Share

CHAPTER 88: PAIN IN THE ASS

KUNG TAHIMIK na ang nagdaang linggo ng dalaga sa kaniyang palagay ay mas naging tahimik pa ang sumunod at sumunod pang linggo dahil sa pagkawala ng presensiya ni Will. Walang nagbago sa dati niyang routine, after school ay bahay, bahay then school lang ulit. 

Naka-balik na si Ms. Dina sa school kaya't kahit paano'y may nakaka-usap na rin siya bukod sa kaniyang magigiliw na mga estudyante. Dito niya rin nalamang nag-leave pala si Will kaya't wala ni isang beses na nakita niya ang binata matapos ang gabing na-buko siya nito.

"Bakit hindi mo alam, hindi ba't parati kayong magkasama?" tanong ni Ms. Dina habang kumakain silang dalawa sa iisang table sa loob ng cafeteria. "Ang balita nina Ms. Brenna ay mas nagiging malapit na raw kayo, hmm?"

Tipid na gumiti si Sapphire bago sumimsim sa kaniyang baso, inilibot niya sa paligid ang paningin niya hanggang sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status