Share

Kabanata 9

Author: Two Ears is Bodhi
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Mabilis na ipinaliwanag ni Gerald ang sitwasyon kay Zack at mabilis na tumango si Zack.

“Nga pala, Brother Zack, may kakilala ka bang Nigel Fisher ang pangalan? Narinig ko na ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang restaurant sa Mayberry Commercial Street.”

Sa mga sandaling iyon, nakakunot ang noo ni Gerald.

Hindi siya isang taong na mapanakit o masama ang budhi.

Gayunpaman, si Nigel ang nagbigay kay Yuri ng ideya na agawin ang kasintahan ni Gerald na si Xavia, mula sa kanya. Si Nigel ang dahilan kung bakit siya nakaranas ng matinding kahihiyan.

Samakatuwid, gusto lang malaman ni Gerald kung ano ang mangyayari kung mawala ang lahat ng pera sina Nigel at kanyang pamilya.

“Nigel? Oo, nagtatrabaho para sakin ang kanyang ama. At saka, ang restaurant na pinapatakbo ng kanyang pamilya ay nakarehistro sa iyong pangalan. May nagawa ba siyang hindi kaaya-aya sayo?”

Naging maingat si Zack sa mga sandaling iyon.

Makalipas ang ilang sandali, mabilis na sumagot si Zack, "Alam ko ang dapat kong gawin, Gerald. Huwag kang mag alala! Ipaubaya mo ang lahat sakin."

***

Sa katunayan, hindi alam ni Gerald ang gagawin ni Zack.

Ito ay dahil hindi alam ni Gerald kung ano ang posibleng magawa ni Zack para sa kanya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ni Gerald ang kanyang pagkakakilanlan at kapangyarihan dahil sa ibang tao. Kahit na kinamumuhian niya si Nigel, nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam matapos magbigay ng utos kay Zack.

Nagpasya si Gerald na huwag na lang masyadong pag-isipan ito.

Matapos matapos ang tawag sa telepono, lumabas si Gerald ng banyo at dumeretso siya sa private room.

Gayunpaman, nagkaroon ng isang malaking pagbabago sa loob ng private room sa mga sandaling iyon.

Sa mga sandaling iyon, sina Alice, Naomi at iba pa ay sinusubukan lahat na tumawag sa lahat ng kakilala nila upang malutas nila ang pangyayaring ito. Kailangan nilang makahanap ng isang solusyon.

Sa mga sandaling iyon, biglang pumasok si Flynn sa private room, saka yumuko sa harap nila bago siya agad na humingi ng patawad.

At agad niyang sinabi niya sa kanila na hindi na nila kinakailangang magbayad para sa mga pinsala sa arowana fish tank.

Labis na nalito ang bawat isa sa mga sandaling iyon.

Nang biglang lumakad si Nigel papasok, biglang napagtanto ng lahat ang nangyayari.

"Brother Nigel, ikaw ba iyon?"

Tumingin ang lahat ng babae kay Nigel at kita ang paghanga sa kanilang mga mukha.

Pinag Iisipan pa rin ni Nigel kung ano ang posibleng gawin nila upang solusyonan ang mga pangyayari. Sa katunayan, tumakbo siya kanina sa private room dahil gusto niyang magtago. Gayunpaman, nagpasya siyang magtungo sa private room nang makita niyang nagmamadali si Flynn patungo sa private room ng may gulat sa kanyang pagmumukha.

Tila lumalabas na nalutas na ang mga pangyayari.

Hindi ipinagtapat ni Nigel na hindi siya ang nagresolba sa mga nangyari.

Sa halip ay ngumiti lang siya at sinabi, “Si Brother Flynn at ang aking ama ay mabuting magkaibigan! Maliit na bagay lang ‘to. ”

“Wow! Brother Nigel, talagang hindi kapani-paniwala! ”

"Brother Nigel, ikaw ang pinakamahusay!"

Ang lahat ng mga babae ay agad na humanga kay Nigel.

Si Alice ay nakatingin din kay Nigel sa mga sandaling iyon at nagsisimula na siyang mahulog kay Nigel.

Pagkatapos ng lahat, siya ang may-ari ng Grand Marshall Restaurant sa Mayberry Commercial Street. Tunay na siya ay kahanga-hanga at nagmula siya sa isang mayamang pamilya.

Sa mga sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Gerald sa loob ng private room.

"Oh tingnan mo! Bumalik laang siya sa ng malaman na nalutas na ang pangyayari."

Kita ang pandidiri ng mga babae habang nakatingin kay Gerald.

Sa mga sandaling iyon, lalong nandiri si Alice kay Gerald.

“Naomi, matanong ko lang. Bakit ka nakikipagkaibigan sa isang katulad niya?"

Pangising sinabi ni Alice.

Doon nalaman ni Gerald ang katotohanan, na inayos na ni Zack ang lahat para sa kanya.

Bukod dito, lumapit si Flynn upang humingi ng paumanhin at ipaalam sa kanila na hindi na nila kailangang magbayad para sa mga pinsala.

Siyempre, madali lang malulutasan ang mga pangyayari. Kung tutuusin, si Gerald ang may-ari ng lugar na iyon.

Gayunpaman, dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lahat, napag-alaman ni Gerald na muli siyang hindi naunawaan at inisip nila na si Nigel ang may kagagawan kung bakit sila nakalusot!

Paliwanag?

Hahaha Naisip ni Gerald na hindi na ito kailangan.

Sa katunayan, inisip ni Gerald noong umpisa na maganda talaga si Alice.

Ngunit, pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong gabi, wala nang interes si Gerald kay Alice.

Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit niya pinili na lutasin ang bagay na ito ay dahil lamang kay Naomi.

Bukod dito, kahit na subukan niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, alam ni Gerald na wala ring maniniwala sa kanya.

Ayaw ni Gerald na sayangin ang kanyang oras upang magpaliwanag.

"Sige! Dahil nalutas na namin ang problemang ito, bakit hindi tayo pumunta sa ibang lugar para ipagpatuloy ang pagcecelebrate? Sagot ko na ang lahat!”

Sa mga sandaling iyon, agad na sinubukan ni Nigel na baguhin ang usapan.

Tumingin siya kay Alice at kanyang mga roommate.

“Oo! Syempre!"

Agad na pumayag ang buong grupo at ngumiti si Alice kay Nigel.

Kung ikukumpara kay Danny, naramdaman ni Alice na si Nigel ay hindi lamang mas gwapo, mas mature at mas stable din siya. Bukod dito, naramdaman ni Alice na maraming koneksyon si Nigel at tiyak na magkakaroon ito ng pakinabang sa kinabukasan.

Tiyak na maraming kakilala si Nigel!

Walang pagbabago sa ekspresyon ni Naomi habang sinabi niya, “Bakit hindi nalang natin ipagpatuloy ang pagdidiwang bukas? Halos alas kwatro na ng umaga. Sa tingin ko dapat umuwi na muna tayo ngayon… ”

Wala na sa mood si Naomi na magsaya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Sa mga sandaling iyon, tumango din si Harper at sinabi, “Oo, hindi na kami lalabas pa. Uuwi na din kami…”

Sa katunayan, medyo nakaramdam din ng pag-amot ang mga roommate ni Gerald.

Sa una, lahat sila ay nasasabik na makilala ang lahat ng magagandang batang babae sa dormitoryo ni Alice.

Gayunpaman, halata na ngayon na ang lahat ng mga lalaki mula sa dormitoryo ni Gerald ay hindi maikukumpara kina Danny at sa kanyang mga kaibigan.

“Hahaha, okay lang. Hindi din naman kayo makapasok sa susunod na pupuntahan namin. At saka, hindi ako pwede magsama ng masyadong marami. Kaya marahil ay mas mabuti kung pipiliin niyo na umuwi nalang!"

Malamig na napatingin si Nigel kina Gerald at Harper.

"Ahh? Saan ba tayo pupunta? Pupunta ba kami sa restaurant mo? " tanong ng mga dalaga habang nakatingin kay Nigel.

Inunat ni Nigel ang kanyang daliri bago niya ito winagayway sa harap nila. "Hindi, dadalhin ko kayo sa Wayfair Mountain Entertainment. Alam niyo ba ang lugar na ‘yon?"

"Ang sikat na Wayfair Mountain Entertainment?" Gulat na tinanong ni Alice. "Iyon ang highlight ng Mayberry Commercial Street! Hindi ba iyon ang manor kung saan nagpupunta ang lahat ng mayayaman at makapangyarihang para magsaya?”

Tama si Nigel. Hindi lahat ng tao may magagawang makapasok sa lugar na iyon sa kanilang buong buhay!

Si Alice ay nagmula sa isang mayaman na pamilya at nagkaroon siya ng pagkakataon na masulyapan ang manor dahil sa kanyang sobrang yaman na tiyuhin.

Sa hindi inaasahan, magagawang maipasok din sila ni Nigel sa manor.

“Dahil maraming magagandang babae, kukunin ko lang ang kotse. Hintayin niyo ako sa entrance! ”

Kinaway ni Nigel ang kamay niya bago siya lumabas ng private room.

Ngayon araw, talagang nabihag si Nigel sa kagandahang taglay ni Alice.

Sa katunayan, nais niyang gamitin ang pamamaraan na itinuro niya kay Yuri upang mapasagot si Alice.

Naniniwala siya na ang lahat ng babae ay madaling mabibili ng pera!

“Naomi, bakit hindi ka sumama sa amin? Birthday mo pa naman ngayon. Hindi ba’t sinabi mo na gusto mo talaga makita at maranasan ang Wayfair Mountain Entertainment? Ang pagkakataon ay nasa harapan na mo ngayon!"

Sinubukan ni Alice na akitin si Naomi na sumama sa kanila habang nakahawak siya sa mga kamay ni Naomi.

“Oo! Lahat tayo ay hindi pa nakakarating doon, kaya bakit hindi tayo magkakasamang pumunta doon ngayon? At saka, kasama natin si Brother Nigel na poprotektahan tayo ngayong gabi. Kilala siya dito at parang marami siyang koneksyon dito sa Mayberry Commercial Street. Wala tayong dapat ipag-alala dahil nandito si Brother Nigel kasama natin!”

Ngumiti din si Danny habang umaasa.

Sa mga sandaling iyon, nakasimangot si Naomi bago niya sinabi, “May isang bagay na hindi ko talaga maintindihan. Alice, hindi mo ba naisip na kakaiba ang mga nangyari ngayong gabi?”

Sumimangot si Alice bago siya nagtanong, “Kakaiba? Anong pinagsasabi mo? Tinutukoy mo ba ang nangyari tungkol sa arowana fish tank? "

"Oo," sagot ni Naomi habang nagpatuloy sa pagkakunot ng noo. "Malinaw niyong nakita at narinig kung paano pinilit ni Flynn na bayaran natin ang mga pinsala na nagkakahalagang two hundred thousand dollars. Sa oras na iyon, tila hindi siya nagpakita kay Nigel nang kahit anumang konsiderasyon, at kinailangan pa siyang purihin at bolahin ni Nigel para pasayahin siya.”

"Pero, wala pang ten minues, biglang nagbago ng husto ang pag-uugali ni Flynn. Pumunta pa siya para personal na humingi ng tawad sa bawat isa sa atin. Hindi mo ba napagtanto na kakaiba ang mga pangyayaring ‘yon?”

Mabilis na ipinaliwanag ni Naomi ang sitwasyon.

Agad na napatahimik ang lahat ng nasa private room.

Biglang sumagot si Harper, "Oo, naisip ko din na may kakaiba sa mga nangyari! Hindi mukhang madaling mapasaya si Flynn. Tiyak na hindi siya isang tao na madali mapapakiusapan ng kung sinuman. Kahit na gaano kahusay si Nigel sa pambobola, paano niya nagawang mabago ang isip ni Flynn sa loob lamang ng ilang minuto? "

"Ibig mo bang sabihin na may ibang tumulong sa atin?" Tanong ni Alice nang mapagtanto niya din na ang sitwasyon ay hindi tumutugma.

Masyado siyang naging abala sa paghanga kay Nigel at tuluyan niyang hindi binigyan ng pansin ang buong sitwasyon sa mga sandaling iyon...

Kaugnay na kabanata

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 10

    Kabanata 10##“Ha? Posible ba ‘yon pinagsasabi niyo? Sino pa ba ang makapangyarihan o maimpluwensyang katulad ni Brother Nigel sa Mayberry Commercial Street? Harper, sarili mo ba ang tininutukoy mo?"Ngumisi ni Danny sa sandaling iyon.Sumagot kaagad si Harper, "Hindi ko sinasabi na ako iyon per may pag-aalinlangan lang ako tungkol sa mga nangyari. At saka, tumawag ang ilan sa atin sa ating mga kaibigan. Marahil ay dapat magtanong ang bawat isa sa atin at tingnan kung mayroon ba sa mga kaibigan natin ang talagang tumulong sa atin na malutas ang nangyari? Dapat nating tiyakin na nagpapasalamat tayo sa tamang tao.""May sense ang sinabi mo!"Naging seryoso ang ekspresyon ni Alice ng mga sandaling iyon."Sige na. Everyone, tanungin niyo ang mga tinawagan niyo para malaman natin kung si Brother Nigel talaga ang tumulong sa atin.”Tinukoy din ni Alice si Nigel sa isang malambing na pamamaraan.Pagkatapos nito, nagsimulang tumawag ang lahat sa kanilang mga kaibigan at pamilya.Medyo

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 11

    Alam ni Gerald na kung anuman ang litrato ang kanyang pinag-uusapan ay dahilan lamang upang makipag-usap sa kanya.Sa katotohanan, ayaw na ayaw ni Gerald na makita si Xavia sa panahong iyon.Halos mawarak ang kanyang puso dahil labis niyang minahal si Xavia bago lang ang mga pangyayari.Gayunpaman, nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang wala siyang anumang nararamdaman para kay Xavia.Pagkarinig ni Gerald ng napaka-malungkot na boses ni Xavia, agad siyang pumayag siyang na makipagkita.Bumangon siya at hinanap ang mga larawan na matagal na niyang itinatago niya sa kanyang aparador.Pareho nilang kinuha ang mga larawang ito sa tabi ng maliit na lawa sa tabi ng campus bago ito.Sa oras na iyon, si Xavia ay inilahad ang mga braso nang may pagmamahal at hinawakan din siya ni Gerald sa mga braso habang siya ay malambing na ngumiti sa kanya.Gayunpaman, ngayon na ang sitwasyon ay umunlad na sa paraan nito, masasakit ang puso ni Gerald.Tinitigan ni Gerald ang isang daang libong

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 12

    Napatingin si Xavia sa pera na nakakalat sa sahig.Labis siyang naguluhan sa mga pangyayari.Hindi niya kailanman pinangarap na ang garbage bag na hawak ni Gerald ay naglalaman ng sandamakmak na pera!"Ha? Ano ‘to… ”Hindi alam ni Xavia kung ano ang kanyang iisipin. "Gerald, saan mo nakuha ang perang ‘to?"Hindi pinansin ni Gerald si Xavia.Sa halip, lumuhod siya at pinulot ang isang daang libong dolyar mula sa sahig."Anong pake mo? Hindi ba sinabi mo na hindi ako karapat-dapat sa isang tulad mo dahil di hamak na mahirap lang ako?”Pagkatapos ay tumalikod na si Gerald para umalis.Hindi na mapakali si Xavia sa mga sandaling iyon.Kung talagang mahirap si Gerald at kung talagang binili niya ang bag gamit ang one-time shopper's card na iyon, hindi maramdaman ni Xavia na sayang ang kanilang paghihiwalay.Hindi niya kailanman pagsisisihan ang kanyang mga ginawa!Gayunpaman, ngayon ay mayroong hawak si Gerald na isang daang libong dolyar...“Gerald, saglit lang! Magpaliwanag k

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 13

    Kabanata 13##Mabilis na ipinaliwanag ni Xavia kung ano kanyang naranasan ng umagang iyon sa lahat ng mga tao sa dormitoryo."Oh my god. Totoo pala talaga! Ang Hermes bag na iyon ay nagkakahalaga ng fifty-five thousand dollars!”"Si Gerald ay matagal ng nabubuhay sa subsidy mula university at sa perang kinita niya mula sa mga pagsunod sa mga inutos sa kanya ng iba. Hindi ko talaga inasahan na may ganun syang klase ng swerte! Akalain mo na nakatanggap siya ng isang Universal Global Supreme Shopper's Card!”"Lintik na ‘yan! Kung ibibigay sakin ni Gerald ang Hermes bag na ‘to, siguradong papayag ako na makasama siya ng isang gabi!”“Isang gabi lang? Kung papayag si Gerald na ibigay sakin ang Hermes bag na ‘to, papayag ako na maging girlfriend niya ng isang buwan!”"Nako, wala ka talagang hiya!"Kahit na alam nilang lahat na ang card ni Gerald ay isang beses lang magagamit, nakakagulat pa rin sa lahat na malaman na ang Hermes bag ay tunay at nagkakahalaga ng limampu't limang libong

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 14

    Kabanata 14##Sa oras na ito, gumawa sina Yuri at Danny ng isang eksena sa live broadcast room."Si Ordinary Man ay nagpadala sayo ng isang internasyonal na cruise ship!""Si Ordinary Man ay nagpadala sayo ng isang internasyonal na cruise ship!""Si Ordinary Man ay nagpadala sayo ng isang internasyonal na cruise ship!"Sampung magkakasunod na international cruise ship ang naipadala ng isang iglap!Nagkakahalaga ang bawat international cruise ship ng isang libong dolyar!"Wow!"“Salamat, Ordinary Man! Mahal kita, Ordinary Man!”Sigaw ni Felicity sa sobrang kaba.Hindi mapigilan ng mga dalaga na mapatingin sa telepono ni Felicity sa sandaling iyon.Hindi ito isang ordinatyong tao! Pinadalhan niya ng sampung international cruise ship na nagkakahalaga ng sampung libong dolyar sa isang iglap!Medyo nagulat sina Alice at Xavia sa sandaling iyon.Narinig na nila na maaari silang kumita ng pera mula sa mga live na pag-broadcast matagal na at nakumbinsi sila ngayon.“Ordinary Man,

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 15

    Napalingon kaagad si Gerald ng marinig niya ang boses ng dalaga.Nakita niya ang isang matangkad at patas na magandang batang babae na nakasuot ng masikip na maong na pinutol na pantalon at isang pares ng matangkad na takong na nakatayo sa likuran niya sa oras na ito.Nasa balakang ang kanyang mga kamay habang nakatingin kay Gerald na may pagmumukha sa mukha.“Gerald, sa palagay mo ba ay okay lang para sa iyo na umasa sa tulong na tulong ng estudyante sa iyo ng unyon ng mga mag-aaral nang makabili ka talaga ng isang mamahaling produkto na nagkakahalaga ng limampu't limang libong dolyar para sa iyong sarili? Hayaan mong may sasabihin ako sa iyo! Hindi ka namin isasama sa subsidy ng paaralan para sa susunod na taon! ” malamig na sabi ng dalaga kay Gerald.“Whitney, nakuha ni Gerald ang pera bilang gantimpala sa pag-save ng buhay ng batang babaeng iyon! Ang mga magulang ng batang babae ay binigyan siya ng card ng mamimili upang pasalamatan siya sa kanyang kabaitan. Bakit mo babawiin a

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 16

    Hindi sinasadyang tamaan ni Gerald ang paa ng babae gamit ang walis.May suot siyang puting sapatos at napakaputi ng kanyang mga binti. Nakikinig siya ng mabuti kay Victor habang nagpapaliwanag tungkol sa kanyang sasakyan, na kay Victor ang kanyang buong atensyon.Sa di inaasahang pangyayari, tinamaan ni Gerald ang kanyang sapatos gamit ang maduming walis at nadumihan at napuno ng alikabok ang kanyang puting sapatos.Hindi niya nagawang pigilan na sumigaw ng mapagtanto ang mga nangyari.Napukaw ang atensyon nina Whitney, Victor, at ibang pang nasa auditorium dahil sa sigaw ni Mila.“Anong problema Mila?”Dahil sa matinding pag-aalala, agad na nilapitan ni Whitney si Mila.Agad din lumapit si Victor kay Mila.“Wala, wala, okay lang ako. Walang problema.”Hinawi ni Mila Smith ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga at pagkatapos ay naglabas ng wet wipes bago yumuko para punasan ang dumi sa kanyang sapatos.Ngunit lalong kumalat ang dumi ng punasan niya ang kanyang sapatos.

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 17

    Hindi maipaliwanag ni Gerald ang nararamdaman niya para kay Alice.Si ALice ay tunay na napakaganda at elegante.Ngunit hindi talaga magawang matiis ni Gerald ang pag-uugali ni Alice dahil mayabang at bastos, mababa ang tingin niya sa mga mahihirap.Hindi maintindihan ni Gerald kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Naomi. Paano niya naisip na ipakilala siya kay Alice?Kaya pinili ni Gerald na hindi sumama sa kanila na kumain ng tanghalian dahil hindi niya gusto na maging awkward ang sitwasyon.Subalit, hindi niya magawang tanggihan ang taos-pusong imbitasyon ni Harper dahil ayaw niyang mabigo ang kanyang mga kaibigan.Ang lugar na napagdesisyunan nila na puntahan para manghalian ay isang western restaurant na nangngangalang Bludhaven.Tulad ng inaasahan, walang kakayahan si Harper na manlibre sa isang five-star hotel katulad ng mga second-generation rich kids katulad ni Danny o Yuri.Nagpunta ang anim na babae mula sa dormitory ni Alice ngayong araw,Bukod dito, nagpunta din ang

Pinakabagong kabanata

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2513

    Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2512

    ‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2511

    Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2510

    “…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2509

    Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2508

    "Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2507

    Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2506

    Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2505

    Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,

DMCA.com Protection Status