Pagkatapos nito ay lumingon siya kay Natallie at sinabing, "Um... Pwede ba tayong pumunta sa washroom, Miss Moon...?" “Oo sige! Tara!” sagot ni Natallie habang dinadala niya si Earla sa banyo... Nakasunod sa kanila si Gerald hanggang sa makakita siya ng isang bench—na may flower bed sa likod nito— na makikita ang labas ng banyo... Kahit mula sa malayo, nakita ng tatlo na may linya ng mga taong naghihintay na makagamit ng banyo at normal lang naman ito. Madalas talaga na may pumipila sa banyo. Dahil dito ay pumila rin sila Earla at Natallie, halos fifteen minutes bago makapasok ang dalawa sa banyo. Papasok palang sila nang biglang may sumingit na isang babae sa linya at tumayo sa harapan nila! Nang makita iyon, biglang hinawakan ni Natallie ang pulso ng babae bago siya pumasok at sinabing, “Hoy! Teka lang!" Tiningnan sila ng masama ng babae bago siya sumigaw, “Hah! Sa tingin mo ba ay kailangan kong makinig sayo?" Bumuntong-hininga ang babae bago niya hinila ang braso niy
Umiling si Earla bago niya sinabi, “Hindi naman, Mr. Crawford! Napakagaling mo talaga…!” Kanina ay masakit ang pisngi ni Earla, ngunit nawala ang sakit nang hawakan ito ni Gerald. Talagang nakapagtataka ito…! Nakahinga ng maluwag si Gerald nang marinig niya iyon. Muling bumangon si Gerald pagkatapos niya itong pagalingin bago tinitigan ang babaeng kanina pa gumagapang pabalik sa kanyang paanan. Nakatitig sa kanya ang galit na galit na babae habang sumisigaw, "Ikaw...! Bakit mo ako sinaktan...?! Hindi mo ba alam kung sino ako?!" Nang marinig iyon, kinusot-kusot lang ni Gerald ang kanyang mga mata ang kanyang matatalim na tingin na kayang tumusok sa kaluluwa ng isang tao... Hindi niya hahayaan na gawin nito ang gusto niya ngayon...! “Walang kwenta sa akin kung sino ka! Mula lamang sa mga tao ang mga ganyang titulo at malinaw na isa kang hayop para saktan ang isang batang babae sa ganitong paraan!" ganti ni Gerald. “…Oo, tama siya! Sobra ka na sa ginawa mo!" “Kaya nga! Gan
Nagulat si Zuri nang marinig niya iyon. Hindi niya inaasahan na hindi matatakot si Gerald sa pagbabanta niya, ngunit mukhang wala siyang pakialam sa kanyang mataas na posisyon! Hindi ba siya natatakot ng kahit kaunti sa Zacarias Group...? Si Gerald ay naghihintay lang kung tatawagan niya ba talaga ang kanyang asawa Kapag ginawa niya ito, hindi na siya magdadalawang isip na tapusin na ng tuluyan ang Zachariah Group. Sa puntong iyon, wala nang silbi kung magsisisi pa si Zuri sa ginawa niya. Hindi naman hahayaan ni Zuri na pagtawanan at asarin siya kaya sinabi niya, "...Sige ba! Dahil gusto mong hindi na makabalik sa city na ito, sarili mo lang ang dapat mong sisihin sa mangyayari sayo!" Kalmadong nakatingin sila Gerald, Natallie, at Earla habang sinisimulan niyang kunin ang kanyang cellphone. Sa oras na iyon ay napaisip si Gerald, ‘Talagang nanggugulo ka sa amin? Sisiguraduhin namin na matatanggap mo ang nararapat sayo!' Mga sampung segundo ang lumipas nang tuluyang nakonekta ang
"Makinig ka! Malapit nang dumating ang asawa ko kaya huwag kang tumakbo!" Ipinakita ni Gerald ang isang tusong ngiti habang sinasabi, “Huwag kang mag-alala! Hindi kami aalis dito hangga’t hindi siya nakakarating! Sana lang ay hindi ka magsisi sa ginawa mo!" Naisip ni Zuri na masyado lang itong nagmamayabang kaya hindi niya ito pinansin. Pagkatapos nito ay humarap si Gerald kay Natallie at sinabi, “Dalhin mo muna si Earla sa washroom.” Tumango naman si Natallie bago niya ginawa ang sinabi sa kanya. Si Gerald naman ay bumalik na lang sa bench na kanina niyang inuupuan at umupo doon para maghintay, malakas ang loob niyang walang mangyayaring masama sa kanila. Napaisip tuloy siya kung manghihingi ng tawad ang dalawa kapag nalaman nila kung sino siya. Kung gagawin nila ito, sasabihin lang niya sa kanila na magmakaawa sa kanyang harapan at doon niya palalayain ang dalawa. Walang magbabago kahit pa gawin nila iyon. Pagkatapos ng lahat, binigyan niya ng pagkakataon si Zuri pero sin
Nang marinig iyon, naintindihan agad ni Zachariah na sinusubukang sabihin ni Gerald na hindi niya pinangaralan ng maayos ang kanyang asawa. Dahil doon ay tinitigan niya ng masama si Zuri bago siya sumigaw, "Napaka-b*bo mo talaga...! Bilisan mo at humingi ng tawad kay Chairman Crawford!” Nang marinig iyon ay bumilis ang tibok ng puso ni Zuri. Kung tutuusin, hindi sumagi sa isip niya na ang nakaaway niya ay walang iba kundi ang chairman ng Yonjour Group...! Alam niyang malala ang kanyang ginawa ngayon, kaya nawala ang pagmamayabang ni Zuri habang bumubulong siya sa magalang na pamamaraan, "Pa-Pasensya na, Chairman Crawford...! Napaka-bulag ko para hindi ko makilala kung sino ka...! Patawarin mo ako…!" Hindi agad tatanggapin ni Gerald ang kanyang apology.Sa katunayan, hindi man lang siya tumingin dito at hindi niya pinansin ang ignorante na babae habang sinasabi niya, “Nagawa mo na ang pagkakamali mo kaya kailangan mong maparusahan para dito. Mukhang mas matino ka kaysa sa loko
Nang makita iyon ay mabilis na tumakbo si Zuri kay Zachariah. Totoo na si Zachariah ay hindi kasing yaman o makapangyarihan gaya ni Gerald, kahit papaano ay nabibigyan pa rin siya nito ng mayaman at komportableng buhay, at kontento na siya sa ganoong buhay. Lahat ng iyon ay mawawala kung hihiwalayan siya ng lalaking ito...! Hindi niya hahayaang mangyari iyon...! Napailing na lamang si Gerald nang makita niyang tumatakbo si Zuri papunta kay Zachariah. Nakakaawa talaga ang taong ito... Kahit pa mayaman o prestigious ang isang tao, mamaliitin sila hangga’t wala silang maayos na ugali... Sinisiguro ni Gerald na parati niyang gagawin ang mga sinasabi niya. Kapag kausap niya ang ibang tao, kailangan niyang manatiling kalmado at umiwas sa masasamang pakana, kahit pa laban sa mga gumagawa ng tapat na trabaho. Sa katunayan, maraming humanga at tumaas ang tingin sa kanya dahil sa pag-manage niya sa Yonjour Group. Para kay Gerald, ito ang dahilan kung bakit mas matagumpay ang ilang tao
Tumango si Gerald saka siya pumasok sa villa kasama si Raine… Biglang sumigaw si Raine nang makapasok sila, “Ma? Pa? Nandito si Gerald!" Nang marinig iyon, biglang sumigaw si Dexter habang kasama niya si Yollande sa sopa, “Oh? Nakakagulat na pumunta ka dito, Gerald!” “Oo nga!” dagdag ni Yollande habang nakaharap kay Gerald na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Natutuwa si Gerald nang makita niyang ganado sila, kaya ngumiti siya bago sumagot, “Naisipan ko lang na pumunta ako dito para kumustahin kayo. So... nasasanay na ba kayong tumira dito?" “Oo naman! Imposibleng hindi kami magiging komportable ngayong binigyan mo kami ng napakagandang villa! Naalala mo pa kami kaya pumunta ka dito para lang kumustahin kami!" sabi ni Yollande na puno ng papuri kay Gerald. Kung tutuusin, ibinigay ni Gerald ang kailangan nila sa pinakamababang punto ng kanilang buhay. Ito ang tanging paraan na alam nila kung paano magpasalamat sa kanya... "Natutuwa ako na marinig iyan! Kumusta ang reco
Natuwa si Gerald nang marinig niya iyon at doon siya nagpaliwanag, “Huwag kang mag-alala dahil hindi ito isang nakakapagod na trabaho, sir! Ang trabaho mo lang ay i-manage ang ilang bagay. Ang sweldo mo ay one thousand five hundred dollars kada buwan. Ano sa tingin mo?” “One thousand five-hundred dollars?! Napakataas ng sweldo na iyon! Se-seryoso ka ba diyan, Gerald...?” sigaw ni Yollande bago pa man makapagsalita si Dexter. Kung tutuusin, saan pa sila makakahanap ng mataas na trabaho na may mga qualification ni Dexter? “Oo naman! Naghahanap ka ng trabaho at naghahanap rin ako ng tao, kaya bakit hindi ka na lang magtrabaho sa akin?" sabi ni Gerald. Sa totoo lang, hindi naman talaga kailangan ni Gerald ng taong papasok sa posisyong iyon. Ginawa lang niya ito para lang makatulong kay Dexter. “Ah… kung sa tingin mo ay sapat ang aking kakayahan, wala akong problema dito! Please, ipasok mo ako!” sagot ni Dexter, ayaw niya talagang palampasin ang pagkakataon na kumita ng monthly sa