Lulan sina Sandra at Jann ng Ford Everest na sasakyan ng binata habang binabaybay ang daan ng Alabang. Papunta sila ngayon ng Batangas kung saan may family outing ang pamilya ng dalaga.
Noong una ay ayaw talaga niyang magpunta ng Batangas lalo na at kasama ang lalaki pero wala na rin siyang nagawa ng tawagan siya ng kanyang Mommy Josephine at sinabing magkita kita na lamang sila doon. Na ini-expect na sila parehas ng kanyang mga kapatid. At kapag hindi siya pumunta ay ayos lang daw naman na si Jann na lang ang tumuloy. Alam naman niya na sinabi din iyon ng kanyang Daddy dahil alam nitong hindi rin siya papayag.
Ayaw din naman niyang hayaang si Jann lamang ang pumunta doon at wala siya. Siguradong gigisahin ito ng buhay ng kanyang mga kapatid. Kinausap na rin naman niya ito na 'wag nang tumuloy pero hindi ito nagpapigil sa kanya.
Sinabi pa nitong kesyo nangako na daw ito sa parents niya na pupunta silang dalawa kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay s
"Hey, wake up. We're here." Naulinigan ni Sandra ang boses ni Jann.Nang maimulat niya ang mga mata ay naramdaman niya na hindi na umaandar ang sasakyan. Si jann naman ay nakatitig lang sa kanya habang nasa driver seat pa ito."Where are we?" Pupungas pungas pang tanong niya."Nasa resort na tayo dito sa Batangas. 15 minutes na tayong nakaparada dito." Sagot nito sa kanya."Bakit hindi mo ako agad ginising?" Sita niya dito habang inaayos ang sarili."You are in a deep sleep, love. I don't want to wake you up. Don't worry. Tinawagan ko na si tito kanina para itanong ang mga kailangan. Kaya nakabili na rin ako kanina. 'Di na kita ginising para naman makabawi ka ng tulog." Paliwanag nito. Hindi nito inalis ang pagkakatitig nito sa kanya."D-don't look at me that way." Tila nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga titig nito na hindi niya alam kung kailan pa siya tinititigan."I can't help it. You a
Sandra is wearing her black two piece swimsuit. Naisip niyang patungan na lamang iyon ng isang white tshirt. Kasalukuyan niyang hinahanap ang white tshirt sa bag na dala dala niya nang pumasok naman si Jann na dala ang bag nito."What are you doing here?"Natigilan si Jann ng makita si Sandra. Pakiramdam niya ay nahipan siya ng masamang hangin at hindi maalis ang mata niyang naka-glue na ata sa katawan ni Sandra.Sino ba naman ang hindi matutulala kapag nakakita ng isang doktor na madalas ay naka-coat at balot ang buong katawan, at bigla mong makikita na naka two piece na lamang.Lalong tumingkad ang kasexy-han nito at lalong pumuti ang kuminis ang balat nito dahil sa kulay itim nitong bikini. Pakiramdam niya ay sinisilaban ang buong katawan niya. Hindi dahil sa ininom niya kaninang black labeled drink na iniinom nila ng mga kapatid ni Sandra kung hindi ay dahil sa tanawing hindi niya na
Masayang kumain ng family dinner ang buong pamilya ni Sandra kasama si Jann. Alas otso na nang matapos ang mga ito sa walang sawang kwentuhan at pag-interview kay Jann.Hindi maikakaila na gustong gusto ng mga ito si Jann para kay Sandra. Lahat na rin ata ng tanong ng mga ito ay nasagot na ni Jann lalo na at kanina pa umiinom ang mga ito. Natigil lamang iyon nang nagkayayaan na na kumain muna ng dinner.Si Sandra naman ay umahon na rin kanina pa at nagpalit na muna dahil bigla itong gininaw. Ang kanyang Kuya Gian naman at Kuya Walter ay bahagya na ring lasing dahil nakarami na ang mga ito na hindi maawat kanina.Pagkatapos magligpit ni Sandra kasama ang kanyang Ate Malou ay naabutan niyang nakaupo pa rin si Jann habang nakatingin sa mga pamangkin niyang walang sawang nagtatampisaw sa pool kasama ang mga ama nito. Naligo ang dalawa para daw mabawasan ang pagkalango ng mga ito."You are drunk. You better soak in the pool para naman mabawasan ang epekto ng a
Wala nang taong naiwan sa pool. Tanging silang dalawa na lamang ni Jann.Ang mga magulang niya ay siguradong nagpapahinga na nang nga oras na iyon at ang mga kapatid naman niya ay nagbabanlaw na siguro at inaasikaso ang mga anak.Tahimik ang buong paligid at tanging ang hampas lang ng tubig sa pool ang naririnig nilang dalawa."J-Jann, I think we should leave the water because it's getting cold." Pagdadahilan niya."Let's stay this way, love." Sagot naman nito sa kanya."J-Jann..."Naramdaman niya ang paghilig ng ulo nito sa balikat niya habang nakayakap ito sa kanya habang nakatalikod siya.Hindi ito sumagot. Tahimik lamang ito na hindi gumagalaw at hindi pa rin binibitawan ang pagkakayakap sa kanya. Naiilang si Sandra sa pwesto nilang dalawa pero wala siyang magawa dahil pakiramdam niya ay nagpapababa lamang ang binata ng epekto ng alak nito sa katawan.Naaamoy niya rin ang pinaghalong alak at ang panlalaking amoy nito na sum
Nang matapos si Jann na mag-shower at mahimasmasan ng kaunti ay lumabas na din siya agad ng shower room. Medyo mabigat pa ang ulo niya at mabigat din ang pakiramdam niya. Baka dahil lang siguro ito sa halo halong ininom nila kanina at sa matagal na pag maneho.Tinutuyo niya ang buhok niya nang mapagawi ang mata niya sa kama.Sandra is already sleeping. Nang tingnan niya ang pambisig na relo ay pasado alas onse na rin pala. Napansin na rin naman niya kanina ang paghikab nito kaya hindi na siya nagtataka na abutan itong natutulog na.Nang maglakad siya papunta sa kama nito ay napangiti na lamang siya nang makita ang naka ayos foam sa ibaba at nakahanda na iyong higaan. Naisip niya na pinaghanda siya nito bago ito matulog."Of course..." iyon na lang ang lumabas sa bibig niya.Pagkatapos patuyuin ang buhok ay binuhay na ni Jann ang lampshade sa tabi ng kama at pinatay ang main lamp para mabawasan ang liwanag at hindi maistorbo ang tulog ng dalag
Pumayag na si Sandra na sa iisang kama lamang sila matulog ni Jann basta hindi ito pwedeng yumakap sa kanya o kaya ay lumapit na halos magkadikit na ang balat nila. Mabuti na lamang ay punayag din ang lalaki dahil antok na antok na rin ito at alas dos na rin ng umaga sila muling nahiga.Noong una ay ayaw siyang tigilan ni Jann dahil nag-aalala ito ng sobra nang makita siyang namumutla at suka ng suka sa cr. Nakinig naman ito sa dalaga ng sabihin nito na okay lang siya dahil totoo nga naman na mas may alam siya sa sarili at doktor nga naman ito.Nasa mahimbing na pagtulog si Jann habang si Sandra naman ay hindi magawang ipikit ang mata dahil pakiramdam niya ay nagugutom siya at may gusto siyang pagkain.Naiinis din ang dalaga sa 'di maipaliwanag na dahilan dahil nakikita niyang masarap ang tulog ng lalaking katabi niya.Hindi rin siya nakatiis kaya naman sinubukan niyang gisingin ang natutulog na si Jann."J-Jann... oy! Can you please wake up?
"Open it for me, please?" Nakangiting pakiusap ni Sandra sa binata. Nasa resort na sila at kasalukuyang nasa kitchen ng resort dahil kanina pa siya inuutusan ng dalagang balatan ang pinya na hindi naman niya alam kung paano.Alas singko na ng umaga at malapit na rin lumiwanag."Sige na, last favor na 'yan.""I really don't know how to peel this. Sure ka ba na gusto mong kumain ngayon?" Nangingiwing sabi ni Jann."Sige na, love, please?" Nagpapacute na lambing nito ma ikinangiti ni Jann. Ito kasi ang unang beses na tinawag siya nito sa ganoong endearment."Okay, basta ikaw." Nakangiting sabi niya sa dalaga.Hindi man alam kung paano ito balatan ay kinuha nito ang pinya at inumpisahang tanggalin ang balat."Inuubos mo naman ang laman, eh!" Salubong ang kilay na sita nito sa binata."'Di ko kasi talaga alam paano balatan 'to. Wait."Naiinis man ay bahagya na ring natawa si Sandra sa ginagawa ni Jann. Kahit hindi
Nagkakasayahan ang buong pamilya nang dumating si Sandra. Kagigising lamang nito base sa itsura nito."Hija, kumain ka na dito." Yaya ng kanyang Ina.Napataas naman ang kilay niya nang makitang halos lahat ata ng mata ay nakatingin sa kanya."What?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito habang tinitignan ang mga pagkain sa lamesa."Come here," yaya sa kanya ni Jann na tinukoy ang bakanteng upuan sa tabi nito."Bakit ang tagal mong magising? Nakaligo na ulit sa pool ang mga pamangkin mo at magtatanghali na pero kababangon mo lang." Ang kanyang Daddy."Masakit ang ulo ko, Dad." Sabi naman niya habang pinapanood ang mga pamangking nagtatampisaw sa pool."Di ako sasama sa paglibot sa buong bayan, I need more sleep." Tumingin ito sa lamesa na may hinahanap."Did you all just eat the pineapples I buy?" Tanong nito. Na tiningnan sila isa-isa."Mabuti naman anak at bumili ka, akala ko y sa Tita Marge mo pa nanggaling at in---"
Kasalukuyang lulan ng taxi si Sandra papunta sa bahay nila.Huling araw na nang leave niya at plano na sana niyang gugulin na lamang ang sarili sa panonood at pagtulog sa unit ng matalik na kaibigang si Ella.Inuutusan na lamang niya itong kumuha ng gamit sa unit niya kapag kailangan niya. Naiintindihan naman siya ng kaibigan kaya naman sumunod na lamang ito.Kumakain siya kanina ng pineapple na galing pa sa Pangasinan na pasalubong ng boyfriend ni Ella. Lagi kasing ito ang inuungot niya sa kaibigan kaya kahit unay na umay na itong panoorin siyang nilalantakan araw araw ang pinya ay okay lamang dito.Hindi pa siya tapos kainin ang pinyang siya rin ang nagbalat nang makatanggap siya ng tawag galing sa Kuya Walter niya. Hindi pa sana niya iyon sasagutin pero nagtaka na rin siya nang halos sampung beses itong tumawag at sunod-sunod ang text nito na may emergency daw sa bahay nila.Pinakuha na rin kasi niya sa kaibigan ang cell phone niya dahil b
Pagkagaling sa mansiyon ng mga Embarcadero ay tumungo si Sandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigang si Ella.Nang makita naman siya ng kaibigan na umiiyak habang nakatayo sa pintuan ng unit nito ay agad din siyang pinapasok para tanungin kung ano ba ang nangyari.Sandra told her bestfriend about what happened. Everything, pati ang hindi pagparamdam sa kanya ng boyfriend na si Jann ng dalawang araw."Bes, why not try to talk to him? Mas maganda pa rin na sa kanya mangagaling ang sagot. Kung bakit ganoon ang ginawa niya.""Ayoko na siyang makita pa." Sabi ni Sandra habang nagpupunas ng luha."Hey, stop crying. Makakasama 'yan kay baby. Bukas pa naman ang balik natin sa pedia at malalaman na natin kung lalaki ba o babae ang inaanak ko."Sa halip na tumigil ay lalo lamang naiyak si Sandra. Naiisip niya kung paano na sila ng kanyang magiging anak. Wala naman talaga siyang pakialam kung may iba nang babaeng gusto si Jann. Pero ang iniiisip ni
Lumawak ang ngiti ni Dianna nang makita ang papalapit na anak na si Jann. Kasalukuyan nilang kasama si Gwen at masayang nagkukwentuhan habang abala din ang mga bisita nila.Pinagkukwentuhan lang naman nilang mag-asawa kasama ang anak na si Gwen ang tungkol sa sinabi ng anak na si Jann tungkol sa babaeng ipapakilala daw nito.Simula't sapol kaso ay wala itong ni isang babaeng dinala at ipinakilala sa kanila. Babaero ang anak nilang si Jann pero hindi naman ito nagharap sa kanila ng kahit isa sa mga babae nito.Yayakapin na sana ni Dianna ang anak ng bigla itong nagsalita. "Who is this doctor that came here, Mom?"Nagtataka namang napalingon si Dianna sa asawang si Paul."Doctor?" Tanong muli ng Daddy niya. Si Gwen naman ay nakikinig lang sa kanila."I mean... what hospital are you visiting for your check up, Mom?""Why are you asking me about that, Hijo? Teka nga, naguguluhan ako. Ano ba talaga ang itinatanong mo? "
Nang dumating si Lessandra sa mansiyon ng mga Embarcadero ay ipinakilala siya ng mag-asawa sa ilang malalapit na kaibigan nito pati na rin sa ilang kamag-anak ng mga ito na mabibilang din sa daliri.Halos parehas lang ang narinig niyang pagbati sa kanya ng mga bisita at naroroon.Na napakaganda niya at kahit sino mang tanungin ay hindi aakalain na bente nuwebe na ang edad niya. Na napakaganda niyang doktor at sinabi pa ng pinsan ni Mrs. Embarcadero na si Pauliee na dapat ay nasa mundo daw siya ng modeling o beauty pageant kaysa sa ospital.Pinili niyang isuot ang isang black na off shoulder high slit na dress na iniregalo pa sa kanya ng matalik na kaibigang si Ellaiza. Sanay naman siyang magpunta sa mga celebrations dahil na rin sa propesyon niya kaya hindi na rin siya nahirapan na maghanap ng isusuot.At dahil ipinakilala siya ng mag-asawang Embarcadero na malapit na kaibigan at siyang personal doctor ay naging maayos at magaan naman ang pakikitungo ng l
Kanina pa paikot ikot si Jann habang hinahanap ang babaeng alam niyang hindi siya pwedeng magkamali.Si Sandra.He's been calling and texting her after he arrived from Canada to attend a meeting. Dapat ay ang ama sanang si Paul ang pupunta ng Canada para sana um-attend pero dahil kaarawan ng kanyang Mommy Dianna ay hindi na siya nakatanggi pa sa hiling ng kanyang Ama.Miss na miss na niya ito. Alam niyang hindi siya agad nakapagpaalam dito dahil biglaan ang flight niya at sigurado siyang nagtatampo ito. Inisip niya habang nasa Canada na saka na lang niya ipapaliwanag ang lahat sa dalaga.Plano na rin niyang ipakilala si Sandra sa ga magulang niya kaya naman pagbaba ng eroplano kaninang 6pm ay nagtext na siya dito at may binigay siyang address. Sinabi niya na magkita sila sa address na ibinigay niya. Surpresa sana niya ito sa dalaga pero walang sumasagot ng tawag o nagreply sa kanya. Mara
Katatapos lang ni Sandra sa sa kanyang daily rounds, alas tres na ng hapon ng masulyapan niya ang pambisig na relo. For her, ito na yata ang isa sa pinaka-toxic na araw niya ngayong buwan.Nagkakagulo ang emergency room kaninang umaga dahil sa road accident na kinasangkutan ng dalawang bus at tatlong private vehicle. Dalawa ang patay at ang marami ay malubha ang kalagayan at nasa ICU pa ang iba habang abala din ang operating room.Short pa naman sila sa nurses dahil nagleave ang isa dahil buntis at ang dalawa naman ay nagresign dahil lamang sa eskandalo na naugnay sa sa playboy na anak ng direktor ng ospital. Wala din ang isang surgeon nila na nagkataong nasa two days vacation sa canada para sa kasal ng kapatid nito.Kaya naman abalang abala ang buong ospital. Halos 'di rin sila nagkausap ng matagal ng matalik na kaibigang si Ella dahil maging ito ay iritable na rin sa dami ng inaasikaso at pabalik balik ng ER.Katatapos lang naman ng round ni
Nagising si Sandra dahil sa magkakasunod na tawag sa telepono. Nakapikit paring kinapa niya ang bedside table upang mahagilap ang cell phone niya upang matigil na iyon sa pagtunog.Naramdaman pa niya ang lalong paghigpit ng yakap sa kanya ng boyfriend na si Jann na nakayakap sa kanya habang nakatalikod siya.They made love last night.Hindi niya alam kung ilang beses at anong oras na bumigay ang kanilang katawan sa pagod. Basta ang alam lang niya ay siguradong masasakit ang ilang parte ng katawan niya na naramdaman na niya ng bahagyang abutin ng bedside table.Hindi siya tinigilan ni Jann kagabi. He's drunk but he still do it with her passionately and lovingly. Without even saying he's tired and sleepy. He even wanted more and more of her. Siya na nga lang talaga ang sunuko dahil talagang pakiramdam niya ay napagod na siya ng sobra sa mga ginawa nila. But she feels happy and her body is still craving for more. Hindi na rin naman siya pinilit ng noby
Marami nang changes na nangyayari sa katawan si Sandra. Kasama na rin ang mood swings niya na kahit siya ay hindi na rin maintindihan ang sarili.Naging maayos naman ang nagsisimulang relasyon nila ni Jann. Hindi pa man nito naikukwento ang tungkol sa buong pagkatao nito at sa pamilya nito ay hindi na niya gaanong iniisip iyon.Ang mahala ay masaya sila at nararamdaman naman niya na mahal siya nito. Masyado pa rin namang maaga at angsisimula pa lamang sila sa relasyon.Alam niya na kapag handa na itong magkwento ay ito mismo ang magsasabi sa kanya at ipapakilala din siya sa pamilya nito.Katatapos lamang niya magshower at kasalukuyang nag-aayos ng susuutin kinabukasan nang marinig niya ang doorbell.Inisip niya na baka si Ella dahil tinawagan niya ito at sinabing kapag pwede ay daanan siya at ibili siya nang mangga dahil talagang naglalaway siya. Nasa stage kasi siya ng paglilihi kaya nagiging weird ang panlasa niya."J-Jann?" Nabungaran niy
"Good morning, Doctor Olivarez." Masayang bati ng mag-asawang Embarcadero. Martes ng alas onse ngayon at maagang tumawag kanina si Mr. Paul Embarcadero na dadaan sila ng ospital para sa check up ng asawa nitong si Dianna.May business meeting na pinanggalingan ang mag-asawa at dahil madadaanan ang ospital ay minabuti na nitong tawagan siya ng maaga kanina para makapagpacheck up na rin. Ay dahil sa si Sandra ang personal doctor ng mag-asawa ay agad namang binakante ni Sandra ang oras na iyon."Good morning, Mr. and Mrs. Embarcadero." Nakangiti ring bati niya sa mag-asawa."Ikaw talaga, hija. Sinabi ko naman sayo'ng Paul na lamang ang itawag mo sa akin. We don't need too much formality."Ngumiti na lamang naman si Sandra."Wala namang ibang tao, hija. Saka parang hindi naman tayo magkakilala niyan." Si Mrs. Embarcadero na ang nagsalita."Kayo po talaga, Sir Paul at Tita Dianna." Ngiti na lamang ang tanging naisagot niya sa mga ito.