PAGDATING namin sa mansiyon ay dumiretso agad sa kanyang silid si Aling Flor. Antok na antok na raw ang matanda kaya naman nagpresinta akong alalayan ito paakyat ng hagdan. Habang si Ellie naman ay hindi na nalabanan pa ang antok. Tulog na tulog ito sa bisig ng kanyang ama kaya't muli akong bumaba nang sa gayo'n ay maalalayan ko rin si Iñigo ngunit tinawanan lang ako nito."Sam, hindi ako lasing. Hindi mo ako kailangan'g alalayan." Nakangising sambit nito."Alam ko. Worried lang naman ako kasi-""C'mon! Okay lang ako. Kayang-kaya kong buhatin si Ellie." Giit pa nito."Tsk...diyan ka na nga! Matutulog na rin ako!""Goodnight baby!" pahabol na sigaw nito."Letse ka! Umaga na!" nakairap kong sagot bago ako dumiretso sa aking silid.Pagkapasok ko pa' lang ay agad na akong humilata sa kama. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako buong maghapon. Marahan ko ng ipinikit ang aking mga mata ngunit bigla na naman'g nang istorbo si Iñigo. Sunud-sunod ang ginawa nito'ng pagkatok."
BUONG maghapon ay hindi talaga sa'kin humiwalay si Ellie. Ni hindi ko na nga halos makarga si Sammuel dahil palagi siyang nakadikit sa'kin. Gayunpaman ay labis ang aking nadarama'ng saya dahil sa wakas ay nagbago na rin ang pakikitungo niya saakin. Mabuti na lang at hindi napagod si Iñigo na ipaintindi sa anak niya kung sino at ano nga ba ako sa buhay nila.Gabi na nang umalis sa tabi ko si Ellie. Kaya naman matapos namin'ng maghapunan ay saka lamang kami nagkaroon ng pagkakataon ni Iñigo na magkasama.Nilapitan ko ito. Tinabihan ko sa couch at tahimik kaming nanood ng tv. Maya-maya lang ay bigla itong nagsalita"Hey, baby! Wala ka pa bang balak na matulog?" Aniya habang nakatuon pa rin sa tv ang kanyang paningin."Ah, maya-maya pa ako matutulog. Tatapusin ko muna 'tong pinapanood natin. Pero kung inaantok ka na, eh pwede ka naman'g umakyat na at mauna ng matulog.""Wow! Ang harsh naman! Talagang ipinagtabuyan mo na ako huh." Reklamo ni Iñigo at ngkunwari na naman ito
TATLO'NG buwan na rin ang lumipas buhat nang maging kami ulit ni Iñigo. At sa bawat paglipas ng mga araw ay mas lalo kong nararamdaman kung gaano niya ako kamahal.Maging si Ellie ay tuluyan na nga'ng napalapit saakin. Sa totoo lang ay parang totoong ina na rin ang turing niya saakin. Kaya nang sinabi niyang ako ang gusto niyang maghahatid palagi sa kanya sa school ay wala na akong nagawa kundi sundin na lang ang iyon.Subalit isang umaga ay hindi kami natuloy sa pagpasok sa eskwela dahil may babaeng bigla na lang humarang saamin sa labas ng mansiyon.''Who is she tita mommy?'' Ani Ellie habang pinagmamasdan ang babaeng nakatayo ngayon sa aming harapan.Maganda ito, sexy at matangkad. Animo'y isa itong sikat na artista. Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Ellie. Dahil kahit ako ay hindi ko rin kilala ang babaeng 'yon.''Tita mommy, sino po siya?'' muling tanong niya.'' Baby, hindi ko rin siya kilala eh.'' Pabulong na sagot ko sa
KANINA pa akong hindi mapakali. Alas nuwebe na ng gabi ay wala pa rin si Iñigo. Ilang beses ko na itong tinawagan pero hindi niya man lang 'yon sinasagot."Tito, wala bang nabanggit sa'yo si Iñigo na pupuntahan niyang event ngayon'g gabi?""Huh? Wala. Alas siyete pa 'lang nang maghiwalay kami kanina sa parking lot. Akala ko nga eh nandito na siya eh. Kasi mas nauna siyang umalis kaysa sa'kin." Anang presidente na kanina pang alas otso dumating."Uhm...baka may dinaanan lang po siguro. ""Sinubukan mo na bang tawagan?""Yes tito. Pero hindi niya naman po sinasagot.""Oh, baka maya-maya ay dumating din. Teka, okay ka lang ba, Sam? Kanina ko pa napapansin na para kang balisa ah!"''O-okay lang po ako. Na-nag-aalala lang po ako kay Iñigo.""Haist, nasaan na kaya 'yon?" naihilamos pa ng presidente ang dalawa niyang palad. "Sorry Sam pero hindi na kita masasamahan sa paghihintay kay Iñigo. Hindi ko na talaga kayang labanan pa ang antok ko eh." Dagdag pa nito dahilan upang mapilitan
HINANG-HINA ako habang nag-uusap kami ni Nicole. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop."Nicz, anong gagawin ko? What if magkabalikan sila ni Iñigo?" kaagad na tanong ko sa kanya nang tuluyan na kaming makaupo."Alam mo, kung ako sa'yo...hindi muna ako mag-oover react at mag-ooverthink diyan." Aniya na busy sa pagtingin ng menu book."Nakakainis ka naman! Akala ko pa naman may mabuti kang maipapayo sa'kin." Reklamo ko."Frenny, dapat kasi kinausap mo muna si Iñigo. Malay mo naman may mabigat na dahilan 'yon kaya hinayaan niyang tumuloy sa mansiyon 'yong Melissa na 'yon." Kibit balikat na paliwanag ni Nicole."Sinubukan ko siyang kausapin kagabi, Nicz. Pero dinaan niya lang ang lahat sa init ng ulo. He told me na wala siya sa mood para pag-usapan ang mga gano'ng bagay. So, anong gusto mong isipin ko sa naging reaksiyon niya? Tapos kaninang umaga ay biglang susulpot sa harapan ko ang mukha ng ex niya. Alangan naman'g matuwa ako di'ba?""Oh, I'm so sorry frenny. Akala ko kasi
NAULINIGAN ko ang matinis na boses ni Sammuel kaya naman dali-dali akong lumabas ng silid. Patakbong bumaba ako ng hagdan at nakahinga lamang ako ng maluwang nang makita kong naroon na si Diane. Karga na pala nito ang anak ko.Ang dami nilang mga pinamili'ng damit. Kaya naman enjoy na enjoy sina Iñigo at Melissa habang magkatabi sa couch.Gustong-gusto kong batuhin ng tsinelas si Iñigo nang makita kong isinusuot sa kanya ni Melissa ang isang polo shirt.Tiim bagang na nilapitan ko ang mga ito."Look honey, kasyang-kasya pala 'yan sa'yo eh." Nakangising sambit ni Melissa habang si Iñigo naman ay ngiting-ngiti rin."Hi baby! Oh, i missed you so much! Finally, nakauwi na rin kayo!" Pumagitna ako sa kanila. Sinadya ko rin'g halikan sa labi si Iñigo nang sa gayo'n ay mainis sa'kin si Melissa.''Yeah, i'm sorry, Sam kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo." Ani Iñigo.''Nah, it's okay. Ang mahalaga, safe kayong nakauwi. Siya nga pala, sabay-sabay na tayong maghapunan. Tinulungan ko si
TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Ngunit sa halip na lumabas ng silid ay mas pinili kong manatili na lang doon. Ayoko'ng makita ang pagmumukha ni Melissa dahil paniguradong magkakagulo lang ulit kami.Bumangon ako at kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table. Tinawagan ko si Nicole para makibalita."Oh, bakit, Sam?" anang kaibigan ko sa kabilang linya."Uhm, balak ko lang mangumusta." Walang ganang tugon ko."Okay lang naman. Actually, tinanong sa'kin ng boss natin kung kailan ka daw babalik?""Hindi ko rin alam Nicz. Ang gulo ng isip ko ngayon eh.""Nasa mansiyon pa rin ba si Melissa?" "Yeah. At pinayagan pa ni Iñigo na mag-stay dito ang haliparot na 'yon.""What? Hindi ka man lang nagprotesta?""Tsk...syempre nagprotesta. Pero may magagawa pa ba ako kung si Iñigo na ang nagdesisyon?" pangangatwiran ko."Oh, eh anong plano mo?""Hindi ko pa alam Nicz.""Sige na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Nandito na kasi 'yong bagong photographer e
TATLONG araw na akong hindi pumapasok sa trabaho. Kaya naman naisipan kong makipagkita ngayon kay Nicole para naman hindi na ito mag-alala pa saakin. Tinawagan ko ito at agad naman'g pumayag na makipagkita sa'kin sa coffee shop na malapit lang sa clothing company na aming pinagtatrabahuhan.Pagdating ko sa coffee shop ay naroon na pala ito."Kanina ka pa ba?"kaagad kong tanong nang makaupo na ako."Hmm...hindi naman. Siguro mga ten minutes pa 'lang ako dito.""Oh, sorry.""It's okay Sam. By the way, you look pale huh! May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa'kin."Huh? Wala akong sakit no'h!""Eh bakit ang putla mo? At saka, tatlong araw lang na hindi tayo nagkita pero feeling ko ang payat mo na." Dagdag pa nito."Tsk, ang OA mo. Wala akong sakit. Dati naman akong payat kaya hindi nakapagtataka 'yang mga sinasabi mo.""Sam, umamin ka nga. Hindi ka na naman ba kumakain ng maayos?""Okay lang ako Nicz.""So, hindi nga? Ang layo ng sagot mo sa tanong ko eh." Giit p
BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo
NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da
PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi
KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto