THE IRONY OF LIFE--- Kung kailan desidido na akong ipagtapat kay Loraine ang tungkol sa amin ni Chris, ay saka naman ako mauunahan ng isang pangyayaring hindi ko inaasahan na dumating. Ang saya-saya ko pa namang umuwi, hapon ng Lunes, kasi nga sasabihin ko na sa anak ko ang katotohanan na inililihim ko sa kanya sa loob na ng isang taon. Hindi ko man alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin ni Loraine, pero bahala nalang. Basta't sasabihin ko na talaga sa kanya ang lahat. Dumating ako sa amin mga bandang 6:30 na ng gabi kasi napakabagal ng sinasakyan kong bus. Nasa gate pa lang ako ng bahay namin ngunit nakaramdam na ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Lalo pa itong lumakas nang makapasok na ako sa loob. "Magandang gabi po ma", bati ko kay mama sabay nagmamano sa kanyang kamay. Siya lang ang mag-isang nadatnan ko sa sala na nanonood ng telebisyon. Kadalasan naman, silang dalawa ng anak ko ang nanonood ng palabas sa ganitong oras. "Buti naman at dumating ka na nak. Punt
Although I was not feeling well, pero pumasok pa rin ako sa eskwela. Marami kasing forms na aasikasuhin lalo na't nalalapit na ang completion ng mga bata. Sinubukan kong tawagan ang anak ko sa cp niya pero hindi ko siya makontak. Hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kanya kasi first time talaga ito nangyari na umalis siya ng bahay. Napabuntung-hininga na lamang ako kasi kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nagalit ang anak ko sa akin. Nagpatuloy muna ako sa aking ginagawa habang naghihintay ng aking klase. Bigla namang tumunog ang aking cellphone at alam ko na kaagad na si Chris ang tumatawag. Lumabas muna ako ng classroom at naghanap ng medyo tahimik na lugar. Masyado kasing maiingay ang mga bata sa loob. Nag leave 'yong subject teacher nila kaya wala silang klase. Kahit pa nga nasa likuran lang ako nakaupo, maiingay at magugulo pa rin talaga sila. "Hello buds", sagot ko. "Good morning buds. Nasa school ka na ba ngayon?", tanong ni Chris sa kabilang linya. "Yes buds. Ikaw na
Umuwi si Loraine nu'ng gabing 'yon ngunit dumiretso lang ito sa kwarto niya. Busog raw ito kaya hindi na ito kumain ng hapunan. Balak ko sana siyang puntahan ngunit pinigilan ako ni mama."Hayaan mo na nak, at ako na ang bahalang kumausap sa anak mo. Don't worry, magkakaayos din kayo."Tumango lang ako at matamlay na nagtungo sa kwarto pagkatapos kong mailigpit ang pinagkainan namin.Habang nakahiga ako sa kama, hindi ko maiwasang isipin ang sitwasyon namin ni Loraine. Napabuntung-hininga na lamang ako kasi napakabigat dalhin sa puso. Bigla kong naramdaman ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata.Maya't maya'y nag-ring ang aking messenger. Dali-dali kong dinampot ang aking cellphone nang malaman kong ang kaibigan kong si Tess ang tumatawag at gustong makipag VC."Hello mars, ano kumusta ka na? It's been a while. Sorry masyado na kasi akong abala sa negosyo namin ni Greg eh. Ano ng balita sa 'yo?" sunud-sunod na tanong nito."Okay lang naman mars. Uhm, k-kami na p-pala ni Chris
Hindi ako mapakali habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin. Maayos na naman ang suot ko pati na rin itsura ko ngunit hindi ko pa ring maiwasang kabahan sa kung anong maaaring mangyayari doon sa anniversary celebration ng mga magulang ni Chris. Nasabi ko na kay mama na pupunta rito si Chris upang ipagpaalam ako sa kanya.I looked at my watch and it's already 6:30 in the evening kaya alam ko papunta na rito ang boyfriend ko. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkaraan ng ilang saglit, narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng gate namin. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto upang pagbuksan ng gate si Chris. Nasa sala si mama at nanonood ng palabas sa telebisyon at nang makita niya ako, bumulalas ito, "Wow, ang ganda-ganda mo naman nak!""Ay si mama talaga, binola pa ako!""Hindi 'yan bola nak. Totoo ang sinasabi ko. O sya, puntahan mo na ang boyfriend mo at papasukin na rito." Nakangiting wika nito."Opo ma."Nagmamadali akong lumabas at nagtungo sa gate namin."Hi, good even
"Buds, okay ka lang ba?" tanong ni Chris sa akin habang pauwi na kami. "Kanina ka pa tahimik eh.""Okay lang naman ako buds." Mahina kong sagot. "Uhm, ano pala ang sabi ng mga magulang mo tungkol sa akin?" Hindi ko alam kung bakit ko naman 'yon biglang naitanong sa kanya. "Wala naman buds. Ayos lang naman sa kanila. Hindi lang sila makapaniwala na naging girlfriend kita," tugon nito.Hindi ko napigilan ang sarili at biglang tumulo ang aking luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas. Napaingos akong bigla. Alam ko naman kasi talaga ang totoo ayaw lang sabihin ni Chris sa akin."Hey, what's wrong? Ba't ka umiiyak buds?" nag-aalalang tanong nito saka kinabig ang manibela at hininto sa tabi ang kotse."C'mmon tell me. What's wrong babe?" he asked again while comforting me with a hug."Narinig ko naman ang pag-uusap ninyo ng mama mo eh. Ba't ayaw mo namang sabihin? Di ba wala tayong lihiman sa isa't isa?" humihikbi kong sabi."H-hindi a-ako g-gusto ng p-pmilya mo buds." Patuloy ako sa p
Sinundo nga ako ni Chris sa school, kinahapunan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa akin at kahit hindi ko man sabihin sa kanya, alam niya talaga na hindi ako okay. Nang makarating na kami sa city, dumaan muna kami sa fastfood at kumain. Pagkatapos nag-usap kami sa loob ng sasakyan.Halos hindi maipinta ang mukha ni Chris sa galit nang mabasa niya ang message ng ate niya. Ayaw ko sanang sabihin ito, pero kilala ko naman siya at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. "Magtutuos kaming dalawa! Humanda siya sa akin!" wika nito habang nakakuyom ang mga palad."Buds, ayaw kong mag-away kayo ng kapatid mo. Kaya ayaw ko sanang sabihin sa 'yo eh.""Ang kapal naman ng mukha niya para sabihing hindi mo kayang ibigay sa akin ang buhay na pangarap ko. Bakit alam ba niya ang pangarap ko? Nasaan naman siya nu'ng kailangan ko ang financial support niya? Siya pa naman sana ang panganay, pero ano? Hindi na nga tinapos ang pag-aaral, nagpapabuntis pa siya at ang masak
Nagising ako ng alas singko ng umaga. Nagpasalamat ako sa Panginoon sa panibagong araw na ibinigay Niya sa akin, pati na rin sa pagkakasundo namin ni Loraine. Bagama't hindi ko alam kung ano na namang pagsubok ang nakaabang sa akin pero alam ko na hinding-hindi Niya ako pababayaan. Kinuha ko ang aking cellphone sa bedside table at tiningnan ko kung may message si Chris. Nagchat nga ito kaninang alas tres ng madaling araw na paalis na siya papuntang Davao. Nagsend nga ito ng wacky picture niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti sa ka cute-tan ng boyfriend ko. Bigla kong naisip ang pictures na si-nend sa akin ni Mitch. At kung hindi dahil kay Loraine, siguro nagkakagulo na kaming dalawa ngayon ni Chris. Hays, bakit ba naman kasi may ganu'ng uring tao, mahilig manira ng relasyon ng iba. Lumabas ako ng kwarto para magsaing sa rice cooker. Kaya lang, pagdating ko sa kusina, nandoon na pala si Loraine at nagluluto ng ulam."Hi ma, good morning," bati nito saka humalik sa akin."Aba, ang
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.