"Ano ang nangyayari?" Dumami na ang mga taong pumalibot sa kanila. Ang pag-usisa ay tumataas. "Hindi pa sigurado, pero parang ang magandang babae ay may relasyon noon sa mayaman na lalaki na iyon. Mukhang niloko niya ang lalaking iyon dahil may sikreto siyang boy toy. Ngayon, gumagawa sila ng eksena!" "Tama iyan! Yung lalaki niya ay nagtatago sa sasakyan habang nag-uusap tayo! Ito ang magiging dramatikong rebelasyon! Hindi ako makapaghintay!" "Heh, heh... Sana ako na lang ang nasa sasakyan na iyon. Ang babaeng iyon ay sobrang ganda! Ah-woo!" Marami sa mga lalaki na naroroon ay hindi nilihim ang kanilang pagkainggit. Habang nakaupo sa kotse, hinahangad ni Gerald na ihampas niya ang kanyang ulo sa kahit anong gamit na makita niya. "Danny, anong nangyayari?" Dalawang pigura ang lumitaw mula sa crowd ng mga tao. Isa sa kanila ay isang lalaki at ang isa ay isang babae. Lumapit sila para sumali kay Danny."Oh, Victor, Whitney... kailangan namin ng tulong dito!" Sabi ni Danny.
Nagulat at walang masabi si Whitney nang malaman niya na ang mga damit na iyon ay nagkakahalaga ng higit sa ten thousand dollars. Gayunpaman, marahil dahil ang salesperson sa shop ay gumawa ng isang kaguluhan sa kung paano ang regalo ng babaeng iyon kay Gerald ay napunta sa mga kamay ng isa pang dalaga... Si Whitney ay masyadong nahihiya na banggitin ito ngayon. Ngayon lamang niya nalaman na siya ay talagang mahirap. Sa katunayan, palagi niyang iniisip kung saan nagmula ang lahat ng kayamanan ni Gerald. Ngayon, may katuturan na ang lahat. Tulad ng sinabi ni Gerald sa kanya sa online, mayroon siyang patron. At hindi lamang iyon... hinatid pa ni Jane si Gerald gamit ang isang Benz! Noon, Ferrari ang nagtahatid sa kanya! Ngayon, lahat ng mga ebidensya ay naging katotohanan na! "Hmph!" Ngumuso si Victor. “Gerald, parati mong pinapakita na mabuti kang lalaki. Ganito pala ang binabalak mo… at bestfriend pa ni Mila ang loser na tulad mo?" Maraming mga tao ang nagkagulo "Wahaha,
Tumalikod si Gerald. Nakita niya na si Mila iyon. "Nandito ka para sa driving lesson?" Nakangiti siyang sumagot. “Oo! Kukunin ko yung second test bukas. Oh, oo nga pala! 'Di ba kukunin mo ang third test sa araw na iyon?" Dahil sa nangyari sa huling pagkakataon, umalia kaagad siya nang hindi natatapos ang second test. Kailangan niyang kunin ito ulit. Tumango si Gerald bilang sagot. "Ayos! Sabay na tayo para pareho tayong papasa!" "Great! Tayo na ~ Sa driving practice!" Nakita ni Gerald na masayang masaya na si Mila.Dati, nauutal at nauutal pa siya kapag kasama niya si Mila. Kung gusto mong makita ang mundo, mabuting magkaroon ng mga kaibigan na may matataas na antas sa buhay. Talagang pinalawak nito ang kanyang pananaw.Nagsanay sila sa buong hapon, at kinabukasan, silang dalawa ay nagtungo sila upang kunin ng kani-kanilang mga driving tests. Ang mga bagay ay naging madali para kay Gerald ay ang teorya at praktikal na mga seksyon. Sa loob lamang ng ilang araw, ang kan
Matapos ang mga taon ng mapait na away, kahit na ang pinakamaliit na problema sa pagitan nilang dalawa ay maaaring humantong sa isang malaking pasabog. Si Mila ay malapit nang magwala sa sobrang galit... ngunit wala siyang masabi. "Mila!" Kanina pa nakatingin si Gerald sa malayo. Ngayon na natatalo na si Mila, oras na upang sumali sa pagtatalo. “Ah! Gerald!" Napatalon sa gulat si Mila nang makita siya. Hindi niya dapat nahuli si Mila na nanghihina! "Whoa, Mila, sino siya?" Tiningnan siya ni Irene mula ulo hanggang paa. Pagkakita ng simpleng damit ni Gerald, isang ngiti ang namumulaklak sa kanyang mukha. Lahat ng kanyang mga kaibigan ay mga taong kilala. Si Mila naman ay nananatili sa ganitong uri ng mga tao... At ang kaswal na paraan ng pagtawag ni Gerald sa kanya... Ibig bang sabihin nito ay may nangyayari sa pagitan nila? “Kaibigan ko ito, Gerald. Ano anamn? " sabi ni Mila nang walang pag-aatubili. "Oho, akala ko ito na ang bayaw mo, Irene!"Inilahad ni Kenneth a
"Ano ang sinabi mo? Mayaman na tagapagmana, ikaw?! Hahaha!" Natatawang sinabi ni Irene.Si Mila ay hindi madaling ligawan at hindi siya maabot ng sinuman… ngayon, ang pinili niya ay isang weird na boyfriend!Baliw. Tumawa din si Kenneth. "Kung ganoon, Gerald, kung pwede kitang tanungin, anong uri ng trabaho ang ginagawa mo? Ano ang business ng pamilya mo?" Habang sinabi niya ito, muli niyang itininaas niya ang kanyang relo ng relo, na parang nababahala na baka hindi mapansin ng mga tao ang kanyang Rolex. Tinignan ng masama ni Gerald ang dalawa. "Hindi kayo karapat-dapat na malaman ang tungkol sa negosyo ng pamilya ko." "Bwahahahahaha!" Nakahawak sila sa kanilang tiyan habang nagtawanan. Hinawakan ni Mila ang shirt ni Gerald, pinakiusapan na huwag na siyang magsalita. Nasabi niya ang lahat ng iyon ngayon lang dahil nag-panic siya. Hindi niya inaasahan na sasakyan ni Gerald ang sinabi niya. Alam na alam ni Mila na si Gerald ay isang ordinaryong tao lamang at lagi din siya
“Oho, ikaw siguro ang girlfriend ni Kenneth, si Irene! Ang kotse ko ay nandyan mismo, haha! Tingnan mo lang kung gusto mo, hindi naman ito espesyal. Kalahating milyon ang halaga nito at halos wala na itong halaga sa akin ngayon! Pagkatapos mong tingnan ito, maghanap tayo ng kakainan!" Sa pagsasabi nito, pinangunahan sila ni Sean ng pabiro. “Hoy, hoy! Mila, ayaw mo ba itong makita? Oo nga pala... mas okay kung 'wag na lang. Kahit na makita mo ito, hindi naman kaya ng boyfriend mo na bilhin ito. Hindi tulad ni Kenneth, na mayroong isang Ferrari. Oo nga pala, Mila… Kailangan mo ba ng kaunting pera panggastos? Sana maintindihan mo. Kung hindi lang nag-alok si Sean na kumain, sasabihin ko sana kay Kenneth na isakay tayo sa sasakyan niya. Pero, dahil aalis kami kasama si Sean, pwede kang magtanong kung kailangan mo ng pera para sa isang taxi!" Niyakap ni Irene ang kanyang sarili at humagikgik. Kailangan niyang magpabida sa kanyang kalamangan. Walang pakialam si Mila kung ibang tao ang
"Mr. Crawford, nandito ka ba para samahan ang girlfriend mo para sa kanyang driving test?" Sa araw na iyon, natuklasan na ni Sean ang katotohanan tungkol kay Gerald. Isipin mo ... Two and a half million dollars ang ginastos niya nang hindi man lang pinagpapawisan. Iyon ang totoong kayamanan. Narinig din ni Sean ang iba pang mga balita tungkol dito. Bagaman hindi sila direktang nauugnay sa misteryosong Mr. Crawford, alam na niya ngayon na ang manager Lamborghini dealership ay isang taong kilala sa loob ng pangkat ng Mayberry. Kahit siya ay nagpakita ng labis na paggalang kay Gerald. Malinaw na hindi siya isang ordinaryong tao! "Hindi, hindi ... Parehas lang kaming may test ngayon!" Kahit na ang mga taong ito ay naging masungit sa kanya dati, makikita ang maayos na pagtanggap sa kanya ng mga ito ngayon, kaya sumagot siya nang may kagandahang loob. Sina Irene at Kenneth ay lubos na nalito sa lahat ng ito. Ito ba si Sean na pinag-uusapan nila?! Bakit ipinakita niya ang ga
Sobrang nasiyahan si Gerald sa mga salitang ito. “Pero Gerald, nararamdaman kong may tinatago ka sa akin. Si Sean na iyon ay hindi isang ordinaryong tao. Bakit napaka galang niya sayo? Hindi lang siya magalang sayo pero parang binobola ka niya." Hindi na kinaya ni Mila. Pakiramdam niya ay lalo siyang naguguluhan kay Gerald. Sa katunayan, ito mismo ang dahilan kung bakit naging kaibigan ni Gerald si Sean. Sa kanilang buong pag-uusap, hangga't hindi ito binanggit ni Sean, hindi kailanman sasabihin ni Gerald na binili niya ang Reventon. Pkiramdam ni Gerald na alam niya kung paano kumilos nang naaayon. Natutunan ito ni Gerald. Sa oras na iyon, simpleng ngumiti si Gerald bago niya sinabi, "Hindi ba sinabi ko ito nang personal? Totoo na ako ay isang top second generation. Pero, ayoko talagang talikuran ang buhay ko ngayon at ang mga kaibigan. Iyon ang dahilan kung bakit low-key lang ako. Siyempre, kaya naging magalang si Sean sa akin, dahil dito!""Kalokohan!" Ngumiti si Mila nan
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,