Share

Kabanata 2

Author: Two Ears is Bodhi
last update Last Updated: 2021-04-27 16:00:27
Lumalabas nagsinungaling sa kanya ang kanyang nakakatandang kapatid at mga magulang nang sinabi nila sa kanya na nagtatrabaho sila sa ibang bansa.

Pagkatapos nito, agad tumawag si Gerald sa kanyang mga magulang. Nagalit sila ng malaman nila na sinabi sa kanya ng kanyang ate ang tungkol sa kanilang kayamanan nang walang pahintulot ngunit makalipas ang ilang sandali, napagpasyahan nilang humingi na lamang ng tawad kay Gerald.

Sinabi kay Gerald ng kanyang ama na napilitan siya kundi gawin ito dahil gusto niyang palakihin siya na mapagkumbaba. Pagkatapos nito, maraming ipinaliwanag sa kanya ang kanyang ama!

Pagkatapos ay nag-withdraw si Gerald ng isang daang libong dolyar mula sa bangko bago siya mamili kasama ang ilan sa mga black bank card na ipinadala sa kanya ng kanyang kapatid.

Sa katunayan, hindi pa rin lubos na kumbinsido si Gerald. Panaginip lang ba ang lahat ng ito?

Labis ang pagkasabik ni Gerald sa mga oras na ito.

“Hahaha. Xavia kung hindi ka nakipaghiwalay sakin, mabibilhan na kita ngayon ng kahit ano pang gustuhin mo.”

“Yuri at Danny, inisulto niyo na ako at ginawang katatawanan sa unibersidad. Ano kaya ang magiging reaksyon niyo kapag nalaman niyo?”

Napangiti na lamang si Gerald.

Halos tanghali na nang makaalis siya sa bangko.

Sa oras na ito, tumunog ang cell phone ni Gerald at napagtanto niya na ito ay isang tawag mula sa pinuno ng kanyang dormitoryo.

“Hello!”

“Gerald, okay ka lang ba? Bakit wala ka sa dormitory?”

“Ah, lumabas lang ako para magpahangin!”

“Loko ka! Halos mamatay kami sa pag-aalala sayo. Nga pala, birthday ni Naomi ngayon. Dahil hindi ka niya ma-contact, sinabihan niya ako na tanungin ka kung pupunta ka sa birthday party niya mamayang gabi. Sabi niya nabanggit na niya sayo yung birthday party niya nung mga nakaraang araw!”

Pagkatapos margining ang kayang sinabi, tinignan ni Gerald ang listahan ng mga tawag na hindi niya nasagot sa kanyang telepono bago niya mapagtanto na mayroon ilang tawag mula kay Noemi na hindi niya nasagot.

Si Naomi ay isang kaklase ni Gerald at bukod sa napakaganda nito, malapit na malapit din siya kay Gerald.

Bukod kay Xavia, si Naomi ang bukod-tanging babaeng kaibigan ni Gerald.

Sa katunayan, naalala ni Gerald na sinabi sa kanya ni Naomi ang kanyang birthday nung mga nakaraang araw. Subalit, hindi siya sumagot dahil namomroblema na siya sa kung anong kakainin niya ng mga araw na iyon.

Ngunit ngayon... nagpasya si Gerald na mabuhay tulad ng isang normal na tao sa harap ng kanyang mga kaibigan.

Sa anong kadahilan kung bakit hindi siya pupunta sa birthday party?

“Kailangan ko ng regalo para sa kanya diba?”

Pagkatapos ibaba ang telepono, nagtingin-tingin si Gerald sa kanyang paligid at ang tanging lugar na pumukaw sa kanyang paningin ay ang Hermes shop.

Isa itong luxury store na kilala sa buong mundo na nagbebenta ng napaka marangyang kagamitan. Kahit na ito ay may kamahalan, maraming second-generation rich kids mula sa unibersidad kung saan pumapasok si Gerald ang mahilig na magpunta dito sa dahil sa dala nitong prestihiyo.

Hindi plano ni Gerald na pumasok sa tindahan ngunit bigla niya naisip ang Universal Global Supreme Shopper’s Card na ipinadala kanyang ate.

Labis na tukso ang kanyang naramdaman sa mga sandaling ito.

Nag dalawang-isip isip siya na gumastos ngunit ng maisip niya ang tunkol sa card, agad na nawala ang pag-aatubili ni Gerald.

Pagktapos huminga ng malalim, agad na nagtungo si Gerald sa Hermes boutique store.

“Hello sir, ano po ang magagawa ko para sa inyo?”

Isang magadang salesgirl ang magalang na bumati kay Gerald.

Kahit na may bakas ng pagkutya sa kanyang mga mata ng makita niya ang damit ni Gerald, nanatili siyang magalang.

Alam niya na lahat ng pumapasok sa tindahang ito ay kadalasan magtitingin-tingin muna ngunit hindi niya maintindihan kung bakit papasok ang isang katulad niya sa ganitong klase ng boutique store.

“Magtitingin-tingin muna ako,” sagot ni Gerald. Ito ang unang beses na pumasok siya sa ganitong klase ng marangyang tindahan kaya wala siyang ideya kung ano ang dapat bilhin.

May bahid ng kutya sa mukha ng salesgirl habang pinapanuod niya kay Gerald.

“Yuri, pwede mo ba ko bilhan ng bag?”

Sa sandaling ito, isang pamilyar na boses ang narinig ni Gerald at nakita niya ang isang magandang dilag na papasok sa tindahan habang nakakapit sa braso ng isang lalaki.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Gerald ng makita niya ang dalawa pagkatalikod niya.

Sino pa ba kundi sina Yuri at Xavia.

“Hello! Siya po ba ang iyong girlfriend Mr. Lowell? Ubod po siya ng ganda!”

Sa sandaling makita ng salesgirl na natumutulong kay Gerald si Yuri, nagkaroon ng matinding pagbago ang kanyang ugali habang binati niya ito ng may ngiti sa kanyang mukha.

Alam ng ng lahat ng si Yuri as isang second-generation rich kid at kapansin-pansin siya kahit saan siya magpunta. Ito ang rason kung bakit agad-agad nagpunta sa kanya ang salesgirl.

“Rachel, ito ang girlfriend ko, si Xavia. Dinala ko siya dito ngayong upang magtingin dahil gusto ko siya bilhan ng isang bag.”

Namula ang mukha ni Xavia sa sandaling ito. Mapapansin na isang tunay na mayamang binata si Yuri kahit saan siya magpunta.

Sa sandaling iyon, tinuro ni Xavia ang isa mga bag at sinabing, “Yuri, gusto ko ang bag na ‘to!”

Ang bag ay nakalagay sa isang aparador at mukhang napaka engrade at marangya.

Ngumiti si Rachel bago sinabing, “Ang bag na ito ay isang collector’s edition na inilibas noong pagdiriwang ng 200th Anniversary Celebration ng Hermes. Mayroon lamang dalawang daang ginawa na ganitong bag sa buong mundo at ito ay nagkakahalagang $55,000!”

“Ano?!”

Hindi napigilan ni Xavi na magulat.

Nabigla din ng bahagya si Yuri bago ngumiti at sinabing, “Rachel, kung hindi ako nagkakamali, isa itong handmade bag na may mahusay na pagkakagawa. Inilibas lang ito noong nakaraang taon at napabilang na ito sa listahan ng world’s top ten luxury goods, hindi ba?”

Nagulat si Rachel sa lawak ng kaalaman ni Yuri. “Tila marami kang alam tungkol sa mga bags!”

Napailing si Yuri bago sinabing, “Mahiling akong magresearch tungkol sa mga luxury goods pero napakamahal talaga ng bag na ito.”

Matapos sabihin ito, tinignan ni Yuri si Xavia bago niya sinabing, “Mahal ko, kakaiba talaga ang panlasa mo. Bibilhan nalang kita ng ibang bag na may halagang five or six thousand dollars.”

Mas gugustuhin ni Yuri na mamatay kaysa bumili ng isang bag na nagkakahalagang limampu’t limang libong dolyar!

Napanguso si Xavia at sinabing, “Si Alice binilihan ng kanyang boyfriend ng isang bag na more than eight thousand dollars!”

“Kailangan mo maghintay hanggang sa dumating yung allowance ko sa susunod na buwan, kung ganon!”

Sa mga sandaling iyon, agad pinalubutan ng mga taong nakarinig kay Rachel habang ipinipakakilala ang aparador na naglalaman ng napakarangyang bag.

Tila napakatalino ni Yuri habang pinag-uusapan ang tungkol sa bag na may halagang $55,000!

Napahanga ang lahat sa kanyang kaalaman.

Nang makita ni Gerald na iniwan na siya magisa ng salesgirl, hindi na niya ninais na magtagal pa sa boutique shop dahil hindi niya gusto na makita siya ni Xavia.

Sa mga sandaling iyon, isang mas batang salesgirl ang biglang lumapit kay Gerald at yumuko at sinabing, “Hello sir… ano po maitutulong ko sa inyo?”

Tila kakasimula niya lang magtrabaho bilang isang salesgirl.

Medyo mahiyain pa ang mga kilos niya.

Ngunit, napalambot nito ang puso ni Gerald dahil siya ay napaka magalang.

“Ah, gusto ko bumili ng isang regalo!” Agad na sagot ni Gerald.

“Sir, meron po ba kayong Shopper’s Card? Kung meron po, magkakaroon po kayo ng discount sa mga bibilhin niyo.”

Kahit na si Gerald ang kanyang kauna-unahang customer, hindi niya ito hinusgahan dahil lamang sa simple nitong histura. Sa halip, nagpatuloy siyang magsalita sa propesyunal na pamamaraan.

“Oo, meron. Pwede bang tignan mo ‘to?”

Inilabas ni Gerald ang Universal Global Supreme Shopper’s Card na inibigay sa kanya ng kanyang kapatid na babae bago niya ito iniabot sa salesgirl.

Nanlaki ang mga mata ng salesgirl ng makita ang card.

“Ito ay, ito ay isang… black gold card?”

Patuloy na napatitig ang salesgirl kay Gerald dahil sa pagkagulat at tila hindi makapaniwala. Mukhang isang ordinaryong mag-aaral laang ang lalakingi ito at hindi isang sikat na mayaman. Paano siya nagkaroon ng isang black gold card?

Nalito si Gerald at tinanong niya, “Anong ang black gold card?”

Isa itong supreme-level card at maari kang gumastos ng hanggang three hundred thousand dollars on this card, at ang minimum na halaga bawat transaksyon ay fifty-thousand dollars, sir!”

Mas lalong nalito si Gerald sa sandaling iyon. Alam niyang mayaman ang kanyang pamilya ngunit hindi niya kung gaano sila kayaman!

“Sir, batay po sa mga item na kasalukuyang nandito sa aming store, hindi niyo po maaring magamit itong black gold card sa mga regular luxury goods sa shop. Pero, madali niyo pong maabot ang minimum transaction kung ang bibilhin niyo po ay yung collector’s edition bag. Dadalhin ko na po iyon sa inyo ngayon.”

Muling yumuko ang salesgirl bago kaagad na umalis.

Sa mga sandaling iyon, nagititingin-tingin pa si Xavia at Yuri sa boutique store habang hangang-hangang tinitignan ang mga bag.

Binuksan ng batang salesgirl ang cabinet bago kinuha ang collector’s edition bag.

Napasimangot agad si Rachel bago sinabing, “Wendy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

Tumalikod si Wendy at sumagot, “Gusto ko ipakita ang bag na ito sa isang customer!”

“Itong klase ba ng bag ang dapat mo na ipakita sa kahit sinong customer? Kanino mo iyan ipapakita?”

Sumimangot si Rachel habang tumititig kay Wendy.

Tinignan ni Wendy ang direksyon kung nasaan si Gerald at magalang na sinabi, “Sa lalaking iyon.”

Tumalikod din sina Yuri at Xavia upang tignan ang direksyon na tinuturo ng salesgirl bago tumawa ng malakas.

“Hahaha!”

Hindi mapigilan ni Yuri ang kanyang pagtawa ng makita niya si Gerald.

Kung maari lang, nagpagulong-gulong na siya sa sahig habang tumatawa.

“Anong pinagsasabi mo? Gusto makita ng lalaki na ‘yon ang collector’s edition bag?” Tanong ni Yuri habang nakaturo kay Gerald.

Isa itong malaking katatawanan para kay Yuri.

Tinitigan ni Yuri si Gerald ng may pagkutya sa kanyang mukha at nahiya ng kaunti si Gerald sa mga sandaling iyon dahil maaraming tao ang nakatingin sa kanya.

Hindi din maipinta ang ekspresyton ni Rachel nang sinabi niyang, “Wendy! Sa tingin mo ba kayang bilhin ng lalaking iyon ang kahit anong bag sa boutique store na ito? Sino ang niloloko mo?”

“Nagkakamali ka Rachel. Ang customer na iyon ay mayrong black gold card. Isa siya sa mga VIP customer natin!”

“Hahaha!” Tumawa muli ng malakas si Yuri. “Isang VIP customer? Sikat yan na pobre sa aming unibersidad!”

Tinignan din ni Xavia si Gerald na may bahid ng pagkainis habang sinabi, “Gerald, hindi ka ba nahihiya? Bakit hindi ka pa umalis sa lugar na ‘to?”

Hahaha…

Tumingin si Gerald sa paligid habang patuloy na kinukutya siya ng mga tao. Nalagay din sa mahirap na posisyon ang salesgirl dahil tinititigan ni Rachel na may pagkutya si Gerald.

Sa mga sandaling iyon, kalmadong naglakad si Gerald patunong sa counter saka niya nilapag ang kanyang black gold card sa counter.

“Bibilhin ko yung collector’s edition bag ngayon din!”

Related chapters

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 3

    “Gerald, bakit ka ba nagpapanggap na mayaman?” Pakutyang tanong ni Xavia.Subalit, nagulat si Rachel pagkatapos ilapag ni Gerald ang black gold card sa counter.Ang Universal Global Supreme Shopper’s Card para sa mga luxury store ay para laman sa mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan na pamilya sa mundo.Walang duda na ang nagmamay-ari ng black gold card ay totoong mayaman at makapangyarihan.Sa kabilang dako, agad na dinala ni Wendy ang card reader papunta sa counter.Pagkatapos nito, inilagay ni Gerald ang kanyang birthday bilang passcode sa card reader at natapos ng maayos ang transaksyon.Maayos na natapos ang transaksyon!“Diyos ko po!”Nabigla ang lahat sa mga pangyayari.“Diyos ko. Talaga bang binili ng binatang ‘yon ang Hermes collector’s edition bag na may halagang fifty-five thousand dollars?“Talaga bang isang mapagkumbabang second-generation rich kid ang binatanbg ‘yon?”Napatitig ang lahat kay Gerald.Sa mga sandaling iyon, kahit si Yuri ay hindi makapaniwala at na

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 4

    Ngunit hindi is Gerald ang taong pumasok sa pintuan.“Danny! Anong ginagawa mo dito?”Nagbago ang ekspresyon ni Naomi sa sandaling makita niya si Danny.Sila ay magkaklase at dating naging malapit sa kanila si Naomi.Subalit napagalaman ni Naomi ng umaga din iyon ang ginawa ni Danny kay Gerald. Kaya nagalit si Naomi kay Danny.Sa di inaasahang pangyayari, sobrang kapal ng pamumukha ng lalaking iyon at nagawa niya parin na magpunta dito kahit na inaway niya ito. “Galit ka padin ba Naomi? Nakikipagbiruan lang ako kay Gerald kagabi. Sino nagakalang dadalhin niya talaga yung kahon kay Yuri?”Sagot ni Danny habang nakangiti.Kasama niya ang ilan sa kanyang mga kasama sa dormitoryo at lahat sila ay may dalang mga regalo.Napaka yaman din ng pamilya ni Naomi at maraming beses na sinubukan ni Naomi na tulungan si Gerald. Subalit, lagi itong tinatanggihan ni Gerald.Matagal ng magkakilala si Danny at Naomi, simula pa noong nasa high school sila. “Naomi, siya ba si Gerald na gusto m

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 5

    Agad na naglakad palabas si Gerald.Sa mga sandaling iyon, si Naomi at ang namumuno sa dormitoryo ni Gerald na si Harper ay agad na humabol kay Gerald.“Anong ginagawa mo? Wala naman ako sinabi na hindi ko nagustuhan ang regalo mo,” Dali-daling sinabi ni Naomi.Nagsalita din si Harper sa mga sandaling iyon. “’Wag ka muna umalis Gerald. Kumain ka muna bago umalis. Kung aalis ka na ngayon, wala nadin kaming gagawin dito.” Ngumiti si Gerald bago sumagot, “Mag-enjoy lang kayo dito. May kailangan pa talaga ako gawin ngayon pero sana maniwala kayo na hindi ako yung tipo ng tao na bibili ng isang pekeng bagay!”Hindi alam ni Gerald kung papaniwalaan siya ng kanyang mga kaibigan.Habang iniisip niya ang mga ito, walang ibang magawa si Gerald kundi sisihin ang kayang kapatid dahil sa binigay nitong card na may minimum spending amount na limamput-limang libong dolyar.Kahit na patuloy na nakiusap sina Harper at Naomi kay Gerald, nagpasya padin si Gerald na umalis.“Umalis na ba talaga y

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 6

    Sa mga sandali ding iyon, sa pinaka-magarang silid sa manor, isang lalaking may edad na may kamangha-manghang aura ang nakikihalubilo sa isang grupo ng mga negosyante.Siya ang may-ari ng Wayfair Mountain Entertainment sa Mayberry Commercial Street at ito ang dahilan kung bakit siya ang naging pinakamayaman sa Mayberry City.Subalit, nagulat ang lahat sa mga sandaling iyon.Ito ay dahil sa sandaling sagutin ni Mr. Lyle ang telepono, napatayo siya sa pagkagulat bago siya agad-agad na tumakbo palabas ng silid.“Anong nangyari kay Mr. Lyle?”Hindi maintindihan ng lahat ang mga pangyayari.Sa may front desk, hindi pa nakakapasok si Sebastian sa kanyang kwarto ng makita si Gerald na muling pumasok sa manor. Hindi niya mapigilan na gumawa ng aksyon para paalisin si Gerald.“Miss Jane, bakit hindi ka tumawag ng security? Wala ng ibang paraan para mapaalis ang ganitong klaseng tao!”Ngumisi si Sebastian kay Gerald.Tumango si Jane bago nag tawag ng ilang security guard.“Teka!”Sa mga sandalin

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 7

    Napakamot ng ulo si Gerald.Sa katunayan, sinusubukan niyang iwasan sina Naomi.Lalo na gusto niyang iwasan si Alice dahil tila galit na galit ito sa kanya. Kaya walang intensyon si Gerald na sayangin ang kanyang oras para lang suyuin siya. “Si Danny ang nagsuggest na pumunta sa Emperor Karaoke Bar sa Mayberry Commercial Street. Hindi na tayo magkaibigan kung iiwan mo nanaman kami!” Sabi ni Naomi.Matagal na siyang prangka at outgoing at hindi masyadong pinag isipan ang kanyang mga sinasabi sa kahit ano mang sitwasyon.Kaya hindi kailanman maiintindihan ni Naomi na hindi nabibilang si Gerald sa kanilang mundo.Pero ang lahat ng ito ay nasa nakaraan na.Nang makita ni Naomi na walang masagot si Gerald, agad niyang sinabi, “Okay, sumama ka sakin at mag-enjoy tayo! Alam kong natatakot ka na may gagawin nanaman sayo si Danny pero wag ka mag-alala. Kapag inulit niya ‘yon, tuturuan ko na siya ng leksyon!”Napangiti nalang si Gerald ng marining ang mga sinabi ni Naomi.Alam niya na labis

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 8

    Ngumisi si Danny bago niya sinabi, "Oo, siya yun!" Makikita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Nigel at mabilis niyang binawi ang kamay na inabot kay Gerald. Pagkatapos nito, tinapik niya sa balikat si Gerald bago niya sinabi, “Brother Gerald, matagal ko nang narinig ang pangalan mo. Nakilala ko rin ang dating kasintahan mong si Xavia. Napakaganda niya talaga. Gusto kong humingi ng tawad sa iyo dahil ninakaw ng brother ko ang girlfriend mo!" "Nga pala, kung nais mong magikot-ikot sa magsaya dito sa Mayberry Commercial Street, sabihin mo lang ang pangalan ko at makakakuha kaagad ng thirty percent discount!" Humihingi ng paumanhin si Nigel sa magaan na pamamaraan. "Brother, walang silbi na banggitin niya ang pangalan mo dahil wala siyang maa-afford na kahit ano dito!" Sa mga sandaling iyon, hindi mapigilan ni Alice at ng kanyang mga roommate ang kanilang sarilii na tumawa ng malakas. "Pasensya na! Nang sinabi ni Yuri na nainlove siya sa isang kasintahan ng isang mahihirap

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 9

    Mabilis na ipinaliwanag ni Gerald ang sitwasyon kay Zack at mabilis na tumango si Zack.“Nga pala, Brother Zack, may kakilala ka bang Nigel Fisher ang pangalan? Narinig ko na ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang restaurant sa Mayberry Commercial Street.”Sa mga sandaling iyon, nakakunot ang noo ni Gerald.Hindi siya isang taong na mapanakit o masama ang budhi.Gayunpaman, si Nigel ang nagbigay kay Yuri ng ideya na agawin ang kasintahan ni Gerald na si Xavia, mula sa kanya. Si Nigel ang dahilan kung bakit siya nakaranas ng matinding kahihiyan.Samakatuwid, gusto lang malaman ni Gerald kung ano ang mangyayari kung mawala ang lahat ng pera sina Nigel at kanyang pamilya.“Nigel? Oo, nagtatrabaho para sakin ang kanyang ama. At saka, ang restaurant na pinapatakbo ng kanyang pamilya ay nakarehistro sa iyong pangalan. May nagawa ba siyang hindi kaaya-aya sayo?”Naging maingat si Zack sa mga sandaling iyon.Makalipas ang ilang sandali, mabilis na sumagot si Zack, "Alam ko ang da

    Last Updated : 2021-04-27
  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 10

    Kabanata 10##“Ha? Posible ba ‘yon pinagsasabi niyo? Sino pa ba ang makapangyarihan o maimpluwensyang katulad ni Brother Nigel sa Mayberry Commercial Street? Harper, sarili mo ba ang tininutukoy mo?"Ngumisi ni Danny sa sandaling iyon.Sumagot kaagad si Harper, "Hindi ko sinasabi na ako iyon per may pag-aalinlangan lang ako tungkol sa mga nangyari. At saka, tumawag ang ilan sa atin sa ating mga kaibigan. Marahil ay dapat magtanong ang bawat isa sa atin at tingnan kung mayroon ba sa mga kaibigan natin ang talagang tumulong sa atin na malutas ang nangyari? Dapat nating tiyakin na nagpapasalamat tayo sa tamang tao.""May sense ang sinabi mo!"Naging seryoso ang ekspresyon ni Alice ng mga sandaling iyon."Sige na. Everyone, tanungin niyo ang mga tinawagan niyo para malaman natin kung si Brother Nigel talaga ang tumulong sa atin.”Tinukoy din ni Alice si Nigel sa isang malambing na pamamaraan.Pagkatapos nito, nagsimulang tumawag ang lahat sa kanilang mga kaibigan at pamilya.Medyo

    Last Updated : 2021-04-27

Latest chapter

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2513

    Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2512

    ‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2511

    Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2510

    “…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2509

    Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2508

    "Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2507

    Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2506

    Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2505

    Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,

DMCA.com Protection Status