Share

Game 09

Author: Laden P.
last update Last Updated: 2020-08-09 20:03:32

Game 09

It's Just a Game (Chapter 09)

Irish's POV

Naghahanda na kami sa tinatawag na Nutrition Month or Pista sa Nayon namin. Masasabi kong medyo stress kami sa nag daang araw dahil sa celebration na ito. Gagawa ng mga design kaya medyo makalat rin ang room.

Mabuti ngayon ay preparations nalang gagawin namin, attach nalang sa designs. Still lahat kami ay magsusuot ng Pambansang kasuotan ang sa babae ay Filipiñina at sa lalaki naman ay Barong tagalog. 

Ang event ay magsisimula hanggang 9 am to 11 am, since star section kami ang mauuna na i-judge ng mga principal or moderator in charge para dito.

Nag sugba kami ng Bangus at gumawa rin kami ng mga pagkaing na tatak pinoy. Hindi kami bumase sa mga readymade na bibilhin sa stores. Grabe ang paghihirap naming para dito. Ang mga upuan ay pinapunta naming sa gilid ng sagayon ay masentro namin ang aming mga pagkain.

Nagdala na rin kami ng mga kanyang kanyang prutas o gulay para ilalagay sa mini kubo na kami mismo ang gumawa. Mahirap siya gawin nagkaroon nga ako ng mga sugat pagkatapos natutusok pa ang kamay ko.

"Irish, yung mga pagkain naka ready na ang iba," nag 'ok' sign lang ako sa kanila. Nilapag na nila ang kanilang mga pagkain sa mesa na puno ng dahon ng saging. Ginawa namin boodle fight.

Yes, it's a boodle fight. Mas masaya kapag sabay-sabay at magkasalong kumakain. Gusto ko na kahit may angat sila sa buhay but still they must experience kung gaano gagawin ang isang bagay na dapat hindi inaasa sa iba.

"Jessy ready na ba?" tanong ko rito. I'm the one who assign her to sing some Filipino songs then magkakaroon ng konting sayawan na assign ko rin already. So, I set things already para walang maging problema.

Ilang oras pa ang lumipas, ramdam ko na okay na kami. Lumabas ako saglit upang makita ang mga decorations ng ibang section. So, far ang iba naman ay nag effort din gumawa sa ng decorations. 

Kung walang expectation sa'min siguro hindi big deal itong event. Sa paglalakad ko ay nagtungo ako sa classroom nila Tristan hindi ko alam kung anong meron dito dahil tinataguan ko pa rin ito nag daan ang araw. Sumilip ako at napa 'wow' sa kanilang gawa. He's Grade 12 student na din kaya bihira lang kami magkita nito. Sa pagbalik ko ay bigla akong hinila ng mga kaklase ko.

"I-rish...we must need to ready na the judges already arrive," hinihingal na saad ng kaklase ko.

"Okay, sige na halina kayo," tumatakbo ako pabalik ng room. Mag prepare ako para sa susuotin ko. 

Mabuti nalang at nakahiram ako kay Christine kahapon. Sa pagbabalik ko ay nakita kong nakabihis na ang ibang kaklase ko. May sumigaw na magprepare na kami sa gagawin namin kaya lahat sila ay nag bihis na rin.

Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at pumunta sa malapit na cr. Habang nagbibihis ako ay may pumasok na mukhang nagtatawanan.

"Did you know na masyadong pasikat ang pres namin sa room. May pa- family..family pang nalalaman, eh! Gusto lang magsipsip sa mga adviser naming," rinig ko ang boses nito si Stella.

"Alam mo naman na sipsip sakim sa grades," maarteng saad ng kasama nito. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito. Ginawa ko lang naman ang dapat na gawin since may expectation si ma'am. Anong masama pala roon. Parang maiiyak na ako sa mga pinagsasabi nila ngunit pnagpatuloy kong magbihis.
Kung ayaw niyang makinabang pwes, hindi ko siya pipilitin na sumali. Hahayaan ko ito kahit maubos ang laway nito kakasabi. 

I really hate plastic talaga, sa room grabe ang ginagawa niya para mapansin ni ma'am pero hindi ko na ito pinakelaman.

Sa pagtatapos kong magbihis ay narinig ko ang katahimikan sa cr kaya lumabas na ako pinunasan ko ang aking mga luha. They are not worth it into my tears, ayos lang na alipustahan nila ako at siraan pero one thing for sure babalik ang 'karma' sa kanila. Paglabas ko sa cubicle ay wala na rin ang mga taong nanlilibak sa'kin. 

"Irish kaya yan okay alam mo namang strong ka diba?" saad ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Gusto ko lang talaga maging malakas ngayon pero hindi sa puntong kailangan ko makipag-away. Nagsimula na akong bumalik sa classroom ng madaanan ko si ma'am.

"Oh! Irish, ikaw ang mag represent sa iba't ibang niluto ng mga kaklase mo. No worries dito nasa papel ang lahat ng kailangin mo," sabay abot nito sa papel. Sa pagkuha ko ay tiningnan ko lahat kasali na rin ang mga description ng designs namin.

"Mauuna na ako sayo, just review it madali lang naman," pagpupursige ng adviser ko sa'kin. Naiwan akong naglalakad sabay basa sa ginawang hand-outs ni ma'am para sa ginawa namin.

Masasabi kong well-explanatory ito dahil kami-kami rin ang gumawa rito. Siguro ay matutulongan din ako ng mga kasama ko rito.

Habang papalapit ako ay hindi ko mapigilan na hindi kabahan para rito. It's true that I'm confident pero hindiko naiiwasang hindi kabahan.
Lahat naman tayo dumadaan jan, nararamdaman natin nab aka mag failed or may mangyare na hindi maganda. I should stop overthinking about this nonsense has full of negative vibes. No matter i/we did still it is an effort hindi madali itong ginawa namin.

Sa pagbabasa ko ay hindi ko namalayang may nabangga ako at nahulog ang hawak-hawak kong hand-outs.

"Sorry," malamig na saad. Kinuha ko ang mga papel at hindi inalintana ang kung sino ang nakabangga sa'kin.

"It's okay, no worries," sa pag tingala ko rito ay gulat ang bungad.

"Z-zayn?!" gulat kong saad rito. Nakita kong napatingin rin ito ng mariin sa akin.

Kinuha nito ang aking mga braso at pinatayo siguro ay naaalintana ako sa suot ko kasama ang dala-dala kong gamit.

"Thank you," nakangiti kong saad rito. Hindi ko rin nahahagilap ang lalaking ito parang may sariling mundo.

"Sorry," saad nitong muli. Nakita kong nagmamadali ang mga kasama ko patungo sa'kin.

"IRISH!" sigaw nila. Nag hand sign ako ng 'wait' kaya nakita kong natigil sila.

"I should go na zayn and by the way thank you nga pala," saad ko rito. 

Hindi na ito nagsalita at tumingin na ito sa akin. Nagmadali akong pumunta sa mga kaklase ko, siguro ay paparating na ang mga judges. habang lumalakad kami ay napatingin ako sa likod ngunit hindi ko na muling nakita si zayn. Binalewala ko na lang at pinatuonan ang aking babasahin para maya-maya.

Itutuloy...

Related chapters

  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 10

    Game 10It's Just a Game (Chapter 10)Irish's POVBuntong hininga ako ngayon. Mabuti naman at natapos na ang mga judges sa pagtingin kaya lahat kami ay muling pumalit ng susuotin at napagdesisyonang kainin ang ginawa namin.

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 11

    Game 11It’s Just a Game (Chapter 11)Irish’s POVNaglilinis ako ngayon ng kinainan ng mga customer sa shop ni Christine. Masasabi kong mahirap naman ang mga Gawain kapag dumarami ang mga tao rito minsan chilla lang naman kapag

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 12

    Game 12It's Just a Game (Chapter 12)Irish's POV"What's the meaning of this?" gulat na saad ni Christine na kasama si Trisha. Napayuko sa ako kahihiyan ng makita nila kami."It's not what you think-,"

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 13

    Game 13It's Just a Game (Chapter 13)Irish's POVNandito ako sa library kung saan ang isa sa madalas kong tambayan sa school. I love reading books about scientific theory, History, Facts, Lifestyle and etc. The way I see those thing it broader my knowledge also can give me ideas. Then sometimes hindi ako late sa kung anong nangyayare sa bansa.

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 14

    Game 14It's Just a Game (Chapter 14)Irish's POVNarito kami sa mall dahil mag make-over daw sila. Hindi ko naman gawain ang ginagawa nila kaya sasama nalang ako. Kung ano man ang gusto niang gawin sa buhay nila.

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 15

    Game 15It's Just a Game (Chapter 15)Irish's POVGulat ang aking reaction when I saw him. Katulad ko gulat rin na napatingin ito sa'kin. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito.

    Last Updated : 2020-08-09
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 16

    Game 16It's Just a Game (Chapter 16)Christine's POV"Pumasok na siya?" nag-aalalang tanong ni Trisha sa'kin. Kasalukuyang kumakain kami ng lunch namin. Ang tinutukoy naming ay si Bestfriend. Pangalawang araw na nitong hindi pumasok kaya nag-aalala na kami rito.

    Last Updated : 2020-08-10
  • It's Just a Game 2019-2020 (FILIPINO)   Game 17

    Game 17It's Just a Game (Chapter 17)Trisha's POVPapaalis na ako sa Garden dahil alam kong mainit ang ulo ni Christine sa ginawa nila kay Irish. Ganyan talaga si Christine kapag mainit ang ulo hindi ito talaga ito kakalma hangga't hindi makakabawi.

    Last Updated : 2020-08-11

Latest chapter

DMCA.com Protection Status