Nagmamadali siyang pumunta sa pintuan at binuksan ito ni Seth, ngunit agad siyang binati ng isang baril na nakaturo sa kanyang noo! Nang makabawi mula sa kanyang pagkabigla, dahan-dahang tumalikod siya bilang ilang mga guwardiya — na nakasuot ng mga demanda — mabilis na nagsimulang lumabas ng bahay kasama si Suri pati na rin ang lolo ni Seth, pareho silang gaganapin sa gunpoint. "Walang gumagalaw o kukunan ako!"sumigaw ng isang taong may edad na — na tila pinuno ng pangkat - habang mahigit isang dosenang higit pang armadong bodyguard ang lumabas mula sa kagubatan sa likuran ng bahay. Sa kasalukuyan, ang lahat na hindi isang bantay - ay may hindi bababa sa ilang mga baril na naglalayong sa kanila, kahit na si Gerald ay ang pinaka-target. Kasunod nito, ang taong nasa gitnang may edad ay nasasabik na sinabi, "Para sa iyo upang mahulaan na si Gerald ay narito, tunay na mayroon kang hindi kapani-paniwalang pananaw, panganay na binibini! Talagang gumawa kami ng isang mahusay na tagum
Talagang natatawa si Gerald sa pagtatangka nilang hulihin siya. “Humph! Nagyayabang kahit malapit ka nang mamatay? Walang hiya ka talaga! Sana marealize mo na natalo lang ako nung araw na yun dahil naging pabaya ako! Noong natalo ako, alam kong hinding-hindi ko makakalimutan ang kahihiyan na naramdaman ko sa sandaling iyon sa buong buhay ko! Dahil doon, nanumpa ako na papatayin kita sa lalong madaling panahon para makapag-higanti ako at ngayon, sa wakas ay nasa kamay na kita!" deklara ni Fernando bago siya umubo. Makikita doon na hindi pa naghilom ng maayos ang mga sugat na natamo niya sa kanyang likuran. “Tama siya! Kailangan nating tapusin ang sama ng loob sa pagitan natin! Paniguradong hindi kita bibitawan ng madali sa pagkakataong ito!" panunuya ni Matilda bago siya malisyosong tumawa. Gayunpaman, umiling lang si Gerald bago niya sinabing, “Sayang naman…” Naningkit ang mga mata ni Fernando bago siya nagtanong, “…Anong ibig mong sabihin diyan? At bakit ka umiiling? Alam ko n
“…Paano… nangyari ang lahat ng ito…?” naguguluhan na sinabi ni Fernando. "Sinabi ko na sayo na ang mga baril na iyon ay mga laruan lang sa akin. Ang mga guards mo naman ay mga basahan lang para sa akin! Hindi ka talaga dapat kumilos nang padalus-dalos, hindi mo ba alam iyon? Sinaktan mo ang kaibigan ko... Mukhang gusto mong mamatay, tama ba?" sagot ni Gerald sabay ngiti. “...Hindi... hindi ako naniniwala na masyado kang makapangyarihan! Guards! Patayin natin siya!" sabi ni Fernando habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin dahil sa kanyang sama ng loob. ‘Magkasing edad lang kami... Pero paano siya magiging mas makapangyarihan kaysa sa akin...?!' Sa puntong iyon, alam ng lahat ng mga guwardiya kung gaano kadelikado ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. Ang kasalukuyang nararamdaman nila ay parang nahulog sila sa isang napakalamig na kweba na walang malalabasan. Kinilabutan sila nang makita ito dahil alam ng mga guwardiya na pwede silang mamatay. Gayunpaman, hindi nila pwedeng ha
Gaya nga ng sinabi ni Gerald, wala nang ibang paraan para makatakas pa si Fernando sa kanyang kamatayan. Itinuro ni Gerald ang daliri niya at agad na sumuka ng dugo si Fernando bago siya tuluyang bumagsak sa lupa. Si Matilda naman ay sumisigaw na sa sobrang takot habang sinasabunutan ang kanyang buhok. Napaluhod siya sa harap ni Gerald at agad siyang nagmakaawa, “Huwag mo akong patayin…! Hindi ko sinasadya ang ginawa ko...! Pakiusap, huwag mo akong patayin…!" "Nabigyan ka na ng sapat na pagkakataon, kaya tumigil ka!” sagot ni Gerald habang nakatutok din ang daliri sa kanya at hinagis niya ang kutsilyo sa kanyang leeg! Bumagsak siya sa lupa hanggang sa mawalan siya ng malay at tuluyan nang mamatay. Matapos masaksihan ang lahat ng nangyari, si Rosie ay nanginginig habang sinasabi niya, "Nakakatakot... na kaya mong pumatay ng napakaraming tao sa loob ng napakaikling panahon...!" “Pinapatay ko lang ang mga karapat-dapat na mamatay,” kaswal na sumagot si Gerald. Sa pagkakataong
‘Noon, halos hindi makayanan ni Gerald ang isang suntok mula sa akin… Siya ay parang papet lang noon! Sandali lang kaming nahiwalay pero sobrang lakas na niya... Ayokong aminin ito, pero sa kanyang kasalukuyang lakas, matutumbasan na niya ang kalakasan ko... Kaya pala malakas ang loob niya…!' naisip ni Queena sa kanyang sarili. Hindi ako mahihirapan na talunin siya sa kanyang kasalukuyang lakas, pero ang paghuli o pagkontrol sa kanya ay halos imposible na ngayon! Kung tutuusin, mabilis niyang naiwasan ang mga atake ko sa kanya!' Habang pinagmamasdan ni Queena ang sitwasyon, pinandilatan lang siya ni Gerald bago niya sinabing, "Wala akong kakayahang patayin ka sa ngayon, pero alam kong mahihirapan kang mahuli ako!" “…Ikaw… Anong sabi mo…? Gusto mo akong patayin...?" hindi makapaniwalang sumagot si Queena. ‘Minahal kita sa loob ng ilang libong taon...! Tapos sasabihin mo sa akin ngayon na may iba pa bang babae na kasing loyal at passionate ko?! Talagang gusto mo akong patayin nga
"Magpatuloy ka…" "Gusto kong magkaroon ng union sa pagitan nating dalawa. Kapag umasa ako sa purong yang energy sa iyong katawan, magiging katulad na niya ako at magkakaroon din ako ng pagkakataong makapagsanay ng Thunder Eruption. Kapag nasanay na ako, makakapag-travel na ako pabalik-balik sa pagitan ng mundo at Jaellatra! Sa madaling salita, isang hakbang na lang ako para makamit ang pangarap kong dumaan muli sa totoong rebirth!" Nang marinig iyon, lumalim ang boses ni Gerald habang sumasagot, “...Base sa pagkakaintindi ko ngayon, gusto niyong dalawa na makapasok sa Jaellatra... Mukhang imposible na makapag-negotiate pa tayo!" “Isang negotiation? Ano ang iyong terms?” "Sa tingin ko kailangan nating gumawa ng isang alliance upang ibagsak ang King of Judgment Portal. Mayroon akong dalawang dahilan upang i-back up iyon. Una, pwede akong mamatay sa kanyang mga kamay kung hindi ako makakakuha ng sapat na tulong. Pangalawa, sa pagkakaintindi ko, mukhang hindi ka rin niya hahayaan n
"Oo naman sasama ako! Kung tutuusin, ito ang unang pagkakataon na sinabi mo na manatili ako sa tabi mo!" sagot ni Queena na may nakakaakit na ngiti. Nang marinig iyon, tumango lang si Gerald sa kanya sabay ngiti. Naturally, hindi niya sasabihin sa kanya na ililigtas niya ang babaeng nakaputi sa hatinggabi. Gayunpaman, alam din niya na kung hindi siya handang gumawa ng kaunting compromise, paniguradong magdurusa siya kung sakaling sirain ni Queena ang kanyang mga pagsisikap kapag na-summon niya ang babaeng nakaputi... Makalipas ang isang oras ay nagtanong si Gerald, “Seth, naaalala mo ba talaga kung saan ang snake cave…?” Ang tatlo na sumusunod kay Seth ay binubuo ni Rosie na curious tungkol sa snake cave, si Queena na pumayag na sumama mula nang imbitahan siya ni Gerald at si Gerald. “Malamang alam ko! Pero medyo secluded ang lugar na ito, kaya kailangan kong bilisan!” sagot ni Seth habang napakamot sa likod ng kanyang ulo bago humakbang sa kalapit na malaking bato. Makali
Bukod doon, mayroon ding ilang mga paglalarawan ng napakalaking mga ibon at hayop, hindi nila alam kung sinasadya nilang i-drawing ito ng ganitong paraan. Sinuri pa ito ni Gerald at nakita niya ang isang medyo pamilyar na imahe ng isang napakalaking nilalang na parang isang paniki. Napa-isip ni Gerald habag tinitingnan niya pa ito, ‘... Hindi ba nakita ko ang isang nilalang na tulad niya sa minahan kung saan ko iniligtas si Yume at kung saan ko nakuha ang water repellent stone...? Isang malaking paniki na may ulo ng isang tao... Inakala ko noon na ito ay isang paniki na demonyo na sumailalim sa matinding pagsasanay, pero dahil ito ay nasa mural na ito, malamang ito ay isang uri ng sinaunang nilalang na buhay pa rin hanggang ngayon... Pero... Paano ito nangyari...? Napakaraming kakaibang bagay ang nangyayari ngayon…'Lumingon siya kay Queena, na kanina pa nabibighani sa loob ng kweba at nagtanong si Gerald, “…Sabihin mo sa akin kung anong uri ng mundo ang inilalarawan sa mga dingding…
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,