Ginaya lang ni Gerald ang ginawa ni Yin Yang kanina at ginamit niya ang sword tactic bago siya tumuro sa isang random na direksyon... Biglang nanginig ng malakas ang buong kwarto at ito ang naging sanhi ng pag-crack ng mga pader sa paligid at hanggang sa gumuho ito! Pagkatapos nito ay nagsimulang magpakita ang isang napakalaking espada na kumikinang purple at black! Ang pwersa na ito ay nagdulot ng malakas na hangin at nagulat si Terrance at Manager Waferer na nakatayo sa gilid dahil dumudugo ang sulok ng kanilang mga bibig pagkatapos nilang matamo ang malakas at matalas na hangin! Gayunpaman, masyado silang abala sa malakas na espada na lumiliwanag sa harapan nila para mapansin na nasaktan pala sila! Mukhang napakalakas nito kaya hindi mahirap sabihin na napabagsak nito ang restaurant gamit ang sandaling pwersa lamang! Kinumpas ni Gerald ang kanyang kamay at mabilis na nawala ang espada... Nang lumitaw ulit ito, bigla itong lumiit. Gayunpaman, ang espada na maliwanag ay tumama
“P-please huwag mo akong patayin, Mr. Crawford…! Nakikiusap ako sayo…!” sabi ni Yin Yang habang patuloy siyang nagmamakaawa. Patuloy na nagmamakaawa si Federico ngunit nagtataka rin siya kung bakit ang isang taong halos kaedad niya ay masyadong malakas. Matapos maging disipulo ni Yin Yang at pumasok sa realm of training, natural na naging mayabang si Federico at hindi siya papayag na kusang-loob na magpasakop sa isang tao mula kahit pa nasa desperadong sitwasyon siya. Dahil doon, mabilis siyang natauhan at mabilis na naisip na ang lahat ng ito ay kalokohan lamang! Hindi siya luluhod sa harap ng isang taong kasing edad lamang niya! 'Hindi ako kumbinsido na totoo ito...! Handang sumuko si master sa harap mo, pero hindi ko ito matatanggap! Ako ay isang tunay na lalaki na madiskarteng nagmamakaawa sayo! Markahan ang mga salita ko at paniguradong maghihiganti ako sayo balang-araw...!’ naisip ni Federico. Alam niya na ito ay pagpapanggap lamang kaya buong loob na handa Federico na
Nakita ni Gerald na paulit-ulit na tumango si Yin Yang kaya sinabi niya, "Ulitin mo ang tinanong ko noon bago mo sagutin ang tanong ko!" Napalunok si Yin Yang bago siya bumulong, "Ti-tinanong mo ako kung paano ko nakuha ang titulo ko at kung bakit pinili kong manatili kay Young Master Dun...!" Pinunasan ni Yin Yang ang pawis sa kanyang noo at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Naisip ko lang ang lahat ng ito mga kalahating taon pagkatapos kong magsanay para makamit ang spiritual enlightening. Mr. Crawford, alam mo ba na ang mundo ay mas nakakasabik at nakakamangha kaysa sa inaakala mo? Mayroong isang kaharian, isang buong mundo na pwedeng makita ng mga nagsasanay para makamit ang spiritual enlightening! Dapat mo ring malaman na marami sa kanila ay pipiliin na manirahan at magtrabaho kasama ng mga regular na tao! Ang tawag namin dito ay joining the society!" "Ang mga nakakakuha ng spiritual enlightening ay may matinding kapangyarihan at impluwensya na madaling magamit upang kontroli
Si Master Ghost ay isang kalmadong tao na may kahanga-hangang kakayahang hulaan ang hinaharap. Dahil doon, imposible para sa kanya na itapon lamang ang isang mahalagang magic artifact nang ganoon lang. Pero ano kaya ang kanyang intensyon...? Habang nag-iisip si Gerald, naisipan ni Zenny na magsalita, "May gustong sabihin kaya si Master Ghost sa atin, Gerald? Ito kaya ang paraan niya para humingi ng tulong?" Tumango si Gerald bago siya sumagot, “Baka nga. Halos perfect kung paano niya hulaan ang future, kaya malamang nahinulaan na niya na hahanapin natin siya. Kung tutuusin, hindi mahirap sabihin na alam na niya kung kailan tayo darating para kunin siya! Bakit pa niya hinayaang mapunta sa auction na iyon ang kanyang pinakamamahal na artifact nitong mga nakaraang araw? Kailangan muna nating pumunta sa Jenna Province University. Kapag nahanap na natin si Yul, tatanungin natin siya kung ano ang alam niya!" “Nag-aaral din ako sa university na iyon, master! Bakit hindi kita sinamahan d
Nang makita iyon, agad na hinawakan ni Gerald ang baywang ng dalaga bago niya ito tinulungang makatayo! "Diyos ko! Anong ginagawa mo?! Sinasamantala mo ba si Xyrielle sa harap mismo namin?!” galit na galit na sumigaw ang babae. Ang lakas ng loob niya para gawin ang lahat ng iyon! "Hin-hindi ito tulad ng iniisip mo, Xaverie...!" sabi ni Xyrielle habang sinusubukan niyang pigilan ang mga kaibigan niya sa pagsasabi ng hindi kinakailangan na bagay. “Wala kang dapat ikatakot, Xyrielle! Nandito kami para ipagtanggol ka! May tatawagan ako ngayon para pagbayaran ng batang ito ang kanyang ginawa!" sabi ni Xaverie habang galit na galit silang nagkakampihan para labanan ang common enemy nila. "Nagkamali kayong lahat! Pinipigilan niya akong mahulog kanina! Hindi niyo ba nakikita na may hukay doon?" paliwanag ni Xyrielle. “…Huh?” sagot ng mga kaibigan niya at nagulat sila sa kanilang narinig. Matapos mapagtanto kung ano ang tunay na nangyari, biglang naging malambot ang kanilang mga m
“Isang manghuhula...? Teka, naalala ko yata ang tinutukoy mo. Siya yung matanda, tama ba? Yung nakilala natin nung nasa outing tayo?" "Siya nga!" sagot ni Xyrielle sabay tango. “Hahaha! Nakakatawa ang lalaki na iyon... Natandaan ko na sinabi niya na, ‘Bibilis ang tibok ng puso mo at nakilala mo ang mahal mo sa buhay!’” sabi ni Xaverie nang maalala niya ang pangyayaring iyon. Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang nanlamig ang kanyang katawan. Nalaglag ang kanyang panga bago siya tumingin kay Xyrielle at sinabi, "Nagloloko ka lang, hindi ba...? Iyon ang lalaking nagpaantig sa puso mo?" Tumango siya sa kanyang mga kaibigan habang nakatingin silang lahat sa kanya na may pagtataka, ngunit si Xyrielle ay huminto ng saglit bago siya umiling at sinabi, “... Tumibok ng malakas ang puso ko pero hindi ko akalain na siya ang taong tinutukoy ng matanda… Kung tutuusin, sinabi ng manghuhula na iyon na ang taong magmamahal sa akin ay magkakaroon ng mga kakaibang karanasan sa buhay. Ang b
Patuloy na pinag-uusapan ng mga mula sa crowd ang tungkol sa training boy, habang si Xyrielle at ang iba ay nakikinig lang sa kanilang mga pag-uusap habang nakatingin sila kay Stetson. Sa nakikita nila, si Stetson ay may malamig na pagkatao. Hindi niya pinapansin ang lahat ng mga taong gumagalang sa kanya. Sa halip, umalis lamang siya at mukhang wala siyang pakialam... Naturally, mabilis na natapos ang mga usapan dahil si Stetson ay wala na doon. Habang unti-unting umaalis ang mga tao, biglang napaisip si Xyrielle, 'Siya ba talaga ang taong magmamahal sa akin...?' Nakay Stetson ang lahat ng kundisyon na binanggit ng manghuhula, ngunit wala siyang nararamdaman para sa kanya. Napatingin si Xaverie kay Xyrielle ay ngumiti siya habang dinuduro ang kanyang braso, “Ano, Miss Xyrielle Waddys? Anong iniisip mo?” "Wala akong iniisip!" “Nahuhulaan ko na kung ano ang nasa isip mo, kaya wala kang dapat sabihin! Mukhang binabalot ng kadiliman si Stetson, pero sigurado akong malapit na
“Salamat!” sagot ni Yul habang humihigop ng juice bago siya nagsimulang kumain. Makikita na nag-iingat pa rin siya sa kanyang mga kilos at salita... Nang mapansin iyon, ngumiti lang si Gerald bago niya sinabing, “Hindi ba three hundred thousand dollars lang ang natanggap mo...? Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Ang tinutukoy ko ay nang kumakain ka ng steamed buns na may pickles nang makita ka namin ni Perla!” "Ah... Ayokong gamitin ang pera. Walang problema sa akin na iabot ang pera sayo, kung iyon ang gusto mo…!" sagot ni Yul. Nakangiting umiling si Gerald, “Wala kami dito para sa pera, Yul. Nandito kami para tanungin ka kung paano mo nakuha ang Heavenly Horsetail Whisk. Mukhang wala ka naman planong i-auction ito noong una!" Saglit na napaisip si Yul at unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo bago niya sinabing, “...Pa-Pasensya na, pero hindi ko ito pwedeng sabihin sayo… Kung pera ang habol mo, kunin mo na lang ito…! May nagpagawa lang sa akin nito!" Sa puntong ito,
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,