung tumatawag na siya sa Panginoon upang humingi ng tulong at magkaroon ng himala. "Diyos ko, huwag niyo po sanang hayan na magtagumpay si kennedy. Ang gusto ko lang naman po ay maayos ang lahat ngunit bakit ganito? kayo na po ang bahala," dalangin ni Leila. patuloy pa rin niyang nilalabanan si kennedy. Iniisip niya ang kaniyang mag-ama. Masakit kay kennedy na k
JOHN ENRIQUEZ POINT IF VIEW My day is ruined. In truth, I shouldn't be affected by what that old woman said because it's part of the past. I don't know if what she said is true or not. My point is, it was just a one-night stand between me and her daughter. A social climber who likes to get involved with wealthy guys like me. Na gusto akong makarelasyon pero noong panahon na iyon ay hindi talaga ako nag-cocommit para makipag relasyon. baliw ang babaeng yon. pati ang ina niya ay baliw din. Anong magagawa ko kung patay na ang anak niya. Hindi naman ako yung pumatay. hayyy... sira na talaga ang araw ko. "tss, anong hindi ako sasaya? bakit, Diyos ka ba para diktahan ang mangyayari?" inis kong sabi sa hangin. Inutusan ko ang mga tauhan ko na ligpitin na mabuti ang kalat dito. Wala na. sira na ang araw ko kaya hindi na ako makakapagtrabaho ng maayos. i cancelled all my appointments and meetings today and decided to go home. Sure ako na kapag nakita ko ang mag-ina ko ay kahit papaano
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Habang papalapit ako sa kwartong tinuro sa akin ng nurse kung nasaan si Leila ay para bang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko. Kasabay ng dibdib ko na napakabigat din at puno ng takot at pag-alala. Parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang babaeng mahal ko na naririto dahil sa kapabayaan ko. Dapat mas dobleng pag-iingat ang ginawa ko. I should checked her while im in work. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko mapapatawad si kennedy sakaling mapatunayan ko na siya nga ang may gawa nito. Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong nararamdaman ko ngayon. Naiiyak ako hindi pa man din. Oo, hindi ako naging perpekto at may mga nagsasabi na darating ang karma sa akin pero huwag naman ganito. Huwag namang idamay ang taong mahal ko. Si Leila, siya na ata ang pinaka inosenteng tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Busilak ang kaniyang puso at hindi niya deserve na masaktan. Nagbago ako para sa kaniya, dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Siy
JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW Bilang partner at sion to be her husband, ipinakita ko kay Leila na okay lang ang magkamali at hindi ko siya sinisisi sa nangyari sa kaniya. Oo. masakit sa akin ang nangyari at dito sa loob ng puso ko ay naroon ang hangarin na maghiganti at pagbayarin si kennedy. Gusto kong durugin ang buto niya ng pinong pino at mabulok siya sa kulungan. Talagang gagawin ko iyon. Para sa akin, walang kapatawaran ang ginawa niya. Na kahit saan pa siya magtago ay hahanapin ko talaga siya. Hindi ko ito palalampasin. Kaya lang ngayon, ipinauubaya ko na muna sa mga Pulis ang lahat. Ipinauubaya ko muna sa kanila ang paghahanap kay kennedy dahil may mas kailangan akong unahin at iyon ay si Leila. Ang sabi ng Doktor ay pwede naman na daw siyang umuwi at sa bahay na lamang magpagaling kaya naman matapos niyang magpahinga saglit dito sa ospital ay hinanda ko na ang mga kakailanganin niya paglabas. Physically, hindi pa talaga siya okay. Ang bakas ng pananakit ni kennedy sa
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW Pinalitan ni John ng kasiyahan ang malungkot na nangyari sa akin. Totoo ns hindi madaling kalimutan ang ginawa sa akin ni kennedy at labis na trauma ang iniwan nito sa akin. Pero dahil mabait pa rin ang Diyos, hindi niya ako pinabayaan. Mayroon pa rin akong pagkakataon na makasama ang mga taong mahal ko. Salamat at hindi ako napahamak. Nandito na kami ngayon sa mansyon kung saan ay dito na kami maninirahan. Napakalawak nito para sa aming tatlo. Napakagandang at napakaraming kwarto. Hindi ko pa ito nalilibot ng husto dahil kagabi, pagkakain namin ay dumiretso na kami kaagad sa kwarto at magkakatabing natulog. Nasa gitna namin ang aming anak na si baby Anya. Up until now, hindi pa rin ako makapaniwala na kami talaga ni John sa huli. Isang kilalang womanizer na takot sa commitments ay mapapangasawa ko na. Malaki na talaga ang pinagbago niya. Family oriented na siya ngayon at mahal na mahal niya kami ng anak ko. Kagaya ngayon, hindi talaga siya puma
Nagsimula na kaming kuhaan ng sukat ng team na kinuha ko na gagawa ng damit namin ni Leila. Sa ngayon ay kapwa kaming busy sa pagpili ng design na susuotin namin sa pinaka importanteng araw na mangyayari sa buhay namin ni Leila. Sobrang excited na ako hindi pa man din. Excited na akong makita siya na nakasuot ng trahedya de boda habang mabagal na naglalakad patungo sa altar kung saan ako mag-iintay. Hindi alam ni Leila kung gaano ang effort ko para lang sa araw ng kasal namin. Higit pa sa iniisip niya ang mga pinaplano kong mangyayari. Oo. nakaka presyur pero i think it will all worth it. Marami na akong kinausap na tao through call. Hindi na biro ang perang inilalabas ko masiguro lamang na magiging masaya ang soon to be Mrs. Enriquez ko. Busy si Leila sa baba habang ako naman at dalawa sa team ni David ay busy sa pag-aasikaso ng iba pang detalye ng kasal. Ang hindi alam ni Leila ay matagal na akong nakapili ng damit na susuotin ko sa kasal namin. Nakapagpamigay na rin ako
LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW "Ikaw na ata ang pinaka magandang bride na nakita ko sa buong buhay ko. Napaka ganda mo at napaka swerte ni Mr. Enriquez sa 'yo. No wonder kung bakit atat na atat siyang pakasalan ka. congratulations po Ms. Leila, hangad po ng aming team na maging masaya at puno ng pagmamahalan ang inyong pagsasama." "Maraming salamat! Masyado niyo naman akong pinupuri. Magaling kasi kayong mag-ayos kays naman mapaganda niyo ako ng ganito." "No, mam. talaga pong maganda kayo---sa lahat." "Oh, sige na nga naniniwala na ako. Oh, paano, maraming salamat muli sa inyo ng team niyo. Inaantay na ako ng groom ko." "Okay po mam, ingat po kayo!" Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. kaba, excitement at lungkot dahil sa napaka importante na araw na ito sa buhay ko ay wala ang taong dapat na maghahatid sa akin sa altar. namimiss ko ang inay pero alam ko na masaya niya akong pinapanood mula sa langit. Na kung ano man ang magandang nangyayari sa buhay ko ngayon ay
Finally, the long wait is over! Talagang tuloy na tuloy na ang kasalang JOHN & LEILA. Kinabahan man si John na baka hindi matuloy pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti dahil narito na siya ngayon sa harap ng altar at pinapanood si Leila na mabagal na naglalakad patungo sa altar na kinatatayuan niya na nakasuot ng puting damit na pang kasal na animoy prinsesa sa ganda at haba. kumikinam ang mga beads at Crystal na siyang disenyo nito na lalong nagpaningning sa ganda ni Leila. Mangiyak-ngiyak si John. Mixed emotion. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayon. Ganoon din si Leila, emosyonal siya ngayon dahil sa sobrang saya. Ilang hakbang na lang ay nasa altar na siya at tuluyan na silang mag-iisa ng lalaking pinaka mamahal niya. I never dreamed 'Cause I always thought that dreaming was for kids Just a childish thing And I could swear Love is just a game that children play And no more than a game 'Til I met you I never knew what love was 'Til I
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Congratulations you're 2 months pregnant, iha! kaya ka nahimatay ay dahil buntis ka. Nasa first trimester ka ng iyong pagbubuntis kaya ka nakakaranas ng pagsusuka at pananamlay. Reresatahan ka na lang namin ng mga bitamina na pwede mong inumin para maging healthy ka pati na rin si baby." "A-ano po? paki-ulit nga po ang sinabi niyo? totoo po ba na buntis ako?" "Oo, iha. Buntis ka." "Hala!" Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi ng Doktor ko. Aniya, ako ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. At kaya raw ako nakakaranas ng pagsusuka at pagkawalang ganang kumain ay dahil naglilihi na ako. "Bakit, iha? hindi ka ba natutuwa?" tanong ng Doktor sa akin dahil sa unang naging reaksyon ko. Imbes na matuwa ay parang nalungkot pa ako. "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko lang po ito inaasahan." Paliwanag ko. "Expected or not, you should be happy. Not everyone has given a chance to be pregnant. Naiintindihan kit
LEILA MERCEDEZ ENRIQUEZ POINT OF VIEW Simula ng piliin ko si John at magpakasal sa kaniya, naging masaya ako na parang natupad ko na rin ang mga pangarap ko. Naaalala ko dati, isa lang akong ganap na starlet na nangangarap sumikat para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya. Until John came into my life. It was a roller coaster love story. Too many ups and down. On and off. Mas marami yung hindi pagkakaintindihan kesa sa pagkakaunawaan. Minsan nga dati tinatanong ko ang aking sarili kung bakit si John pa? bakit sa taong babaero pa? Paulit-ulit kong tinanong kung worth it nga ba talaga si John kapalit ng mga pangarap ko? Pero noong dumating sa buhay namin si Anya. Nagbago ang pananaw ko. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ang anak ko hindi tulad ko noong kabataan ko. Si Anya ang magandang regalo na ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos. Dahil sa kaniya nabuo kami ni John muli at nagsimula ng panibagong yugto ng masaya. Naging masaya ang
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Walang hanggang pasasalamat para sa ama ni Mallory at tinulungan niya ako. Lalong lalo na kay Mallory na siyang nakiusap sa kaniyang ama na Attorney para makalaya ako. Sa wakas... sa loob ng isang buwan at tatlong taon na pagdurusa sa loob ay muli ko nang nasilayan ang ganda ng syudad. Nakakapanibago. Maluwag na ngayon ang lugar na gagalawan ko ulit. Hindi na masikip at sikisikan. Mapupuntahan ko na ulit ang mga lugar na akala ko ay hindi ko na Mapupuntahan. Ngayon ay sa isang panibagong apartment ako umuuwi. Si Mallory ang naghanap nito para sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw ko nang bumalik sa dati kong inuupahan. Ayaw ko na kasing maalala pa ang mga masasakit na pangyayari isang taon at tatlong buwan ang nakakaraan. Ayoko na ring maalala pa ang masasayang karanasan namin ni Anya. Ayoko na. Simula ngayon magsisimula ako ng bagong buhay. Wala na akong balak na bumalik pa sa pag-aaral. Para saan pa? galing na ako ng kulungan at
"Jarren's case involves theft, illegal drug use, and complaints of intimidation against women. He's accused of extorting money from women he's in relationships with by threatening them." wika sa kabilang linya ng sinabi ng kaniyang ama na 'Pulis daw'. "Hindi yan totoo. Hindi ganoon si Jarren." Halos mapatakip si Anya ng bibig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. "Pero iyon ang totoo. ikukulong ba siya kung hindi? Anya hindi bakla si Jarren. Nagsisinungaling siya tungkol sa pagkatao niya para ano? para lokohin ka?" "Alam ko 'yon, dad! Matagal ko ng alam na hindi bakla si Jarren. Ang totoo niyan may relasyon kami. Nahulog ako sa kaniya at kasalanan mo dad kung bakit? ikaw ang naglapit sa amin. babae ako at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko na hindi niyo kayang ibigay. Daddy, mahal ko si Jarren!" "Mahal ka ba niya?" "Oo. at sigurado ako doon!" "Nah, I don't think so! Kung mahal ka talaga niya, bakit kailangan niyang i-record ang ginagawa niyo?" "A-ano
"Good afternoon. We're police officers. We're here to execute a search warrant on your house." "What? Why?" "It's about the missing necklace. You're the suspect, so we need to search your belongings." "What necklace? I didn't steal anything. You can search all my belongings." "Search the entire area. Go through each item one by one." "Sir, positive. This is the necklace. I found it inside his shoe." "No. I don't know how it got there! I didn't take anything. I didn't steal it. I know the owner of that necklace. She's my girlfriend, so it's impossible for me to steal it." "Maybe it's best if you explain yourself at the police station. We're arresting you because we found the necklace on you." Walang ka alam-alam si Anya tungkol sa pagkakakulong ni Jarren. Umalis siya mula sa bahay nito ng masaya at maayos. Ang hindi niya alam ay pagkaalis niya ay siya namang may pumuntang mga Pulis at dinampot ito. Anya had no Idea na nakuha kay Jarren ang nawawala niyang kwintas.
JOHN POINT OF VIEW. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na ngayon ay alam ko na ang totoo. Paano kung huli na? Paano kung napagsamantalahan na ng Jarren na yan ang anak ko? Baka makapatay ako! Kahit paano ko isipin, dinadala ako sa iisang kasagutan. Hindi ako mapili pagdating sa mamahalin ng anak ko. Wala akong paki kung mayaman ba o mahirap. Basta mahal ng anak ko, pipilitin kong gustuhin! Kaya lang sa sitwasyon na ito, hindi ko kayang tanggapin si Jarren kung totoo man na may itinatago silang relasyon ng anak ko. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang mga taong sinungaling, manggagamit, at mapagsamantala. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang kinatatakutan ko. Ang matulad ang anak ko sa mga naging babae ko noon. Bilang ama napaka sakit non. Ayokong mangyayari sa anak ko ang mga pangit na karanasan na binigay ko sa mga dumaan na babae sa akin noon. Hindi ako makagawa-gawa ng unang hakbang dahil kulang ako ng sapat ng ebidensya. Oo, bagamat nagsinungaling si Jarr
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW I GET IT! Valid naman talaga na mag-alala sila Daddy dahil hindi naman talaga biro ang halaga ng kwintas na nawawala. Bukod doon, regalo niya iyon sa akin at alam ko na mahalaga ito ss kanila. Its not just a necklace, it is a Precious gift for their daughter. Ako din naman, pinahahalagahan ko yon. Lahat bg binibigay nila sa akin ay pinahahalagahan ko ng husto. Hindi ko naman ginusto na mawala ito. Actually, suot suot ko pa ito kagabi. Suot ko pa 'yon habang nag-ses&x kami ni Jarren. Iyon lang ang tanging bagay na hindi niya hinubad sa akin. Kaya lang nasaan na kaya 'yon? Ngayong umaga tuloy ay nagkakagulo kami dito sa bahay. Syempre, hahanapin at hahanapin namin iyon kahit pa sabihin na marami namang pera ang mga parents ko at kayang kaya nila ako bilhan ng panibago. Pero dahil nga mahalaga ito sa kanila, hinahanap pa rin nila. "Iyon na nga, eh! Saan mapupunta yon? kung nandito lang yon nandito lang yon. Hindi yon mawawala unless may kumuha! unl
Sabay sabay naghapunan ang apat. Masaya silang nagkwentuhan sa harap ng hapag kainan. Lalo na ang mag-ina, marami silang napag-usapan ni Anya na tila ikinatuwa ng puso ni Leila. Maya maya pa ay nauna nang nagpaalam si Anya na papasok sa kwarto. Sumunod naman si John na nag-aya na sa kwarto. Huling pumasok si Jarren. Si Anya, nakatingin lang siya sa orasan hanggang lumalim ang gabi. Iniintay niya na maghating gabi para makasama ang nobyo. "Oh My Jarren! sobrang ginalingan mong magmahal kaya heto hindi ako mapakali nang hindi ka nakakatabi. I Hate this. gusto ko lagi tayong magkasama." Ang pusong nagmamahal ay hindi napipigilan. Hindi natatakot at palaging gustong sundin ang tinitibok ng puso. Tulad ni Anya, bagamat nandito na ang kaniyang mga magulang ay hindi iyon hadlang para matakot siya. Gustong gusto niya si Jarren at inlove na inlove siya dito na kahit siguro siraan pa ay hindi magbabago ang pagtingin niya rito. Si Jarren ang una sa lahat ng kaniyang unang karanasan ka
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Hindi madali sa pakiramdam ang tumira dito ngayong nandito na ang mga magulang ni Anya. May guilt akong nararamdaman dahil mabuti naman ang intensyon ko sa anak nila pero may kailangan pa akong linawin at ipaliwanag. Hindi ko ginusto na magsinungaling o magpanggap. Hindi ako ganon. Isa pa, hindi ko gawain na manloloko ng tao. Ang problema ay hindi pa pwede. Hindi pa ito ang tamang panahon. wrong timing. Nadatnan pa nila na magkasama kami sa iisang kwarto kaya no choice tuloy ako kung hindi patuloy na magpanggap na bakla. Ayoko na sanang ipagpatuloy pa ang pagpapaniwala sa kanila ng bakla ako. Kaya lang wala, eh. Kung hindi ko gagawin yun mas lalong magagalit sila at mag-iisip kung ano ang ginagawa namin sa loob ng kami lang. Aware ako kung gaano kamahal si Anya ng kanyang mga magulang at kung hindi ako nagpanggap na bakla ay baka mapatay nila ako ng di oras. Hindi ko pinagsisisihan ang aking kapangahasan. Mahal ko si Anya at nakahanda ako