Finally, the long wait is over! Talagang tuloy na tuloy na ang kasalang JOHN & LEILA. Kinabahan man si John na baka hindi matuloy pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti dahil narito na siya ngayon sa harap ng altar at pinapanood si Leila na mabagal na naglalakad patungo sa altar na kinatatayuan niya na nakasuot ng puting damit na pang kasal na animoy prinsesa sa ganda at haba. kumikinam ang mga beads at Crystal na siyang disenyo nito na lalong nagpaningning sa ganda ni Leila. Mangiyak-ngiyak si John. Mixed emotion. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayon. Ganoon din si Leila, emosyonal siya ngayon dahil sa sobrang saya. Ilang hakbang na lang ay nasa altar na siya at tuluyan na silang mag-iisa ng lalaking pinaka mamahal niya. I never dreamed 'Cause I always thought that dreaming was for kids Just a childish thing And I could swear Love is just a game that children play And no more than a game 'Til I met you I never knew what love was 'Til I
Sa unang taon na pagsasama ni John at Leila bilang mag-asawa, larawan sila ng isang perpektong pamilya. Si John ay huminto sa pagtratrabaho at nag-focus sa kanilang pamilya. Isinantabi niya ang trabaho kapalit ng makasama ang kaniyang pamilya. Gusto kasi ni John na enjoyin ang buhay kasama ang mag-ina niya. Kagaya ngayon na isang taon na si Anya at nasa edad na kalikutan. Naglalakad na at palaging hinahabol ng kaniyang ina. Habang dumadaan ang araw ay palikot na nang palikot si baby Anya kaya naman doble alaga talaga ang ginagawa ng mag-asawa. Talagang todo bantay, palibhasa'y hindi pa nasusundan kaya naman spoiled talaga ang bata. Sa pangalawang taon naman ng pagsasama nila bilang mag-asawa, ganun pa din. Masaya pa rin ang kanilang pagsasama. #happywife lagi si Leila dahil hindi nagkukulang si John bilang padre pamilya. A good provider and sa gabi naman ay good pleasurer itong si John. Talagang hindi rin siya nagkukulang kay Leila. Halos gabi gabi niya itong inaangkin sa kama.
ANYA POINT OF YOU. "To be honest, I'm still struggling to adjust to life here in America. It's so different from the Philippines. There are so many things I'm not used to doing, like going to school alone. In the Philippines, I had a driver who would pick me up and drop me off after school, but now I have to drive myself. I miss Mommy's breakfast. In the Philippines, Mommy would cook for me before I went to school, but now I go to school on an empty stomach and rely on fast food for lunch." Going through a lot of changes, and it's understandable that I find it difficult to adjust. It's a big transition to move to a new country and adapt to a different culture. Kailangan kong kayanin ito dahil kinakaya nga ni Daddy yung sakit niya. Ano ba naman itong simpleng pag-aadjust? Oo. pinalaki akong spoled ni mommy at daddy pero hindi nila ako pinalaking mahina. Mag-aaral akong mabuti para masuklian ko ang lahat ng paghihirap nila sa akin. Palagi ko silang mamahalin at bibigyan ng karanga
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "This is the first time I felt my heart beat so fast. I can't explain why I felt that way when that guy came and saved me." It sounds like i experienced a powerful feeling of gratitude and perhaps even attraction. Its uncommon. He's handsome and very gentleman. Ewan ko ba na sa kabila ng pangit na nangyari ngayong araw sa akin ay heto at nakukuha ko pang ngumiti mag-isa. Naiisip ko lagi ang guwapong mukha niya. Anong year na kaya siya? Anong course niya? gusto ko ulit siyang makita bukas! Nandito na ako ngayon sa bahay. katatapos ko lang maligo at magbihis. Ako lang ang tao dito sa bahay dahil nga nandoon si Daddy kasama ang mommy para sa kaniyang heart therapy. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinisipat kong maigi ang mukha ko sa repleksyon sa salamin. "Nagagandahan kaya siya sa akin?" pagkausap ko sa sarili sa harap ng salamin. Lumaki ako ng hindi naging malapit sa kahit sinong lalaki at never nagkaroon ng pagkakata
Dahil kay Jarren, unti-unti ko nang nagugustuhan ang buhay na mayroon ako dito. Akala ko puro lungkot na lang. Nasanay kasi ako na sobra akong inaalagaan ng mga magulang ko. Yung tipong bantay na bantay ako para masiguradong walang makakapanakit sa akin o may mangyayaring masama. Malungkot ako sa sitwasyon na mayroon kami ng pamilya ko ngayon. Yung tipong bigla na lang naging ganito na dati ay larawan kami ng isang masaya. Ang hirap kasing maging masaya kapag may sakit ang isa sa magulang mo. Mahirap yung araw-araw na hindi mo sila nakakasama at ang pinaka masakit ay alam mong araw-araw nakikipaglaban si Daddy sa kaniyang buhay. Buti na lang at may isang Jarren akong nakilala dito. Siya ang dahilan ng pagngiti ko. Siya ang inspirasyon ko para sipagin ako na pumasok sa University. Kahit bago ko pa lang siyang nakikilala alam ko kaagad na may mabuti siyang puso. Sana bukas magkita kami ulit. Kinabukasan, Ganoon pa din. Maaga akong gumising para mamili ng damit na susuotin. Maula
I am Jarren, 25, and I live here in America as a student during the day and work at a fast food chain at night. We used to be wealthy and my parents ran a company in the Philippines, but my dad had bad luck and the company went bankrupt, leaving us in debt. We were forced to move abroad to keep my dad from going to jail, so here I am, enduring this life to finish college. Then I got a job that would give me enough income to pay for my studies. America is so big, and imagine, my dad met his former business partner here. Si Daddy kasi ay kasulukuyang nagtratrabaho as billing staff dito sa isang malaking ospital sa America mga 2 months na and it happens na dito pala nagpapagaling ang kaniya noong dating kaibigan/business partner sa Pinas. Nagkita sila. Nagkumustahan at nagkwentuhan. Hanggang nabanggit ni Daddy ang tungkol sa akin at sa kung ano ang sitwasyon namin dito. And Tito John made an offer. Dahil hindi pa kaya ni Daddy na suportahan ako sa pag-aaral dahil bago pa lang siy
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW RIGHT. Mali lang ata ako ng enterpretasyon. Totoo ngang mabait siya at ganoon din siya sa lahat. At oo. Kasalanan ko dahil yung dalawang beses na pagtulong niya sa akin ay nabigyan ko kaagad ng ibang kahulugan. I already fell for him without knowing him well. I start liking him not knowing that this feeling will eventualy hurt me. Kagaya ngayon, I saw him kissing a Girl. torriedly kissing. Nagselos agad ako at nasaktan nakita bagay na dati naman ay hindi ko nararamdaman. Its not Jarren's fault. it was mine. Kung bakit ako nasasaktan ngayon problema ko yon. Nagkagusto agad ako sa kaniya at nasanay ako na lahat ng gustuhin ko ay darating sa akin. but not Jarren. Nakita niya ako at tinawag sa aking pangalan. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita o narinig dahil hindi ako marunong magpanggap o magtago ng feelings. Sounds funny pero umiiyak ako. Nasaktan ako at hindi ko alam kung paano pagaanin ang nararamdaman ko ngayon. Sinubukan kong mag-focus sa
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW New me, New Anya here! Sinubukan ko lang naman na magkaroon ng pagbabago sa sarili ko. Something like for a change. Napansin ko kasi na hindi tanggap dito ang neird na katulad ko. Oo. neird ang tawag nila sa akin dahil sa suotan ko which is hindi naman ako neird. Sadyang lumaki lang ako ng ganito dahil iyon ang nakamulatan ko sa paligid ko. Na okay naman daw sabi ng aking mga magulang. Dito lang talaga pinagtatawanan ang nga baduy. kaya i'll just go with the flow na lang. "If this change in my appearance will also change the way the students here look at me, why not? If I can make friends here, why not? I grew up with so much love, so my heart is full of love too. I can give love to other people. I can do more for them." Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba ng sasakyan. Ang daming estudyante na papasok na rin sa University na kapwa mga napahinto sa kanilang kinatatayuan pagdating ko. Marahil ay nagandahan sila sa sasakyan na dala ko. "Wai
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Ito naman talaga ang pakay ko, ang makausap si Jarren at magkaroon ako ng pagkakataon na makahingi ng saglit na oras niya para makahingi ng tulong para sa anak namin. Nagulat lang ako nang sabihin ng guard na pumasok nga raw ako sabi ni Jarren. Nakakkapagtaka lang. Akala ko ay kinailangan ko pang magmakaawa para lang makapasok dito pero nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap. Pinapasok ako ng guard gaya ng pahintulot ni Jarren. Laking tuwa at pasalamat ko. Wala na akong atubili at pumasok na nga ako sa bakuran nila patungo sa loob kung saan ay naroon si Jarren at nag-aantay sa akin. Pagdating ko sa pinakaloob ay nakita ko agad si Jarren na nakaupo sa sofa. Nakasandal ng maigi ang likod, nakapikit, at nakatingala na para bang pagod na pagod buong araw. Naramdaman niya kaagad ang aking presensya. Agad niyang idinilat ang mga mata niya at napatingin sa akin. Bigla akong napipi dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. "What, Anya?" para bang
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW kakaunti lang ang naiuwu kong pinamili sa bahay dahil hindi ako natapos na mamili ng mga gamit ni baby dahil nga sa nangyari na pagkikita namin ni Jarren. Hindi naging maganda ang aming muling pagkikita at nauwi lang ito sa pagkasakit ng aking damdamin. Wala na akong Jarren na babalikan dahil kasal na siya kay Mallory. Malata akong pumasok ng bahay. Makikita mo talaga sa akin na para bang ubos na ubos ang lakas ko. Pagdating ko sa loob ay naabutan ko si mommy na busy sa pag-aayos sa sala. "Anya, what happened to you. nag-groceries ka lang pero bakit ganyan ang itsura mo?" yun agad ang bungad niya sa akin matapos akong makita. Hindi na para ilihim ko pa ang nangyari kanina. Kailangan ko rin na may mahingahan ngayon. Kailangan kong may masabihan. Hindi ako okay at hindi pa ako magiging okay dahil sa mga nalaman ko. "mommy si Jarren.. nagkita na kami mommy. Nandito siya sa Pinas." walang kagana-gana na sabi ko. Naupo ako sa sofa kung nasaan nakau
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW MAHIRAP PERO PARA SA ISANG INA NA NAGMAMAHAL SA KANIYANG ANAK AY WALANG HINDI KAKAYANIN. 9 Months. 9 months nang nakikipaglaban si baby Warren sa sakit niya at 9 months na ring nasa panganib ang buhay niya. Bilang ina, napakasakit sa part ko na makitang nahihirapan ang anak ko. Sino ako para sumuko? sino ako para pang hinaan ng loob? lumalaban ang anak ko kaya dapat ako rin. Hindi ako mauubusan ng pag-asa na balang araw ay diringgin ako ng Diyos at ibibigay niya sa akin muli ang taong kasagutan sa sakit ng anak ko. Kung titignan naman si baby Warren ay okay na okay naman siya. Masigla siya, malusog, at pala ngiti. Hindi mo talaga makikita sa kaniya na may dinaramdam. Lumalaki siya at gumagwapo lalo. Hindi dahil sa anak ko siya pero gwapo talaga at cute si baby Warren. mayroon siyang bilugan na mata at maitim at mahabang pilik mata. Matangos ang kaniyang ilong at mapula ang kaniyang labi. Nakakalito nga kung kanino niya namana ito kung sa akin
"Dad, kumusta? nagkita ba kayo ni Jarren? okay na ba siya? Nakalaya na? ano sabi? kailan niya pupuntahan si baby Warren?" Sabik na sinalubong ni Anya ang ama matapos nitong dumating. Nakarating kay Anya ang balita na pumunta ang ama sa US para puntahan si Jarren. Kaagad na sinalubong ng yakap ni Anya ang ama. "Sorry.... sorry, anak. Nahuli ako ng dating." malungkot na wika ni John sa anak. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa anak. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Biglang kinabahan si Anya sa nakitang itsura ng ama. Masaya na sana si Anya dahil finally ay natauhan na ang kaniyang ama at nakahanda na itong bawiin ang sinampa na kaso kay Jarren ngunit sa itsura nito ngayon ay tila nabawasan ang pag-asa na mayroon si Anya. "Wala na si Jarren doon. Nakalaya na siya. Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ang daddy kung nahuli ako ng dating. Patawarin mo ako anak kung hindi ko naiuwi ang taong kailangan ni baby Warren." Agad na tumulo ang masaganang luha sa mukha ni John. Pakiramda
"John, may sakit ang apo natin. Hindi lang basta sakit lang. May malalang sakit ang apo natin. Hindi lang sinasabi pa ng Doktor kay Anya dahil alam nila na may depresyon ang anak natin. John, anong gagawin natin? Paano kung mamatay ang apo natin?" "Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Gagaling siya! Ako, gagawin ko ang lahat para gumaling ang apo natin. Kahit ubusin ko pa ang kayamanan ko para lang gumaling siya." "Hindi ka Diyos! Hindi mo siya mapapagaling ng pera mo! Ang kailangan ng apo natin ay ang dugo ng ama niya. Si Jarren. Kailangan siya ng apo natin para mabuhay!" "Hindi. May iba pang option! hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Warren. Hindi tayo hihingi ng dugo niya." "Naririnig mo ba ang sarili mo? Buhay ng apo natin ang pinag-uusapan dito. Bakit ba ang self fish mo? John, buong buhay ko wala akong ginawa kung hindi ang sumunod at umayon sa lahat ng gusto mo dahil asawa kita at mahal kita pero hindi sa lahat ng oras tama ka. Tignan mo nga ang nangyayari ngayon? an
ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Congratulations you're 2 months pregnant, iha! kaya ka nahimatay ay dahil buntis ka. Nasa first trimester ka ng iyong pagbubuntis kaya ka nakakaranas ng pagsusuka at pananamlay. Reresatahan ka na lang namin ng mga bitamina na pwede mong inumin para maging healthy ka pati na rin si baby." "A-ano po? paki-ulit nga po ang sinabi niyo? totoo po ba na buntis ako?" "Oo, iha. Buntis ka." "Hala!" Napatakip na lang ako ng bibig sa pagkagulat. Hindi mag-sink in sa akin ang sinabi ng Doktor ko. Aniya, ako ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. At kaya raw ako nakakaranas ng pagsusuka at pagkawalang ganang kumain ay dahil naglilihi na ako. "Bakit, iha? hindi ka ba natutuwa?" tanong ng Doktor sa akin dahil sa unang naging reaksyon ko. Imbes na matuwa ay parang nalungkot pa ako. "Hindi naman po sa ganun. Hindi ko lang po ito inaasahan." Paliwanag ko. "Expected or not, you should be happy. Not everyone has given a chance to be pregnant. Naiintindihan kit
LEILA MERCEDEZ ENRIQUEZ POINT OF VIEW Simula ng piliin ko si John at magpakasal sa kaniya, naging masaya ako na parang natupad ko na rin ang mga pangarap ko. Naaalala ko dati, isa lang akong ganap na starlet na nangangarap sumikat para kumita ng mas malaki at makatulong sa pamilya. Until John came into my life. It was a roller coaster love story. Too many ups and down. On and off. Mas marami yung hindi pagkakaintindihan kesa sa pagkakaunawaan. Minsan nga dati tinatanong ko ang aking sarili kung bakit si John pa? bakit sa taong babaero pa? Paulit-ulit kong tinanong kung worth it nga ba talaga si John kapalit ng mga pangarap ko? Pero noong dumating sa buhay namin si Anya. Nagbago ang pananaw ko. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ang anak ko hindi tulad ko noong kabataan ko. Si Anya ang magandang regalo na ibinigay sa amin ng Panginoong Diyos. Dahil sa kaniya nabuo kami ni John muli at nagsimula ng panibagong yugto ng masaya. Naging masaya ang
JARREN WAYNE SALVADOR POINT OF VIEW Walang hanggang pasasalamat para sa ama ni Mallory at tinulungan niya ako. Lalong lalo na kay Mallory na siyang nakiusap sa kaniyang ama na Attorney para makalaya ako. Sa wakas... sa loob ng isang buwan at tatlong taon na pagdurusa sa loob ay muli ko nang nasilayan ang ganda ng syudad. Nakakapanibago. Maluwag na ngayon ang lugar na gagalawan ko ulit. Hindi na masikip at sikisikan. Mapupuntahan ko na ulit ang mga lugar na akala ko ay hindi ko na Mapupuntahan. Ngayon ay sa isang panibagong apartment ako umuuwi. Si Mallory ang naghanap nito para sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayaw ko nang bumalik sa dati kong inuupahan. Ayaw ko na kasing maalala pa ang mga masasakit na pangyayari isang taon at tatlong buwan ang nakakaraan. Ayoko na ring maalala pa ang masasayang karanasan namin ni Anya. Ayoko na. Simula ngayon magsisimula ako ng bagong buhay. Wala na akong balak na bumalik pa sa pag-aaral. Para saan pa? galing na ako ng kulungan at
"Jarren's case involves theft, illegal drug use, and complaints of intimidation against women. He's accused of extorting money from women he's in relationships with by threatening them." wika sa kabilang linya ng sinabi ng kaniyang ama na 'Pulis daw'. "Hindi yan totoo. Hindi ganoon si Jarren." Halos mapatakip si Anya ng bibig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig. "Pero iyon ang totoo. ikukulong ba siya kung hindi? Anya hindi bakla si Jarren. Nagsisinungaling siya tungkol sa pagkatao niya para ano? para lokohin ka?" "Alam ko 'yon, dad! Matagal ko ng alam na hindi bakla si Jarren. Ang totoo niyan may relasyon kami. Nahulog ako sa kaniya at kasalanan mo dad kung bakit? ikaw ang naglapit sa amin. babae ako at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko na hindi niyo kayang ibigay. Daddy, mahal ko si Jarren!" "Mahal ka ba niya?" "Oo. at sigurado ako doon!" "Nah, I don't think so! Kung mahal ka talaga niya, bakit kailangan niyang i-record ang ginagawa niyo?" "A-ano