Isang makapal na pintong bakal ang inilagay sa bahay at sa kulungan, walang kahit anong sinag ng araw ang nakakapasok."Sa tingin mo, kailangan ba nating ilipat ang lahat ng taong nakakulong dito dahil lang sa babaeng ito?" tanong ng isang lalaking naka-uniporme ng war department ng Yanam.Ang dalawang taong ito ay mga sundalo ng war department. Sila ang naatasang bantayan si Lindsay. Ang isa sa kanila ay leader ng isang maliit na team ng war department, at ang isa ay isang subordinate.“Huwag mo nang itanong ‘yan. Hindi ito ang isang bagay na dapat nating malaman. Ang misyon na ito ay ibinigay ng higher-ups, kaya sundin na lang natin ang utos nang walang ibang katanungan. Mag-ingat ka at huwag masangkot sa gulo!" Ang umalis mula sa kulungan ay ang leader. Bigla niyang pinagalitan ang kanyang subordinate nang marinig niya ang sinabi nito.“Tayong dalawa lang ang nandito. Tsaka, nagrereklamo lang ako sayo, Leader. Paano ko ito sasabihin sa ibang tao?" silang dalawa ay nakakulong lan
Hangga't mapatay niya si Gerald, maitatag niya ang kanyang posisyon sa war department.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na babalik talaga si Gerald, at nang i-suggest niya ito kay Gerald, agad siyang tinanggihan nito.Kung sinunod lang nila ang kanyang suggestion, sana patay na sa dagat ngayon si Gerald.Ngunit pinapasok pa nila si Gerald sa Yanam. Malinaw niyang naalala ang nangyari noong huling dumating si Gerald, kaya nag-aalala siya na baka mahanap ni Gerald ang lugar na ito. Kung tutuusin, masyadong malakas ang impact na ibinigay sa kanya ni Gerald noong huling pagkakataon. Kailangan niyang maging handa para dito."Hindi kami natatakot sa kahit anong panganib!" Hindi pinansin ng captain ang kanyang sinasabi at ginawa lang niya ang inatasan sa kanya.“Lumabas ka na at maghanda. Bilisan mo." Tumango ang medyo middle-aged na lalaki at ikinaway ang kamay sa mga tao sa labas.“Oo!” Sa hindi inaasahang pagkakataon, bukod sa kakaunting tao na nakatayo sa pintuan, sabay-sabay ding s
"Sino nga ba talaga ang babaeng ito?" Tiningnan ng captain ang payat na babae sa kulungan at nagtanong.Maraming tao ang nakakulong sa sikretong kulungan na ito, pero walang sinuman sa mga nakakulong ay trinato nang seryoso hanggang sa punto na kailangan nilang maglagay ng mga patibong sa labas."Alam mo naman na bagay na hindi mo dapat itanong, hindi ba?" tiningnan siya ng masama ng middle-aged na lalaki at sinaway siya sa mahinang boses.Kinilabutan ang captain at hindi na naglakas-loob na magsalita pa.“Miss Lawrence, magkikita muli tayo, ngunit hindi na sa lugar na ito." Napatingin ang middle-aged na lalaki kay Lindsay. Pagkasabi niya nito ay tumalikod na siya at umalis.Nakatayo si Lindsay sa kulungan at iniisip niya ang kanyang sitwasyon. Malamang siya ay isang pain para akitin ang target niya, at malamang si Gerald iyon, na gumawa ng gulo sa war department ng Yanam noon.Maliban pa doon, wala talagang maisip si Lindsay na dahilan para dukutin siya ng war department ng Yana
“Maddox Chabert? Hindi ba siya ang in-charge sa karagatan ng Yanam? Paano siya naging related sa isyu na ito?" Nataranta ang butler.“Nang bumalik si Gerald sa Yanam, alam na agad ito ng war department. Binalak ni Maddox na patayin si Gerald sa dagat, pero mahigpit itong tinanggihan ni Carter. Kung totoo na may kinalaman sa kanya ang pagkawala ni Lindsay, malamang ay pinaplano niya itong gamitin para pagbantaan si Gerald."“Hindi dapat malaman ni Brother Lawrence ang tungkol dito. Kung may alam man siya na kaunti, malamang na hindi niya ito direktang sasabihin. Ang krimen na ito ay pananagutan ng war department. Kung ire-report niya ito, malamang baka maging malala ang sitwasyon."Hinithit ni Lucian ang kanyang sigarilyo habang sinusuri niya ang mga bagay.“Hindi tayo pwedeng tumayo lang dito at manood. Master, sa palagay ko ay dapat kong ipaalala sayo ito. Kahit na mataas ang posisyon ng pamilya natin sa Yanam, hindi tayo pwedeng makipaglaban sa war department dahil kay Lindsay.
“Hanapin mo ‘yan ng mag-isa. Matanda na ako. Matagal nang nabawasan ang aking physical strength.” Umiling ang matanda at nagsindi ng sigarilyo.“Sinong maniniwala sa sinabi mo?” iritable na sinabi ni Gerald."Hindi kita matutulungan na hanapin ito, pero kung interesado ka, pwede kitang turuan kung paano mag-resonate sa paligid ng natural energy ang iyong essential qi." patuloy na umiling ang matanda."Talaga?" biglang nagningning ang mga mata ni Gerald nang marinig iyon. Makalipas ang ilang sandali, umiling siya at tumanggi. “Huwag na lang. Ipagpapatuloy ko lang ang paghahanap ng kailangan ko."“Oh? Hindi ka ba interesado?” Hindi inaasahan ng matanda na sasabihin iyon ni Gerald."Totoo na interesado ako dito." Umiling muli si Gerald."Piliin mo na maging apprentice ko, at pwede kitang turuan." seryosong sinabi ng matanda nang itapon niya ang kanyang sigarilyo.“Papayag agad ako kung ibang pagkakataon ito. Pero ngayon, marami pa akong dapat ayusin. Bukod pa doon, ang pagkontrol s
Huminga ng malalim si Gerald, saka niya dahan-dahang sinimulan ang pagbuklat ng mga pages, siniguro niya na maging gentle sa takot na ang maging alikabok ang thousand year old book na ito. Sa kanyang pagkadismaya, hindi niya maintindihan kung ano ang nakasulat dito! Base sa ilang mga bagay na naintindihan niya—batay sa mga sketch sa ilan sa mga pages— ang aklat ay nagdedetalye ng isang uri ng sacrificial ritual, hindi katulad ng nakita niya sa mapa ng dagat noon. Maingat—at medyo nasasabik—na dinadala ang libro sa matanda bago siya nagtanong sa matanda, "Kaya mo ba itong basahin, senior?" Nakataas ang isang kilay ng matanda, bago niya tiningnan ang libro at tuluyang umiling habang sinasabing, “Hindi ko ito kayang basahin. Pero base sa sketch, sa tingin ko ay sinusubukan nilang ipatawag ang ulan." "Ano? Hindi ba ito isang sacrificial ritual?" sagot ni Gerald. “Hindi mahalaga kung ano man iyon. Kahit na nahanap mo na sa wakas ang libro na kailangan mo, hindi mo pa rin ito maint
Binilisan ni Gerald ang kanyang pagmamaneho, pero inabot pa rin si Gerald ng apat na buong oras upang makarating mula sa kagubatan patungo sa Grubb manor. Pagdating ni Gerald sa manor bandang nine ng gabi, pinaalam agad kay Lucian ang kanyang pagbalik at nang malaman iyon—mabilis niyang sinabihan si Aiden na pumunta sa reception room. Si Lucian ay mabilis na nag-jogging palabas ng manor—kasama ang kanyang butler—para batiin si Gerald... Tumango si Gerald nang makita sila, bago siya nagtanong, “Good evening, Mr. Grubb. Dumating na ba ang mga kaibigan ko?" “…Mga kaibigan?” nalilitong sinabi ni Lucian habang inaakay si Gerald sa reception room. “Mukhang wala pa sila. Maghanda ka ng tatlong guest room para sa kanila dahil mukhang kakailanganin nilang manatili dito ng matagal. Huwag kang mag-alala, aalis kami kapag nailigtas na namin si Miss Lawrence,” sabi ni Gerald habang tinatantya kung gaano katagal bago dumating si Master Ghost at ang iba pa. Nang maisip ni Gerald na makakarati
“…Sinasabi mo ba na ang mga aksyon ni Maddox ay sumabay sa iyong pagbabalik? Na dinakip niya si Lindsay para akitin ka pabalik para harapin ka niya, pero hindi niya alam na binalak mo nang bumalik sa Yanam sa parehong oras…?” sabi ni Lucian habang tinatapik ang desk niya. "Ito ay isang posibilidad," sagot ni Gerald. “Sinabi ko na sa kaibigan ko na bantayan si Maddox. Paniguradong aabisuhan niya ako kapag may ginawang kakaiba si Maddox. Kung maging swerte man tayo, malapit na tayong makakuha ng pagkakataon na sundan si Maddox at sana ay maililigtas natin si Lindsay sa oras na iyon. Ano sa tingin mo, Gerald? May mas magandang suggestions kaba?" tanong ni Lucian. "Wala. Okay na ako sa plano na ‘yan,” sagot ni Gerald sabay tango, alam niyang ang pagsama sa plano ni Lucian ay ang pinakamahusay nilang choice para iligtas si Lindsay. Nang matapos ang kanyang pangungusap, pumasok sa kwarto ang isa sa mga katulong ni Lucian—na may payong na tumutulo sa kanyang mga kamay ang tubig ulan—b
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,