Napakahalaga ng Soul Arch Compass na mula sa Dragon Squad, kaya hindi na pinatagal pa ni Gerald ang oras. Pagkatapos magtalaga ng ilang gawain, nagmamadaling pumunta si Gerald sa base ng Dragon Squad kasama si Master Ghost.Ang base ng Dragon Squad ay matatagpuan sa Tierson Mountain.Ang lugar na ito na makikita sa Tierson Mountain ay ipinagbabawal din sa labas ng mundo.Gayunpaman, ang sinumang makapasok sa base ng Dragon Squad ay mga first-class master na kailangang kumpletuhin ang iba't ibang mga restricted task upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang partido.Ang Dragon Squad ay kilala bilang ang mga nakatagong dragon ng Weston.Ito ay nasa ilalim ng kontrol ng Weston.“Hubert Younger, nababaliw ka na ba?! Bakit mo dinala ang isang inexperienced young brat sa Dragon Squad base? Talagang nirekomenda mo pa siya na maging isang instructor sa ating base?!”Sa opisina ni Team Leader Lock.Sabik na sabik na pinag-uusapan ni Hubert ang bagay na ito at hindi makapaniwala sa kanya
Nag-aalala si Hubert.“Sige, tama na. Pagod na ako. Umalis na muna tayo."Tumalikod si Yeshua habang tinataas niya ang kanyang kamay para utusan silang umalis.Tama ang sinabi ni Burnard. Tama ba na hinihiling niya si Hubert na puntahan ang batang ito? Isang malaking kalokohan iyon!Pagkatapos nito, medyo sumama ang loob ni Yeshua kay Hubert. Naramdaman niya na walang kabuluhan ang kinikilos ni Hubert sa puntong ito at iyon ang dahilan kung bakit ayaw na niyang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanya.Tumango lang si Hubert habang nakatingin ng masama kay Burnard bago siya umatras.Mabilis ding lumabas ng opisina si Burnard.“Captain Jole, sa tingin mo ba ang lalaking ito na nagngangalang Gerald Crawford ay isang tao na kinuha lang ni Huber at binayaran? Kung tutuusin, malapit na ang halalan para sa vice chief caption ng Dragon Squad. Hindi na makakalaban sayo si Hubert at iyon ba ang dahilan kung bakit niya pinatawag ang taong iyon dito?"Pabulong na tinanong ng deputy ni Burn
Sa sandaling ito, sa cafeteria.May isang miyembro na may mga pasa sa buong kamay ang nanginginig habang hawak ang isang tray gamit ang kanyang dalawang kamay. Kasalukuyang siyang nakaupo sa isa sa mga upuan.“Hoy! Sinong nagsabi sayo na pwede kang umupo? Wala pang prutas si Kuya Yareth. Bilisan mo at kumuha ng mga prutas para kay Kuya Yareth!”Ilang kabataang nakaupo sa malapit ang masungit na nakipag-usap sa binatang ito.Ang mga taong ito ay may mapagmataas at dominanteng tingin sa kanilang mga mukha at halatang pinagtatawanan nila ang binatang ito.Makikita na nakaupo sa gitna ng karamihan ay walang iba kundi si Brother Yareth. Sa sandaling ito, pinikit niya ang kanyang mga mata at makikita ang mapaglarong ngiti sa kanyang mukha habang nasasaksihan ang eksenang nasa harapan niya."Sige! Kukunin ko ito ngayon!"Biglang napakagat labi ang binata. Nakakahiya pa rin ito sa kanya, pero tumayo pa rin siya habang kumukuha ng ilang prutas bago ito inilagay sa tabi ni Yareth.Pagkau
Kung hindi niya ito titingnan ng maigi, paniguradong hindi niya makikilala ang sugatang mukha ni Aiden.“Hmph? Captain Younger?"Sa sandaling ito, nakita ni Finnick at ng iba pa na papasok na si Hubert, kaya tumigil sila sa ginagawa nila dahil gusto nilang ibigay ang kanilang respects.“Mr… Mr. Crawford?”Si Aiden naman ay patuloy na nakahandusay sa lupa habang nanginginig ng husto ang buong katawan niya nang makita niya si Gerald.Sa isang iglap, bumuhos na parang malakas na baha ang kanyang mga luha."Mr. Crawford!”Malakas na sumigaw si Aiden.“Aiden! Bilisan mo at tumayo ka!"Tumakbo ng mabilis si Gerald para tulungan si Aiden na makatayo.Kung nasa ibang lugar lang siya, sisirain na niya ang mga katawan ng lahat ng mga taong ito. Gayunpaman, nandito si Hubert kaya naniniwala si Gerald na paniguradong maghihiganti ito para sa kanyang kaibigan.Syempre, hindi basta-basta matatapos ang usaping ito kahit nabigyan man niya ito ng hustisya o hindi.Ito na ang ugali ni Gerald
"Sino ka?!"Mabilis na sumugod ang isa sa mga binata nang bigla niyang tinanong si Gerald dahil nagalit siya nang makitang inatake ni Gerald si Finnick.Si Yareth naman ay kanina pa nakapikit hanggang sa wakas ay iminulat niya ang kanyang mga mata sa sandaling ito habang nakatingin kay Gerald.“Siya ang kapatid ko. Paano natin aayusin ito pagkatapos niyong saktan ang kapatid ko? Sino ang may kagagawan nito?!" malamig na tinanong ni Gerald.“Pfft! G*go ka! Sino ka ba sa tingin mo? Ako ang may kagagawan nito! Anong gagawin mo sa sa akin?" Sabi ng isang binata.“Sinaktan ko rin siya!"Sa sandaling ito, humigit-kumulang isang dosenang binata ang nakatayo sa harapan ni Gerald.Nakakrus ang kanilang mga kamay sa harap ng kanilang dibdib at ang ilan sa kanila ay may hawak pang mga armas.Para bang pinipigilan nila si Gerald gamit ang kanilang nakakasindak na aura."Ganoon ba? Parang wala kayong balak magsisi, ha?" Sabi ni Gerald habang walang pakialam siyang nakangiti.“Hahaha! Mag
Nakaramdam ng tunay na kahihiyan si Yareth.Nakatuon sa kanya ang mga mata ng maaraming tao at umaasang gagawa sila na gagawa siya ng hakbang para labanan ang taong ito.Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumuko siya sa harapan ni Gerald.Ito ay napakasakit para kay Yareth.Gayunpaman, wala na siyang ibang paraan dahil ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa grupong iyon.“Hindi ‘yan ang tinutukoy ko. Pinagtulungan niyo ang kapatid ko, kaya paano ka makakabawi sa kapatid ko pagkatapos ng lahat ito? Kung hindi mo ito gagawin, papatayin kita ngayon din kahit ano pa ang iyong background!" Sabi ni Gerald habang nakatitig ng masama sa kanya.Pagkatapos nito ay pinagpawisan ang buong katawan ni Yareth."Pwede bang kalimutan na lang natin ito?"Alam ni Aiden ang background ni Yareth. Kaya naman, hindi niya napigilang sumagot habang naglalakad patungo sa gilid ni Gerald.Tinapik ni Gerald ang balikat ni Aiden bago siya tumawa.“Aiden, nakalimutan mo na ba? Naaalala mo ba na ikaw
“Siya ba si Mr. Gerald Crawford na inimbitahan ni Captain Younger dito para maging chief instructor?”Sabi ni Burnard habang nasa likod ang kanyang mga kamay at nakangisi siya habang nakatingin kay Gerald."Tama iyan!"Tumango si Gerald.“Hahaha! Mukhang hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao sa itsura nito! Hindi ko akalain na napakalakas mo sa murang edad. Totoo na kahanga-hanga ito!”"Pero madalas kong naririnig na sinasabi ng mga tao na ang isang tao ay madalas na nagpapahalaga sa kanilang sarili kapag mayroon silang higit na lakas at kakayahan. Hindi ko inalagaang mabuti ang kapatid mo noong nagtraining siya sa amin. Pero hindi mo dapat sisihin lamang si Yareth sa lahat ng ito. Kung gusto mong sisihin ang isang tao, dapat mong sisihin ang iyong kapatid na ito dahil hindi niya alam ang kanyang lugar! Hahaha!”Tawa ng tawa si Burnard habang winawagayway ang kanyang kamay.Mabilis na bumangon sa lupa si Yareth bago siya tumakbo sa likod ni Burnard."Tito, kung hindi ka du
Sa sandaling pumutok ang ginintuang ilaw, tumusok ito sa leeg ni Yareth na parang isang kutsilyo.Dilat na dilat ang mga mata ni Yareth, ngunit hindi nagtagal, bumagsak siya kaagad sa lupa.“Yareth!!!”Nanlaki ang mga mata ni Burnard sa sobrang gulat.Mabilis na namula ang eye socket niya.Ito ay dahil hindi niya nagawang pigilan ang malakas na suntok na iyon.“Pinatay mo ang pamangkin ko!!!” Galit na sinabi ni Burnard."Pinatay mo siya kahit na maliit na bagay lang naman ang ginawa niya!"Hindi akalain ni Burnard na ang taong ito na nakatayo sa harapan niya ay isang tao na napakalupit.“Malinaw ang sinabi ko kanina at pwede namang maiwasan ang pagkamatay niya. Ang kailangan lang niyang gawin ay gumapang, pero sinabihan mo siyang tumayo. Kaya, kailangan niyang pagbayaran ang presyo para sa kanyang mga aksyon at desisyon!” walang pakialam na sinabi ni Gerald.“T*ng-ina mo ka! Wala ka bang respeto sa Promissory Sect?!"Sobrang nalungkot at nabalisa si Burnard.Napalunok din a
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,