Pabalik balik na naglalakad si Sandra sa kanyang kwarto na tila asong naiihi habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.
Umuwi siya nang mas maaga kaysa sa usual na oras niya dahil talagang antok na antok siya kanina at nakakailang balik na rin siya sa cr dahil sa pagduduwal. Dahilan iyon ng pagkain ng matalik na kaibigang si Ella na naiwan pa ang amoy niyon sa kanyang opisina. Nagdahilan na lamang siya kanina at mabilis na umalis ng ospital.
Habang nagmamaneho ay kabang kaba siya dahil sa samu't-saring punapasok sa isip niya. Tila baliw na rin siya dahil tila sirang plaka na nagpi-playback sa tainga niya ang sinabi ni Ella na baka buntis siya.
Marami na siyang nilagpasang drug store ngunit talagang mas pinili niyang magtungo sa bandang Las Piñas para doon maghanap ng drug store kung saan niya puwedeng bilhin ang pakay niya. Karamihan kasi ng drug store sa paligid ng Parañaque area ay kilala siya ay ayaw niyang may makaalam nang nais niyang bil
"Bes, sige na. Kahit first name nga lang no'ng kung sino mang Adan na 'yon na napakaswerteng nakakuha nang virginity mo at naka one point pa. Masaya na ako sa first name." Pangungulit ni Ella sa matalik na kaibigan na ngayon naman ay abala pa ring nakatutok ang mata sa laptop nito."Huwag ka ngang magulo, Ellaiza Marie. Baka may makarinig pa sa 'yo." Pinandilatan nito ang kaibigan.Tatlong araw na rin simula nang malaman ng kaibigan ni Sandra ang pagbubuntis niya nang aksidente nitong makita ang pregnancy kit sa banyo niya. Nagkausap ang dalawa na isekreto na muna ang lahat habang hindi pa halata ang tiyan niya.Nakiusap rin si Sandra sa matalik na kaibigan na wala na muna sanang makaalam kahit sa mga kaibigan at lalo na sa pamilya niya hanggat hindi pa siya nakakaisip ng dahilan at kung paano iyon maitatago.Wala naman talaga siyang balak itago ang pagbubuntis sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang. Kailangan lang talaga niya ng tamang tyempo
"Finally, may kung anong hangin ang tumulak sa 'yo para naman umuwi ka dito sa mansiyon. Akala ko ay nakalimutan mo na kami ng Mommy mo." Seryosong sabi ng ama ni Jann na nakatayo sa harapan nito.Kararating lang niya pagkatapos ng halos tatlong araw na business trip sa US. Limang araw dapat 'yon pero mas minabuti niyang ipaasikaso na lamang ang natitirang site visitation sa matalik na kaibigang si Lance. Business partners din kasi silang dalawa at mabuti na lamang at pumayag itong mauna siyang bumalik ng Manila."Ilang buwan ka na ba namin huling nakita ng Mommy mo? Ilang beses sa isang taon?" Tanong muli ng kanyang ama."Come on, Dad. I'm right here," nakangiting sagot niya."Kung hindi ka lamang nag-iisang anak namin ng Mommy mo, baka matagal ka na naming itinakwil." Seryoso pero pabirong sabi naman nito uli.Jann knows his father. Strict ang kanyang ama at hindi rin maitatanggi na ilang beses na silang nagkakasagutan. Halos magkaparehas kasi si
Nagising si Sandra sa sunod-sunod na chime ng kanyang doorbell.She tried to ignore what she heard pero sadyang napakakulit ata ng kung sino mang nang-iistorbo sa kanya ng pagka-aga aga. Nakapikit na kinapa niya ang ilaw ng lampshade at binuksan iyon.Naisip niyang baka ang matalik na kaibigan na naman niyang si Ella ang may lakas loob na gisingin siya ng ganoong oras. Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang oras sa cellphone niya nang pindutin niya iyon."I will kill you, Ellaiza Marie! It's only 5am and you know that it's my off today!" Nagdadabog na bumangon siya.Hindi na niya inayos pa ang sarili na tinungo ang pintuan habang nakayapak pa para huminto na ang kaibigan sa pagpindot niyon."What is your problem Ell---" namilog ang kanyang mga mata."Hi, good morning, Doctor." Bungad ng nakangiting si Jann. Nakasandal pa ito sa gilid at titig na titig sa kanya."W-what are you doing here? How...""You look more... beaut
Katatapos lang ni Jann gumawa ng sandwich. Napangiti na lamang siya nang hindi na niya narinig ang mga reklamo at pagbubunganga ni Sandra habang nasa dining area siya.Inabala niya na lamang ang sarili niya at nagdahilan ng kung ano ano para lamang madistansya siya sa dalaga. The truth is, kanina pa naninikip ang kanyang suot na jogger pants dahil sa tensyon kanina habang nililinis nito ang bukol niay sa noo.Totoong halos maalog talaga ang utak niya nang tumama ang pintuan sa noo niya pero nang masilayan niya ang ganda nito kahit gulo gulo pa ang buhok nito ay tila nawala iyon. Tila nawala din pati ang kirot ng kanyang bukol nang matitigan niya ito ng mas malapit habang abala itong naglilinis ng kanyang noo na tinamaan ng pinto.Maayos na sana ang lahat kung hindi niya aksidenteng mapansin ang makikinis at mapuputi nitong legs na bahagyang nakalabas kanina na 'di na nito napansin.Dahil doon ay bigla siyang nag-init. Pinagpawisan siya at tila gusto
Lulan sina Sandra at Jann ng Ford Everest na sasakyan ng binata habang binabaybay ang daan ng Alabang. Papunta sila ngayon ng Batangas kung saan may family outing ang pamilya ng dalaga.Noong una ay ayaw talaga niyang magpunta ng Batangas lalo na at kasama ang lalaki pero wala na rin siyang nagawa ng tawagan siya ng kanyang Mommy Josephine at sinabing magkita kita na lamang sila doon. Na ini-expect na sila parehas ng kanyang mga kapatid. At kapag hindi siya pumunta ay ayos lang daw naman na si Jann na lang ang tumuloy. Alam naman niya na sinabi din iyon ng kanyang Daddy dahil alam nitong hindi rin siya papayag.Ayaw din naman niyang hayaang si Jann lamang ang pumunta doon at wala siya. Siguradong gigisahin ito ng buhay ng kanyang mga kapatid. Kinausap na rin naman niya ito na 'wag nang tumuloy pero hindi ito nagpapigil sa kanya.Sinabi pa nitong kesyo nangako na daw ito sa parents niya na pupunta silang dalawa kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay s
"Hey, wake up. We're here." Naulinigan ni Sandra ang boses ni Jann.Nang maimulat niya ang mga mata ay naramdaman niya na hindi na umaandar ang sasakyan. Si jann naman ay nakatitig lang sa kanya habang nasa driver seat pa ito."Where are we?" Pupungas pungas pang tanong niya."Nasa resort na tayo dito sa Batangas. 15 minutes na tayong nakaparada dito." Sagot nito sa kanya."Bakit hindi mo ako agad ginising?" Sita niya dito habang inaayos ang sarili."You are in a deep sleep, love. I don't want to wake you up. Don't worry. Tinawagan ko na si tito kanina para itanong ang mga kailangan. Kaya nakabili na rin ako kanina. 'Di na kita ginising para naman makabawi ka ng tulog." Paliwanag nito. Hindi nito inalis ang pagkakatitig nito sa kanya."D-don't look at me that way." Tila nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga titig nito na hindi niya alam kung kailan pa siya tinititigan."I can't help it. You a
Sandra is wearing her black two piece swimsuit. Naisip niyang patungan na lamang iyon ng isang white tshirt. Kasalukuyan niyang hinahanap ang white tshirt sa bag na dala dala niya nang pumasok naman si Jann na dala ang bag nito."What are you doing here?"Natigilan si Jann ng makita si Sandra. Pakiramdam niya ay nahipan siya ng masamang hangin at hindi maalis ang mata niyang naka-glue na ata sa katawan ni Sandra.Sino ba naman ang hindi matutulala kapag nakakita ng isang doktor na madalas ay naka-coat at balot ang buong katawan, at bigla mong makikita na naka two piece na lamang.Lalong tumingkad ang kasexy-han nito at lalong pumuti ang kuminis ang balat nito dahil sa kulay itim nitong bikini. Pakiramdam niya ay sinisilaban ang buong katawan niya. Hindi dahil sa ininom niya kaninang black labeled drink na iniinom nila ng mga kapatid ni Sandra kung hindi ay dahil sa tanawing hindi niya na
Masayang kumain ng family dinner ang buong pamilya ni Sandra kasama si Jann. Alas otso na nang matapos ang mga ito sa walang sawang kwentuhan at pag-interview kay Jann.Hindi maikakaila na gustong gusto ng mga ito si Jann para kay Sandra. Lahat na rin ata ng tanong ng mga ito ay nasagot na ni Jann lalo na at kanina pa umiinom ang mga ito. Natigil lamang iyon nang nagkayayaan na na kumain muna ng dinner.Si Sandra naman ay umahon na rin kanina pa at nagpalit na muna dahil bigla itong gininaw. Ang kanyang Kuya Gian naman at Kuya Walter ay bahagya na ring lasing dahil nakarami na ang mga ito na hindi maawat kanina.Pagkatapos magligpit ni Sandra kasama ang kanyang Ate Malou ay naabutan niyang nakaupo pa rin si Jann habang nakatingin sa mga pamangkin niyang walang sawang nagtatampisaw sa pool kasama ang mga ama nito. Naligo ang dalawa para daw mabawasan ang pagkalango ng mga ito."You are drunk. You better soak in the pool para naman mabawasan ang epekto ng a
Kasalukuyang lulan ng taxi si Sandra papunta sa bahay nila.Huling araw na nang leave niya at plano na sana niyang gugulin na lamang ang sarili sa panonood at pagtulog sa unit ng matalik na kaibigang si Ella.Inuutusan na lamang niya itong kumuha ng gamit sa unit niya kapag kailangan niya. Naiintindihan naman siya ng kaibigan kaya naman sumunod na lamang ito.Kumakain siya kanina ng pineapple na galing pa sa Pangasinan na pasalubong ng boyfriend ni Ella. Lagi kasing ito ang inuungot niya sa kaibigan kaya kahit unay na umay na itong panoorin siyang nilalantakan araw araw ang pinya ay okay lamang dito.Hindi pa siya tapos kainin ang pinyang siya rin ang nagbalat nang makatanggap siya ng tawag galing sa Kuya Walter niya. Hindi pa sana niya iyon sasagutin pero nagtaka na rin siya nang halos sampung beses itong tumawag at sunod-sunod ang text nito na may emergency daw sa bahay nila.Pinakuha na rin kasi niya sa kaibigan ang cell phone niya dahil b
Pagkagaling sa mansiyon ng mga Embarcadero ay tumungo si Sandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigang si Ella.Nang makita naman siya ng kaibigan na umiiyak habang nakatayo sa pintuan ng unit nito ay agad din siyang pinapasok para tanungin kung ano ba ang nangyari.Sandra told her bestfriend about what happened. Everything, pati ang hindi pagparamdam sa kanya ng boyfriend na si Jann ng dalawang araw."Bes, why not try to talk to him? Mas maganda pa rin na sa kanya mangagaling ang sagot. Kung bakit ganoon ang ginawa niya.""Ayoko na siyang makita pa." Sabi ni Sandra habang nagpupunas ng luha."Hey, stop crying. Makakasama 'yan kay baby. Bukas pa naman ang balik natin sa pedia at malalaman na natin kung lalaki ba o babae ang inaanak ko."Sa halip na tumigil ay lalo lamang naiyak si Sandra. Naiisip niya kung paano na sila ng kanyang magiging anak. Wala naman talaga siyang pakialam kung may iba nang babaeng gusto si Jann. Pero ang iniiisip ni
Lumawak ang ngiti ni Dianna nang makita ang papalapit na anak na si Jann. Kasalukuyan nilang kasama si Gwen at masayang nagkukwentuhan habang abala din ang mga bisita nila.Pinagkukwentuhan lang naman nilang mag-asawa kasama ang anak na si Gwen ang tungkol sa sinabi ng anak na si Jann tungkol sa babaeng ipapakilala daw nito.Simula't sapol kaso ay wala itong ni isang babaeng dinala at ipinakilala sa kanila. Babaero ang anak nilang si Jann pero hindi naman ito nagharap sa kanila ng kahit isa sa mga babae nito.Yayakapin na sana ni Dianna ang anak ng bigla itong nagsalita. "Who is this doctor that came here, Mom?"Nagtataka namang napalingon si Dianna sa asawang si Paul."Doctor?" Tanong muli ng Daddy niya. Si Gwen naman ay nakikinig lang sa kanila."I mean... what hospital are you visiting for your check up, Mom?""Why are you asking me about that, Hijo? Teka nga, naguguluhan ako. Ano ba talaga ang itinatanong mo? "
Nang dumating si Lessandra sa mansiyon ng mga Embarcadero ay ipinakilala siya ng mag-asawa sa ilang malalapit na kaibigan nito pati na rin sa ilang kamag-anak ng mga ito na mabibilang din sa daliri.Halos parehas lang ang narinig niyang pagbati sa kanya ng mga bisita at naroroon.Na napakaganda niya at kahit sino mang tanungin ay hindi aakalain na bente nuwebe na ang edad niya. Na napakaganda niyang doktor at sinabi pa ng pinsan ni Mrs. Embarcadero na si Pauliee na dapat ay nasa mundo daw siya ng modeling o beauty pageant kaysa sa ospital.Pinili niyang isuot ang isang black na off shoulder high slit na dress na iniregalo pa sa kanya ng matalik na kaibigang si Ellaiza. Sanay naman siyang magpunta sa mga celebrations dahil na rin sa propesyon niya kaya hindi na rin siya nahirapan na maghanap ng isusuot.At dahil ipinakilala siya ng mag-asawang Embarcadero na malapit na kaibigan at siyang personal doctor ay naging maayos at magaan naman ang pakikitungo ng l
Kanina pa paikot ikot si Jann habang hinahanap ang babaeng alam niyang hindi siya pwedeng magkamali.Si Sandra.He's been calling and texting her after he arrived from Canada to attend a meeting. Dapat ay ang ama sanang si Paul ang pupunta ng Canada para sana um-attend pero dahil kaarawan ng kanyang Mommy Dianna ay hindi na siya nakatanggi pa sa hiling ng kanyang Ama.Miss na miss na niya ito. Alam niyang hindi siya agad nakapagpaalam dito dahil biglaan ang flight niya at sigurado siyang nagtatampo ito. Inisip niya habang nasa Canada na saka na lang niya ipapaliwanag ang lahat sa dalaga.Plano na rin niyang ipakilala si Sandra sa ga magulang niya kaya naman pagbaba ng eroplano kaninang 6pm ay nagtext na siya dito at may binigay siyang address. Sinabi niya na magkita sila sa address na ibinigay niya. Surpresa sana niya ito sa dalaga pero walang sumasagot ng tawag o nagreply sa kanya. Mara
Katatapos lang ni Sandra sa sa kanyang daily rounds, alas tres na ng hapon ng masulyapan niya ang pambisig na relo. For her, ito na yata ang isa sa pinaka-toxic na araw niya ngayong buwan.Nagkakagulo ang emergency room kaninang umaga dahil sa road accident na kinasangkutan ng dalawang bus at tatlong private vehicle. Dalawa ang patay at ang marami ay malubha ang kalagayan at nasa ICU pa ang iba habang abala din ang operating room.Short pa naman sila sa nurses dahil nagleave ang isa dahil buntis at ang dalawa naman ay nagresign dahil lamang sa eskandalo na naugnay sa sa playboy na anak ng direktor ng ospital. Wala din ang isang surgeon nila na nagkataong nasa two days vacation sa canada para sa kasal ng kapatid nito.Kaya naman abalang abala ang buong ospital. Halos 'di rin sila nagkausap ng matagal ng matalik na kaibigang si Ella dahil maging ito ay iritable na rin sa dami ng inaasikaso at pabalik balik ng ER.Katatapos lang naman ng round ni
Nagising si Sandra dahil sa magkakasunod na tawag sa telepono. Nakapikit paring kinapa niya ang bedside table upang mahagilap ang cell phone niya upang matigil na iyon sa pagtunog.Naramdaman pa niya ang lalong paghigpit ng yakap sa kanya ng boyfriend na si Jann na nakayakap sa kanya habang nakatalikod siya.They made love last night.Hindi niya alam kung ilang beses at anong oras na bumigay ang kanilang katawan sa pagod. Basta ang alam lang niya ay siguradong masasakit ang ilang parte ng katawan niya na naramdaman na niya ng bahagyang abutin ng bedside table.Hindi siya tinigilan ni Jann kagabi. He's drunk but he still do it with her passionately and lovingly. Without even saying he's tired and sleepy. He even wanted more and more of her. Siya na nga lang talaga ang sunuko dahil talagang pakiramdam niya ay napagod na siya ng sobra sa mga ginawa nila. But she feels happy and her body is still craving for more. Hindi na rin naman siya pinilit ng noby
Marami nang changes na nangyayari sa katawan si Sandra. Kasama na rin ang mood swings niya na kahit siya ay hindi na rin maintindihan ang sarili.Naging maayos naman ang nagsisimulang relasyon nila ni Jann. Hindi pa man nito naikukwento ang tungkol sa buong pagkatao nito at sa pamilya nito ay hindi na niya gaanong iniisip iyon.Ang mahala ay masaya sila at nararamdaman naman niya na mahal siya nito. Masyado pa rin namang maaga at angsisimula pa lamang sila sa relasyon.Alam niya na kapag handa na itong magkwento ay ito mismo ang magsasabi sa kanya at ipapakilala din siya sa pamilya nito.Katatapos lamang niya magshower at kasalukuyang nag-aayos ng susuutin kinabukasan nang marinig niya ang doorbell.Inisip niya na baka si Ella dahil tinawagan niya ito at sinabing kapag pwede ay daanan siya at ibili siya nang mangga dahil talagang naglalaway siya. Nasa stage kasi siya ng paglilihi kaya nagiging weird ang panlasa niya."J-Jann?" Nabungaran niy
"Good morning, Doctor Olivarez." Masayang bati ng mag-asawang Embarcadero. Martes ng alas onse ngayon at maagang tumawag kanina si Mr. Paul Embarcadero na dadaan sila ng ospital para sa check up ng asawa nitong si Dianna.May business meeting na pinanggalingan ang mag-asawa at dahil madadaanan ang ospital ay minabuti na nitong tawagan siya ng maaga kanina para makapagpacheck up na rin. Ay dahil sa si Sandra ang personal doctor ng mag-asawa ay agad namang binakante ni Sandra ang oras na iyon."Good morning, Mr. and Mrs. Embarcadero." Nakangiti ring bati niya sa mag-asawa."Ikaw talaga, hija. Sinabi ko naman sayo'ng Paul na lamang ang itawag mo sa akin. We don't need too much formality."Ngumiti na lamang naman si Sandra."Wala namang ibang tao, hija. Saka parang hindi naman tayo magkakilala niyan." Si Mrs. Embarcadero na ang nagsalita."Kayo po talaga, Sir Paul at Tita Dianna." Ngiti na lamang ang tanging naisagot niya sa mga ito.