Mabilis na sumagot si Master Trilight gamit ang magalang na tono, "T-tama ka, Master... Naging careless ako sa pagkakataong ito, at kung hindi dahil sayo, patay na ako ngayon...!" Bumuntong-hininga ang statue saka nito sinabi, "Hindi ikaw ang sinisisi ko sa lahat... Pagkatapos ng lahat, huli ka nang magsimula kang mag-cultivate sa ilalim ng aking guidance. Ang sinasabi ko lang ay kulang ang knowledge na meron ka kumpara sa iyong tatlong seniors! Bukod dito, kailangan mong malaman na ang Thordifussion Method ay nagdadala ng purest form ng heaven and earth thunder. Hindi lamang nito malalampasan ang mga heavenly tribulation, pero meron itong kakayahang pumatay ng mga demonyo, at maging mga diyos! Kaya kung sakaling makaharap mo muli ang atake, tumakbo ka na lang!" “Tatandaan ko iyon, Master…! Salamat sa pagbibigay ng ganitong klase ng kaalaman…!” sabi ni Master Trilight habang nakayuko siya patungo sa statue. "Magaling. Nakakawiling isipin... Isang libong taon na ang nakalipas mula
"…Sang-ayon ako doon! Ang pagsusuri para sa mga ancient books tungkol sa mga alamat sa Peaceton ang pinakamahusay na pagkakataon para makakuha ng karagdagang impormasyon!" sagot ni Gerald sabay tango. "Masaya ako na payag kayo sa idea na iyon! Meron akong isang estudyante na nagtatrabaho sa local botanical research institute, at iniisip kong hilingin sa kanya na tulungan tayong maghanap ng ilang mga ancient records!" sabi ng professor. "Isantabi muna natin ang lahat ng ‘yan sa ngayon... Kahit na hindi mo pa nakikilala ng maayos ang mysterious expert na iyon, matapos niyang iligtas ang demon scorpion sa tamang panahon, malamang ay matagal ka na niyang kilala!" nakasimangot na sinabi ni Darkwind. “Mukhang ganoon na nga. Sa sobrang dali niyang harangin ang essential qi ng Thordiffusion Method ko, parang pamilyar agad siya sa atake ko! Kahit ang babaeng iyon ay kilala ang mga methods na minana ko. Kung hindi ko pa nasabi, mukhang kilala ni Saint Amorphous ang malaking demonyong iyon.
Matapos ikwento ni Master Trilight ang lahat ng nangyari, ang tatlong master ay gulat na gulat. Naramdaman ni Master Greendake na bumibilis ang tibok ng kanyang puso, bago niya sinabi, “...Hayaan mo akong linawin ito. Ang kalaban mo ay tagapagmana ni Saint Amorphous, at halos kabisado ng bata ang lahat ng technique na ginawa ng lalaking iyon...?" “Tama. Ito ang dahilan kung bakit naging interesado si Master at sinabi niya sa akin na mag-imbestiga pa tungkol sa kanya. Pero naisip ko na ang paggawa ng masusing imbestigasyon ay magiging mahirap sa akin, kaya naman inimbitahan ko kayong tatlo! Maliban sa nakuha ko mula sa resources ng aking disciple, ang pangalan ng bata ay Gerald Crawford, at siya ay nasa twenties lamang. Isa rin siyang second-generation rich heir na diumano ay nawala ng ilang taon! Sa palagay ko ay nakuha niya ang kanyang kapangyarihan sa panahon na iyon!" sabi ni Master Trilight. “Basic information lang ang kailangan natin. Father, suggestion ko na kunin natin ang
"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ni Darkwind habang dahan-dahang tumayo. "Matapos naming malaman na si Young Master Crawford ay dumating sa bayan, sinabi ng Eldest Young Mistress ng pamilyang Zandt na maghanda ng handaan para sa kanya sa Zandt manor. Pumayag siya, kaya naman umaasa akong tatanggapin mo ang aming imbitasyon na sumama sa aming handaan!" sagot ng masamang tao na walang iba kundi si Filipe! "Sa dami ng lalaking nakapaligid sa akin, malinaw na hindi ako pwedeng tumanggi," excited na sinabi ni Darkwind. Kadalasan ay siya ang nanghahamon sa ibang tao. Ngunit hindi niya inasahan na may ibang tao sa sekular na mundo ang mangangahas na magbanta sa kanya! Tumawa ng malakas si Filipe saka siya sumagot, "Masyado kang matalas, tanda! Dumiretso na tayo sa punto!" Lumapit si Elain saka niya naiinip na sinabi, "Kung makikipagtulungan ka at sa huli ay hindi mo kami sasaktan, ipinapangako ko na walang sinuman sa Peaceton ang magpapahirap sayo!" Tumawa ng malakas si Darkw
Sinasamantala ni Filipe ang pagkakataon na nasugatan si Darkwind! Pagkatapos niyang umatake, sinimulan niyang sipain ang dibdib ng matanda nang napakabilis na maraming mga afterimage ang makikita...! Hindi ito napigilan ni Darkwind bago biglang bumulwak ang dugo sa kanyang bibig habang siya ay bumabagsak sa lupa! Hinawakan ni Darkwind ang kanyang dibdib saka niya sinabi, "Paano... Paano ito nangyari?!" Base sa obserbasyon ni Darkwind, hindi dapat kayanin ng binti ni Filipe ang matinding kapangyarihan na ginamit niya! Masyadong kakaiba at agresibo ang atake ng binatang ito! Higit pa rito, ni-rebound ni Filipe ang pinsala ng kanyang Fierce Wind Palm attack gamit ang ilang halos impenetrable shield...! Tumingin si Filipe sa gulat na gulat ng matanda, bago niya inilagay ang kanyang mga braso sa kanyang likod habang siya ay tumatawa ng masama bago sinabi, "Paano mo nalaman ang atake ko?" Galit na galit si Darkwind habang tinitiis niya ang lahat ng sakit, bago siya sumagot, "Anong kl
Nang malaman niya ang lokasyon Darkwind, agad na pinangunahan ni Gerald si Lyndon... Gayunpaman, nang dumating sila, wala silang nakitang mga tao doon! Tumingin si Lyndon sa lupa bago siya naudyukan na sabihin, "Mukhang nagkaroon ng malaking labanan dito...!" "Mukha nga, at dahil naramdaman ko ang pagbabago ng angelic power dito, malamang nawala na si Darkwind. Bukod pa doon, kung ang kanyang kalaban ay hindi isang Angelord, malamang ang taong iyon ay nagtataglay ng isang angelic artifact!" sabi ni Gerald habang nakasimangot. Bigla niyang naalala kung paano siya muntik nang matalo kay Master Trilight gamit ang kanyang angelic artifact—, tiningnan ni Gerald nang matagal ang mga mantsa ng dugo sa lupa bago niya sinabing, “…Sigurado ako na sila iyon!” "Mr. Crawford! Tingnan mo ito! May stone plaque na may nakasulat!" sumigaw ng malakas si Lyndon. Lumapit doon si Gerald para tingnan... at hindi nagtagal, binasa niya ang, "Purple Bamboo Forest, huh... Dinala siguro ng mga salarin
“Hah! Sinabi lang yan ng master mo para hindi mo mahalata na mga walang kwenta sila! Isang kahihiyan na ang isang babae na tulad mo ay naging isang uhaw sa dugo na demonyo na nagtatrabaho para sa ibang mga demonyo!" sagot ni Darkwind, dahilan para mamula lalo ang mukha ni Elain. Totoo ba na... patay na ang mga batang iyon...? “Huwag mo siyang pakinggan, Youngest Junior! Sinusubukan lang niyang guluhin ang isip mo!" sabi ni Filipe bago siya tumayo at hinampas ang latigo! Kasunod nito, nagsimulang umagos ang isang electric current sa angelic na latigo... at sa oras na tumama ito kay Darkwind, nag-iwan ito ng malalalim na marka ng paso kung saan ito humapas...! “Para ‘yan sa kalokohan mo, tanda! Malamang may mas mahusay na paraan para gawin ang lahat ng ito, pero parati mong pinipili ang pinakamasama! Gusto mo ba talagang mamatay?!" mapanuyang sinabi ni Filipe. “Hindi, pero mukhang ikaw ang gustong mamatay. Makinig ka, kung hindi mo ako pakakawalan ngayon, hindi mo malalaman kung
Ang sumunod ay isang malakas na dagundong habang ang itim na barrier ay nagsimulang manginig ng marahas...! Sa puntong ito, si Filipe ay umubo na ng dugo at ang kanyang noo ay natatakpan ng mga nakaumbok na ugat...! Sa kasamaang palad para sa kanya, hindi nagtagal ay nabasag ang kanyang barrier sa isang milyong piraso, bago nito itinulak si Filipe paatras hanggang sa bumagsak siya sa lupa! Ang lahat ng mga meridian sa kanyang likod ay pumutok, agad na napagtanto ni Fillipe na ang atake ni Gerald ay halos sinira ang kanyang kaluluwa—kaya hindi niya napigilan na mapasigaw sa sobrang gulat, "P-Paano ito nangyari...?!" Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang isang angelic artifact na nagpoprotekta sa kanya! Dapat maging perfect ang kanyang defense...! Naiinggit na ngayon si Filipe, kaya isinara niya ng mahigpit ang kamao sa lupa habang sinasabi, "Ikaw... Gerald Crawford...!" "Kahit na meron kang access sa isang angelic artifact, dapat mong malaman na ang mga wielder capabilities ay pan
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,