Share

Game 05

Author: Laden P.
last update Last Updated: 2020-08-09 20:03:15

Game 05

It's Just a Game (Chapter 05)

Irish's POV

Naglalakad ako ngayon sa mall upang humanap ng pagkakakitaan, hindi ako magnanakaw ngunit mag hahanap ako ng Part-time job. Gusto ko lang talaga na meron akong maipakita sa sarili ko na kakayanin ko maging independent kahit sa ganitong bagay lang.

Alam ko na pagagalitan talaga ako nito ni Kuya but still gusto kong gawin ito. Masasabi nating nakakapagod nga pero kakayanin pa rin. Gusto ko ring maranasan ang ganitong uri na trabaho.

Minsan nahihiya ako sa kuya ko na humingi palagi kaya ngayon gagawin ko ito para sa sarili ko at matuto sa mga bagay-bagay na nagdadaan sa hirap.

Dala ko ang aking resume, pitaka, cellphone at sarili ko. Hindi naman ako mahilig sa mga kolorete pero kahiligan ko angpaggamit sa mukha dahil 'Hygiene is Life' ngayon. May iilang nasubukan kong stores ngunit hindi na sila tumatanggap ng magpapart time.

Natatakot sila dahil hindi pa ako bihasa sa mga ganong bagay. Sa paghahanap ko ay na curious ako sa isang Café na aking nadaanan. 'Christina dé Arthur Café' sa pagpasok ko ay masasabi ko ang ganda ng ambience rito.

Modern type kung baga. Mas nakaka-akit rito ang mga libro na nakalagay sa mga bookshelves nito. Yung mga mata ko ay heart shape dahil i love books and literally i love this place.

Pumunta ako sa counter area napansin rin nila ako. "Welcome ma'am," saad ng isang empleyado roon.

"Hello, meron po bang hiring ditto para sa mag part time?" pagtatanong ko sa kanila. Tumango naman ito at ngumiti sa'kin.

"This way po," saad nila. Sumunod ako sa isang empleyado. Patungo sa managers office, habang papalapit kami roon ay bumibilis ang tibok. like, paano nalang kung hindi ako tatanggapin or mataray itong boss nila. Siguro maghahanap nalang din ako ng bagong store or etc. Sa pagpasok ko sa ay gulat ang aking nakita.

"Chri-christine?!" saad ko. Kita ko rin ang gulat sa kanyang mukha.

"Oh, Irish ba't naparito ka?" gulat na saad nito.

"Nagahahanap kasi ako ng Part-time hehe," napakamot ako sa'king ulo.

"Okay, okay. You're hired na," saad nito.

"Agad-agad," saad ko.

"Yeah, since magkaibigan naman tayo," saad nito.

"Kailan ako magsisimula?" tanong ko rito.

"Tomorrow, I will also prepare your things," saad nito.

"Paano-?" nagtataka kong saad rito.

"Pinatayo ito ni Daddy, since naghiwalay na sila ni mommy at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya kaya pinaiwan nalang nila ito sa'kin. Atsaka ito rin ang shop ni lola kaya ito. Hindi na rin mapasara o pabenta itong shop," saad nito. Napahanga niya ako sa sinabi niya. At the age of 19 natuto niyang i-handle sarili niya sa ganitong bagay.

"Just wow," saad ko.

"So─yeah welcome to the café," masaya nitong saad, mutual lang nararamdaman naming dahil masaya ako na tinanggap ako nito.

"I'll be leaving na, Christine. Ciao ciao," pamamaalam ko rito. Hindi ko talaga expect na ganitong babae si Christine kalat talaga sa school na badass talaga ang dating nito pero sa loob pala nito ay napakabait at matapang na babae.

Sa paglabas ko ay papaalis na ako ngunit biglang may nagsisigaw sa counter.

"ANO BA ITONG MGA CREW! WALANG MGA KWENTA," sigaw ng isang customer.

Pumunta ako sa harapan nila at tiningnan sila kung sino-sino ito laking gulat ko ay ang mga grupo nila Tristan. Christine told me about them kahapon nung nagkita kami uwian then na kwento niya yung grupo ng mga kumag na iyon, also ayaw ko na ring makasalamuha sila dahil─ you know may atraso pa ako sa taong iyon.

"Due all respect sir, busy din po sila. Have patience po hindi naman nakakamatay ang paghintay," saad ko sa kanila. Nakikita kong natatawa ang mga kasama nito.

"Did you hear that bro, that was freaking *****," natatawa nitong saad. Nakita ko ang kunoo't ng kanyang noo at napatingin sa'kin.

"You again?!" sigaw nito na parang hindi makapaniwala.

"What's your order SIRS!" sarcastic na kung sarcastic at ipagdidiinan ko ang mga pagtawag sa kanila.

Sumusobra na kasi sila alam naman nilang busy yung dalawang crew, sila wala na nga magawa sa buhay tapos nagrereklamo pa.

"Cappuccino," Harry said.

"Latte," Zack said.

"Americano," Clark said.

"Choco Moose," Tristan said.

"Wait-What?!, nagpapatawa ba itong lalaking ito at bakit naman pupunta sa café na ito para sa hot choco he's kinda weird but I find it cute," saad ko sa'king isipan.

"Cappuccino," Zayn said kaya napatingin naman ako rito at ganon din siya sa gawi ko.

"So, 2 Cappuccino, 1 Latte, 1 Americano, and 1 Choco Moose," pagsasaad kong muli. Baka naman may clarifications sila about dito. "540 pesos lahat," dagdag ko rito.

Binigay nila ako ng 1 thousand paper bill. "Keep the change," saad ni Tristan rito. Nakakairita masyado ang lalaking ito parang pinapamukha niya na wala akong pera. Ibibigay ko nalang itong tip doon sa dalawang crew since hindi pa naman talaga ako nag tatrabaho dito.

It's already Saturday naman din kaya wala rin akong gagawin pagkatapos nito kaya mamalagi nanaman ako sa bahay at manonood ng Anime buong araw. Sadyang, gusto ko lang din maging productive ang araw na ito para naman may silbi din ako sa lipunan.

Sa pag-upo nila ay biglang dumami ang customers kaya hindi na rin ako nakaalisa sa'king pwesto. Nandoon pa ang dalawang crew sa gawaan ng café, kaya naman no choice ako.
Ilang minute ang lumipas ay biglang lumapit si Christine at mukha ring nagulat. 

"Hoy irish ba't andito kapa?" nagtataka nitong saad.

"Tingnan mo naman ang daming tao, oh." Turo ko sa mga taong pumipila na nakatingin doon sa limang mga asungot─ ay mali, hindi pala kasali yung isa.

"Accompany mo muna ang lahat ng customers, tutulongan ko mo na ang ibang kasamahan natin," saad nito. Saka tumungo doon sa kitchen section. Hayst! Akala ko may makakasama na ako nito.

"Ms. Do you know them?" saad ng mag-oorder ngunit ang ulo nandoon sa mga kalalakihan. 

"Nope, at never ko silang kikilalanin," saad ko rito.

"Hmm, okay," saad nito saka nag-order ng iinumin.

Meron din palang kakanin rito. Habang tumatagal ay mas lalong dumadi ang customer. Mabuti na rin ito at hindi malulugi si Christine pag nagkataon. Magpapasalamat kaya siya o hayaan niya ang mga asungot na yon.

Ilang minuto ang lumipas ay bigla nawala ang karamihan ng customer, tumingin ako sa table ng mga asungot ay nawala na rin sila at naiwan ang drinks nila.

"Okay, sabi na nga ba dahil sa kanila," saad ko sa'king isipan.

Bumalik si Christine sa counter area. Nang makita ako nito ay binigyan niya ako ng isang ngiting tagumpay.

"Sorry, irish dapat naman talaga bukas ka pa mag tatrabaho pero tingnan mo naman pero salamat talaga," saad nito.

"Walang anuman ano kaba asan pa at magkaibigan tayo," saad ko rito.

"Alam mo kapag nandito sila Tristan ay dinudumog ang Café ko lagi kaya minsan mabuti sila na nandito minsan para susuko na ako atsaka may you know mga sikat sila kaya may nagkakaidolo sa mga yun," pagkwento nito. Napatango nalang ako sa kanyang sinabi.

Itutuloy...

Related chapters

  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 06

    Game 06It's Just a Game (Chapter 06)Irish's POVSa paglabas ko ng shop isang kotse agad ang namataan ko. Hinayaan ko lamang ito kaya walang tigil ang lakad ng malapit na ako sa kalye ay nag hintay ako ng masasakyan. May tumigil na sasakya

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 07

    Game 07It's Just a Game (Chapter 07)Irish's POVContinuation of Flashback

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 08

    Game 08It's Just a Game (Chapter 08)Irish's POVMagkakaroon kami ng event sa nalalapit na Nutrition month, narito pa rin sa gilid nakikinig sa anunsyo ng aking guro. Nababagot akong pakinggan dahil katulad rin ng dati ay Fiesta sa Nayon a

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 09

    Game 09It's Just a Game (Chapter 09)Irish's POVNaghahanda na kami sa tinatawag na Nutrition Month or Pista sa Nayon namin. Masasabi kong medyo stress kami sa nag daang araw dahil sa celebration na ito. Gagawa ng mga design kaya medyo mak

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 10

    Game 10It's Just a Game (Chapter 10)Irish's POVBuntong hininga ako ngayon. Mabuti naman at natapos na ang mga judges sa pagtingin kaya lahat kami ay muling pumalit ng susuotin at napagdesisyonang kainin ang ginawa namin.

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 11

    Game 11It’s Just a Game (Chapter 11)Irish’s POVNaglilinis ako ngayon ng kinainan ng mga customer sa shop ni Christine. Masasabi kong mahirap naman ang mga Gawain kapag dumarami ang mga tao rito minsan chilla lang naman kapag

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 12

    Game 12It's Just a Game (Chapter 12)Irish's POV"What's the meaning of this?" gulat na saad ni Christine na kasama si Trisha. Napayuko sa ako kahihiyan ng makita nila kami."It's not what you think-,"

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 13

    Game 13It's Just a Game (Chapter 13)Irish's POVNandito ako sa library kung saan ang isa sa madalas kong tambayan sa school. I love reading books about scientific theory, History, Facts, Lifestyle and etc. The way I see those thing it broader my knowledge also can give me ideas. Then sometimes hindi ako late sa kung anong nangyayare sa bansa.

    Last Updated : 2020-08-09

Latest chapter

DMCA.com Protection Status