Napabuntong hininga ako at napatingin kay Theus na tulog na tulog na sa higaan nito. Nakatagilid ako ng higa habang kaharap ang natutulog na si Theus.
I wasn't supposed to sleep on Favio's bed pero nakatulog na kasi sila Monique sa baba eh. Nakayapos pa sa isa't isa, nahiya naman akong gisingin sila.
Nanood kasi ako sa tv dito sa room nila Theus kanina kaya bumaba si Favio at sinamahan ang jowa niya sa baba. Nawili kami ni Theus sa panonood sa isang local entertainment channel kaya hindi ko na rin napansin na nakatulugan ni Theus ang panonood at pati sila Monique nakatulog na rin sa baba.
Bumuga ako ng hininga at tumihaya. Nakatitig ako sa kisame nang maalala iyong nangyari kanina sa may pool.
Dinaldal ng dinaldal ako ni Nica ng matiyempuhan niya ako. Ang dami niyang sinabi 'gaya nalang ng, "Grabe! Noong huli kong kita kay Angelique, ang ganda-ganda niya, ngayon, sobra-sobra pa! I mean, para siyang epitome of perfection! Alam mo 'yon
Naramdaman kong hinila ako ni Theus pataas mula sa ilalim ng tubig. Mahigpit ang kapit niya sa bewang ko. Napasinghap ako ng maingat na niya ako. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginawa naming pagtalon! Nagawa ko! Namin! Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan! "Oh my god!" Natawa si Theus sa reaksiyon ko. Wala na akong pake kung gaano pa ako kapangit sa mukha ni Theus ngayon. Nagkalat sa buong mukha ko ang buhok ko. Ilang beses kong ipinunas ang kamay sa mukha ko para lang tanggalin ang dumikit kong hibla-hibla ng buhok doon. Naghabol ako ng hinga. Ramdam ko pa rin ang adrenaline rush sa buong katawan ko! Iyong kaluluwa ko yata ay nawala sa akin ng ilang saglit. Tawang-tawa naman akong tinulungan ni Theus na tanggalin ang mga tikas ng buhok kong nanikit sa mukha ko. "Grabe, ang sakit niyo sa mata! Sana all may kasamang tumalon!" Narinig ko si Nico na nagda-drama na naman.
"Ito... nakikita ko rito..." pambibitin ni Manang at itinuro iyong sa itaas na bahagi ng palad ko.Tahimik sila Stan at para bang mataimtim na nakikinig ng leksyon ng isang guro."Nakikita kong magiging mas masaya ka kung hindi ka palaging nag-iisip ng mga kung ano-ano. Parang... parang iyon... iyon ang malaking bagay na pumipigil sa 'yo, sa puso mo para tuluyan nang sumaya. Marami kang iniisip... iniisip na dapat ay hindi naman pinag-iisipan pa. At mga pangamba na hindi naman dapat nandiyan sa puso mo." Nangunot ang noo ko nang makitang sinulyapan ni Manang si Theus sa gilid ko na mariin yata ang tingin kay Manang.Pinagtuunan ulit ni Manang ang kamay ko. "Masuwerte ka... sana, kung hindi ka lang palaging may iniisip kasi nakikita ko rito na iyon ang sagabal, ang sobrang pag-iisip. At pakatandaan mo, hija, I was generalizing what I said but only for you. Sa 'yo na rin if ala
"Mommy! There's fire!" Si Andrea iyon at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga nagsasayawang tao na may kaniya-kaniyang hawak na baton yata iyon na nagliliyab ang bawat dulo. Nag-dinner nga kami rito sa outdoor ng restaurant at pagkatapos ng dinner ay iyon ngang seasonal entertainment show ang pinanapanood namin ngayon. Kahit delikado noong mga pinaggagawa nila ay hindi ko pa rin mapigilang tumingin. Todo hataw at kembot ang mga dancer habang iwinawasisaw iyong nag-aapoy na magkabilang dulo ng baton nila. Tumutunog din iyong mga parang maliliit na bell sa bewang nila. Gawa sa sako iyong suot nilang saya na abot paa nila. Mukhang mga professional dancer ang mga ito. Pero nakakakaba pa rin iyong ginagawa nila kasi paano kapag may nangyaring aksidente? Gawa pa naman sa light materials iyong suot nila. Pero
Isang linggo nalang at matatapos na ang bakasyon namin pero ang dami pang puwedeng gawin sa resort.Sa araw na 'to, susubukan namin iyong Glass Bottom reef tour nila. Isa iyong activity sa resort na kung gusto mong ma-explore ang coral reefs, the marine sanctuary, na hindi nababasa or lumalangoy ay ito ang option.Sobrang ganda ng mga coral reef. Halatang-halata na inaalagaan nila ito ng maayos. Sobrang dedicated pa noong si kuya na nag-assist sa amin about sa goal nila, sa mission and vision nila about sa marine sanctuary. Iyong mga ginagawa nila para mapanatili sa maayos na kalagayan ang mga coral reef at ang marine sanctuary.Nakakatuwa lang. Kitang-kita mo iyong passion and dedication nila sa nature. Nakakatuwang makita na gano'n nila kamahal ang kalikasan. Iyong mga advocacy nila para sa marine life. Nakakataba lang sa puso na maraming tao ang nag-iisip at
Kinalaunan, nasanay na rin ako sa ginagawa ng mga isda sa mga paa ko. Namalayan ko nalang na ang sarap pala sa pakiramdam ng ginagawa ng mga isda sa paa ko. Ni hindi ko na nga palaging tinitingnan iyong mga paa ko para tignan kung ano na ba ang pinaggagawa ng mga isda roon. Nawili rin kasi ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanila ni Nica. Nakailang picture pa nga ako sa paa kong nakalublob sa pond habang may mga isda sa talampakan ko. Kinuhanan ko rin ng mga picture iyong old balete tree. Nag-picture-picture na rin kami nila Nica pati na sila tita. It was a nice sunny afternoon. Sobrang peaceful ng place. "Tita, daan po tayo roon sa souvenir shop! Bili tayo ng mga anting-anting!" saad ni Nica. "Hay, kung ano-ano na naman iyang nakita ni Nica, Massimo." Kamot-ulo ni Nico. Wala namang pake si Massimo na nilalaro-laro iyong
Para sa natitirang araw, pumunta kami sa Kalma Kamay. Ang Massage and Reflexology Centre ng beach resort.Hapon na iyon ng magpa-massage kami. Halos inabot kami ng gabi roon."Grabe, ang sarap ng pakiramdam ko!" Inat-inat ni Nica sa katawan niya pagkalabas namin ng Centre.Kakatapos lang kasi ng massage session namin. Magaan ang pakiramdam namin paglabas doon sa bungalow type na lugar kung saan kami minassage. Mag-aalas cinco na siguro sa hapon. Ilang oras din ang tinanggal namin doon.Nakita namin sila Theus na kakalabas lang din sa bungalow. Lahat kasi kami ay nagpa-massage. Para naman pag-uwi namin ay hindi talaga parang pagod dahil sa mga ginawa namin dito sa Island.Dahil halos labahan na iyong mga dala kung damit, pinili kong suotin iyong dark blue ruffle hem shirred waist swiss dot dress para sa dinner. Mani
Diyos ko. Kung hindi pa ako napakapit kay Theus ay baka napasalampak na ako sa lupa.Pakiramdam ko huminto yata ng sandali ang mundo. Gasgas na 'yan pero iyon ang naramdaman ko.Pakiramdam ko nahulog ako... nahulog ng nahulog ng nahulog...Ano raw?He likes me?Nabibingi na talaga ako.Bakit... bakit naman ako? Ako, gusto niya?Totoo ba 'to? Hindi.... hindi ba 'to isa na naman sa mga panaginip ko?Pero bakit... bakit ganito ka-intense iyong nararamdaman ko kung panaginip ito?Gusto niya ako? As in like? Baka naman hindi talaga like 'like' kagaya ng iniisip ko.Hindi... hindi.... Nabingi lang talaga ako.Naka-move on na ba siya sa ex niyang si Angelique?Totoo ba talaga 'to?
After that very, very memorable and remarkable summer vacation experience, bumalik na sa dati ang lahat. Parang nakakapanibago tuloy... nakaka-miss na makarinig ng hampas ng alon sa umaga.. hindi ang ingay ng mga sasakyan na halos mag-away sa kalsada dahil sa bagal na usad ng traffic."Bye, Jia! Kita tayo paminsan-minsan, ah? Baka naman dahil nakabalik na tayo sa city, etchapwera na ako! Gala tayo minsan, girl. In-add na kita sa Facebook, accept mo 'ko," daldal ni Nica.Ngumiti ako at kumaway sa kanila ni Massimo na nasa harap na ng service nila pauwi. Pinapapasok na siya ni Massimo kasi nga uuwi na sila pero si Nica... hay nako, itong babae talaga na 'to.Lumingon ulit si Nica sa akin at pinandilatan ako ng mga mata. "Jia, girl, iyong sinabi ko sa 'yo ah!" saad niya at tumingin kay Theus na nasa gilid ko. "At ikaw, hoy!" Turo niya kay Theus. Nagulat ako sa lakas ng boses ni Nica.&
After all the hardships, this is where I'll end up. Walking down the aisle, I can't help but to feel emotional. I didn't expect this day to come much this soon. Neither did I imagined something like this... I looked at my father beside me. Naiiyak si papa pero pinipigilan niya ito. Inangkla ko ang kamay ko sa nakalahad niyang braso. We continued walking slowly. Hindi maka-focus ang mata ko sa lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako. I guess ganito talaga. Wedding jitters. Three years had passed. Nagkaayos naman kami ni papa. Sinabi ko sa kaniya iyong problema ko tungkol sa bagong pamilya niya. Naging maayos naman kami ni tita Dina. Masakit mang aminin pero nakikita ko iyong sulyap at tingin ni papa kay tita Dina na katulad kung paano siya tumingin kay mama noon. My father is really in love with her. At alam kong wala na akong magagaw
"Huh? Buntis na ulit si Nica? Lagot sila. Tatlong buwan pa raw bago ang kasal, 'di ba? Grabe talaga si Massimo," bulong ko sa huling pangungusap. Hindi ko nanguya ng maayos ang kinakain na fishcakes dahil sa nalaman.Kausap ko si Monique sa kabilang linya na nasa ospital ngayon dahil kay Nica na hinimatay raw kanina habang nasa isang gym sila.Mas nauna niya pa akong tinawagan kaysa kay Massimo. Ewan ko ba rito sa kanila. Suki kasi si Monique sa pag-ji-gym kaya noong malaman iyon ni Nica noong nakaraang buwan ay nagpa-member ito sa gym na member si Monique kasi gusto raw nito mag-loss ng kaunting weight kasi raw tumataba na raw siya, iyon naman pala buntis na ulit!Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa baby sa tiyan niya. Tinatawagan na ngayon ni Nica si Massimo para ibalita rito ang nalaman. Nako, lagot talaga sila kay tita Masi. Sabi nang kasal muna bago bigyan ng kapatid si Winon
With all of the things that are happening in my life right now, I thought of my loving mother.Ang mama ko na palaging nandiyan para sa akin. Na sinusubaybayan ako. Na palagi akong gina-guide sa lahat ng ginagawa ko. Nakakapanghinayang. Ni hindi man lang naabutan ni mama na magkaroon ako ng boyfriend.Noong nalaman kong namatay si mama.. naisip ko na, masaya ba siya? Maayos ba ang ikinahantungan niya? Hindi.. hindi na ba siya malungkot kung nasaan man siya? Hindi na ba siya nasasaktan? Pa'no na kami ngayong wala na siya?Nakakapanibago kapag hindi ko nakikita ang mukha ni mama sa umaga, kapag tinatawag niya kami nila kuya Rino para kumain, tuwing sinisermunan kami ni mama kapag naaabutan niya kaming nagpupuyat, iyong luto ni mama, ang amoy ni mama na palagi kong hanap-hanap, ang palaging pagpapaalala sa amin ni mama na huwag walain iyong mga payong namin, at ang lahat pa ng ibang bagay na kinalakihan
Hindi ako mapakali sa passenger seat ng sasakyan ni Theus. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. Nababagot ako sa kinauupuan ko sa tagal ng usad ng traffic, na ikinapapasalamat ko pa pero ang isipin kung saan kami pupunta ay 'di ako magawang maperme.Napatingin ako kay Theus na nag-da-drive. Ngayong araw kasi namin sasabihin sa pamilya niya na kami na. Syempre, nakakakaba iyon lalo na na hindi lang pamilya lang talaga ni Theus. Pati iyong iba pang kamag-anak ni Theus. Sa mansion kasi kami patungo kung saan nandoon nagtitipon-tipon iyong mga relative niya.Panigurado 'ando'n din sila Nica. Nandoon din kaya sila kuya Pyramus?Simpleng plain bodycon dress at flat pointed shoes lang ang suot ko. Theus' fam surely wouldn't mind my outfit pero syempre, dahil gusto kong maging presentable, nag-ayos na rin sa mukha ng kaunti. I even took my time ironing my hair. Mabuti nalang at maayos ang kinal
"Good morning, girlfriend," ngiting-ngiting bati ni Theus pagkabukas ko ng pinto."Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng ganiyan!" apila ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako. Ang aga-aga niya talaga!Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko. Nasamyo ko ang bango niyang kakaligo lang. Nahiya naman ako sa kaniya! Hindi pa ako nakakaligo! Naghilamos lang ako kanina kasi mamayang 10 A.M. pa naman ako pupunta kila ate Alice.Simula nang sinagot ko siya noong isang araw ay panay tawag siya sa akin ng “girlfriend”, hindi lang daw kasi siya makapaniwala na kami na raw, pa'no pa kaya ako?It's like a wildest dream coming true and it really did came true."I still can't believe it, girlfriend. Nag-breakfast ka na ba?"Nilakihan ko ang bukas ng pinto at pinapasok na siya.
Napakabobo ko talaga. Napakabobo mo, Jianna Ranne Abrantes. Noong nagpaulan siguro si Lord ng kabobohan, sinaulo ko siguro lahat, nagbabad yata ako.Nasaktan ko na naman si ate. Ano bang problema sa akin at halos lahat ng iniisip ko ay mali? Masiyado na talaga ako. Sobra nga talaga akong mag-isip.. pero bakit hindi ko mapigilan? Nagkamali na naman ako. Nainsulto ko na naman si ate Dasha. I jumped into the conclusion kahit naman hindi ako sure... well, akala ko talaga...All this time, mali pala ako nang akala?Ang tanga ko. Grabeng katangahan naman 'yon, Jia.I was so dense. Ni hindi ko man lang kinuhang hint iyong mga hirit ni ate na akala ko ay sarcastic. Diyos ko, ang tanga, Jia. Ni hindi ko man lang naisip ang ibang dahilan, puro nalang hindi kaaya-aya ang naiisip ko pero syempre, it was too good to be true. Sa panahon ngayon, ang hirap nang magtiwala kaaga
"Hoy, girl! Kailan mo sasagutin si Theus? Lagpas isang buwan na rin kayong naglalandian- ay, este, nagliligawan. Ano ba 'yan! Ang saya-saya ko talaga! Iyong shini-ship ko lang noon, nagliligawan na ngayon. Sana naman, Lord, matauhan na iyong isa rito at sagutin na iyong nag-iisang manok ko, Diyos ko."Natawa ako kay Nica nang mag-sign of the cross pa siya.Ang ingay-ingay talaga ng babaeng ito. Halos kapag nagkikita kami, puro iyon ang litanya niya. Nagrereklamo na nga si Massimo dahil sobrang nag-focus si Nica sa amin ni Theus kaysa sa kaniya na parati yatang kulang sa pansin.Linggo-linggo, nag-de-date kami ni Theus. Kadalasan ay night dates dahil minsan nataon kasi na hindi pa ako makaalis sa kina ate Alice kasi ang tagal matulog ni baby Giselle. Noong una dalawang beses sa isang linggo naman kami nag-de-date kaso wala lang, mas better mag-date kapag gabi. Minsan nga dinala ako
Permission"Theus.. papayagan na kitang manligaw.."Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil para yatang mawawalan ako ng hininga sa bilis ng pagkakasabi ko no'n. Abot-abot sa mga tenga ko ang tibok ng puso ko. Parang na-drain na talaga ang lahat ng energy ko sa katawan dahil lang sa maikli kong pahayag.Habang kaming dalawa lang sa elevator, marami-rami rin akong naisip.Dahil kay Theus naman ako sumabay kanina papunta sa birthday party ni France at Nico, ay siya rin ang naghatid sa akin dito sa condo. Hindi naman na kami sumali sa inuman nila Nico. Grabe, mukha ngang matira, matibay ang siste nila. After party lang din naman na iyon. Kaya nauna na kami ni Theus. Ewan ko nga lang if sa unit niya ba rin ba siya mamamalagi ngayong gabi.I've been thinking a lot of things for the past weeks. At hindi ko na itatangi na halos si Theus l
Status "Hi, Jia! It's very, very nice to see you here again! I'm glad you are here," saad ni ate Minerva, isa rin sa mga cousin ni Theus na isang dekada yata ang tanda sa kaniya. Si ate Minerva ang mama ni France, ang isa sa birthday celebrant. Tumingin siya kay Theus na nasa tabi ko lang. Ngumiting aso si ate Minerva at umirit. "Kaya pala, ha, Theus." Bumaling sa akin si ate Minerva. "Kayo na?" ngiting-ngiting tanong niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hindi po, ate. Hindi po." Iiling-iling ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa sinabi ni ate. Diyos ko, mukhang kami na naman ang target nilang pag-usapan. Ngumuso si ate. "What? Ang hina mo talaga, Theus! Mabuti pa si Massimo, may girlfriend na, may instant baby pa talaga!" "Mahal." Big